Close
 


Mga Sakit sa Tenga at Pandinig. - Tips By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mga Sakit sa Tenga at Pandinig. Tips By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin ang Paliwanag https://youtu.be/gb2wX7nO_PQ
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 14:16
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito mga ear signs of health.
00:02.7
Tapos magbibigay tayo konting tips
00:04.3
paano alagaan ng tenga at pandinig natin.
00:08.1
Ito, tignan mo, merong mga tenga na may linya.
00:12.0
May tenga na umuugong.
00:15.4
May tenga na may luga.
00:17.5
Merong red ear, namumula yung tenga.
00:20.6
O tenga na may mga skin tag.
00:23.0
Maraming possibilities.
00:24.8
Yan, merong mga red ears.
00:27.2
Ano ba ito? Tignan natin isa-isa.
00:30.0
Number one, pag ang tenga mo, laging makati.
00:34.0
Very common yan.
00:34.9
Ang kati-kati ng tenga,
00:36.8
tapos may lumalabas na parang puti-puti na flakes.
00:40.8
Para siyang balakubak na lumalabas dito.
00:43.6
Pwedeng balakubak or parang may puti-puting discharge.
00:47.9
Pwedeng fungal infection.
00:50.1
Common yan.
00:51.2
Fungal infection, aspergillus or candida.
00:54.0
Merong puti-puti na lumalabas.
00:57.1
Pero bukod dito sa fungal infection,
00:59.3
may other causes.
01:00.0
May other causes of itchy ear.
01:01.7
Merong tinatawag na seborrheic dermatitis.
01:05.9
Ito yung matinding parang dandruff.
01:09.0
Pero yung dandruff, hindi sa ulo lang.
01:11.3
Dandruff dito sa buhok,
01:13.1
sa may patilya,
01:15.3
sa kilay,
01:16.8
tapos dito rin,
01:17.9
sa side natin,
01:19.6
sa may patilya,
01:21.6
tapos sa tenga,
01:23.1
tuloy-tuloy din.
01:24.8
Seborrheic dermatitis.
01:27.0
Naglalabasan yan.
01:28.5
Pwede rin,
01:29.6
yung psoriasis.
01:31.0
Yung mga may psoriasis,
01:32.3
pati tenga,
01:33.3
apektado.
01:34.3
O yung mga may eczema,
01:35.7
may skin condition,
01:36.9
yung very dry.
01:38.6
O baka yung sabon mo.
01:40.1
Meron kang ginagamit na sabon na very dry,
01:42.9
kaya nagdadry.
01:44.3
Pwede rin may earwax,
01:45.7
kaya nangangate.
01:46.9
Pwede kang kalikot ng kalikot ng cotton buds,
01:50.2
nagdadry yung tenga.
01:51.4
Actually nga,
01:52.1
hindi pinapayo ng mga ENT doctor
01:54.5
na gumamit ng cotton buds.
01:56.0
Ayaw na ayaw nila yan.
01:58.3
Ayaw na ayaw nila.
01:59.4
Kasi pag cotton buds,
02:00.6
pinapasok mo lang yung tutuli,
02:02.7
lalo nagbabara.
02:03.8
Tapos pag nagkamali ka,
02:05.5
na-press mo maigi,
02:06.7
nabubutas yung ear drum.
02:08.2
Inaoperahan po yun.
02:09.6
Minsan di na gumagaling ang butas ng ear drum.
02:12.3
Pwede rin sa mga gumagamit ng earplugs
02:16.8
or ear buds.
02:18.3
Nakikinig ng music sa cellphone,
02:20.3
naglalagay tayo ng ear buds.
02:23.1
Pero baka magdumi ang kamay.
02:25.6
Yung infection na pupunta sa tenga,
02:28.1
kaya nangangate.
02:29.4
Number two, red ears.
02:31.8
Okay?
02:32.8
May tao, red ears eh.
02:34.8
Meron ba kayong kaklase?
02:35.8
Nakita nyo, biglang namumula yung tenga
02:38.4
pag napapahiya.
02:40.2
Diba? Red ear syndrome.
02:42.2
Wala namang kaso yun
02:44.2
kung namumula yung tenga niya.
