Close
 


GALIT NG TIKTIK | BRIDGIT | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 41:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadudut Stories, ikaw ay hindi nag-iisa
00:07.6
Maraming beses nasusubukin ng pagkakataon ang isang sitwasyon
00:21.2
at ang ating tapa ang atatag sa kung paano natin poprotektahan ang mga mahal natin sa buhay.
00:27.7
Dito po masusubok kung hanggang saan ang kaya natin gawin para sa mga taong importante sa atin.
00:36.1
Ngunit paano kung ang banta ng kapahamakan ay mula sa isang nilalang na noon ay hindi mo pinapaniwalaan?
00:45.2
Magagawa mo ba ang protektahan ang mahal mo kung desperado ang nilalang na ito na gawang kayo ng hindi maganda?
00:53.1
Dear Papadudut, Magandang araw po sa ating lahat.
00:57.1
At itago nyo na lamang po ako sa pangalan na Bridget.
01:01.6
Ito palang ikikwento ko ay matagal nang naikwento sa akin ng nanay ko.
01:07.7
Bali, mas experience niya kasi ito kesa sa akin.
01:12.1
Nung ikwento niya ito sa akin ay natakot ako pero at the same time ay medyo natawa din.
01:18.2
Noong nakita ko ang channel mo sa YouTube, Papadudut, at nalaman ko na nagbabasa ka rin ng mga horror story ay naisipan kong ipadala sa email mo ang kwentong ito.
01:27.1
Pero bago yun ay pinakwento ko ulit kay Mama ang mga nangyari noon para ma-refresh sa utak ko at mas maging detalyado ang aking pagkakwento.
01:38.0
Nakasubscribe na po ako Papadudut sa inyong YouTube channel, ang Kaistorya at ang Papadudut Family YouTube Channel na kung saan ay nakikita po kita at ang pamilya mo sa totoong buhay.
01:52.8
Papadudut noong mangyari ito ay dalawa pa lamang kaming magkakapatid.
01:57.1
At ako ang panganay at hindi kami mayaman.
02:00.4
Ang totoo ay nakatira kami noon sa bahay ng parents ni Mama sa isang probinsya.
02:06.9
Wala pa kasi kaming sariling bahay ng time na yon.
02:10.2
Aware na ako sa mga nangyayari dati kahit 12 years old pa lamang ako dati.
02:15.3
Alam ko na babaero ang tatay ko kasi madalas siyang awayin ni Mama dahil sa bagay na yon.
02:21.2
Ewan ko ba kay Papa kung bakit nagaroon siya ng ganong klase ng ugali.
02:27.1
Siguro ay dahil na rin sa impluensya ng mga barkada niya.
02:31.1
Madalas kasi silang umiinom at magpunta sa mga bar.
02:35.8
Dahil siguro sa tuksuhan ay naging babaero ang tatay ko, Papadudut.
02:42.1
Housewife si Mama, nasa bahay lamang siya.
02:45.2
Si Papa naman ay dating construction worker hanggang sa nakahanap siya ng ibang trabaho.
02:53.3
Yung nagbebenta ng kung ano-anong products sa iba't-ibang listo.
02:57.9
Kagaya ng sabon na panglaba, shampoo, lotion, mga appliances at kung ano-ano pa.
03:06.5
Sa pagkakatanda ko ang tawag ni Papa sa trabaho niya ay nag-i-area sila.
03:12.6
Paiba-iba kasi sila ng lugar na pinupuntahan para magbenta tapos ay marami sila.
03:18.5
Madalas ay umuupa sila ng bahay o kung anong pwedeng atirahan sa isang lugar.
03:25.5
Tapos ay mag-i-stay sila.
03:26.7
I-stay sila doon ng ilang buwan para magbenta.
03:30.3
Nang maging ganon ang trabaho ni Papa ay minsan na lamang namin siyang nakakasama at nagpapadana lamang siya ng pera kay Mama.
03:38.5
Yun nga lang ay mas naging praning si Mama kasi hindi na niya nakakasama si Papa sa pang-araw-araw.
03:44.6
Feeling niya raw ay kada lugar na pupuntahan ni Papa ay meron itong nagiging babae.
03:49.8
Hindi ko rin masisisi si Mama kung bakit siya nag-iisip ng ganon.
03:53.9
Kasi binigyan siya ni Papa ng dahilan para pagdudahan ito.
03:58.8
Kung bagay nagkaroon na ng trauma ang nanay ko papadudot.
04:03.0
Nung una ay puro hinala lang si Mama at natatandaan ko.
04:07.0
Sa tuwing uuwi sa bahay si Papa ay tinatanong siya kaagad ni Mama kung may babae na naman ito.
