Close
 


4 BUSINESS IDEAS Na Pwede Mong Simulan Sa Maliit Na Puhunan (NEGOSYO TIPS)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Negosyo sa maliit na puhunan by Wealthy Mind Pinoy. Ngayon ay ibabahagi ko sayo ang apat na negosyo na pwede mong simulan gamit lang ang maliit na puhunan. VIDEO OUTLINE: 00:00 Introduction 01:34 BUSINESS 1: Mobile Car Wash 02:42 Car wash equipment. 06:56 BUSINESS 2: Online Food Business 09:17 BUSINESS 3: Piso Printing Business 10:42 BUSINESS 4: Houseplant & Herbs Business 12:39 Summary CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #wealthymindpinoy #negosyosamaliitnapuhunan #negosyoideas
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 13:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.5
Nagiisip ka rin ba kung paano madagdagan ang iyong income ngayon?
00:04.2
Ang mahal na kasi na mga bilihin kaya iyong income mo dati na meron pang natitira,
00:08.9
ngayon ay sakto na lang at madalas ay kukulangi na.
00:12.4
Kaya inapaisip kang nagdagan ang iyong income sources.
00:16.1
Meron ka nang naiipon na 10,000 pesos at curious ka kung anong negosyo ang pwedeng simulan gamit ang ganitong kapital.
00:23.5
Siguro ay iniisip mo dati na malaking kapital ang kailangan sa pagsisimula ng isang negosyo
00:28.6
o hindi mo alam kung anong produkto ang pwedeng ibenta
00:32.1
at wala ka rin skills kung paano magpatakbo at magmanage ng negosyo.
00:37.2
Normal lang na ito agad ang maiisip mo, lalong-lalo na kung hindi mo pa nasubukang magnegosyo
00:42.7
dahil ang gusto ng iyong utak ay manatili ka lang sa iyong comfort zone at gawin kung ano ang nakasanayan.
00:49.2
Pero gusto kong malaman mo na hindi lahat ng negosyo ay nangangailangan ng malaking kapital.
00:55.0
Kung wala ka rin idea sa mga produkto na pwedeng ibenta,
00:58.6
magdanong ka sa iyong mga kaibigan o mag-search ka online.
01:02.8
Pwede rin obserbahan mo kung anong produkto ang mataas ang demand sa iyong paligid.
01:07.4
At kung skills naman sa pagnenegosyo ang iyong pinaw problema,
01:11.2
hindi mo yan kailangang problemahin dahil more on basic knowledge lang ang kailangan mo kung nagsisimula ka pa lang.
01:17.1
Kung meron ka pa rin pagdududa na pwede kang magsimula ng negosyo gamit lang ang maliit na puhunan,
01:23.5
panuurin mo ang video nito dahil ibabahagi ko sa iyo ang apat na negosyo
01:27.1
na pwede mong simulan gamit lang ang 10,000 pesos or less na kapital.
01:34.1
At ang unang negosyo na pwede mong simulan ay mobile car wash business.
01:39.3
Sa nagdaang mga taon, nasilayan natin ang pagtaas sa demand ng car wash business.
01:44.4
Bunga na rin ito sa pagdami ng mga taong nagmamayari na mga motorsiklo at sasakyan.
01:49.9
Kaya napakagandang opportunity na pasukin at simulan ang ganitong negosyo ngayon.
01:54.6
Ang kagandahan sa mobile car wash business,
01:57.1
ay pwede mo itong simulan gamit lang ang maliit na puhunan.
02:01.3
Yes, maliit lang na kapital dahil hindi ito kagaya sa traditional na mga car wash business na kailangan mo pa ng location.
02:09.0
Magbabayad ng malaki sa mga materyales para magpatayo ng maliit na gusali at bibili ng mga high-end na car wash equipment.
02:17.2
Pero sa mobile car wash business ay hindi mo kailangan ng location dahil ikaw na mismo ang lalapit sa iyong customers.
02:24.1
Ang kailangan mo lang bilhin ay mga car wash equipment.
02:27.1
Pero kasya kaya ang 10,000 pesos dito?
02:30.1
Kwentahin na lang natin kung magkano ang aabutin sa pagbili ng mga gamit.
02:35.1
Ang mga gamit na ibabahagi ko dito ay galing sa Shopee at posibleng mas mahal ito sa ibang online store o mas mura.
02:42.1
Ang unang item na kailangan mo ay high-pressure washer.
02:46.1
Ito ang pinakamahalagang gamit mo sa iyong car wash business kaya mabuting hindi ka gagamit ng mga cordless o mga portable na pressure washer dahil mabilis lang itong malobat.
