Close
 


Mga Kinatatakutang One-man Armies Ng Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #history #philippines #kasaysayan
Moobly TV
  Mute  
Run time: 12:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang malulupit na one-man army sa kasaysayan ng Pilipinas.
00:05.3
Noong sinakop tayo ng mga dayuhan, gumawa ng grupo ang mga matatapang na Pilipino na naglalayong lumaban para sa ating kalayaan.
00:14.0
KKK, La Solidaridad at ilan pang mga sikat na grupo noon at hanggang ngayon.
00:20.8
Pinakamalakas pa rin tayo kapag nagtutulungan.
00:23.9
Pero may ilan talaga na handang lumaban para sa tama kahit siya lang mag-isa.
00:28.9
Sa videong ito, pag-uusapan natin ang magigiting na one-man army sa kasaysayan ng Pilipinas.
00:36.8
11. Jose Nisperos
00:38.8
Noong September 24, 1911, sa Lapurap, Basilan, sinugod ng malaking grupo ng mga rebeldeng Moro ang grupo ng mga Philippine Scouts.
00:48.2
Marami silang napatumba, pero napaatras sila dahil sa isang tao na mula pa sa La Union, si Jose Nisperos.
00:55.7
Ilang beses nasaksak ng mga Moro si Nisperos.
00:58.9
At tinamaan ng baril ang kanyang kaliwang balikat.
01:02.2
Pero lumaban pa rin ito.
01:04.0
Binunot niya ang kanyang rifle at pinaputukan ang mga Moro gamit lamang ang kanyang kanang braso kahit nahihirapan na siyang gumalaw mula sa kanyang mga sugat.
01:14.0
Di nagtagal na pagtanto ng mga rebelde na hindi nila kaya si Nisperos kaya umatras na sila.
01:20.5
Dahil dito, pinarangalan siya ng U.S. Congressional Medal of Honor at siya ang naging pinakaulang Pilipino na nakatanggap.
01:28.9
10. Romualdo Rubi
01:32.0
Noong March 18, 1991, pabalik na sa kanyang detachment ng mga Scout Rangers si Romualdo Rubi.
01:39.5
Pero ang hindi niya alam, may mga NPA na pala na rebelde sa detachment dahil walang tao dito.
01:46.2
Papunta pa lamang siya, ay nakita na siya ng mga NPA at pinaputukan siya na pilitang lumaban si Rubi gamit ang kanyang M16 na may 200 rounds lamang
01:56.5
laban sa halos isang daang NPA.
01:58.9
NPA Rebels
01:59.6
Sumugod ang mga rebelde at nahihirapan silang puntahan ang lokasyon ni Rubi dahil sa galing nito sa baril.
02:07.3
Nang sinubukan nila, napatumba ni Rubi ang tatlong rebelde at nakasugat ng lima pa.
02:13.0
Naggalit ang pinunon na si Commander Lima sa kanyang nakita kaya sa pangalawang grupo na sumugod kay Rubi, siya na mismo ang nasa harap.
02:21.6
Doon siya nagkamali dahil agad siyang napatumba ni Rubi at isa pang rebelde.
02:26.5
Noong naubos na ang kanyang bala,
02:29.2
dahan-dahan nang umatras si Rubi hanggang sa nakarating siya sa isang ligtas na Constabulary Detachment na gawa niyang makaligtas sa isang ambush ng walang malalaking sugat.
02:40.0
Dahil dito, nabigyan siya ng Medal of Valor.
02:44.0
9. Jose Ignacio Pawa
02:46.3
Siya ang isa sa dalawang sundalo sa video na ito na hindi Pilipino.
02:51.0
Si Jose Ignacio Pawa ang nag-iisang pure Chinese na pumanig sa mga Pilipino upang labanan ang mga Espanyol.
02:58.9
Sa unang digmaan na naranasan niya sa Battle of Binacayan,
03:04.2
pinamuluan niya ang isang dosena ng mga Pilipino na labanan ang mga Kastilang may dalang bayonet gamit lamang ang kanilang mga bolo.
03:12.5
Magaling si Pawa sa hand-to-hand combat dahil isa siyang malupit na martial artist.
03:17.9
Kahit wala siyang baril, napigilan niya ang mga sumusugod na hapon na makuha ang left flank ng puwersang Pilipino.
03:24.8
Dahil dito, napromote siya bilang lieutenant at lumabas.
03:28.9
Noong dumating ang mga Amerikano, naging Heneral na si Pawa at matapang na lumaban sa mga Amerikano.
03:38.8
Sa lahat ng digmaan na sinalihan niya, nakilala si Pawa para sa kanyang kakaibang galing at tapang.
03:45.5
Sa katunayan, marami ay nagsasabi na katulad ni Heneral Luna, siya ang isa sa pinakamatapang na Heneral sa kasaysayan ng Pilipinas.
03:54.4
8. Jesus Villamor
03:56.8
Maraming kwento tungkol sa galing.
03:58.9
Pagdating ng ilang mga Pilipinong bayani pagdating sa pakikidigma sa lupa.
04:03.1
Pero mayroon din tayong mga mandirigma sa himpapawid.