04:14.5
Pero sino ba namang aamin sa ganong tanong diba?
04:17.8
Palaging tumatanggi si Papa at sinasabi niyang wala siyang time sa ganong bagay kasi.
04:23.9
Naka-focus siya sa pagbebenta nila ng mga kung ano-ano.
04:27.8
Pero hindi naniniwala si Mama.
04:30.2
Malakas talaga ang kutob ni Mama na nagloloko pa rin si Papa kahit sinabi nito na nagbago na ito.
04:37.4
Hanggang sa isa sa mga katrabaho ni Papa ang nagsumbong kay Mama ng palihim.
04:42.2
At sinabi nito na may isang beses na may dinala si Papa na babae sa bahay kung saan sila nagstay ng isang buwan.
04:49.1
Ang sabi pangaraw ni Papa sa mga katrabaho niya ay huwag siyang isusumbong sa nanay ko.
04:53.9
Kaya lang hindi kayan ang konsensya ng katrabaho ni Papa na nagsumbong kaya ipinaalam nito yun kay Mama.
05:02.4
Basta huwag daw sasabihin kay Papa na siya ang nagsumbong.
05:06.0
Kaya nang umuwi ulit si Papa sa bahay ay nag-away sila ni Mama.
05:10.9
Ang gusto ni Mama ay patigilin na si Papa sa pag-i-erya pero ayaw ni Papa.
05:16.8
Yun na nga lang daw ang trabaho niya tapos ay mawawala pa.
05:20.6
Inamin naman ni Papa na totoo ang sinabi ni Mama.
05:23.3
At humingi ito ng tawad.
05:25.2
Hindi na raw nito uulitin ang bagay na yun pero ayaw nang maniwala ni Mama.
05:30.2
Sa sobrang iyak at galit ng nanay ko sa pag-aaway nila na yun ay nawalan siya ng malay.
05:36.0
Itinakbo siya ni na Papa sa ospital at doon ay nalaman namin na tatlong buwan ng buntis ang nanay ko.
05:43.3
Huwag daw itong bibigyan ng stress kasi hindi yun maganda para sa bata na nasa tiyan ng nanay ko at kay Mama na rin.
05:52.0
Sinabi ni Mama kay Papa.
05:53.3
Si Papa na kapag nang babae pa ito at na-stress siya tapos may nangyari sa baby nila ay walang ibang sisisihin kundi si Papa.
06:01.9
Doon na nag-decide si Papa na tumigil muna sa pag-i-erya dahil siguro sa mas malakas ang tukso kapag malayo siya sa amin.
06:09.9
Bumalik siya sa pagiging construction worker pero hindi ganong kalaki ang sahod.
06:15.2
Kailangan niya makapag-ipo ng pera bago manganak si Mama.
06:19.2
Isang araw may dalawang dating katrabaho sa pag-i-erya.
06:23.3
Si Papa na pumunta sa bahay at inalok si Papa na sumama ulit sa kanila.
06:29.6
Merong kasi silang pagbebentahan na lugar na medyo malayo.
06:34.0
Sa pagkakaalam ko kasi ay magaling talagang magbenta si Papa at siya ang may pinakamalaking kita palagi sa mga kasamahan niya.
06:41.4
Kaya siguro inaaya siya ng mga dating niyang katrabaho.
06:44.7
Ang sabi ni Papa ay pag-iisipan muna niya ang alok na yon at aniya ay balikan siya sa susunod na araw.
06:52.3
Nang time na yon ay limang buwan na ang tiyan ng nanay ko, Papa Dudut.
06:57.0
Kinausap ni Papa si Mama tungkol sa bagay na yon.
07:00.7
Mag-i-erya ka na naman tapos mabababae ka na naman?
07:04.2
Hindi ayoko na, dito ka na lang.
07:06.2
Tura ni Mama nang magpaalam si Papa.
07:09.2
Pero mas malaki ang sahod ko sa ganun.
07:12.3
Alam mo na mga nga na ka at kailangan natin ng pera para dun.
07:15.9
Paliwanag pa ni Papa.
07:18.2
Ayoko nga, dahilan mo lang yan para makapang babae ka.
07:22.3
Porke hindi pa tayo pwedeng magsiping kasi buntis ako.
07:25.8
Naku, alam ko na yung galawan mo.
07:27.9
Ganda rin talaga ng timing mo.
07:29.8
Inis na sabi pa ni Mama.
07:32.0
Timing ba yung ako mismo ang pinuntahan ng mga katrabaho ko?
07:35.6
Maging practical ka na lang.