02:56.1
Ito ang pinakamahalagang gamit mo sa iyong car wash business kaya mabuting hindi ka gagamit ng mga cordless o mga portable na pressure washer dahil mabilis lang itong malobat.
02:57.1
Ang budget-friendly na pressure washer na may re-recommend ko ay ang sa Incco.
03:02.1
Set na siya at meron na rin itong foam cannon.
03:05.1
Ang price nito sa Shopee ngayon ay 3,475 pesos lang.
03:10.1
Ang susunod na kailangan mong bilhin ay car shampoo.
03:14.1
Merong available na 1 gallon sa halagang 169 pesos.
03:18.1
Tapos kailangan mo rin ng all-purpose cleaner na worth 230 pesos ang isang litro.
03:24.1
Kailangan mo ito para mabilis mong mapalambot ang isang litro.
03:26.1
Kailangan mo rin bumili ng wax.
03:31.1
Pampakintab ito ng mga fairings.
03:33.1
At tandaan mo lang na hindi mo ito i-apply sa mga matte finish.
03:37.1
Dahil applicable lang ang wax sa mga glossy finish.
03:40.1
Susunod ay ang tire black na worth 159 pesos ang 250 ml.
03:46.1
Next ay microfiber towel.
03:48.1
Meron nang mabibiling isang dosena na worth 137 pesos lang.
03:53.1
Tapos kailangan mo ng brush para sa gulong
03:55.1
at mga sulok ng motorsiklo at sasakyan.
03:58.1
Meron nang isang set na mabibili mo lang sa halagang 468 pesos.
04:03.1
Kailangan mo rin ng protectant.
04:05.1
Tapos dalawang timba at dalawang grit guard.
04:08.1
Ang isang timba ay para sa sabon.
04:10.1
At ang isa naman ay banlawan.
04:12.1
Kailangan mo rin bumili ng snow foam shampoo.
04:15.1
Chamois para mabilis matuyo ang hinuhugasan mong sasakyan.
04:19.1
Kailangan mo rin ng vacuum at blower.
04:22.1
At meron na rin produkto ang ingko dito.
04:24.1
Kailangan mo rin ng polisher at rubbing compound.
04:27.1
Gagamitin mo ito para pakintabin ulit ang mga cover ng sasakyan na merong minor scratches.
04:33.1
At ito lang muna ang bibilihin mo kung nagsisimula ka pa lang.
04:37.1
Bale ang inabot sa lahat ng equipment na kailangan mo ay 8,000 pesos.
04:42.1
Isama mo na ang 1,500 pesos na shipping fee.
04:46.1
At aabot lang ito lahat sa 9,500 pesos.
04:50.1
Ngayong tapos na tayo sa costing ng mga equipment,
04:53.1
kailangan mo namang pagplanuhan kung anong services ang ibibigay mo sa iyong mga customer
04:58.1
at kung magkano ang singil mo sa kanila.
05:01.1
Halimbawa, exterior wash, 50 to 100 pesos kung motor.
05:06.1
At 100 to 150 pesos naman kung sasakyan.
05:10.1
Waxing and polishing, 350 to 500 pesos sa motor.
05:15.1
At 1,000 to 2,000 pesos kung sasakyan.
05:19.1
At detailing, 1,000 to 1,500 pesos.
05:22.1
At 4,000 to 6,000 pesos kung sasakyan.
05:28.1
Kung gusto mong ma-improve ang iyong kaalaman sa pagka-car wash,
05:31.1
marami na mga YouTube channel na nagtuturo kung ano ang step-by-step process sa paglilinis ng mga sasakyan.
05:38.1
Pagkatapos mong mag-costing sa mga equipment at gumawa ng plano sa iyong mga services,
05:43.1
kailangan mo namang gawa ng plano kung paano bigyan ng exposure ang iyong negosyo.
05:48.1
At ang pinaka-effective na paraan sa pagmarket ng iyong negosyo at mga services,
05:50.1
ay gumawa ka ng Facebook page.
05:56.1
Pwede kang magsimula sa pag-invite ng iyong mga kaibigan at mga kapitbahay na mag-follow sa iyong page
06:02.1
at alokin mo sila kung gusto ba nilang magpa-car wash.
06:05.1
Tapos sa tuwing meron kang nililinisan na sasakyan,
06:08.1
gawan mo ito ng video at i-upload mo sa iyong business page.
