Close
 


14 Kakaibang Signs ng Sakit sa Puso. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
14 Kakaibang Signs ng Sakit sa Puso. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin ang Paliwanag https://youtu.be/9A_E93ZX8lU
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:20
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Tuturo ko po sa inyo 14 nakakaibang senyales ng sakit sa puso.
00:06.6
Normally kasi pag sinabing sakit sa puso, ang iniisip natin, masakit lang ang dibdib, di ba?
00:13.1
Yun ang alam nating sakit sa puso.
00:15.2
Pero meron palang mga skin signs sa balat lang natin, possibly makita ko may sakit sa puso.
00:22.6
So bilang internist, cardiologist, ito po linya natin.
00:25.9
Pakita ko muna yung mga usual signs na alam ninyo, yung mga chest pain,
00:31.8
at minsan tumataas yung sakit sa kaliwang kamay, sa neck, alam nyo na yan.
00:37.5
Minsan laging pagod, baka may heart failure, hinihimatay, mahina tibok ng puso,
00:45.5
palpitation, irregular heartbeat, yan ang mga signs ng sakit sa puso.
00:50.8
Pawis na pawis, malapot ng pawis, ibig sabihin mahina minsan ang puso.
00:55.9
Hinihingal, possible din yan, konting lakad lang, hingal na.
01:00.9
So ito yung mga usual na alam nyong signs, di ba?
01:04.9
Pero ngayon, meron tayong 14 nakakaibang signs, tingnan natin, yan.
01:10.9
Number one, pagmamanas.
01:14.9
Pag may nagmamanas, ganyan, maraming causes.
01:18.9
Hindi naman lahat ng pagmamanas masama.
01:21.9
Ang pinakahindi delikado ng pagmamanas, yung dependency.
01:25.6
Yung dependent edema, yung mga medyo may edad na, edad 50, 60, 70.
01:30.6
Meron ng mga varicose veins, kaya sa hapon, mas manas.
01:34.6
Pwede yun, yung mga baka sales lady o security guard,
01:39.6
lagi nakatayo, lagi nakaupo, pwede magmanas.
01:42.6
Yun ang hindi naman delikado, tataas lang pa.
01:45.6
Pero merong pagmamanas na mas masama.
01:48.6
Pwede yung heart failure, mahina ang puso, kaya nagmamanas.
01:53.4
Pwede rin kidney failure, may sira ang kidneys.
01:57.4
Pwede rin liver failure.
01:59.4
Pero yung liver failure, usually, tiyan muna lumalaki.
02:04.4
Kidney failure, may manas din, pero kasama yung muka sa pamamanas.
02:09.4
Pag heart failure, mainly, paa ang nagmamanas.
02:12.4
So, possible lang yan.
02:14.4
Number two, pwede nag-iiba yung kulay.
02:18.4
Pwede mo pakita, Dok Liza. Nag-iiba kulay ng balat.
02:22.2
Nagbublu siya.
02:24.2
Nagbublu, ibig sabihin kulang sa oxygen yung katawan.
02:28.2
Kulang sa oxygen yung arteries o may barado.
02:32.2
Ito, tingnan nyo, nagbublu.
02:34.2
So, may possibility may barado yung mga blood vessels.
02:38.2
Tawag dito cyanosis, mababa yung oxygen.
02:41.2
Hindi natin alam bakit.
02:43.2
Kaya titignan, humihina ba yung puso, humihina ba yung baga.
02:47.2
Yan, hindi pong magandang sign yan. Papacheck agad sa doktor.
02:51.0
Ito, mga 14 skin signs.
02:53.0
Ito po, Dok Liza, pwede mo focus konti.
02:56.0
Medyo hindi rin itong magandang sign.
02:59.0
Yung parang may net. Nakita nyo ba? Parang may net yung balat natin.
03:05.0
Net-net ito. Net-like.