07:37.7
Hindi na ako mabababae.
07:40.4
Turan pa ni Papa.
07:42.5
Sige, papayag lang ako na sumama ka sa mga dati mong katrabaho kapag isasama mo ko.
07:47.5
Ang sabi mo, dalawang buwang kayo doon, di ba?
07:50.2
Tapos na kayo bago ako manganak.
07:52.8
Kung babalik ka sa pag-i-erya, dapat ay kasama ako.
07:56.3
Ang sabi pa ni Mama.
07:58.6
Kahit ako ay hindi makapaniwala sa kondisyon na hiningi ni Mama kay Papa
08:02.4
para lamang payagan niya itong bumalik sa pag-i-erya, Papa Dudut.
08:07.0
Nung una ay ayaw pa ni Papa kasi may iwanan daw palagi si Mama sa bahay na tutuluyan nila.
08:13.4
Tapos ay buntis pa ito.
08:15.2
Paano raw kapag nagkaroon ng emergency?
08:17.7
Hindi rin daw siya sigurado kung papayag ang mga kasama ni Papa sa trabaho
08:22.3
na isasama nito si Mama.
08:25.3
Naging matiga si Mama sa gusto niyang mangyari, Papa Dudut.
08:29.3
Talagang pinanindigan niya na hindi niya papayagan si Papa kung hindi siya nito isasama.
08:36.1
Wala nang nagawa pa si Papa kundi ang pumayag sa gustong mangyari ni Mama.
08:41.0
Pero ipapaalam daw muna yun ni Papa sa mga kasama niya kung pwede at kung papayag ang mga ito.
08:48.0
Kapag hindi raw pumayag ay hindi na lamang sasama si Mama.
08:50.9
Naintindihan ko kung bakit ganoon ang gustong mangyari ng nanay ko.
08:55.7
Wala na siyang tiwala kay Papa at natatakot siya na mababain na naman nito.
09:00.7
Kaya lang ay hindi ko rin maiwasang mag-alala para kay Mama kasi bunti siya.
09:05.5
Masela ng kalagayan niya tapos ay isasama siya kay Papa sa trabaho nito.
09:11.3
Kahit sabihin na nasa bahay lamang siya doon ay iba pa rin kapag kasama niya kami,
09:16.6
merong titingin sa kanya palagi kasi nandun sa bahay si na Lolo at Lola.
09:20.9
Pero alam din naman namin na walang kahit na sinong makakapigil kay Mama sa gusto niyang mangyari, Papa dudot.
09:29.5
Nang sumunod na araw ay bumalik ang dalawang dating katrabaho ni Papa.
09:34.1
Itinanong ni Papa kung pwedeng sumama sa kanila si Mama pero doon lang ito sa bahay kung saan sila tutuloy ng 2 months.
09:41.6
Inamin na rin ni Papa na hindi siya papayagan na sumama kung hindi kasama si Mama.
09:46.6
Siguro ay alam din na mga dating katrabaho ng tatay ko ang dahilan.
09:50.1
Kumayag naman sila pero parang nagdalawang isip pa si Papa kasi ayaw niya siguro talagang isama si Mama sa trabaho niyang yon.
09:59.0
Sa huli kinuha na ni Papa ang trabaho na yon kasi kailangan namin talaga ng pera para sa panganganak ni Mama.
10:05.7
Mas malaki kasi ang kinikita niya sa ganon kumpara sa pagkukonstruksyon worker Papa dudot.
10:11.8
Kinausap na rin kami ni Mama ng kapatid ko.
10:15.2
Ang sabi niya ay huwag kaming pasaway sa Lolo at Lola namin.
10:18.3
Habang wala sila ni Papa.
10:21.2
Mag-iiwan naman daw siya ng pera at kung kulang ay makitext na lamang kami sa kapitbahay namin kasi isa lang ang cellphone namin dati at si na Mama at Papa ang gumagamit noon.
10:31.4
Kapag daw kinapos kami ay magsabi lamang kami sa kanila.
10:35.0
Yun ang first time na malalayo sa amin si Mama tapos si dalawang buwan pa.
10:39.6
Pero wala na kaming magagawa kasi yun na ang gusto niya.
10:42.8
Kahit nga si na Lolo at Lola ay hindi siya napigilan.
10:46.4
Kami pa kayang mga anak lang niya.
10:48.3
Nalungkot ako nang sumama si Mama kay Papa sa trabaho nito.
10:53.0
Nasanay kasi ako na siya ang mag-aasikaso sa amin sa pangaraw-araw ng kapatid ko.
10:59.1
Pero walang kalam-alam si Mama noon.
