Close
 


#54 - Ang Watawat ng Pilipinas at ang Kahulugan Nito / The Philippine Flag and Its Meaning
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bakit ganito ang disenyo ng watawat ng Pilipinas? Ano ang kahulugan at simbolismo ng mga ito? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:⁠ ⁠https://drive.google.com/drive/folders/1GTztDjkli1_P4hAGgOVRfF9Rl6dJbVt1?usp=sharing⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stage is vital and I believe that the easy and pain
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 08:11
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:06.7
At ngayong araw, pag-uusapan natin ang Watawat ng Pilipinas.
00:13.9
Ang pambansang Watawat ng Pilipinas o ang National Flag ng Pilipinas.
00:22.8
So, syempre, yung Watawat, mahalagang simbolo ng isang bansa.
00:27.5
At pwede makita ang Watawat sa madaming parte ng isang bansa.
00:37.1
At ang Watawat ay kadalasan mayroong kahulugan.
00:43.7
May mga importanteng kahulugan, syempre, para sa bansa at para sa mga tao sa bansa.
00:53.2
So, yung Watawat ng Pilipinas ay...
00:57.5
...pahalang o horizontal.
01:01.9
So, pahalang yung Watawat.
01:05.6
At yung kulay, mayroong isa, dalawa, tatlo, apat.
01:12.5
May apat na kulay ang Watawat ng Pilipinas.
01:16.5
Syempre, mayroon yung asul sa taas.
01:19.9
Yung pula.
01:22.2
At mayroon yung puti na triangulo.
01:27.5
At doon sa loob ng triangulo na puti, mayroong kulay dilaw.
01:36.3
So, yung kulay dilaw, yung araw.
01:39.8
So, sa gitna, mayroong araw at mayroong tatlong bituin.
01:47.3
At doon sa araw, makikita nyo na may isa, dalawa, tatlo, apat.
01:57.5
Ano ba ang kahulugan ng Watawat ng Pilipinas?
02:14.7
So, mauna tayo doon sa gitna ng triangulo, yung araw.
02:23.9
So, yung araw.
02:25.3
So, merong walong sinag.
02:31.1
At yung walong sinag, yung symbolism dito, yung walong probinsya na unang nag-alsa o lumaban,
02:46.0
laban sa mga mananakop sa Pilipinas.
02:52.4
At syempre, yung walong yun.
02:55.3
Ibig sabihin, yung walong lugar sa Pilipinas.
02:59.5
Yung walong, oh, yung walong probinsya sa Pilipinas.
03:06.9
At ito, yung Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Tarlac, at Batangas.
03:19.5
Dahil sila yung mga unang nag-alsa.
03:25.3
Yung mga kontra sa mga Espanyol.
03:30.4
At syempre, meron yung tatlong bituin.
03:35.1
Yung tatlong bituin sa triangulo.
03:38.3
At sinisimbolo nito yung tatlong pinakamalaking isla sa Pilipinas.
03:46.7
Yung Luzon, Visayas, at Mindanao.
03:52.4
At yung kulay sa Watawat.
03:55.3
Na asul at pula ay mahalaga din dahil kapag nasa taas yung asul,
04:04.4
ibig sabihin, kapayapaan o payapa ang bansa, walang gera.
04:12.3
Pero kung yung pula ang nasa taas, ibig sabihin, merong gera ang Pilipinas.
04:23.6
So, syempre, sa kasaysayan ng Pilipinas, maraming iba't-ibang Watawat ang ginamit.
04:36.7
Dati, noong 1960s, meron ding parang masonic na movement o na Watawat sa Pilipinas.
04:50.6
Yung mga leader ng...
04:53.6
...katipunan.
04:56.4
Pero ang Watawat ngayon ay unang dinisplay noong tinalo ng mga Pilipino, ang mga Espanyol, o noong 1898.
05:15.3
So, pinakita yung Watawat sa Kawit-Kavite para ideklara yung...
05:22.7
...independence ng Pilipinas o ang kalayaan ng Pilipinas.
05:31.7
At iyon ang kwento tungkol sa disenyo o sa mga simbolismo sa Watawat ng Pilipinas.
05:43.3
Pero napansin ko dito sa Pilipinas na hindi masyadong dinidisplay ang Watawat.
05:52.7
Hindi tulad sa ibang bansa, lalo na kumpara sa Madrid o sa Espanya.
06:03.8
Noong nakatira ako doon, parang madaming mga apartamento sa Espanya talagang gusto mag-display ng Watawat.
06:17.0
At sa Katalunya naman, syempre yung Watawat ng Katalunya.
06:22.7
So, talagang parang masaya o proud sila sa Watawat nila o sa identidad nila.
06:33.2
Pero dito sa Pilipinas, hindi ganon ang mentalidad namin.
06:42.0
Dahil hindi mahilig i-display sa mga bahay ang Watawat.
06:48.7
Pero syempre, hindi ibig sabihin na...
06:52.7
Hindi namin mahal ang bansa namin.
06:56.5
At ang nagdisenyo ng Watawat ay yung presidente ng unang republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.
07:12.6
At yung gumawa ng Watawat ay si Marcela Goncilio.
07:19.8
Siya yung asawa ng unang...
07:22.7
Pinoy na diplomat sa Hong Kong.
07:28.6
So, yun.
07:29.0
Kaya yun ang mga mahalagang pangalan dito.
07:33.2
Si Marcela Goncilio yung gumawa ng Watawat.
07:39.4
At yung unang pangulo o presidente na si Emilio Aguinaldo ang may ideya o nagdisenyo ng Watawat ng Pilipinas.
07:52.7
So, yun lang ang maigling kwento tungkol sa Watawat ng Pilipinas.
07:57.7
Salamat sa pagkikinig.
08:00.8
Pwede kayo sumuporta sa Patreon at mag-download ng transcripts.
08:06.9
Salamat at ingat kayo.
08:09.0
Paalam.