#43 - OFWs: Mga Bagong Bayani, sino sila? / OFWs: Modern-day Heroes, who are they?
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kumusta? Ako si Miguel at ngayong araw pag-uusapan natin kung ano ang ibig sabihin ng OFW
00:10.0
at kung bakit ito malaking bagay sa Pilipinas at sa mga Pilipino.
00:18.7
So, ang OFW ay may kahulugan na Overseas Filipino Worker.
00:25.6
So, ito yung salita para i-describe yung mga Pilipino migrant workers.
00:35.4
Yung mga Pilipino na may citizenship na Pilipino pero naktira sa ibang bansa para magtrabaho.
00:47.6
Yung sabi ng gobyerno, ngayon yung bilang ng mga OFW ay nasa 2%.
00:55.8
At dumadami pa. So, yung datos na yan ay noong 2020.
01:05.9
At kung iisipin nyo, talagang malaking parte ito ng workforce at ng populasyon.
01:18.2
Dahil malaking tulong din sa ekonomiya, malaking kontribusyon.
01:25.6
Nang mga remittance ng OFW sa ekonomiya ng Pilipinas dahil halos 3 milyon ang mga OFW.
01:38.8
So, anong mga bansa ba ang may madaming OFW?
01:45.6
Saan ba pumupunta ang mga Pilipino para magtrabaho, para kumita ng pera?
01:55.6
So, una sa listahan, yung Saudi Arabia.
02:01.2
So, yung Saudi Arabia, may estimated na kalahating milyon o 500,000 yung mga OFW doon.
02:12.2
Yung susunod, yung UAE.
02:15.9
So, sa UAE, may estimated na 300,000.
02:21.0
Tapos, sa Hong Kong, may 165,000.
02:28.6
Tapos, Kuwait at Qatar.
02:32.3
So, yun. Kung titingnan natin, yung talagang pinakamalaking porsyento ay sa Saudi Arabia at sa United Arab Emirates.
02:46.2
So, pag-usapan natin yung kasaysayan, yung orihin ng salitang ito.
02:55.6
So, yung OFW o Overseas Filipino Worker, ginamit ito noong 1990s.
03:05.3
So, yung salitang yun, ginamit noong 1990s ng gobyerno para nga i-describe o bigyan ng label yung mga Filipino migrant workers.
03:25.6
At kailan ba nagsimula ito?
03:31.8
Kailan ba nagsimula pumunta sa ibang bansa yung mga Pilipino para magtrabaho?
03:40.2
So, syempre nagsimula noong 1900s.
03:46.6
Nung pumunta yung mga Pilipino na nagtatrabaho sa agrikultura.
03:55.6
Dahil may pangangailangan yung Hawaii o yung US sa mga trabahador.
04:08.8
At dahil doon, pumunta sila para magtrabaho sa agrikultura doon.
04:17.5
Tapos, nang trabaho nila sa Hawaii, pumunta naman sila sa mainland para magtrabaho sa mga hotel.
04:25.6
Sa mga restaurant, sa mga sawmills, at sa mga railroad na konstruksyon.
04:34.3
Tapos, sa mga plantation din, mga plantasyon sa California.
04:41.5
At dahil doon, yung mga Pilipino doon, nagkaroon ng oportunidad na magsilbe
04:54.1
para sa agrikultura.
04:55.6
At dahil doon, yung mga Pilipino doon, nagkaroon ng oportunidad na magtrabaho sa US Army.
04:56.2
Sa US Army noong World War II.
05:01.6
Tapos, yung mga nagsilbe sa World War II na Pilipino na nasa Amerika,
05:11.1
naging mga citizen na naging Amerikano.
05:15.5
At dahil doon, nagkaroon din ng dagdag na imigrasyon ng mga Pilipino.
05:25.6
At dahil doon, nagkaroon din ng dagdag na imigrasyon ng mga Pilipino sa medical field.
05:29.2
Sa mga engineer din at mga accountant.
05:34.7
At mga technical at highly skilled na mga trabahado pagkatapos ng gera.
05:42.5
Dahil malaki yung demand.