11:01.4
Nang pagsama niya kay Papa ang pagsisisihan niya pala.
11:05.5
Ayon sa kwento ni Mama ay bumiyahin sila gamit ang isang van ng halos sampung oras.
11:11.0
Dumating sila sa isang probinsya ng gabi na.
11:13.2
Ang itsura raw ng bahay na kanilang tinirhan doon ay gawa sa kahoy at kawayan.
11:18.3
Ang dingding tapos ang bubong ay pawid.
11:22.0
Meron daw yung dalawang kwarto pero sa may sala natutulog si na Mama at Papa.
11:27.3
Hindi kasi komportable si Mama nakasama ang mga katrabaho ni Papa sa isang kwarto.
11:32.7
Parang malaking kubo raw yun Papa Dudut.
11:35.9
Ang first night nila ay okay naman daw ang lahat.
11:39.8
Nang mag-umaga na ay naiwan si Mama na mag-isa sa bahay na yon.
11:44.2
Nainip siya kasi hindi raw siya sanay na walang kasama sa bahay.
11:48.3
Ang ginawa ni Mama ay lumabas siya at tumambay siya sa isang malapit na tindahan.
11:54.8
Nakipagkwentuhan daw siya sa nagbabantay na nanay sa tindahan na yon na si Aling Ira.
12:01.0
Buntis ka ba o busog ka lang?
12:03.1
Tanong ni Aling Ira kay Mama nang mapansin nito ang umbok sa tiyan ni Mama.
12:08.2
Buntis po ako limang buwan na, tugon ni Mama.
12:12.1
Eh bakit sumama ka doon sa mga nag-i-erya?
12:15.5
Hindi ba masama sa buntis ang napapagod?
12:18.3
Tanong pa ni Aling Ira.
12:20.6
Ay hindi naman po ko kasama sa mga nagtatrabaho.
12:23.7
Sumama lang po ko sa asawa ko kasi binabantayan ko.
12:27.3
Babaero kasi.
12:28.9
Matapat na sagot pa ni Mama.
12:31.2
Naku, yung mga lalaki na yan talaga.
12:33.8
Maiwan mo lang sandali, hindi mapakali ang mga ano nila.
12:37.9
Pero mag-ingat ka, buntis ka pala.
12:40.2
Tapos eh malapit ka na rin mga anak.
12:42.2
Ang sabi pa ni Aling Ira.
12:45.1
OA mo naman Aling Ira?
12:46.7
Apat na buwan pa bago ako manganak eh.
12:50.4
Bakit po ako dapat na mag-ingat?
12:52.1
Delikado po ba dito sa lugar ninyo?
12:54.5
Marami po bang masasamang loob gaya ng killer at magnanakaw?
12:58.0
Tanong pa ni Mama.
12:60.0
Ikaw naman ang OA mo eh.
13:01.9
Hindi sa ganun dapat mag-ingat.
13:04.3
Payapa dito sa lugar namin.
13:07.0
Pinag-iingat kita kasi buntis ka.
13:09.6
Lahat ng buntis dito ay natatakot kasi merong tik-tik dito sa amin.
13:15.0
Sagot pa ni Aling Ira.
13:16.7
Natawa raw si Mama sa sinabing nyo ni Aling Ira dahil hindi siya naniniwala sa ganun.
13:22.6
Ang sabi raw ni Mama ay wala raw katotohanan ang tik-tik o mga aswang.
13:27.6
Dalawang beses na kasi siyang nagbuntis pero wala siyang na-encounter na tik-tik o manananggal.
13:34.0
Ang sabi naman ni Aling Ira ay may mga lugar daw talaga na walang aswang pero sa lugar nila ay meron daw.
13:41.6
Ayon kay Aling Ira ay marami na raw ang nakapagpatunay na totoong masasamang.
13:46.7
May tik-tik sa lugar nila.
13:48.9
Isa na raw doon ang pinsa ni Aling Ira.
13:51.8
Noong buntis daw ito ay gabi-gabi itong pinupuntahan ng tik-tik sa bahay at mabuti na lang daw.
13:57.4
At walang nangyari sa pinsa ni Aling Ira at sa baby nito.
14:02.3
Sa kabila ng mga narinig ni Mama ay hindi pa rin daw naniniwala si Mama na merong tik-tik sa lugar na yon papadudot.
14:10.4
Kinagabihan ay dumating na si na Papa at ang mga katrabaho niya habang naghahaponan daw sila ay ikinuwento.
14:16.7
Ikinuwento ni Mama ang napag-usapan nila ni Aling Ira.
14:21.2
Totoo yung mga tik-tik na yan.