02:45.6
Pag napapahiya,
02:46.6
baka yun lang ang ano niya,
02:48.6
genetic niya.
02:49.6
Pero merong iba namumula yung tenga
02:52.2
at sumasakit pa.
02:53.8
Mapula na.
02:54.8
Parang burning sensation.
02:56.8
Pwede yung mga babaeng
02:58.8
may menopause.
02:59.8
Hormonal changes.
03:00.8
Hot flashes.
03:01.8
Pati tenga nila namumula.
03:04.8
Reaction to emotion.
03:06.8
Red ear.
03:07.8
Exposure to environment.
03:09.8
Sobrang init.
03:10.8
Reaction to hormone.
03:12.8
Baka may gamot na iniinom.
03:14.8
Or itong red ear syndrome.
03:16.8
Pakita tayo sa dermatologist
03:18.8
or sa ENT
03:19.8
kung laging namumula
03:21.8
at sumasakit yung tenga.
03:23.8
Number three.
03:24.8
Pakita natin, Dok Liza, ito.
03:26.8
Creased ear lobes.
03:28.8
Tignan niyo po, tenga niyo.
03:30.8
Nagkakalinya.
03:32.8
Merong mga pag-aaral yan.
03:34.8
Bilang cardiologist, alam ko po ito.
03:37.8
Pag may ganyang linya,
03:39.8
hindi naman 100% sure.
03:41.8
Pero higher chance na magkaroon ng
03:44.8
heart disease.
03:45.8
Bara sa ugat sa puso.
03:47.8
Okay?
03:49.8
Anong connection, Dok Willie,
03:51.8
ng linya sa tenga?
03:53.8
Tawag namin yan frank sign.
03:54.8
Sasakit sa puso.
03:56.8
Actually, hindi pa malinaw bakit.
03:58.8
Nakikita lang nila,
03:59.8
basta may linya,
04:00.8
mas maraming nagkakasakit sa puso.
04:03.8
Ang explanation,
04:05.8
parang yung mga small blood vessels natin,
04:09.8
meron niyang elastic tissue.
04:11.8
Parang may tissue yan.
04:12.8
Yung parang lining niya.
04:14.8
Numinipis
04:16.8
pag nagkakaroon ng linya.
04:19.8
So, pag manipis yung elastic tissue
04:21.8
sa mga small blood vessels,
04:23.8
pati na rin sa puso.
04:25.8
Affected din.
04:26.8
Di ba?
04:27.8
Kasi pareho namang ugat.
04:28.8
So, possible lang yan.
04:29.8
Ibig sabihin, pag may linya,
04:31.8
magingat kayo na
04:32.8
mas healthy habit.
04:33.8
Hindi maninigarilyo.
04:34.8
Huwag magpapataba.
04:37.8
Mas mag-iingat lang.
04:39.8
Number four, ear pain.
04:41.8
Laging masakit ang tenga.
04:44.8
Okay?
04:45.8
Maraming possibility.
04:47.8
Baka may infection sa tenga.
04:49.8
Baka may problema sa ipin.
04:52.8
Di ba?
04:53.8
Sa ipin pala.
04:54.8
Or pwedeng may TMJ.
04:56.8
Temporomandibular Joint Dysfunction.
05:00.8
Yung masakit pag umunguya.
05:02.8
Pwedeng may bukol.
05:04.8
Meron din may bukol.
05:06.8
Pwedeng may tonsils or sore throat.
05:08.8
So, maraming possibilities ang ear pain.
05:11.8
Pwedeng sinusitis.
05:13.8
Dental problem.
05:15.8
Pwedeng may baradong ear wax.
05:17.8
Number five ito.
05:19.8
May nanak lumalabas.
05:22.8
Ibang usapan ito.
05:23.8
May nagde-drain.
05:24.8
Minsan sa bata.
05:25.8
Diba?
05:26.8
Naglalakad.
05:27.8
Ang daming luga.
05:28.8
Lumalabas. Diba?
05:29.8
Common rin ito sa bata.
05:31.8
PAS.
05:32.8
Lumalabas.
05:33.8
Tawag diyan otitis media.
05:36.8
Nagkakaroon ng infection ng bata sa tenga.
05:40.8
Galing sa sipon.
