Close
 


IMAGINARY ADMIRER - Dear Love | March 5, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Highschool bestfriends si Celina at Martina. Alam nila ang sikreto ng isa't isa kaso ang hindi alam ni Martina, imahinasyon lang pala ni Celina ang manliligaw na parati niyang kinukwento! F.O na ba? Ang mga istoryang kukurot, kikiliti at magpapakilig sa natutulog mong PUSO. Dear Love with Conyo Bicolano at Robin Sienna 9:00 a.m. to 12 p.m. Listen or Watch Live: https://www.loveradio.com.ph Download our Mobile App: http://bit.ly/LoveRadioPH Facebook: https://www.facebook.com/loveradiomanila Twitter: https://twitter.com/loveradiomanila Instagram: https://www.instagram.com/loveradiomanila #LoveRadioManila
Love Radio Manila
  Mute  
Run time: 16:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dear Love
00:03.9
Matagal ko nang napapansin ng bestfriend kong si Martina
00:07.1
na may pagkadilulo siya o yung tinatawag nating dilusyonal
00:11.4
Hindi ko alam kung dahil ba to sa kapapanood niya ng k-drama o
00:15.9
kakabasa ng mga love stories dahil may mga kwento talaga siya sa akin na
00:20.0
hindi ka panipaniwala
00:21.6
Pero dahil matalik ko siyang kaibigan ay patuloy pa rin akong nakikinig
00:26.5
Sobrang unrealistic na mga standards niya
00:29.6
Lalo na sa pag-ibig
00:31.5
Eh, 15 years old pa lang naman kami
00:34.5
At wala pang kakayahan para makipag-date
00:38.1
Pero yung mga kwento talaga niya tungkol sa admirer niya ay medyo hindi nakapanipaniwala
00:43.3
Sa sobrang focus niya sa admirer niya na hindi ko malaman kung
00:47.4
totoo nga ba'y hindi niya tuloy napapansin si Brent na siyang may gusto talaga sa kanya
00:52.6
Ilang beses na niya itong binabaliwala
00:55.3
Habang si Brent naman ay patuloy pa rin na naniligaw sa kanya
00:59.1
At hanggang ngayon ay hindi siya tumitigil hanggat hindi niya nakukuhang matamis ng oo ni Martina
01:04.4
Kahit sa umpisa pa lamang ay nagsabi na siya na hinding-hindi niya daw magugustuhan si Brent
01:10.4
Selena! Ang aga mo ngayon na!
01:20.3
Uy Martina! Kamusta?
01:22.9
Oo, inagahan ko ngayon kasi napagalitan ako ni Ma'am Aileen
01:26.4
Lagi na lang kasi akong late
01:28.3
Yan na!
01:29.1
Na nga bang sinasabi ko eh
01:30.7
Lagi ka kasing puyat
01:32.6
Ipagpatuloy mo na yan
01:34.8
Yung pagpasok mo na maaga
01:36.4
Gagawin ko yung bes ko
01:38.8
Kaso di ko talaga kayang hindi magpuyat
01:41.4
Ewan ko ba?
01:43.1
Bes! May kwento ko
01:46.0
Ay, ano na naman yan
01:47.9
Dear love
01:50.4
Di ko alam kung dapat ba ako magsisin na maaga akong pumasok ngayon
01:54.9
Dahil alam kong eto na naman siya sa pagiging dilulo niya
01:59.1
Ano yan Bes? Anong kwento natin for today?
02:03.8
Hindi na ako nagko-commute
02:05.6
Oo talaga?
02:07.5
Bakit? Hinahatid ka na ba ni Tito or bumili na nang sasakyan si Kuya mo?
02:11.7
No, no, no!
02:13.2
Yung admirer ko, si Nikki
02:15.2
Niregaluhan siya ng dad niya ng car
02:18.3
Kasi birthday niya kahapon
02:20.0
Tapos, sinundu niya ako kanina sa bahay
02:25.2
At hinatid niya ako dito sa school
02:28.0
Oo?
