Close
 


#41 - Anti-Filipino Hate at Riots sa California noong 1930
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ano ang nangyari sa Watsonville, California noong 1930? Bakit merong anti-Filipino hate at mga riot dati? Ano ang naranasan ng mga unang henerasyong Pilipino doon? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo: ⁠⁠https://drive.google.com/file/d/1snHi3h7ll2qmWz7Qn8BI1oAS3xeZn3kZ/view?usp=sharing⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stag
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 15:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello! Kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw pag-uusapan natin ang mga riots sa California noong 1930 at ang rasismo at hate kontra sa mga Pilipino noong panahon na yun.
00:28.3
So noong Enero ng 1930 may nangyari sa Watsonville, California may mga batang o mga kabataan na puting lalaki na sumira ng mga property
00:54.3
ng mga komunidad ng magsasakang Pilipino, mga magsasaka o mga farmer dahil daw nakita ang mga Pilipino, mga lalaking Pilipino na sumasayaw kasama ang mga puting babaeng Amerikano, Amerikana.
01:24.3
Sa isang local dance hall. Pero ayon sa Equal Justice Initiative, yung hate yung pwedeng dahilan ng violence na ito.
01:43.1
So noong panahon na yun, mayroon daw 30,000 Pilipino na nakatira sa California.
01:53.7
33.
01:54.3
Ang mga Pilipino doon at nag-emigrate sila doon dahil mataas ang demand sa murang labor dahil kailangan ng Estados Unidos ng mga empleyado at mura ang labor at sahod ng mga Pilipino.
02:18.4
Kaya may oportunidad na mag-emigrate.
02:24.3
At nagtrabaho ang mga Pilipino sa mga farms, sa mga canneries.
02:32.5
At dahil doon, nagkaroon ng mga komunidad ng Pilipino.
02:37.5
Sa totoo lang, sa San Francisco, mayroong komunidad at neighborhood na ang pangalan ay Manila Town.
02:49.2
At yun, noong 1898.
02:55.7
So, dahil binigay ng Espanya, o sinuko, siguro sinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos,
03:14.0
nagkaroon ng pribilehyo na maging citizen ng Estados Unidos ang mga Pilipino.
03:25.7
Pero, hindi ito nagbibigay ng parehong karapatan o rights para sa mga Pilipino, katulad ng mga Amerikano.
03:42.1
Pero,
03:44.0
nagbibigay oportunidad na tumira at magtrabaho sa Estados Unidos.
03:52.9
At noong panahon na yun, mga Pilipino lang ang migrant group na pwedeng pumunta sa Amerika
04:03.2
sa kumpara sa mga ibang lahi sa Asia.
04:10.5
Halimbawa, ang mga Chino, mga Koreano.
04:14.0
Mga Japon, mga Indyo, hindi sila pwede mag-stay ng legal dahil mayroong anti-Asian na rhetoric sa Estados Unidos.
04:34.7
At dahil doon, hindi naman exempted ang mga Pilipino.
04:43.1
Sa mahirap na labor condition at racial discrimination.
04:51.9
At kung maaalala nyo, noong 19th century, yung California, yung produce basket ng Amerika,
05:03.8
ibig sabihin, madaming prutas at gulay ang nanggagaling sa California.
05:11.2
Halos.
05:13.1
50% o 50% galing sa California.
05:19.5
Kaya kailangan ng mga murang empleyado para magtrabaho sa California.
05:31.7
So, noong 1930, bago nagsimula yung mga riots sa Watsonville, sabi ng mga politiko at mga leader,
05:43.1
nang komunidad na tinawag na menes, na mga menes ang magsasaka na Pilipino.
05:56.8
At sabi nila, i-deport ang mga Pilipino.
06:03.0
O, dapat i-deport ang mga Pilipino dahil, quote-unquote,
06:10.6
white people who have inherited.
06:13.1
This country for themselves and their offspring could live.
06:17.1
O, ang mga puting Pilipino na nag-inherita ng bansang ito para mabuhay sa bansang ito.
06:32.9
Ang mga puti na may-ari ng bansa. May-ari ng Amerika.
06:40.5
So, hindi.
06:43.1
Hindi lang tungkol sa trabaho.
06:47.1
Siguro yung nararamdaman nila yung job security ng mga Amerikano, kinukuha ng Pilipino.
06:56.6
Pero, sabi din sa isang source na isang sexual competition ang mga Pilipino,
07:06.6
Pilipinong lalaki sa mga puting lalaki.
07:11.2
At sabi ng isang...
07:13.1
Judge sa California, yung pinakamalalang parte ay yung mga Pilipinong lalaki na nakikipagkaibigan sa mga puting babae na 13 to 17.
07:34.6
At yun, magiging gustong-gusto ng mga puting babae ang mga Pilipino.
07:43.1
At magiging gustong-gusto ng mga Pilipinong lalaki at mabumuntis ang babae at dadami ang Pilipino at makukuha ang mga trabaho ng mga puti.
07:57.0
So, ito ang statement ng isang judge, isang local judge sa California.