14:23.4
Delikado ka pala rito kasi buntis ka.
14:26.1
Buti na lang at sa umaga lang mag-isa ka rito.
14:29.7
Sa gabi naman ay nandito kami kaya wala kang dapat na ikatakot.
14:33.7
Ang sabi ng isa sa mga katrabaho ni Papa kay Mama.
14:37.5
Hindi ako naniniwala sa ganyan.
14:39.9
Sa tagal ko nang nabubuhay ay wala akong nakitang aswang o kahit mga multo.
14:43.6
Ang sabi pa ni Mama.
14:46.7
Mas okay pa rin ang mag-iingat.
14:52.9
Hindi lang sa aswang at tik-tik.
14:55.9
Lalo na at mag-isa ka rito sa bahay sa umaga.
14:58.9
Hindi natin alam kung kailan darating ang mga magandang mangyayari.
15:02.8
Dapat kasi hindi ka na sumama rito eh.
15:05.3
Ang wika pa ni Papa.
15:07.6
Kung hindi ako sumama malamang may babae ka na naman.
15:11.2
Kung may dapat matakot dito ikaw yun.
15:13.7
Subukan mo lang na mababae na naman at iiwan na talaga.
15:16.7
Hindi mo na makikita ang mga anak mo kasi isasama ko sila.
15:21.1
Ang turon pa ni Mama.
15:23.4
Tinawanan daw ng mga kasamahan ni Papa ang sinabi ni Mama at okay naman daw ang mga katrabaho ni Papa dahil lahat ay mabait.
15:31.2
Lahat daw ay nakagaanan ka agad niya ng loob pero may inis pa rin siya dahil hindi raw niya makakalimutan na minsan ay kinonsintin ang mga ito ang pambababae ni Papa.
15:42.6
May isa lang daw na nagsumbong sa kanya.
15:45.1
Sa mga unang gabi raw.
15:46.7
Sa mga gabi raw ni Mama sa bahay na yon ay medyo hindi pa siya nakakatulog dahil namamahay pa siya.
15:53.0
Isang linggo pa raw ang binilang bago siya nakapag-adjust at nakatulog ng maayos sa gabi.
16:00.1
Dahil sa walang kasama si Mama mula umaga hanggang hapon ay gumawa na lang siya ng mga gawaing bahay maliban sa pagtambay sa tindahan ni Aling Ira ay yun daw ang ginagawa niya.
16:11.2
Tuwing umaga ay nakaugalian na rin niyang magwali sa paligid ng bahay.
16:15.3
Dahil palaging may mga tuyong dahon na nagkalat.
16:19.3
Marami raw kasing puno ng mangga sa paligid ng bahay na yon papadudot.
16:24.5
May ilang beses daw na habang nagwawali siya.
16:27.5
Sa may likod ng bahay ay nagulat siya dahil may nakita siyang may edad na babae na nasa loob ng bakuran.
16:34.6
Nakatayo raw iyong babae sa may gilid ng bahay at nakatingin sa kanya.
16:39.6
Medyo kakaiba raw yung dating ng babae parang nakakatakot na hindi niya maipaliwanag.
16:45.3
Ang akala naman ni mama ay yun ang may-ari ng bahay na tinitirhan nila.
16:50.4
Kasi bigla na lang itong pumasok sa bakuran nang hindi nagtataupo.
16:55.2
Hindi niya kasi kilala yung may-ari ng bahay na tinutuluyan nila.
16:59.1
Tinanong ni mama kung sino ito at ang sagot ng babae baka raw nagbibenta si mama ng bunga ng mangga.
17:04.5
Naku hindi ko po alam kung binibenta yung mga mangga kasi nangungupahan lang kami rito.
17:09.5
Ang sabi pa ni mama.
17:11.8
Kahit tatlong peraso lang sana bibili ako.
17:14.1
Oo, ang sabi ng babae.
17:17.0
Pasensya na po talaga.
17:19.0
Mahirap pong magdesisyon kasi hindi po talaga ako nakatira dito.
17:22.8
Baka mapagalitan ako ng may-ari sa kaisa pa po ay wala po kasing susungkit.
17:27.9
O aakyat sa puno kasi ako lang ang mag-isa rito.
17:31.4
Paliwanag pa ni mama.
17:33.4
Pagsabi noon ni mama ay tumangol lang daw yung babae.
17:37.2
Makahulugan pa raw siya nitong tinignan bago ito umalis nang walang sabi-sabi.
17:43.4
Kinabahan.
17:44.1
Ano daw si mama sa pakikipag-usap niya sa babaeng yun?
17:47.3
Kakaiba raw kasi talaga ang naramdaman niya.