02:28.4
Talaga? Ano naman ang car niya?
02:30.4
Oo Bes, di kilala mo naman ako
02:32.4
Hindi ako maalam sa mga cars
02:34.4
Sobrang gulat ko kasi talaga kanina
02:37.4
Hindi ko natuloy natanong pa kay Nikki
02:39.4
Ano ba yung car niya na yun?
02:41.4
Kaedad natin si Nikki, di ba?
02:44.4
Fifteen years old lang din siya
02:46.4
Bakit nakakapag-drive na siya?
02:48.4
Delikado yan, wala pang license
02:50.4
Ano ka ba, Bes? Nasa probinsya naman tayo
02:53.4
Wala namang mga harang sa kanya sa checkpoint
02:56.4
Kaya yun... saka...
02:57.4
Saan talaga siya mag-drive?
02:59.4
Basta, mag-iingat ka mo siya ha?
03:03.4
Teka Bestie, nga pala
03:06.4
Magtatatlong buwan na kayong nagliligawan ni Nikki
03:09.4
Pero hanggang ngayon, di mo pa rin siya pinakikilala sa akin
03:12.4
Kung naman, ang aga pa ng three months
03:15.4
Para ipakilala ko siya sa'yo
03:17.4
Saan na? Kapag boyfriend ko na siya
03:20.4
Bakit? May bala ka bang sagutin si Nikki?
03:23.4
Pinag-iisipan ko
03:25.4
Hi guys! Oh, good morning!
03:29.4
Ang aga niyo ha? At timala, hindi ka late si Alina
03:33.4
Huy Brent, inaantok pa nga ako eh
03:36.4
Bakit ba kasi walang night classes?
03:39.4
Hi Martina, kumusta? Nakatulugan mo ba ako kagabi?
03:45.4
Di ka kasi nagre-reply
03:47.4
Brent, sorry
03:49.4
Tumahog kasi si Nikki, kaya nakalimutan na kita ang reply yan
03:53.4
Ay naku, si Nikki na naman
03:55.4
Ano ka ba? Di ko kaya magmonte taas ko eh
03:59.4
Ang haba talaga ng hair mo Martina, no?
04:02.4
Okay lang yan Martina, naiintindihan kita
04:06.4
Malapit na palang campus night natin
04:10.4
Pwede ba kitang ayain ng date bago tayo pumunta sa college night?
04:15.4
Kailan nga to Brent?
04:17.4
Next Thursday sana
04:19.4
Teka lang Brent ha, check ko lang yung schedule ko
04:22.4
Ay, sorry, di pala pwede kasi may date kami ni Nikki that time
04:29.4
Eh, ang bilis naman ni Nikki bes ha?
04:32.4
Sorry, pwede Wednesday Brent?
04:36.4
Talaga Martina?
04:38.4
Oo, sa Wednesday na lang
04:40.4
Wala nang bawian to Martina ha
04:43.4
Promise
04:44.4
Naku, tingnan mo nga yung ngiti ni Brent o, grabe namang kilig yan
04:48.4
Sa wakas bes, at pinagbigyan mo na din tong si Brent?
04:51.4
Kilig na kilig o
04:54.4
Uy, ano ba Selena? Ano ba? Huwag naman nahihiya ako eh, uy
05:01.4
Dear love, hindi ko din alam kay Martina kung bakit hindi niya nagugustuhan si Brent
05:07.4
Mayos naman siya, malinis sa katawan, matalino
05:11.4
Mahihain nga lang pero hindi gaya ng ibang lalaki na may kakayanan sa buhay
05:16.4
Simple lang si Brent, pero alam kong seryoso talaga siya sa aking kaibigan!