05:45.9
At talagang nakikipag-partner yung Estados Unidos sa Pilipinas.
05:52.6
At talagang tinatarget nila.
05:55.6
Yung Pilipinas dahil siyempre marunong magsilta yung madami sa mga Pilipino.
06:04.7
Kaya madali ang parang magiging adjustment sa aspeto ng lingwahe.
06:14.7
At meron naman noong panahon ito, mga malaking demand din sa mga Asian countries.
06:25.6
Non-professional contract workers.
06:29.2
Tulad ng mga artists, mga barbers at musicians sa East Asia.
06:36.7
Tapos, meron ding demand ng mga loggers.
06:41.0
Yung mga magpuputol ng puno para makakuha ng kahoy sa Kalimantan, sa Indonesia.
06:52.6
So, according sa...
06:56.6
Ayon sa gobyerno.
06:58.6
Pagkatapos nun, meron ding malaking demand sa construction at service sector.
07:04.6
Sa Southeast Asia tulad ng Japan, ang Thailand, Vietnam.
07:11.6
At sa ibang teritory ng Estados Unidos tulad ng Guam at Wake Island.
07:19.6
Tapos noong panahon na yun, noong mga 60s, 70s.
07:24.6
Nag-boom yung mga bansa sa Middle East.
07:30.6
At kailangan nila ng dagdag ng mga construction workers at mga engineers.
07:37.6
So, doon kinuha ng mga Pilipino yung oportunidad na magtrabaho sa Middle East dahil mas malaki yung sahod doon sa Middle East.
07:51.6
At noong panahon ni...
07:54.6
...Presidente Corazon Aquino.
07:57.6
Noong 1986, meron ng 700,000 o 700,000 mga seafarers, mga seamen.
08:11.6
So, noong panahon na yun, yun ang mga Pilipino.
08:16.6
Yung pinakamadami sa populasyon ng mga seafarers.
08:23.6
Pilipino ang mga pinakamadami.
08:27.6
At halimbawa, noong 2018, merong datos na yung mga Filipino seafarers
08:35.6
nagpadala ng remittance sa Pilipinas ng halos 6 na bilyong dolyar.
08:43.6
So, malaking pera. Malaking tulong sa ekonomiya.
08:49.6
Pero noong 2021, kung maaalala niyo, si Presidente Duterte nag-announce na lilimitahan niya ang mga health professional, mga doktor, mga nurse, at iba pa, na pumunta sa ibang bansa.
09:13.6
So, dati, halos 13,000.
09:17.6
Yung umaalis sa bansa.
09:20.6
Sabi ni Presidente Duterte, may limit na 5,000 o limang libo.
09:28.6
At syempre, malaking kontrobersya dahil sobrang maliit ang sahod ng mga nurse, ng mga medtech, ng mga radiologist.
09:43.6
Kumpara kung magtatrabaho sila.
09:47.6
Sa Estados Unidos o sa ibang bansa, halos apat na beses, limang beses, anim na beses na mas malaki ang sahod nila sa parehong trabaho.
10:02.6
So, syempre, mas gusto nila magtrabaho sa ibang bansa.
10:08.6
At para sa mga OFW, wala silang binabayarang income tax.
10:16.6
Sa gobyerno sa Pilipinas.
10:21.6
So, kung nagtrabaho sila sa Estados Unidos bilang nurse, at ang sweldo nila 3,000 dolyar sa isang buwan,
10:34.6
walang tax yun para sa gobyerno ng Pilipinas.
10:41.6
Yung tax lang ay yung value-added tax.
10:45.6
Pero walang income tax.
10:48.6
Kaya maraming naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
10:55.6
Dahil malaki talaga ang sweldo kumpara sa Pilipinas.
11:02.6
At walang tax, walang income tax.
11:06.6
At yun, mabilis makaipon ng pera.
11:11.6
At makasuporta sa pamilya.
11:15.6
So, yun lang ang podcast episode natin.
11:19.6
Salamat sa suporta.
11:21.6
Merong libre ng transcript.
11:23.6
At pwede kayo sumuporta sa Patreon.
11:27.6
Salamat at paalam.