05:41.8
Napunta sa tenga.
05:42.8
At dahil diyan, nabutas ang ear drum.
05:44.8
Lumabas yung mga nanak.
05:46.8
Kailangan na antibiotics yan.
05:48.8
Pwedeng trauma.
05:49.8
Kaya may nanak.
05:50.8
Pwedeng nag-swimming.
05:52.8
Nag-swimming sa maduming ear drum.
05:54.8
Maduming ilog.
05:56.8
Pumasok yung infection.
05:58.8
Kaya nag-nana.
05:59.8
Pwede rin may foreign object.
06:01.8
Linis ng linis.
06:02.8
Nakapasok ng dumi.
06:04.8
O pwedeng mga dermatitis or eczema.
06:07.8
Kaya nagsugat-sugat.
06:08.8
Lumabas ang nanak.
06:10.8
Papacheck sa ENT doctor.
06:11.8
Either ear drops or antibiotics.
06:15.8
Number six.
06:16.8
Pakita mo Dok Liza.
06:17.8
Ear tag.
06:19.8
May taong may ear tag.
06:21.8
Pinanganak.
06:22.8
May kilala ba kayong ganito?
06:23.8
Tawag po dito,
06:24.8
ear tag or pre-auricular skin tag.
06:27.8
Pinanganak yung baby,
06:29.8
meron na yan.
06:31.8
Actually,
06:32.8
pag nagpo-form yung fetus
06:34.8
sa tiyanang ni mami,
06:37.8
nag-uumpisa talaga meron yan eh.
06:39.8
Tapos dapat nawawala eh.
06:41.8
Nawawala dapat.
06:42.8
Kaya lang minsan may abnormality na iiwan.
06:45.8
At may ibang tao,
06:46.8
may butas pa.
06:48.8
Okay?
06:49.8
So, dapat wala namang kaso yan.
06:52.8
Basta walang infection,
06:54.8
di sumasakit,
06:55.8
hindi naman ginagalaw.
06:56.8
Pero yung iba kasi,
06:58.8
may sinus tract problem eh.
07:00.8
So, may butas at may connection dito
07:03.8
pati sa sinus tract.
07:04.8
So,
07:05.8
pag merong butas
07:06.8
or sumasakit,
07:07.8
pwede na mapacheck sa ENT.
07:10.8
Ear tag.
07:12.8
Number seven.
07:13.8
Cauliflower ear.
07:16.8
Yung di ba lagi natin nakita?
07:18.8
Mga wrestler,
07:19.8
lalo na sa wrestler,
07:20.8
boxer,
07:21.8
kita mo mga sikat na boxer.
07:23.8
Tingnan mo lahat ng picture nila.
07:24.8
Cauliflower ear sila lahat.
07:27.8
Ibig sabihin,
07:28.8
talagang nasusuntok yung tenga.
07:30.8
Dugo-dugo yung tenga.
07:32.8
Ano nangyari?
07:33.8
Blood loss.
07:35.8
Kakasuntok.
07:36.8
Labas yung dugo.
07:37.8
Namamata yung cartilage.
07:39.8
At nagpepeklat.
07:41.8
Kaya mukhang cauliflower na yung tenga.
07:44.8
Actually, may mga procedure pa yan eh.
07:46.8
Tinutusok,
07:47.8
nilalabas pa yung nana.
07:49.8
Diba?
07:50.8
Hindi ko na nilagay yung mga ibang picture.
07:52.8
Maselan masyado.
07:53.8
Pero common yan sa wrestler.
07:55.8
Halos lahat sila.
07:56.8
Ang dami may cauliflower ear.
07:59.8
Number eight.
08:00.8
Ear wax.
08:02.8
Okay?
08:03.8
Hindi ko pinapayo magko-cotton buds kayo.
08:05.8
Sabi ko nga,
08:06.8
tuwalya lang.
08:07.8
Dito lang sa labas.
08:08.8
O kundi labas na labas na lang.
08:10.8
Hindi na ako gumagamit ng cotton buds.
08:12.8
Payo yan ng ENT doktor ko.
08:14.8
Hayaan lang kusa.
08:16.8
Kasi lagi nga,
08:17.8
lalo mo na maipapasok yung dumi.