05:19.4
Na siya namang hindi ko maintindihan kung anong nangyayari
05:26.4
Magkasama kami ngayon ni Martina sa bahay nila
05:29.4
Dahil magkagrupo kaming dalawa sa isang science experiment project
05:33.4
At syempre, hindi mawawala ang pagkadelulo niya
05:41.4
Alam mo ba si Nikki, gustong umatin sa campus night natin
05:45.4
Kaso, sabi ko hindi pwede ang outsider dun eh
05:48.4
Diba? Tingin mo ba pag pinaalam ko ito kila...
05:53.4
Ma'am, papahayag sila na may outsider?
05:56.4
Pes, malabo yan
05:58.4
Kaya nga campus night eh, ibig sabihin exclusive lang sa campus natin yun
06:04.4
Sayang naman
06:06.4
Gusto po naman niya na maging first dance namin yung isa't isa tapos siya yung date ko sa campus night natin
06:13.4
Ang cagey naman ng school!
06:18.4
Alam mo bes, hindi kita maintindihan
06:21.4
Seryoso naman sa'yo si Brent, saka araw-araw mo siyang nakikita at nakakasama
06:27.4
Bakit ba ayaw mo sa kanya?
06:29.4
Araw-araw ko din naman kasing nakakasama si Nikki
06:32.4
Hinahatid pa nga niya ako sa school, diba?
06:35.4
Oo, eh bakit ngayon wala siya dito?
06:38.4
Kasi sabi ko busy ako
06:42.4
Alam mo bes, every time na sinasabi kong ipakilala mo sakin si Nikki
06:46.4
Hindi mo siya pinakikita
06:48.4
It's either busy siya, umalis sila ng family nila or may sakit siya
06:53.4
Bakit ba ayaw mong ipakita sakin si Nikki?
06:56.4
Makikita mo sana siya sa campus night
06:59.4
Kaso sabi mo nga diba, hindi pwede ang outsider kaya ayan
07:03.4
Magkahanap na naman kami ng shimpo kung kailan mo siya makikita
07:11.4
Dear love, naaasar na talaga ako at pakiramdam ko ay yung talagang nakikita ko
07:15.4
Ay talagang nag-i-imagine lang tong kaibigan ko
07:18.4
Kaya naman naisipan ko ng mag-imbestiga
07:21.4
Maaga akong pumasok ngayon sa school at nagtago ako malapit sa gate namin
07:27.4
Upang makita ko kung talaga bang hinahatid ni Nikki si Martina sa school
07:33.4
Titignan ko din kung talagang nagsasabi siya sa akin ng totoo
07:36.4
Alasais na ng umaga ngayon at kahit inaantok ako ay pinilit ko talagang gumising ng maaga para makita ko kung totoo ba ako
07:44.4
Ang sinasabi niya
07:50.4
May dumating na kotse
07:51.4
Kaya naman dali-dali akong nagtago malapit sa gate para makita ko kung sinong paparating
07:59.4
Alam niyo ba?
08:00.4
Lumabas sa kotseng itim ang kuya ni Martina at pinagbuksan siya nito ng pinto
08:07.4
Bye kuya! Thank you ulit sa paghatid!
08:10.4
O sige magingat ka dyan ha! Bye!
08:12.4
Bye kuya!
08:14.4
Dear love, nung nakaraan ang sinabi sa akin ng kaibigan ko ay hindi daw bumili ng sasakyan ng kuya niya
08:25.4
Pero bakit ngayon kitang kita ng mga mata ko na kuya niya ang naghatid sa kanya?
08:33.4
Ngayong araw ay titignan ko kung magsisinungaling siya sa akin
08:38.4
Matapos ang sampung minuto ay pumasok na ako sa classroom namin
08:44.4
Salina! Ang aga mo ulit!
08:52.4
Oo! Ang aga ko ulit! O! Diba hindi na ako ganong nalilate? Congratulations!
08:59.4
Ano? Kamusta? Hinatid ka ba ulit ni Nikki?
09:01.4
Oo naman! Sabi ko naman sayo diba? Araw-araw akong hinahatid ni Nikki!
09:08.4
Wow! Sobrang effort niya talaga sa akin!