06:12.1
At kapag nagkaroon ka ng konting budget,
06:15.1
pwede kang magpara ng ads para marami pa ang makakaalam ng iyong negosyo at servisyon sa iyong business page.
06:20.1
Mahalagang humingi ka rin ng suggestion at feedback sa iyong mga customer
06:25.1
para alam mo kung saang bahagi ng iyong negosyo ang dapat gawa ng improvement.
06:30.1
Mataas ang demand ng mobile car wash business at naniniwala akong patuloy pa itong tataas sa hinaharap.
06:36.1
Dahil marami ng mga car at motorcycle owners na naghahanap ng convenience at gustong gamitin na lang ang kanilang oras sa ibang bagay.
06:44.1
Ipagpatuloy mo lang naaralin ang mga bagay na dapat mong matutunan sa ganitong negosyo.
06:49.1
At maging committed ka rin sa iyong ginagawa para mabigyan mo ng satisfaction ang iyong mga customer.
07:01.1
Karamihan sa atin ay nabuboard sa pagtatrabaho dahil hindi tayo passionate sa ating mga ginagawa.
07:07.1
Nagtatrabaho na lang yung karamihan sa atin para lang kumita ng pera at hindi para maggrow.
07:12.1
Kaya napakahalagang imonetize natin ang ating passion, yung kumikita tayo ng pera,
07:17.1
and at the same time ginagawa natin ang mga bagay na masaya tayong gawin.
07:22.1
Kung passion mo ang pagluluto at naghahanap ka ng side business,
07:26.1
I highly suggest you na subukan mong magsimula ng online food business.
07:31.1
Pwede kang magbenta ng mga ulam at desserts.
07:34.1
Hindi mo kailangan itanong kung meron bang demand sa ganitong negosyo dahil lahat tayo ay kumakain na araw-araw.
07:40.1
Ang kailangan mo lang bigyan ng focus ay pasarapin ang iyong mga luto at imarket ito sa maraming tao.
07:46.1
At pag-uusapan natin yan mamaya kung paano imarket ang iyong online food business.
07:51.1
Maliit lang na kapital ang kailangan mo sa ganitong uri ng negosyo.
07:55.1
Dahil hindi mo kailangan bumili ng mga mamahaling equipment at wala ka ring pwesto na rerentahan dahil sa bahay mo lang ito gagawin.
08:03.1
Isa pang kagandahan dito ay pwede mo itong simulan agad.
08:07.1
Kailangan mo lang gumawa ng business plan.
08:09.1
Alamin mo kung anong ulam at desserts ang iyong ibibenta.
08:13.1
Sino ang iyong target customers.
08:15.1
Paano gawing espesyal o unique ang iyong mga paninda.
08:19.1
Pwede mo itong idaan sa packaging o di naman kaya ay sa presyo ng iyong mga binibenta.
08:24.1
At magkano ang isisingil mo sa delivery.
08:27.1
Hindi na tayo magkocosting kung kaya ba ng kapital na 10,000 pesos dahil sigurado akong malaki na yan.
08:33.1
Dahil ingredients lang naman ang bibilihin mo at mga food packaging boxes.
08:38.1
Kung paano i-execute ang ganitong negosyo.
08:41.1
Kailangan mo lang ng social media account.
08:43.1
Pwede mong gamitin ang iyong business plan.
08:44.1
Pwede mong gamitin ang iyong personal na Facebook account.
08:46.1
O di naman kaya ay gumawa ka ng Facebook page.
08:49.1
Tapos magpost ka lang ng mga picture at lagyan mo ito ng konting description.
08:54.1
Kung ano iyong ulam, kung magkano, anong ingredients ang nilagay mo dito.
08:59.1
At sabihin mo rin sa iyong mga customer kung paano mag-process ng order.
09:03.1
Kahit mataas ang kompetisyon sa ganitong negosyo.
09:06.1
Madali mo pa rin itong masisimulan dahil maliit lang na kapital ang kailangan.
09:10.1
At parang nagluluto ka lang para sa iyong pamilya.
09:14.1
Kaya kung mahilig kang magluto, subukan mo ito.
09:22.1
Kung meron ka ng laptop at gusto mong magsimula ng maliit na negosyo,
09:26.1
nababagay sa iyo ang piso printing business.
09:29.1
Ang kagandahan sa ganitong uri ng negosyo ay kaya mo itong gawin kahit na sa bahay ka lang.
09:34.1
Hindi ito komplikado, hindi rin time consuming, at hindi nangangailangan ng malaking kapital.
09:40.1
Ang demand sa serbisyong ito ay hindi nawawala.