17:49.9
Nagsisirin daw siya kung bakit niya sinabi na mag-isa lamang siya sa bahay.
17:54.2
Baka raw kasi masamang loob yun at parang tinitingnan lang kung meron ba siyang kasama o wala.
18:00.0
Delikado pa naman daw siya kasi bunti siya tapos ay hindi naman sobrang lapit ng mga bahay doon.
18:07.6
Pagkatapos niyang magwalis ay nagpunta siya sa tindahan ni Aling Ira.
18:12.9
Nakita pala ni Aling Ira.
18:14.0
Aling Ira yung babaeng lumabas ng bakura ng bahay kung saan nakatirasin ang mama at tinanong nito sa kanya kung sino ang babaeng yun.
18:22.3
Nakasalubong pala ni Aling Ira yung babae at hindi raw makatingin dito ng diretsyo.
18:27.5
Ewan ko hindi ko kilala.
18:29.4
Nangihihinang mangga.
18:31.1
Tagarito ba yun?
18:32.7
Turan pa ni mama.
18:34.8
Hindi ko alam.
18:36.3
Ngayon ko lang nakita ang babaeng yun.
18:39.0
Hindi kaya aswang yun?
18:40.7
Naku ka mag-iingat ka.
18:42.7
Kung aswang yun ay mukhang may mga babaeng.
18:44.0
May mga babaeng minaman manang ka na.
18:45.9
Mamayang gabi ay maglagay ka ng asin sa mga bintana.
18:49.2
Paalala pa ni Aling Ira.
18:51.8
Wala naman pong bintana sa sala.
18:54.9
Doon kasi kami natutulog ng mister ko.
18:57.3
Sagot pa ni mama.
18:59.3
E di sa pinto.
19:00.8
Saka magtabi ka ng bawang.
19:02.6
Takot sa bawang at asin ang mga aswang.
19:04.9
Ang sabi pa ni Aling Ira.
19:07.4
Ano po yun? Parang sa pelikula lang eh.
19:10.1
Hindi na po kailangan.
19:11.0
Kailangan saka ang judgmental mo naman Aling Ira.
19:14.0
Pinaghinalaan mo na kaagad yung babae na aswang.
19:18.2
E nanghingi lang siya ng mangga.
19:20.5
Hindi ko lang binigyan at baka mapagalitan ako ng may-ari ng bahay.
19:24.7
Ang natatawang sabi pa ni mama.
19:28.0
Hindi pa rin daw pinakinggan ni mama ang sinabi ni Aling Ira tungkol sa tik-tik o aswang.
19:34.3
Kung papaniwalaan daw kasi niya yun ay tatakutin lamang niya ang sarili niya.
19:38.9
Isa pa'y kung sakali ma natutuwang aswang sa lugar na yon ay wala pa rin daw siya.
19:44.0
Ang dapat na ikatakot.
19:46.0
Bukod kay papa ay marami siyang kasamang lalaki sa bahay.
19:49.0
Kung sakali na umatake ang sinasabing tik-tik, ay marami ang magtatanggol sa kanya.
19:54.8
Kahit naman daw babaero si papa ay sure siya na hindi nito ahayaan na may mangyaring masama sa kanya.
20:01.3
Poprotektahan daw siya ni papa sa abot ng makakaya nito.
20:05.3
Makalipas nga ang ilang gabi ay nagsimula na raw na makaramdam si na mama ng kakaiba tuwing gabi.
20:12.1
Nagsimula yun ang isang gabi ay hindi na makakaya.
20:14.0
Hindi makatulog si mama.
20:16.4
Sobrang init daw ng pakiramdam niya papadudot.
20:20.2
Na kahit nakatapat na sa kanya at naka number 3 ng electric fan ay naiinitan pa rin siya.
20:26.4
Kakaibaraw ang init na nararamdaman ni mama.
20:30.1
Yung hindi siya pinagpapawisan pero ang alinsanga ng pakiramdam niya.
20:35.7
Kung pwede nga lang daw na maghubad na siya ng damit at magbrana lamang ay ginawa na niya.
20:40.9
Kaya lang ay nahihiyarin siya.
20:43.0
Na baka may katrabaho si papa na makakita sa kanya.
20:47.6
Nung unang gabi na naramdaman niya ay nagtiis pa siya.
20:52.3
Talagang pinilit na lamang niyang makatulog.
20:55.2
Pero sa pangalawang gabi ay mas naging matindirawang alinsangan na nararamdaman niya.
21:02.3
Hindi na daw niya kayang tiisin yun.