04:06.7
Isa na dito si Jesus Villamor, ang isa sa pinakamagaling na piloto sa Pilipinas.
04:12.6
Noong 1941, nilabanan ng grupo na pinamunuan ni Villamor ang 54 Japanese Zero Planes gamit ang kanilang lumang Boeing P-26 shooters.
04:22.6
Anim lamang ang grupo ni Villamor pero pumalag sila sa mga hapon at nagpatumba ng tatlong.
04:28.9
2 mula sa Zero Planes na ito ay napatumba ni Villamor ng mag isa.
04:34.0
Noong tinanong siya kung paano niya ito nagawa, sinabi lang niya na sa sobrang galit niya sa mga Hapon, nakalimutan niyang matakot.
04:41.6
7. Rodelio Cabales
04:46.1
Noong madaling araw ng Oktobar 26, 1992, nagising ang pulis na si Rodelio Cabales sa ingay ng baril at nang lumabas siya, nakita niya na pinapardala niya sa oto.
04:58.3
Reduckt 4, 012 Resistance, Instagram stories, mga mga mga kanilang pag-asa.
04:58.7
Pinaputukan ng 30 NPA rebels ang bahay ng kanyang kapitbahay.
05:03.9
Imbes na magtago, lumabas si Cabales sa kanyang bahay, dala ang kanyang M16 at pinaputukan ang mga rebelde.
05:11.5
Nang siya na ang sinugod, napilitan siyang umatras sa kanyang bahay at doon siya lumaban.
05:17.8
Nagawa niyang iwasan ang putok ng baril ng mga NPA habang binabaril niya rin ang mga ito.
05:23.5
Habang nasa labanan, nasa gilid niya lang ang kanyang asawa na nagbibigay sa kanya ng mga bala.
05:30.2
Nang matapos ang putukan, labing isang rebels ang napatumba ni Cabales.
05:35.2
Bilang parangal sa kanyang ipinakitang tapang, napromote siya sa trabaho.
05:40.2
6. Ramon Alcaraz
05:42.0
Lingid sa kaalaman ng marami, isa sa mga warships ng Pilipinas ay pinangalan ng Ramon Alcaraz
05:48.4
dahil sa kabayanihan ng isang Filipino Navy noong World War II.
05:52.9
Si Ramon Alcaraz ay isang officer ng offshore patrol.
05:57.1
Pinamunuan niya ang torpedo boat Q-112.
06:00.9
Noong January 17, 1942, nakuhang palubugin ni Alcaraz ang 15 na Japanese ships sa Pasig River
06:09.0
upang hindi ito magamit ng mga Japon.
06:11.9
Pero ipinakita niya ang kanyang tapang noong sinugod ang kanyang grupo ng siyam na Japanese Zeros.
06:18.1
Sa mga panahon iyon, napakalakas ng mga Zeros na ito.
06:22.2
Pero nakuhan niyang patumbahin ang tatlo mula sa siyam.
06:26.2
Agad silang umalis matapos lumaban para hindi ito magamit ng mga Japon.
06:31.0
Sa kasamaang palad, nahuli si na Alcaraz at nakulong siya sa malolos.
06:36.4
Nang lumaya siya, sumali siya sa isang guerrilla unit at naging regimental commander.
06:42.2
5. Arthur W. Wermuth
06:44.5
Kahit hindi Pilipino, malaki ang papel ni Arthur W. Wermuth sa paglaban natin sa mga Japon.
06:51.1
Noong December 18, 1931, matapos sa kupi ng mga Japon ng ating bansa,
06:57.3
naging kapitan si Wermuth ng 57th Infantry Regiment ng Philippine Scouts,
07:02.5
kung saan karamihan ng mga miyembro ay mga Pilipino.
07:06.2
Ipinakita niya ang kanyang kagitingan noong January 5, 1942,
07:11.5
nang pamunuan niya ang 185 Filipinos na nag-infiltrate sa puwersa ng mga Japon sa Bataan.
07:18.0
Sila ang naging counter-sniper force na ang missionary.
07:21.1
Ang mission ay sobrang delikado.
07:23.4
Gayunpaman, sa loob ng tatlong linggo, nakuha nilang itumba ang mahigit sa 500 Japanese soldiers kahit nanasawi ang 45 na sundalo mula sa kanyang grupo.
07:34.4
Tinamaan si Wermuth sa kanyang kaliwang dibdib at dinala sa ospital, pero umalis siya doon matapos ang 12 days upang sumabak ulit sa gera.
07:44.3
Dahil sa kanyang tapang at galing, binigyan siya ng Distinguished Service Cross.
07:49.0
Ayon sa datos,
07:51.1
nakuha ng 116 enemy kills si Wermuth sa kanyang serbisyo.
07:55.5
Ito ang rason kung bakit binansagan siyang One Man Army of Bataan.
08:01.6
4. Julius Javier
08:03.5
Si Julius Javier ay isang alamat para sa kanyang mga kasamahang Scout Rangers dahil sa kanyang mga nagawa noong 70s and 80s laban sa mga Moro rebels.