08:19.8
Kusa naman lalabas dapat yan eh.
08:21.8
Diba?
08:22.8
Makati-kati lang di dito.
08:23.8
Punasan mo lang sa labas.
08:25.8
Pero kung masisilip yung tuwalya
08:27.8
o dito lang sa labas ng cotton buds,
08:29.8
ano ba ang kulay ng tutuli mo?
08:32.8
One to eight.
08:34.8
Yellow.
08:35.8
Merong yellow na normal lang.
08:37.8
May tao tutuli puti.
08:40.8
Dapat walang amoy.
08:42.8
Hindi dapat siya masangsang
08:44.8
o mabaho.
08:45.8
Ibang usapan na yun.
08:47.8
Pag ganito na,
08:48.8
orange na maitim-itim,
08:50.8
baka may infection na yan.
08:52.8
Lalo na yung ganitong maitim,
08:54.8
ibang usapan na ito.
08:56.8
Pag maputi, baka fungal infection.
08:58.8
Sabi ko sa inyo.
08:59.8
Pag pula, may dugo yan.
09:01.8
May dugo yan.
09:03.8
So itong five, six, seven,
09:05.8
hindi na normal yan.
09:07.8
Tsaka kung may amoy nga at masyado marami.
09:11.8
Number nine.
09:12.8
Nabibingi sa isang tenga.
09:15.8
So ba't nabibingi?
09:16.8
Baka may trauma.
09:18.8
Baka may baradong tutuli.
09:20.8
Baka may infection.
09:22.8
Or possible na may bukol din.
09:25.8
May tumor sa auditory nerve.
09:28.8
May ganung sakit.
09:29.8
Yan din kinakatakot natin yung mga bukol.
09:31.8
Papacheck tayo sa ENT.
09:33.8
Pag isang tenga lang ang nabibingi.
09:36.8
Number ten.
09:37.8
Ito common to.
09:38.8
Mag-comment po kayo.
09:40.8
Tumutunog ringing or buzzing in the ear.
09:44.8
Parang lagi may ugong.
09:46.8
Nakakainis na sakit to.
09:47.8
Actually meron ako tinnitus dati.
09:49.8
Minsan aatake lang siya talaga.
09:51.8
May problema yan sa tenga.
09:53.8
Talaga ugong ng ugong.
09:55.8
Parang electric fan.
09:57.8
Parang motor.
09:58.8
Parang nagre-ring.
10:00.8
Pwede yan sa mga may sipon.
10:03.8
May allergy.
10:05.8
May sinusitis.
10:06.8
May sipon.
10:07.8
Yung sipon nga.
10:08.8
Misan nakaka-apek.
10:09.8
Nakaka-cause ng build up din ng fluid sa tenga.
10:12.8
Nagtitinnitus.
10:14.8
Minsan sumasabay pa vertigo.
10:16.8
May hilo ka.
10:17.8
Sa mga nabibingi na.
10:19.8
Nagkaka-tinnitus din.
10:21.8
Ito po.
10:22.8
Mga may high blood pressure.
10:24.8
Nakita nila.
10:26.8
Yung mga karamihan na may high blood.
10:29.8
Meron din sa kanila naririnig na ugong.
10:32.8
Siguro sa taas ng blood pressure nila.
10:34.8
Ayan o.
10:36.8
Tinnitus.
10:37.8
Pwede yung high blood.
10:38.8
Ear wax.
10:39.8
Ear infection.
10:40.8
Pwede ding allergy.
10:42.8
Tulad na sinabi ko.
10:43.8
Allergy.
10:44.8
Sipon.
10:45.8
May cause din ng ugong.
10:47.8
Kaya ginagamot yung allergy.
10:49.8
Ginagamot yung sipon.
10:50.8
Number eleven.
10:51.8
Crackling sounds in your ears.
10:55.8
Patunog-tunog.
10:56.8
Maraming tunog sa tenga.
10:58.8
So, ito mga crackling sounds.
11:00.8
Parang nagkakwak-kwak-kwak dyan.
11:03.8
Pwede yung allergy.
11:05.8
Pwede yung may ear wax.
11:07.8
Pwede yung may infection din.
11:09.8
Kaya may sound.
11:11.8
O baka may tutuloy.