21:04.5
Paiba-iba na siya ng pwesto at dahil sa kalikutan ay nagising si papa.
21:09.9
Ano ba nangyayari sayo?
21:11.3
Sobrang likot mo naman.
21:13.0
Nakakaistorbo ka ng tulog eh.
21:15.6
Eritadong turan pa ni papa.
21:18.5
Sobrang init kasi.
21:20.1
Reklamo pa ni mama.
21:21.9
Ha? Anong mainit?
21:23.7
Malapit na akong maging hiyalo rito sa lakas ng electric fan.
21:26.9
Ang sabi pa ni papa.
21:29.0
Ewan ko naiinitan ako eh.
21:31.0
Parang gusto kong maligo.
21:32.7
Samahan mo ko maligo muna ako para maging presko ang pakiramdam ko.
21:36.6
Ang sabi pa ni mama.
21:38.8
Hindi ba masama sa buntis ang maligo ng ganitong oras?
21:41.9
Tanong pa ni papa.
21:43.0
Hindi ko alam basta gusto kong maligo, mabilis lang.
21:47.8
Pilit pa ni mama.
21:49.4
Wala namang nagawa si papa kundi ang samahan si mama sa pagligo.
21:54.2
Yung banyo raw doon ay nakahiwalay sa mismong bahay.
21:58.2
Nasa may likod yun at ang kinukuhanan nila ng tubig ay ang poso kapag maliligo.
22:04.2
Pinag-igip daw ni papa si mama ng isang timbang tubig kasi sanda nilang na maligo si mama.
22:10.2
Ang gusto niya lang ay ang maalis ang alipas.
22:13.0
Paglalinsangan sa nararamdaman niya ng gabing yon.
22:16.4
Habang naliligo si mama ay nasa labas ng banyo si papa.
22:21.0
May dala siyang flashlight para pang ilaw sa dadaanan nila kasi walang ilaw sa may likod ng bahay.
22:27.9
Hindi maintindihan ni mama kung bakit ang lakas daw ng hangin ang gabing yon.
22:32.4
Pero ang init pa rin.
22:34.6
Binilisan lang daw ni mama ang pagligo niya at nang lumabas na siya ng banyo ay nakita niya na parang takot na takot si papa.
22:43.0
Nagmamadali pa raw siya nitong hinila papasok ng bahay.
22:46.9
Nang nakahiga na ulit silang dalawa ay tinanong ni mama si papa kung bakit parang takot na takot ito.
22:54.4
Ang sabi ni papa ay meron siyang nakitang malaking ibon na dumapo sa mga puno ng mangga sa likod ng bahay.
23:01.8
Nang tanglawan daw niya yung ibon ng flashlight ay nakita niya ang mapupulan nitong mga mata bago yon lumipad palayo.
23:11.1
Sobrang laki raw ng ibon.
23:13.0
Doon lang daw nakakita si papa ng ganong kalaking ibon.
23:16.9
Kahit daw ang pakpak noon ay iba sa mga pangkaraniwang ibon.
23:21.7
Totoo nga yata na may aswang sa lugar na ito.
23:24.6
Ang sabi pa ni papa.
23:26.6
Aswang na naman?
23:28.2
Malay kong paniki lang yon.
23:30.8
O kaya yung ibon na nangangain ng mangga?
23:33.4
Turan pa ni mama.
23:35.3
Hindi mukhang aswang talaga yon.
23:37.4
Kaya ikaw magingat ka ha.
23:38.7
Huwag ka magpapapasok dito ng ibang tao kapag wala kami.
23:42.5
Mahirap na.
23:43.0
Baka kung anong mangyari sayo.
23:45.1
Paalala pa ni papa.
23:47.1
Sus! Umaga lang kayong wala rito no.
23:50.3
Sa tingin mo ay may aswang kapag maliwanag.
23:52.7
Hindi ba sa gabi lang sila lumalabas?
23:54.8
Ang sabi pa ni mama.
23:56.8
Kahit na, mabuti na ang nag-iingat ka.
24:00.1
Ano kaya kung umuwi ka na sa atin?
24:02.2
Iahatag kita bukas.
24:03.7
Suggestion pa ni papa.
24:05.9
Para makapang babae ka ulit?
24:08.7
Hindi na oy.
24:10.0
Nandito na rin ako kaya hindi ako uuwi sa atin hanggang sa atin.
24:12.8
Hanggang hindi natatapos ang trabaho mo.
24:15.1
Git pa ni mama.
24:17.0
Bakit ba ganyan palagi ang iniisip mo sa akin?
24:19.8
Nagbago na nga ako hindi ba?
24:21.6
Ang sabi pa ni papa.