09:44.1
Lalong lalo na sa lugar na malapit lang sa eskwelahan dahil common projects ng mga estudyante ngayon ay more on research.
09:52.1
At kailangan nila itong ipaprint.
09:54.1
Meron din namang mga nag-a-apply ng trabaho na kailangang magpaprint ng kanila mga resume at iba pang requirements.
10:01.1
So kung gusto mong magkaroon ng extra income, pwede mong gamitin ang iyong laptop at magsimula ka ng piso printing business.
10:09.1
Tatlong bagay lang ang kailangan mong idagdag para masimulan mo ito.
10:12.1
Una ay printer.
10:13.1
Meron akong nakita sa Shopee na wireless all-in-one printer ng Canon na worth 5,799 pesos lang.
10:21.1
Pangalawa ay ink na mabibili mo lang sa halagang 384 to 409 pesos ang bawat 70 ml na bote.
10:29.1
At pangatlo ay isang bundle ng bandpaper na worth 175 to 205 pesos lang.
10:36.1
Sa halagang 10,000 pesos na kapital ay kaya mo nang simulan ang ganitong negosyo.
10:43.1
At business number four, houseplant and herbs business.
10:48.1
Kung matagal ka nang nag-aalaga ng mga indoor plants at herbs o isa ka sa mga naging plantito o plantita noong nagdaang pandemic, siguro ay ito na ang time para pagkakitaan mo ang iyong hobby.
11:00.1
I-search mo kung anong pananim ang mataas ang benta para meron kang idea sa demand ng mga tao.
11:06.1
Kung totoosin, ang pagsisimula ng ganitong negosyo ay parang libre na lang.
11:11.1
Lalong-lalo na kapag marami ka ng mga equipment at pananim dahil maaga kang nakapundar ng mga kailangan mo sa negosyong ito.
11:19.1
At dahil marami ka na rin alam sa pag-aalaga ng iba't ibang uri ng halaman, hindi ka na mahihirapan kung paano magpalaki ng mga ito.
11:28.1
Mga iilan sa popular na indoor plants at herbs dito sa ating bansa ay ang lucky bamboo plant, peace lily, money tree, rosemary, basil, oregano at mint.
11:40.1
Siguro ay nakita mo rin na ang mga halaman ito ay common na binibenta sa mga malls.
11:45.1
Kung balak mong pasukin ng ganitong negosyo, kailangan mo lang gumawa ng konting research.
11:50.1
Alamin mo kung ano ang demand ng mga tao at magkano ang average price sa bawat halaman na gusto mong ibenta.
11:57.1
Kung gusto mong mag-expand ang inyong kaalaman sa pagtatanim, mag-research ka rin.
12:02.1
At pag-aralan mo rin kung paano mag-package ng halaman para makarating ito ng fresh sa iyong mga customer.
12:08.1
Pwede kang sumali sa mga Facebook group at doon ka magtanong. At pwede rin naman sa YouTube.
12:14.1
Maraming nang kumikita ng malaki sa pagbibenta ng mga halaman online.
12:18.1
Yung iba ay ito na ang kanilang full-time job at dito na sila kumukuha ng pera.
12:23.1
Kailangan mo lang talaga ng pasensya bago mo makikita ang improvement ng iyong negosyo.
12:28.1
At siyempre marketing strategy para ma-introduce ito sa maraming tao.
12:33.1
At magandang pricing para merong edge ang iyong negosyo sa kanyang mga kumpanyang mga partner.
12:36.1
At maganda ang marketing strategy para merong edge ang iyong negosyo sa kanyang mga kumpanyang mga partner.
12:37.1
sa kanyang mga competitors.
12:39.8
At yan ang apat na negosyo na pwede mong simulan ngayon
12:42.9
gamit lang ang 10,000 pesos na kapital.
12:46.1
Number 1, Mobile Car Wash Business.
12:49.2
Number 2, Online Food Business.
12:52.4
Number 3, Piso Printing Business.
12:55.5
At number 4, House Plant and Herbs Business.
12:59.5
Sa apat na negosyo na tinalakay natin ngayon,
13:02.6
alin sa mga ito ang balak mo ng simulan?
13:05.1
Magbigay ka ng iyong comment sa iba ba.
13:08.0
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayong araw.
13:11.1
Huwag kalimutang mag-subscribe para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
13:16.4
I-like, mag-comment at i-share mo na rin ang videong ito sa iyong mga kaibigan.
13:21.4
Maraming salamat sa panunood at sana ay magdagumpay ka!
13:37.1
Thank you for watching!