03:08.0
So, minsan, pwede mangyari yan pag nilalamig ka.
03:13.0
Tapos pag uminit na yung katawan mo, mawawala na.
03:16.0
Pero minsan, parang kulang din yan ng blood supply.
03:21.0
O pwedeng may bara sa kolesterol, pwede rin yan.
03:25.0
O bumababa yung blood pressure, pwede rin yan.
03:28.0
Sabihin, may depresya sa daloy ng dugo.
03:31.0
Kaya nga yung balat, nakita nyo, nag-iiba, nag-net-net.
03:35.0
So, kung wala naman kayo nararamdaman,
03:38.0
di ano lang, lakad-lakad, exercise.
03:40.0
Pero kung laging ganyan, papacheck tayo sa doktor.
03:43.0
Possible blocked arteries, net-like pattern.
03:47.0
Tawag dyan, medical term, libido reticular.
03:51.0
Number four. Ito, naturo ko na sa inyo dati.
03:56.0
Mga dilaw-dilaw na lumalabas sa balat.
04:00.0
Merong dilaw-dilaw, parang taba.
04:03.0
Ayan, lumalabas sa mata.
04:05.0
Kitang-kitang.
04:06.0
O dilaw, minsan, sa tuhod lumalabas.
04:09.0
Ang tawag dyan, suntelasma.
04:12.0
Cholesterol yan, taba.
04:14.0
Diba, ang taba, kulay yelo.
04:16.0
So, pag mataas masyado cholesterol mo, triglyceride mo,
04:19.8
pwede magkaroon ng ganyan sa mata.
04:21.8
Suntelasma ang tawag dyan, medical term.
04:24.8
Pag sa katawan naman, lumabas sa balat.
04:27.8
Xanthoma ang tawag dyan.
04:29.8
So, kailangan, minsan, sa kamay daw lumalabas.
04:33.8
Sa tuhod, sa likod ng tuhod, dito sa paligid ng mata.
04:37.8
Mahirap siya matanggal.
04:40.8
Minsan, sa dermatology, sasabihin nila, ilagyan mo na lang ng makeup.
04:43.8
Pero dapat pacheck mo, cholesterol mo.
04:46.8
Pacheck din kung may sakit sa puso.
04:48.6
Kasi, super high cholesterol para lumabas na yung taba sa balat.
04:53.6
So, hindi lang puso nababalod sa taba.
04:56.6
Hindi lang liver, fatty liver nababalod sa taba.
04:59.6
Hindi lang tiyan, lumalaki sa taba.
05:01.6
Pati pala sa balat, lumalabas na yung taba.
05:05.6
Ito.
05:07.6
Ito, medyo iba to.
05:09.6
May bump-bump sa katawan.
05:12.6
Eruptive Xanthomatosis.
05:15.6
Pero makikita nyo, yung bump niya,
05:18.4
may dilaw-dilaw.
05:20.4
Ayan, may wax. May dilaw-dilaw sa dulo ng bump.
05:23.4
Hindi lang siya rash na mapula-pula.
05:25.4
Meron siyang dilaw-dilaw-dilaw.
05:28.4
Iksabihin, may taba din dyan.
05:30.4
So, pwede rin high cholesterol to.
05:33.4
High cholesterol or diabetes.
05:37.4
Okay, sacheck mo cholesterol level, triglyceride level.
05:41.4
Kung mataas, gagamotin kasi lumabas din sa balat.
05:44.4
Pero ito, iba itsura.
05:46.2
Ang kanina, itsura ganyan sa buo.
05:48.2
Ito, hiwalay-hiwalay.
05:50.2
Ito po, yung lagi ko tinuturo, clubbing.
05:54.2
Clubbing, pakita natin Dok Liza, kumakapal yung daliri.
05:59.2
Ayan, kumakapal.
06:01.2
Bumababa. Ito yung normal angle ng daliri natin.
06:04.2
Ayan, may angle.