11:12.8
May sipon.
11:13.8
May sipon.
11:14.8
Pero binabantayan natin kung may nasal polyp or tumor.
11:18.8
Isang cancer yan eh.
11:19.8
Nasopharyngeal cancer.
11:21.8
Meron ganun eh.
11:22.8
So, pag may bukol dito sa ilong,
11:25.8
nagbabara yung daanan sa tenga.
11:27.8
Kaya nagsasound-sound din.
11:29.8
Binabantayan din natin yan.
11:32.8
Home remedies for crackling ears.
11:34.8
May nasal spray.
11:36.8
Ear wax.
11:37.8
O mga decongestant.
11:40.8
Lastly, actually hindi naman talaga ito simptom
11:43.8
ng ear.
11:44.8
Pero may taong may naririnig nilang ugong.
11:47.8
Minsan may naririnig pang boses.
11:50.8
Boses ng ibang tao.
11:52.8
Ear symptom na rin ito.
11:54.8
Meron sila naririnig pero wala naman tao.
11:56.8
Actually noon, pag sinabi mong ay nakakarinig ng boses.
12:00.8
Baka matakot sa ibang tao.
12:03.8
Isipin nila, nako may mental problem ito.
12:06.8
Baka nasisiraan ng bait.
12:08.8
Ganyan-ganyan.
12:09.8
O baka yung schizophrenia or psychosis.
12:13.8
Possible yun.
12:14.8
Meron ganong possibility.
12:16.8
Pero ayon sa bagong pag-aaral,
12:18.8
common pala ang makarinig ng boses.
12:22.8
10% ng tao nakakarinig.
12:24.8
At hindi naman talaga mental health problem.
12:28.8
Pwedeng normal lang.
12:29.8
Ano yung mga possibilities?
12:31.8
Sobrang puyat.
12:33.8
Ang kulang na kulang sa tulog.
12:36.8
Diba?
12:37.8
Minsan parang may nakikita, may naririnig.
12:39.8
Pwede pala yun.
12:41.8
Sobrang stress.
12:42.8
Post-traumatic stress disorder.
12:45.8
Na stress sa gera, sa meron naririnig.
12:49.8
Pwede yun habang stress.
12:51.8
Namatayan ng partner o ng magulang, ng close friend.
12:56.8
Sa sobrang stress nila, may naririnig.
12:58.8
Normal pala yun.
13:00.8
Grieving.
13:01.8
Head injury.
13:02.8
Sobrang stress.
13:03.8
Substance abuse.
13:05.8
Diba?
13:06.8
Yung mga nag-shashabu, nag-cohocking.
13:08.8
Common sa mga nag-shashabu, may naririnig na boses.
13:11.8
Diba?
13:12.8
Kaya nga kasama rin yan.
13:14.8
Kaya kung meron naririnig, either maganda sinasabi o masama ang sinasabi.
13:19.8
Pag masama ang sinasabi, huwag mo papakinggan.
13:22.8
Kokontra yung sinasabi.
13:23.8
Sasabihin mo, oo narinig ko may boses pero di kita papakinggan.
13:27.8
Gagawin ko yung tama.
13:29.8
Kaya nakita nyo yung mga criminal minsan.
13:32.8
Sasabihin nila may boses, may nagsabi sa akin.
13:35.8
Gawin ko ito, gawin ko yan.
13:36.8
Saktan ko ito.
13:37.8
Kaya huwag kayong makikinig.
13:39.8
In control kayo.
13:40.8
Alam nyo tama o mali.
13:42.8
Papacheck din tayo sa psychiatrist.
13:44.8
Pag hindi nawala itong pagkarinig ng boses.
13:48.8
Pero common pala siya.
13:50.8
Pwede rin siyang normal.
13:51.8
Sa mga teenager na bubuli, na i-stress, pwede rin yun.
13:56.8
Okay?
13:57.8
So saan po nakatulong ito?
13:59.8
Mga ear signs at mga problema sa pandinig na connectado sa inyong kalusugan.
14:07.8
Dagdag kaalaman po sa inyong lahat.
14:09.8
Papacheck tayo sa ENT doctor.
14:11.8
Kung meron kayong nakitang problema.
14:13.8
Salamat po.