#46 - Ang Martial Law at Diktadura ni Marcos / Martial Law and Marcos’ Dictatorship
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw pag-uusapan natin ang Martial Law sa Pilipinas at ang panahon at ng Pangulo na si Ferdinand Marcos noong 1965 hanggang 1986.
00:30.0
Unang naging Pangulo si Ferdinand Marcos Sr. noong 1965 pero yung talagang buong kontrol niya sa Pilipinas, yung Martial Law at yung pagiging diktador niya nagsimula noong 1972.
00:52.8
At ito yung isang taon bago yung pangalawang.
01:00.0
Ito yung termino niya na maging presidente, na mag-eexpire na.
01:06.8
So ibig sabihin matatapos na siya maging presidente at hindi siya siyempre umalis sa opisina, hindi siya umalis sa pagiging presidente, nagdeklara na lang siya ng Martial Law.
01:30.0
At yung susunod na taon ay sabi nila yung isa sa mga pinakamadilim, pinakamalungkot na panahon sa kasaysayan ng bansa dahil madaming abuso na nangyari.
01:52.8
Yung mga human rights abuse at korupsyon na...
02:00.0
Alam ng mga Pilipino at alam ng international na komunidad ang mga ninakaw nila sa bansa.
02:10.8
At yun, habang Martial Law, malaming tao yung nakatira sa kahirapan habang yung utang ng bansa ay tumataas, tumadagdag.
02:30.0
Habang or noong nagdeklara si Marcos ng Martial Law, ibig sabihin ito na suspendido yung parliament at yung mga oposisyon sa kanya, yung mga kontra sa mga polisya niya, sa mga desisyon niya ay aarestohin.
02:57.9
At mayroong talagang censorship noong panahon na yun.
03:05.4
At dati si Ferdinand Marcos, magaling na abogado at successful na abogado.
03:14.9
So mayroon din silang kontrol sa korte, sa hostisya noong panahon na yun.
03:22.8
Tapos yung mga army, yung mga polis.
03:27.9
Pinapatay at pinatorture ang mga kalaban.
03:33.8
So ganito yung nangyari noong Martial Law.
03:39.2
At noong 1983, merong isang high profile na murder noong Agosto na nagdulot sa mga tao
03:52.6
na talagang kumalaban na...
03:57.9
Si Ferdinand Marcos.
03:59.8
Siyempre, delikado kumalaban kay Marcos.
04:04.4
At yun, pwede makulong or pwede mamatay.
04:10.4
Pero talagang ginusto ng mga Pilipino, ginusto ng mga tao na lumaban
04:18.2
dahil sa high profile na murder noong Agosto 1983.
04:27.9
Pagpatay kay Benigno Ninoy Aquino.
04:33.7
So yung nakaraang episode, pinag-usapan natin ang buhay ni Benigno Ninoy Aquino.
04:43.1
So noong dahil dati, naka-exile si Aquino sa Estados Unidos.
04:52.2
Dahil siyempre, oposisyon siya ni Marcos at delikado.
04:57.9
Manatili sa Pilipinas.
05:00.6
Kaya pumunta siya sa Estados Unidos.
05:06.4
Pero gusto niya ibalik ang demokrasya sa Pilipinas.
05:15.1
Kaya kahit delikado, nagdesisyon siya na bumalik sa Pilipinas.
05:23.5
At siyempre, noong dumating na yung aeroplana niya,
05:27.9
sa Maynila, bineril siya bago pa siya makatapak sa lupa ng Maynila.
05:40.6
At nangyari itong assassination kahit na malaki yung siguridad niya kahit madaming tao yung kasama niya para protektahan siya.
05:52.8
So mayroon ding mga kontrobersya o conspiracy.
05:57.9
Ang call sa pagkamatay o sa pagpatay kay Aquino.
06:04.6
So dahil doon, libo-libong tao ang pumunta sa Maynila sa kalye ng EDSA.
06:13.4
Sa EDSA, yung isa sa pinaka-importante at pinaka-dinadaanan na kalsada sa Metro Manila.
06:27.9
At maraming tao ang pumunta doon.
06:31.2
At nag-rally at kasama yung asawa ni Ninoy Aquino na si Corazon Aquino.
06:41.9
At nagdeklara si Marcos ng snap election noong 1986 para tumigil muna ang mga protesta ng mga tao.
06:57.9
At dahil sa snap election, nanalo ulit si Ferdinand Marcos dahil sa isang electoral fraud.
07:10.9
Ibig sabihin, nandaya si Marcos para manalo ulit.
07:17.2
At dahil dito, marami ulit nagprotesta.
07:22.3
At dito na nangyari ang sikat na People's Power Revolution.
07:27.9
So ito yung protesta kung saan madaming tao ang nagprotesta laban kay Marcos.
07:38.7
At syempre may malaking suporta ng simbahan, ng simbahan katoliko.
07:46.1
At kahit yung mga army, kahit yung mga polis lumaban kontra kay Marcos.
07:54.3
At hindi nila binarel ang mga tao.
07:57.9
At kung hindi, ay sumuport sila sa mga tao ng kontra kay Marcos.
08:08.1
Hindi nila ginawa yung tungkulin nila na bumarel o mag-torture o saktan yung mga tao.
08:19.9
So dahil doon, umalis si Marcos at ang pamilya niya.
08:27.9
Kasama si Ferdinand Marcos Jr. o ang presidente ngayon na si Bongbong Marcos.
08:35.1
Dala yung mga alahas, mga mahal na damit at milyon-milyon na pera nila.
08:45.8
Yun, para pumunta sa Hawaii, magtago sa Hawaii.
08:53.8
Dahil syempre galit ang mga tao sa kanila.
09:01.3
So yun ang mga, ang kwento tungkol sa martial law.
09:06.1
At bakit nga ba dineklara ni Marcos itong martial law?
09:13.1
Or ano yung dahilan niya?
09:16.1
So yung opisyal na dahilan niya ay sabi nila dahil may communist threat sa Pilipinas noon.
09:25.3
Dahil may communist party.
09:30.3
At mayroong rebellion ng Mindanao independence movement.
09:36.6
So syempre, mga sabi nila, ito mga excuse lang.
09:41.8
O mga pretext lang para magdeklara ng martial law.
09:49.4
At yun, nakakalungkot dahil sabi ng mga ibang organisasyon.
09:56.0
At yun, merong higit.
09:57.9
Mga higit sa 3,000 ang pinatay gamit ang extrajudicial killings.
10:06.9
35,000 ang mga torture na documented.
10:12.9
77 ang nawala o disappeared.
10:18.9
At 70,000 ang nilagay sa kulungan.
10:22.9
So madami ang naging apektado ng mga kulungan.
10:26.9
So madami ang naging apektado ng mga kulungan.
10:27.3
Nang matay, nasaktan sa martial law.
10:32.4
At ito recorded ng mga international community tulad ng Amnesty International at iba pang organisasyon ng human rights.
10:45.9
So yun lang ang episode natin ngayon.
10:49.4
Salamat sa pakikinig.
10:50.8
At mayroong transcript kung gusto nyo basahin.
10:57.3
At mayroon ding Patreon kung gusto nyo sumuporta.
11:01.3
Salamat at ingat kayo.