06:06.2
Kumakapal, nagiging concave.
06:08.2
Ganyan ang nangyayari.
06:10.2
Pwedeng may congenital heart disease.
06:12.2
Yung pinanganak na blue baby.
06:15.0
May butas sa puso dahil kulang yung oxygen.
06:18.0
Nangyayari, nagkukulang yung oxygen sa kamay.
06:22.0
Kaya, pag nagkulang sa oxygen, mga blue sila.
06:25.0
Kulay blue baby, purple ang labi, purple din ang daliri.
06:29.0
Kaya, kumakapal dito.
06:31.0
Parang dumadami yung mga ugat.
06:33.0
So, clubbing yan.
06:35.0
Pwede rin may sakit sa baga.
06:38.0
Kulang sa oxygen.
06:39.0
Baka madalas manigarilyo, COPD.
06:42.0
Matagal na kulang sa oxygen.
06:43.8
Kaya, nagka-clubbing din.
06:45.8
May test tayo dyan.
06:46.8
Ang tawag dito, shamroth sign.
06:49.8
Diba, lagi ko tinuturo sa inyo, ginaganyan natin yung daliri.
06:52.8
So, pag ginanyan mo ang daliri mo, kailangan may butas.
06:56.8
May butas.
06:57.8
Ayan, may butas.
06:58.8
Ito yung normal, may butas.
07:00.8
Pag may clubbing ka, walang butas.
07:04.8
Ito, walang butas.
07:06.8
Ito, club siya.
07:07.8
Wala ka nakikitang araw na pumapasok.
07:10.8
Walang ilaw.
07:11.8
So, clubbing yan.
07:13.8
Hindi mo malalaman kung club.
07:15.8
Although, may ilang tao na pinanganak na makapal.
07:20.8
May lahing gano'n.
07:22.8
Meron din naman exception.
07:24.8
Pero usually, blue baby, may sakit sa baga, sa puso.
07:28.8
Yan ang sine-check natin.
07:31.8
Pwede niyong gawin.
07:33.8
Ito naman, medyo iba na ito.
07:36.8
Merong mga bukol-bukol sa balat.
07:40.8
Pakita mo ito, Dok Liza.
07:41.6
May naglalabasan parang protein.
07:44.6
Parang nodules.
07:46.6
Protein build up ito.
07:48.6
May isang sakit, nagkakaroon ng ganyang nodules sa buong katawan.
07:53.6
Amyloidosis ang tawag dito.
07:57.6
Medyo rare ito.
07:59.6
Protein deposit sa puso at ibang organs lumalabas.
08:02.6
So, pag ganito, papacheck din kayo.
08:05.6
Ibig sabihin, pwede naman walang kaso lang.
08:08.6
Baka may peklat lang.
08:10.4
Kung walang masama, pa 2D echo, pa ECG.
08:13.4
Pacheck na rin natin yung puso.
08:16.4
Ito, medyo ibang mga sakit na ito.
08:19.4
Ito yung mga infective endocarditis.
08:22.4
Minsan kasi yung puso, nagkakaroon ng infection.
08:25.4
Yung valbula.
08:27.4
So, pag yung puso, may mga valve yan.
08:29.4
Aortic valve, mitral valve.
08:31.4
So, pag nag-infection yan,
08:33.4
minsan tumatapon yung mga infection.
08:35.4
Merong mga buo-buo na tumatapon.
08:38.2
Kaya nagkakaroon ng dugo-dugo dito.
08:41.2
Ayan, tingnan nyo. Yan ang sign.
08:44.2
May mga parang linya-linya.
08:48.2
Parang nasugat, pero ang daming sugat.
08:52.2
Splinter hemorrhages.
08:54.2
Sign of infective endocarditis.
08:56.2
Papag 2D echo, lalo na kung may ilag natin.
08:59.2
Titingnan natin.
09:02.2
Pwede rin naman nabunggu ka.