09:11.4
Grabe! Oo nga!
09:13.4
Ang swerte mo naman kay Nikki, bes! Saan ka nakakita ng lalaking kahit 15 years old pwede nang mag-drive at hinahatid ka pa ha?
09:23.4
Tama ka dyan, bes! Ang swerte-swerte ko talaga!
09:27.4
Alam mo ba, nalungkot siya kasi hindi pwede yung outsider tito
09:33.4
Sabi niya, after daw ng campus night susunduin niya ako tapos magro-road trip kami
09:41.4
Ha?
09:42.4
Alas 12 na matatapos yung campus night natin. Saka, huy! Parents ang dapat sumundo sa atin, diba?
09:50.4
Hindi ka makakalabas ng campus kapag hindi sila tito at tita ang susundo sa'yo!
09:56.4
Eh! Kaya yan! Edi sabihin ko na isama niya si kuya!
10:01.4
Kilala na ng kuya mo si Nikki?
10:03.4
Yes! Pati ni na daddy at mommy! Nakakapunta na nga siya sa bahay namin, diba?
10:09.4
Tapos ako na best friend mo, hindi ko pa rin siya nakikita. Makikita mo rin siya! Promise!
10:19.4
Dear love, hindi ko alam kung malulungkot ako o maawa kay Martina.
10:25.4
Hindi ko alam kung ano ang rason para gawin niya itong mga bagay na to katulad ng pagiging delulu.
10:32.4
Nag-iimbento ng mga kwento.
10:35.4
Nasasaktan ako na nagsisinungaling talaga siya sa'kin.
10:38.4
At kahit nakitang kita ng mga mata ko na kuya niya mismo yung naghatid sa kanya.
10:46.4
Gusto kong makita talaga kung totoo ang sinasabi niya na hinahatid siya ni Nikki.
10:52.4
Kaya naman, tumambay ulit ako sa gate ng maaga at inabangan siya.
10:57.4
At gaya ng nasaksihan ko kahapon.
11:00.4
Ay! Tamang-tama! Kuya niya ulit ang naghatid sa kanya at kinuhanan ko na ito ng video.
11:08.4
Martina, malapit na yung campus night. May date kayo ni Brent, di ba?
11:16.4
Ako, hindi ko pa pala sinasabi kay Brent na hindi na ako tutuloy.
11:22.4
Oo, bakit naman? Umuoka na, di ba?
11:26.4
Nagsiselos si Nikki.
11:28.4
Kayo na ba ni Nikki?
11:30.4
Hindi pa. Pero kasi nalaman niya kanina, nagselos tuloy siya tapos...
11:37.4
hindi nga na ako kay Nikki buong sasasakyan.
11:40.4
Kanina? So, kung kanina, ibig sabihin si Nikki ulit ang naghatid sa'yo ngayon?
11:46.4
Yes.
11:47.4
Sigurado ka?
11:49.4
Oo! Si Nikki naman lagi beses ang naghahatid sa'kin.
11:52.4
Eh ano to? Ito yung video na nakita ko mismo na yung kuya mo ang naghahatid sa'yo.
11:57.4
Teka, ano yan? Kinukuhanan mo ako ng video?
12:02.4
Oo. Ilang araw na kitang nakikita na ang kuya mo ang naghahatid sa'yo.
12:06.4
Alam mo bes, kaibigan mo ko!
12:11.4
Hindi! Kanina lang yan! Si Nikki talaga naghahatid sa'kin parati!
12:16.4
Alam mo ikaw, wala kang tiwala sa'kin!
12:19.4
Ay bes, talaga ba? Ako yung walang tiwala o ikaw?
12:23.4
Alam mo, pwede namang sabihin sa'kin na ayaw mo kay Brent.
12:26.4
Pwede mo din siyang hindi paasahin kaysa sa ganitong ginagawa mo.
12:31.4
Niloloko mo ang sarili mo, niloloko mo ako, pati si Brent!