08:14.9
Sa isang enkwentro, nakuha niyang iligtas ang anim na Marines mula sa ambush ng mga rebelde.
08:21.1
Kinarga niya ang mga Marines paisa-isa habang nagpapaputok ang mga kalaban.
08:26.1
May tatlo pang pagkakataon na sinubukan siyang patayin ng mga kalaban, pero nakapalag si Javier at nakatakas ng walaman lang sugat.
08:35.4
Sa sobrang galing niya, may ilang naniniwala na may anting-anting si Javier.
08:40.0
Gayunpaman, dalawa sa kanyang achievements ay nagawa niya nang hindi nagpapaputok.
08:46.0
Noong 1974, nagawa niyang i-ambush ang walong NPA guerillas na may dalang mga armas at hulihin ito nang hindi nagpapaputok ng baril.
08:56.0
Matapos ang 7 taon, nagawa naman niyang kumbinsihin ng isang MNLF commander na sumuko ng payapa upang walang masugatan o mamatay.
09:06.0
3. Narciso Ortillano
09:09.0
Noong mandaling araw ng January 12, 1942, nagkabantay sa kanilang machine gun si Narciso Ortillano.
09:16.0
At isa pang sundalo sa bataan.
09:19.0
Maya-maya pa, bigla na lang dumating ang labing isang sundalong Japon na may dalang mga bayoneta mula sa isang sugarcane field at sinugod sila habang sumisigaw.
09:30.0
Tagilid na sila sa bilang ng kalaban, pero mas lumala pa ang sitwasyon nang mapatay ng mga Japon ang kanyang kasama.
09:37.0
Gayunpaman, hindi tumakbo si Ortillano at ginamit niya ang kanyang machine gun upang magpatumba ng apat na Japon.
09:45.0
Nang magjam ito, agad niyang binunot ang kanyang baril at napatumba pa ang lima sa mga Japon.
09:51.0
Naabutan siya sa kanyang pwesto ng dalawang natirang Japon at nahiwa ang isa sa kanyang daliri.
09:57.0
Lumaban pa rin si Ortillano at nakuha niya ang bayoneta ng mga Japon at ito mismo ang ginamit niya sa pagtumba sa kanila.
10:06.0
Nang tinanong siya ng kanyang Heneral tungkol sa nangyari, sinabi lang niya na sinubukan siyang takutin ang labing isang Japon,
10:13.0
pero hindi na sila magiging problema ngayon.
10:16.0
2. Nestor Acero
10:19.0
Mula noong November 26-27, 1972, naganap ang Battle of Cibalo Hill sa Sulu.
10:26.0
Nilabanan ng mga Pilipinong sundalo ang MNLF rebels pero habang tumatagal ay dahan-dahang natatalo ng mga rebelde ang mga sundalo kaya pinaatras na sila ng kanilang mga superiors.
10:39.0
Pero hindi ito sinunod ni Private First Class Nestor Acero.
10:42.0
Dahil ayaw niyang iwanan ang kanyang mga nasugatang kasamahan, lalo na ang kanyang kaibigan na si Buhaya.
10:50.0
Kinuha ni Acero ang atensyon ng mga rebelde mula sa kanyang mga umaatras na kasamahan para mailigtas sila.
10:57.0
Habang ginagawa niya ito, maraming rebelde ang napatumba niya.
11:01.0
Noong narecover ng mga Marines ang kanyang katawan, nakita nila ito katabi ng kanyang kaibigan at sa harap nila ay tatlong dosenang rebelde ang napatumba niya.
11:11.0
Para sa kanyang kabayanihan, binigyan si Acero ng Medal of Valor.
11:16.0
1. Jose Bandong Jr.
11:19.0
Noong April 1992, napaatras ng grupo ni Jose Bandong Jr. ang ilang NPA fighters sa boundary ng Sagada at Bontoc.
11:28.0
Paalis na sana sila nang malaman ni Bandong na inambush pala ng mga NPA ang grupo na pinaunan niya para siguruduhing ligtas ang daanan.
11:38.0
Maya-maya pa, sila naman ang inambush niya.
11:40.0
Sila naman ang inambush ng grupo ng mga NPA fighters.
11:43.0
Tumagal ng 6 na oras ang barilan na naganap at natamaan pa nga si Bandong sa kanyang kaliwang balikat.
11:50.0
Noong makita niya na tagilid na ang laban, pinaalis na niya ang kanyang mga tauhan at sinakripisyo ang kanyang sarili sa mga rebelde.
11:58.0
Ayon sa isang sundalo, inatasan din ni Bandong ang kanyang grupo na papatukan ng artillery ang kanyang posisyon dahil alam niyang dudumugin siya ng mga rebelde.
12:08.0
2. Jose Bandong Jr.
12:09.0
Pinarangalan si Bandong ng Medal of Honor sa kanyang tapang at sakripisyo.
12:14.0
Ang mga bayaning ito ang patunay na pagdating sa labanan hanggat nasa tama tayo.
12:20.0
Nakahandang lumaban ng buong tapang ang isang Pilipino, may kasama man o mag-isa.
12:26.0
Sino pa ang kilala mong One Man Army? I-comment sa iba ba!
12:39.0
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.