09:04.2
Pag nabunggu yung paa mo, pwede.
09:06.0
Pero pag nabunggu, isa lang dapat.
09:08.0
Ito, halos lahat.
09:10.0
At yan ang marami.
09:12.0
Ito. Merong masakit na bukol-bukol din sa daliri ng paa.
09:19.0
Okay? Sign din ito ng infective endocarditis.
09:23.0
Ito yung mga inaaral ng mga medical students.
09:27.0
Sa exam, lagi ito. Osler nodes.
09:29.0
Siya nang invento, si William Osler.
09:31.0
Siya naka-discover nung mga 1898, mga ganyan.
09:35.8
Na-discover niya yan.
09:36.8
So, pag may ganitong bukol, nakita niya.
09:38.8
Uy, may infection sa puso.
09:40.8
Osler nodes. Bukol-bukol sa paa.
09:45.8
Ito naman, medyo may brownish discoloration.
09:49.8
Ito. Actually, medyo hindi.
09:51.8
Parang may sugat-sugat siya. Parang may dugo-dugo siya.
09:54.8
Ayan. Heart infection infective endocarditis.
09:57.8
Pang-exam din ito. Janeway lesions ang tawag dyan.
10:01.8
So, kung meron kayong makikita kakaiba sa paa ninyo
10:04.6
o sa kamay ninyo, papacheck din yung puso.
10:07.6
Kasi skin sign ito ng heart disease.
10:10.6
Ito. Mapula. Pakita mo, Dok Liza.
10:16.6
Common ito sa Pilipinas.
10:18.6
Rheumatic fever yan. Common yan.
10:21.6
Sa US, halos wala nang rheumatic fever.
10:25.6
Erythema marginatum. Parang rash na paikot ito.
10:31.6
Malaki siya.
10:32.4
Misan, nagkakaroon ito mga bata.
10:35.4
Okay?
10:36.4
Paano nangyayari ito?
10:38.4
Unang-una, na sore throat.
10:40.4
Diba? Isip natin sore throat.
10:42.4
Bale, wala. Ako, bata ako. Madalas ako ma-sore throat.
10:45.4
Pero ang sore throat pala, hindi pwedeng pabayaan.
10:49.4
Ang mga tonsil na mamagamay, may nana, yung mga bata,
10:53.4
yung mga nakikinig sa atin, yung mga may tonsil,
10:56.4
kailangan gagamutin ng antibiotic 7 to 10 days.
11:00.2
Oras na hindi mo gamutin yung tonsilitis na bacterial
11:05.2
ng 7 to 10 days antibiotics,
11:07.2
pag hindi nagamot, may maliit na tsyansa.
11:10.2
Hindi naman lagi. Pero sa Pilipinas kasi wala nang gamutan ng antibiotics.
11:14.2
Inahaya lang mga batang mahirap na may tonsils.
11:18.2
May tsyansa, pumunta sa puso yung infection dito sa tonsils.
11:23.2
Pag lumipas sa puso, nasisira yung balbula sa puso.
11:28.2
Mitral valve, aortic valve.
11:30.0
Pag nasira yan, heart failure na yung bata o operahan na yung bata.
11:35.0
Pipila na sa heart center hanggang hirap na lumaki.
11:38.0
Minsan hindi na humahaba ang buhay.
11:40.0
Pa bakit? Kasi yung tonsils hindi ginamot nung nanay nung bata pa yung bata.
11:46.0
Hindi nang bigyan ng antibiotic.
11:48.0
Nagka-rheumatic fever, naging rheumatic heart disease, ito yung isang sign niya.
11:52.0
Naglalabas sa balat. Erythema marginatus.
11:55.0
May lagnat, masakit ang arthritis.
11:58.8
Bata pa, sumasakit ang kasu-kasuan, may lagnat at may ganitong lumalabas.
12:04.8
Rheumatic fever.