08:05.8
At syempre, paraphrased lang.
08:09.5
At yun, talagang may tension noon.
08:13.1
At isa pang hindi nakatulong na sabi nila, alam na alam ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano.
08:27.9
So, negatibo ito sa perspektibo nila.
08:33.1
Sabi ng mananulat na si Madden Malone sa LA Times noong 1938,
08:41.2
yung mga maliliit.
08:43.1
At brown na lalaki mula sa Pilipinas ay dalawa o tatlong taon ahead sa estilo o sa fashion kumpara sa mga Amerikano.
08:56.5
Na yung fashion ng mga Pilipino noon ay magiging sikat para sa mga Amerikano pagkatapos ng dalawa o tatlong taon.
09:10.1
So, isa yung paraphrased na quote mula sa LA Times.
09:17.3
At yun, talagang nakikita nila na threat yung mga lalaking Pilipino dahil maganda raw ang fashion nila noon.
09:31.4
At bali yun ang mga pinakadahilan.
09:37.8
Yung kompetisyon sa labor market at yung konting tensyon seksual na kompetisyon daw ang mga Pilipino sa mga Amerikano noon.
09:54.2
At yun, dahil doon nagkaroon ng mga riots sa labas ng isang dance club, Pilipino dance club sa Palm Beach sa Watson.
10:07.8
At noong January 19 at January 23, may mga mob na limang daan na puting Amerikano, so 500, na nag-riot sa Watsonville at hinila ang mga Pilipino sa labas ng bahay nila.
10:35.0
At sinuntok sila.
10:37.8
Sinaktan sila at binarel yung mga bahay nila.
10:44.0
At isang Pilipino, si Fermin Tabera, binarel at namatay habang natutulog pero walang nakasuhan sa murder.
11:05.0
At yun, nagkaroon ng mga...
11:07.8
May mga riots sa Stockton, sa San Francisco, sa Salinas, sa San Jose.
11:15.8
At mayroon din bombing incident.
11:19.8
So kumamit ng bomba sa Filipino Federation Building sa Stockton.
11:30.3
So sabi sa Helzberg Tribune, may...
11:36.7
Nasa kotse.
11:37.8
Yung mga puti at bumato ng bomba doon sa gusale ng Filipino Federation Building.
11:51.5
At yun, medyo nasira yung harap ng gusale.
11:58.1
At yun, may mga nasaktan.
12:02.3
May isang tao na nasaktan.
12:05.1
At noong 1933, mayroong batas sa California na anti-miscegenation law.
12:18.9
At dahil dito, bawal ikasal ang mga Pilipino at puti.
12:26.2
Bawal.
12:27.4
Isang krimen.
12:28.4
At noong 1934,
12:35.1
mayroong Tidings-McDuffie Act
12:37.7
na nagbigay ng independence, ng kalayaan sa Pilipinas.
12:44.6
Pero, nawalan ng karapatan magtrabaho sa Amerika ang mga Pilipino.
12:58.0
At dahil doon, kailangan umalis ng mga Pilipino.
13:03.0
O bumalik sa Pilipinas.
13:08.3
At yung mga gustong bumalik sa Pilipinas, hindi nila kaya bumalik dahil hindi maganda ang kondisyon pang-ekonomiko noong panahon na yun.
13:25.2
At sa totoo lang, noong 2011,
13:30.4
yung California,
13:32.1
mayroong...
13:33.0
na formal na humihingi ng tawad, nag-a-apologize sa mga Pilipino-Amerikano
13:46.8
sa diskriminasyon, sa prejudice, at sa animosity na naranasan ng mga Pilipino-Amerikano o mga Pilipino noon.
14:03.0
At yun, makikita natin na yung unang henerasyon ng mga immigrants ng Pilipino sa California
14:13.2
ay nakaranas ng hate, nakaranas ng rasismo, at mga mahirap na buhay
14:26.0
kumpara sa mga ibang Amerikano doon sa Amerika.
14:33.0
At yun, siguro magandang paalala ito para ma-appreciate natin, lalo na ng mga Pinoy sa Amerika,
14:48.3
yung buhay ngayon dahil ngayon, syempre, iba na ang sitwasyon.
14:54.7
So, kailangan magpasalamat sa mga lolo, lolo at lola, o sa mga lolo,
15:03.0
lolo o lola ng lola dahil sa sakripisyo nila, lalo na kung unang henerasyon sila sa Estados Unidos, sa California.
15:16.3
At alam ko, madaming nakikinig galing sa California.
15:21.0
Marami akong mga taga-pakinig at mga estudyante galing California.
15:28.3
So, hi!
15:31.1
Yun, maikling.
15:33.0
So, ito yung lesson sa kasaysayan sa 1930 Watsonville Riots kontra sa mga Pilipino.
15:43.8
So, yun lang. Pwede kayong sumuporta sa Patreon at pwede nyo i-download ang transcript.
15:50.6
Libre lang. Salamat sa oras nyo. Ingat kayo at paalam.