Close
 


Ang Malungkot Na Sinapit Ng Babaeng Nag Viral Dahil Sa Meme
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Isang family picture ang nagviral noong 2012. Naging instant meme ang picture na ito. Pero ang kasikatang ito ang siya pang sumira sa buhay ng babaeng nasa picture. Dinemanda daw kasi ng Mister ang kanyang Misis dahil nabisto nito ang totoong hitsura nung isinilang ang kanilang anak. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng viral picture? At kamusta na kaya ang babae ngayon? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, schol
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:29
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Natatandaan niyo pa ba ang larawang ito?
00:02.7
Taong 2012 nung nag-viral ang family picture na ito.
00:07.0
Makikita ang guwapo at maganda ang mag-asawa,
00:10.2
ngunit ang kanilang mga anak ay iba ang itsura.
00:13.7
Nung kumalat ito sa internet, ito ang caption,
00:17.1
Plastic Surgery, You Can't Hide It Forever.
00:20.6
At ang kwento ay dinimanda di umano ng lalaki ang kanyang misis
00:25.2
dahil inilihim nito ang pagpaparitoke ng mukha.
00:28.8
Nabisto lang daw ang totoong itsura ng misis nung isinilang ang kanilang anak.
00:34.1
Naging tampula ng katatawanan ang larawang ito
00:37.2
at maraming netizens ang nagakalang totoo ito.
00:40.5
Pero alam mo ba, ang kwentong ito ay isang malaking fake news.
00:45.5
Pero dahil sa meme na ito ay nasira ang buhay ni Heidi Ye,
00:50.0
ang babaing nasa larawan.
00:51.9
Ayon sa kanya, dahil sa meme ay nawalan siya ng mga trabaho.
00:55.6
Nasa 4 million New Taiwan Dollars
00:58.2
o nasa 7 million pesos na potensyal na kita daw ang nawala sa kanya.
01:03.3
Hiniwalayan din siya ng kanyang boyfriend
01:05.4
at marami ang hindi na naniniwala na natural lang talaga ang kanyang ganda
01:10.1
at hindi siya nagparitoke kailanman.
01:13.0
Higit sa lahat, nagdulot ito ng stress at depression sa kanya.
01:17.4
Hindi na siya nakakatulog at madalas na umiihak.
01:20.7
Pero ano nga ba ang katotohanan sa likod ng larawang ito?
01:24.6
At kamusta na kaya si Heidi ngayon?
01:29.0
Una sa lahat, hindi naman talaga totoong pamilya ang nasa larawan.
01:33.9
Si Ye Wan Cheng o Heidi Ye ay isang Taiwanese model.
01:38.1
Nagsimula siya noong 2010.
01:40.2
Dahil sa kanyang angking kagandahan, mabilis umunlad ang kanyang career
01:44.1
at nakatanggap siya ng mga modeling jobs mula sa mga sikat na brand ng fast food,
01:49.4
beauty products at gadgets.
01:51.1
Pero ang kanyang bangungot ay nagsimula taong 2012
01:55.0
nung kinuha siya sa isang photoshoot para sa previews.
01:58.2
Ito ay para makumbinse ang mga customer na magpa-plastic surgery sa klinik na ito.
02:06.5
Family Portrait ang tema ng photoshoot.
02:09.2
Gumanap si Heidi bilang misis, kasama ang isang lalaking modelo na gumanap bilang kanyang mister
02:15.3
at tatlong batang gumanap naman bilang kanilang mga anak.
02:18.9
Iba ang itsura ng mga bata sa larawan dahil inedit lamang ang kanilang mga muka
02:23.8
para lumiit ang kanilang mga mata at maging sarat ang kanilang mga ilo.
02:28.0
Ito ay para ma-emphasize na ibang-iba ang itsura ni Heidi at ng lalaki sa kanilang kunyaring mga anak.
02:35.4
Sa orihinal na advertisement, ito ang nakalagay sa kapsyon.
02:39.2
The only thing you'll ever have to worry about is how to explain it to the kids.
02:44.4
Malinaw sa pinirmahang kontrata ni Heidi na ang larawan ay para lamang sa isang hindi pinangalanang plastic surgery clinic.