12:06.8
Ito sa bata rin, kawasaki disease.
12:10.8
Pag ang bata, may lagnat, may rash, tapos nagka-crack yung mga lips.
12:16.8
Nagka-crack yung mga lips at may mga rashes.
12:19.8
May isang sakit sa bata, kawasaki disease. Usually, tinatamaan 6 months to 5 years old.
12:26.6
Pwede mas matanda konti.
12:28.6
Anong problema sa kawasaki disease?
12:30.6
Itong kawasaki, maraming viral infection ng bata eh.
12:34.6
Pero itong nakakainis na sakit na kawasaki disease, ang salbahid dito, pwede niya sirain yung ugat sa puso.
12:44.6
Yung mga artery.
12:46.6
Biro mo, isang viral infection lang sa bata, edad 5 years old, sinira na niya yung mga artery.
12:54.4
Ito yung pang bypass, pang angioplasty.
12:59.4
Para ito sa matandang naninigarilyo, high blood.
13:02.4
Pero ito, 5 years old pa lang, sinira na niya.
13:05.4
Marami ako nakitang ganyan eh.
13:07.4
Yung puso, bara-bara-bara na.
13:09.4
Bata pa, 5 years old, parang may bara na siya sa puso dahil dito sa sakit na ito.
13:16.4
Sa infection na ito.
13:18.4
Ito yung isang sintomas. May rashes, nagda-dry, nagka-crack-crack.
13:22.4
Kaya kailangan pa check sa doktor.
13:24.4
Ito, isang sign, naturo ko na dati.
13:28.4
Earlobe crease.
13:30.4
Tingnan niyo yung tenga niyo.
13:32.4
Nakatuloy, parang may linya ata tenga ko eh.
13:34.4
Oras na magkalinya, tawag nila frank sign.
13:38.4
Usually, sa may edad, basta may linyang ganyan.
13:42.4
Hindi yung palakihan ng tenga, yung may linya, may line.
13:45.4
Nakita nila, parang mas mataas ang sakit sa puso.
13:49.4
Chance na may earlobe crease.
13:51.4
Anong explanation?
13:53.2
Actually, ang isang theory is parang yung mga tissues ng katawan mas nagiging marupok.
14:02.2
Kaya nagkakalinya.
14:04.2
Parang hindi na siya ganun ka-pliable yung mga tissues natin dito.
14:10.2
Kaya nagkakalinya.
14:12.2
Kaya pati yung puso humihina. Usually, sa elderly eh.
14:15.2
So, yun lang nakita nila. Parang mas mataas ang sakit sa puso.
14:18.2
Tunay po ito. Check nyo.
14:20.2
Earlobe crease and heart disease.
14:22.0
May konting pag-aaral dyan.
14:24.0
And lastly, ito. Grey ring.
14:27.0
Arcus senilis. Tingnan nyo yung mata nyo.
14:30.0
Pag 60 years old ka na, senior na, usually meron talagang linya.
14:36.0
Pwede yun. Pag 60 years old.
14:38.0
Pero kung wala ka pang 60, 50 ka pa lang, 40 ka pa lang.
14:41.0
Tapos nakita mo, silipin nyo. Yung puti na bilog.
14:45.0
Dapat may konting puti. Pag nabilog yan, pwedeng taba.
14:49.0
Pwedeng kolesterol.
14:50.8
So, mga high cholesterol, higher risk of heart disease, meron din ganyang arcus senilis.
14:57.8
Okay. Sana nakatulong po ito.
15:00.8
14 kakaibang senyales ng sakit sa puso.
15:04.8
Pacheck po tayo sa inyong cardiologist.
15:06.8
Hindi naman ito lagi. Pero nice to know ito sa lahat ng mga tao.
15:10.8
Pati mga medical students. Ito rin yung mga tinatanong sa mga exam nyo.
15:15.8
Sa mga board exam at iba pa. God bless po.