12:35.4
Bes, free ba kita? Totoong sinasabi ko na si Nikki ang naghahatid sa'kin!
12:40.4
Martina, tinanong ko din yung kuya mo nung nasa inyoko kung may kilala siyang Nikki.
12:45.4
Wala daw! Pati yung mga bulaklak na sinasabi mong galing kay Nikki. Ano yun? Ikaw lang din yung bumibili!
12:51.4
Andito si Brent! Totoong totoo! Hindi galing sa imahinasyon mo!
12:56.4
Tapos, hindi mo binibigyan ng pansin? Bes, hindi maganda yung ginagawa mo.
13:02.4
I'm sorry, nagsis numaling ako.
13:04.4
So, kung hindi ko pa pala to ginawa, patuloy mo akong nilolokohin na mayroong Nikki?
13:11.4
Hindi ko din alam bakit ko ginagawa to, pero napapasaya ko yung sarili ko sa ganitong paraan.
13:16.4
Bes, hindi masaya na ikaw mismo ang nanloloko sa sarili mo. Pati kami na ang malalapit sa'yo, niloloko mo!
13:24.4
Alam mo, kung hindi mo talaga gusto si Brent, o kaya walang nikatiting na pag-asa na nararamdaman mo sa kanya, patigilin mo na siya.
13:33.4
Eh, hindi ko din alam, Bes!
13:38.4
Brent, kanina ka pa?
13:40.4
Narinig ko lahat ng napag-usapan niyo.
13:43.4
Brent, I'm sorry.
13:45.4
Wala namang kaso sa akin lahat, Martina. Ang masakit lang, wala naman pala akong kaagaw sa atensyon sa'yo.
13:53.4
Pero parang mas masakit na wala talaga akong pag-asa sa'yo dahil ang karibal ko na pala ay yung sarili mong imahinasyon.
14:01.4
Eh, hindi ko pala.
14:02.4
Hindi ko pa kaya lahat ng yun dahil masyado pa akong bata.
14:07.4
Parang maibili kita ng bulaklak o kaya mahatid ka gamit ng kotse.
14:13.4
Siguro tama na muna na mag-aral muna ako kesa intindihin ko itong nararamdaman ko para sa'yo.
14:20.4
Wait lang, Brent! Sorry. Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa to, pero…
14:27.4
Eh, Martina, okay na. Okay na. Titigilan na kita.
14:31.4
Huwag kang tumigil, please. Bibigyan kita ng chance. Mag-date tayo sa Thursday tapos ikaw na din ang isasayo ko sa campus night. Promise!
14:42.4
Martina, gusto talaga kita. Pero napakahalaga na maging totoo ka at tapat. Paano kita mapagkakatiwalaan kung kahit sarili mo niloloko mo?
14:54.4
Sorry, Martina. Hanggang dito na lang talaga ako. Titigilan na kita.
15:01.4
Kasalanan mo to lahat, Celine! Pakialamera ka! O, happy? O, wala na si Brent. Siguro naingit ka sa'kin, palibasa. Wala nagkakagusto sa'yo.
15:11.4
Bess, ano ba? Ano itong sinasabi mo? Hindi ko to kasalanan. Tama lang yung ginawa ko at ayaw kitang konsentin sa panuloko mo sa sarili mo.
15:20.4
Ayoko na sa'yo. Ayaw na kitang maging kaibigan, ingitera!
15:25.4
Ano? Martina, sandali!
15:28.4
Dear Love,
15:31.4
Ilang araw na din kaming hindi naguusap ni Martina. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa'kin. Hindi din siya umatendang aming campus night dahil siguro napahiya siya sa nangyari.
15:44.4
Sinayang ni Martina ang mga totoong nagmamahal sa kanya gaya ko at ni Brent. Pero kahit na tinalikuran na siya ni Brent ay nandito pa rin naman ako at umaasa na balang araw ay mapatawad niya ako.
16:01.4
Itinama ko lang naman yung mga mali niya, diba? After all, best friend ko siya.