02:52.0
Tanging sa mga magazines at newspapers lang din ito ilalabas.
02:55.9
Pero hindi alam ni Heidi na pinag-iisip.
02:58.0
Inayagan pala ng agency na kakontrata niya ang J. Walter Thompson o JWT
03:04.0
na gamitin ang larawan nila sa isa pang plastic surgery clinic na Simple Beauty.
03:09.7
Pinos ang larawan sa website ng klinik na ito at sa Facebook page ng JWT.
03:15.4
Mabilis na naging meme sa iba't-ibang social media websites ang larawan at ang kapsyon ay nagbago na.
03:21.9
Ang sabi, plastic surgery, you can't hide it forever.
03:25.5
At mas lalong lumala ang sitwasyon nang may isang tabloid sa China ang gumawa ng fake story gamit ang larawan.
03:33.0
Ang story ang ito ay una nang lumabas noon pang 2004 at ngayon ay ikinakabit sa larawan nila Heidi.
03:40.2
Ang kwento ay idinimanda at diniborsyo daw ng mister na nasa larawan ang kanyang misis dahil inilihim nito ang pagpaparitokin ng mukha.
03:49.5
Nag-demand daw ng 1 million yuan ang mister bilang danyo sa panluloko ng misis.
03:55.0
Mabilis na kumalat ang fake news na ito at pati mga major news outlets sa US at UK tulad ng MSN, Fox News at Huffington Post ay pinikap ito ng hindi nagsasagawa ng fact-checking.
04:10.7
Dahil sa fake news ay maraming job opportunities ang nawala kay Heidi.
04:15.7
Kapag nalaman ng ad agency na siya yung nasa plastic surgery viral meme, maliliit na modeling job na lang ang nakukuha niya.
04:23.3
Bukod sa career, nagka-apekto din ito sa personal niyang buhay.
04:27.5
Sa mga bago niyang kakilala, wala nang naniniwala na natural ang kanyang ganda.
04:32.2
Marami ang nagtatanong kung siya ba ay retukada.
04:35.5
May hinala din si Heidi na ito ang dahilan kaya nakipaghiwalay ang kanyang ex-boyfriend dahil sa kahihiyan.
04:42.7
Upang wala nang matulad sa sinapit niya, naglakas loob si Heidi noong 2015 na magpatawag ng press conference
04:50.2
upang i-anunsyo na sasampahan niya ng kaso.
04:53.3
J.W.T. at ang clinic na Simple Beauty.
04:56.7
Nakasaad sa kanyang reklamo na nilabag ng J.W.T. ang napagkasunduan sa kanilang kontrata na sa magazine at newspapers lang lalabas ang larawan.
05:06.7
Pero lumabas ito online.
05:08.5
Bukod dito, wala din sa kontrata na gagamitin ang ibang clinic ang larawan.
05:13.3
Kalakip ng demanda, humihingi din si Heidi ng 5 million New Taiwan Dollars bilang danyo sa perwisyo, stress at depresyon at mga naudlot niya.
05:23.4
Pero ayon sa kanya, hindi naman daw talaga pera ang kanyang habol, kundi ang linawin na ang kwento tungkol sa larawan ay hindi totoo at para mapanagot ang mga kumpanyang sangkot.
05:36.3
Pero matapos ang malaking press conference na iyon, wala nang naging balita sa kung ano ang kinahinat na ng sinampanyang demanda.
05:43.8
Sa kasalukuyan, naninirahan na ngayon si Heidi sa Nantou County sa Taiwan, kasama ang kanyang anak na lalaki.
05:50.9
Hindi na siya nagmomodelo pero nagpapasok.
05:53.3
Popromote siya paminsan-minsan ng mga beauty products.
05:56.8
Base sa post niya noong 2019 sa Facebook, isa na siyang office worker sa kumpanyang Family Mart.
06:03.4
Ang kwento ni Heidi Yeh ay nagpapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang maging responsable sa ating ipinopost sa social media, dahil maaaring ito'y ikakapahamak mo o ng ibang tao.
06:17.0
Ika nga, think before you click.
06:19.0
Kung nagustuhan nyo ang content natin today, mag-comment ng yes.
06:23.3
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.