Close
 


#44 - Kung Paano Nakatulong ang Pilipino sa Mehikano sa Pagdiskubre ng Tequila
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano natulungan ng mga Pilipino dati ang mga Mehikano para madiskubre ang tequila? Ano ang Galleon trade? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo: ⁠https://drive.google.com/file/d/1khgDD1EZSbgniD_fu1S5DJpFZdQ8xiO1/view?usp=sharing⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stage is vital and I believe that the easy and painless route of lea
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 08:31
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at itong Principle Tugavit Podcast.
00:07.7
At ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano nakatulong ang mga Pilipino sa pag-imbento ng mga Mahikano sa tequila.
00:23.0
At alam natin na yung Pilipinas, mayroong maraming kultura.
00:31.7
Mayroong kultura ng mga Espanyol, ng mga Amerikano, ng mga Inchek, ng mga Indyo, ng mga iba pang lahi sa Asia.
00:48.5
At talagang may diversidad.
00:53.0
Sa kultura ng Pilipino ngayon.
00:57.5
Pero ngayon, malalaman natin na yung pinakasikat na inumen, na alak, ng mga Mahikano ay may impluensya ang mga Pilipino dahil sa kolonyalismo.
01:18.6
Dahil noong nasa...
01:23.0
1565 hanggang 1815.
01:27.1
So mga halos tatlong daang taon, mayroong trade sa pagitan ng Manila at Acapulco, na ngayon ay Mexico.
01:43.3
At ang pangalan nito ay yung Manila-Acapulco Trade.
01:47.6
O kilalit din sa tawag na Galleon Trade.
01:54.4
So ito yung trade sa pagitan ng Manila at Mexico.
01:59.3
At taon-taon may sailing vessel na nagpa-facilitate ng trade.
02:07.6
At kadalasan yung dala sa trade na ito ay yung mga silk.
02:16.3
Mga Chinese silk.
02:17.6
Mga Chinese porcelain.
02:19.1
Mga Persian carpets.
02:21.0
Mga cotton galing sa India.
02:23.8
Mga spices.
02:25.3
Mga ivory.
02:27.1
At mga iba pang mga exotic na mga bagay na galing sa Asia, papunta sa Mexico, at pwede rin sa Europa, sa Espanya, at sa ibang parte ng Europa.
02:45.5
At noong kasagsagan ng Galleon Trade, noong sobrang importante noong Galleon Trade, yung Manila ay yung isa sa naging pinakamahalagang port sa mundo.
03:06.8
Dahil yun nga, natutulungan yung China at yung Europa na magkaroon ng...
03:15.5
At sobrang dependent ng Espanya dito sa trade na ito.
03:22.5
Pero kahit na successful din trade, hindi masyadong nakaka-benefisyo sa mga native na Pilipino.
03:38.7
Dahil yung kinikita sa trade, syempre napupunta sa mga ruling powers.
03:45.5
Ng mga Espanyol o sa paghahanap pa ng mga bagong Chinese goods.
03:55.5
At madami sa mga skilled Filipinos na crew ng mga sailing vessel na ito ay mga alipin, mga slaves, o unpaid.
04:11.6
Walang bayad na navigator.
04:15.5
At maraming nagugutong o namamatay sa dehydration.
04:24.6
At yun, hindi sigurado na pagka-dating sa Mexico ay okay pa sila.
04:33.5
At halimbawa, noong 1620, may dalawang trips, dalawang biyahe na mayroong namatay na 99.
04:45.5
At sa sumunod na biyahe, may namatay na higit sa isang daan, higit sa 100.
04:54.8
So, madaming namamatay at yung katawan binabato lang sa tubig.
05:03.4
At dahil doon, sabi ni Rudy Guevara Jr., isang professor sa Arizona State University,
05:13.5
na isa itong testament,
05:15.5
sa cruelty ng mga colonizer na Espanyol.
05:25.5
Dahil meron daw 75,000 Pilipino na nag-settle sa Western Mexico.
05:35.5
So, mayroong 75,000 na Pilipino na tumakas.
05:40.5
Tumakas sila, syempre, kasi mahirap yung sitwasyon.
05:44.5
Tapos, yung mga settler doon, may dalawang iba-ibang mga prutas, mga gamit galing sa Pilipinas.
05:58.5
At merong landmark study, yung mga researcher ng Yucatan Scientific Research Center,
06:08.5
na sabi nila, yung kaalaman at dahil,
06:12.5
yung kaalaman at teknolohiya to ferment coconut sap into tuba.
06:20.5
Yung tuba, yung alcoholic na inumin na sikat sa Pilipinas at native sa Pilipinas.
06:31.5
So, yung mga Pinoy na settler at mga sailor na Pilipino,
06:40.5
dala nila yung teknolohiya at yung kaalaman kung paano mag-ferment ng coconut sap.
06:48.5
At natutunan ito ng mga Mahikano.
06:53.5
At inapply ng mga Mahikano itong sistema kung paano mag-ferment sa agave plant.
07:04.5
At, syempre, dahil doon, yun ang naging, parang,
07:09.5
source ng tequila.
07:12.5
At, yun, nakatulong yung kaalaman ng mga Pilipino na mag-ferment
07:19.5
para subukan ng mga Mahikano sa agave plant na nasa Mexico.
07:27.5
At dahil doon, na-discovery yung tequila.
07:32.5
At, yun lang ang kwento kung paano nakatulong
07:37.5
o may maliit na contribution.
07:40.5
Maliit nung malaki yung mga Pilipino noon sa pag-discovery ng tequila.
07:50.5
At, syempre, may nangakalungkot na kasaysayan
07:55.5
dahil, syempre, parte to nung kolonyalismo.
08:00.5
At parte doon yung mga nahihirapan na Pilipino
08:06.5
doon sa Manila-Acapulco trade.
08:10.5
At maraming namatay, maraming tumakas.
08:14.5
Yun lang. Salamat sa pakikinig.
08:16.5
At, sana nagustuhan ninyo.
08:19.5
At, merong libre yung chan-script.
08:22.5
At, meron tayong Patreon kung gusto nyo sumuporta.
08:27.5
Salamat at paalam.