24:23.8
Ilang beses mo nang sinabi yan kaya hindi na ako naniniwala.
24:27.8
Hanggang hindi ko na ibabalik ang tiwala ko sa iyo ay ganito tayo palagi.
24:31.8
Ang wika pa ni mama.
24:34.4
Kinabukasan habang nakatambay si mama sa tindahan ni aling Ira
24:37.5
ay nabanggit ni mama na dalawang araw na siyang nakakaramdam ng sobrang init sa gabi.
24:42.8
Ayon kay aling Ira ay hindi naman daw mainit at ang lamig pangaraw.
24:48.1
Bare months kasi ng panahon na yon hanggang sasabihin ni aling Ira na isa raw sa sinyales
24:53.3
na may aswang sa malapit ay kapag nakakaramdam ka ng alinsangan sa gabi,
24:58.7
kahit na hindi naman mainit.
25:00.9
Binalaan ni aling Ira si mama na mag-iingat ito at gawin ng paglalagay ng asin sa may pinto.
25:08.0
Binalaan pa siya ni aling Ira na huwag na raw hintayin.
25:11.3
Hindi.
25:12.2
Hindi.
25:12.4
Hindi.
25:12.5
Hindi.
25:12.7
Hindi.
25:12.8
ay tik-tik papadudut o aswang na makaharap bago siya maniwala.
25:19.1
Mas mabuti na raw ang mag-iingat si Mama kesa sa magsisi sa huli kapag may hindi na magandang nangyari papadudut.
25:27.3
Ipinagsawalang bahala naman yun ni Mama at sayang dawang asin baka raw layuan sila ng grasya kung magsasayang siya ng pagkain.
25:35.9
Para raw sa kanya ay hindi talaga totoo ang mga ganong nilalang at gawa lang sila ng malawak na imahinasyon ng mga tao para gawing panakot.
25:46.9
Nakasurvive si Mama ng isang buwan sa bahay na yun nang walang masamang nangyayari sa kanya.
25:52.5
May isang beses siyang nagpa-check up sa isang health center sa lugar na yun kasi malayo pala ang ospital doon.
26:00.2
Dahil sa wala pang nangyayaring hindi maganda ay hindi raw talaga naniniwala si Mama sa mga kwento ni Aling.
26:05.9
Aling ayra tungkol sa tiktik na meron daw sa lugar na yun.
26:10.3
Kung minsan pangaraw ay lumalabas siya ng gabi para magbanyo o kaya ay maligo kapag naiinitan siya.
26:16.9
Hindi na siya nagpapasama kay Papa kasi kung ano-ano raw ang ikinay kwento nito.
26:22.0
Kapag nagpapasama siya kapag gagamit siya ng banyo, mas mabuti na raw ang mag-isa siya.
26:27.7
Kapag ganun daw ay nagtatalo lamang sila ni Papa kaya mas mabuti nang iwasan ang ganong bagay.
26:34.1
Kesa sa mauwi pa yun sa away.
26:37.2
Mabilis pa naman daw uminit ang ulo niya kapag bunti siya.
26:41.8
Ayon sa kwento ni Mama, dalawang linggo na lang sana at matatapos na ang trabaho ni Papa
26:47.2
ay sakapan nangyari ang talagang nagpabago sa paniniwala niya.
26:52.8
Ang akala niya raw ay magiging okay ng lahat at wala naman daw siyang pagsisisi na sumama siya kay Papa doon
26:60.0
kasi nabantayan niya ito at nasiguro niya na hindi naman ito.
27:04.1
Ito gagawa ng kababalaghan.
27:06.6
Pero ibang kababalaghan palang mangyayari.
27:09.2
Literal na kababalaghan daw Papa Dudut.
27:12.9
Isang gabi ay bigla na lang daw nagising si Mama at nakaramdam siya ng kailangan niyang gumamit ng banyo.
27:19.4
Dahil sanay na siya na lumabas ng mag-isa kahit ganung oras ay hindi na siya nag-abala, nagisingin pa si Papa.
27:26.5
Hindi na rin siya nagdala ng flashlight dahil kahit madilim ay memorize na niya ang daan sa likod ng bahay.
27:32.0
Siya na rin daw ang nag-igib ng tubig pero paunti-unti lang kasi bunti siya.
27:37.6
Habang nakaupo raw si Mama sa toilet bowl ay narinig niya ang malakas na pag-ihip ng hangin sa labas
27:43.9
at parang may isang malaking bagay na bumagsak sa bubong ng banyo.
27:48.5
Nagulat pa nga raw siya at medyo natakot pero hindi niya yun binigyan ng pansin.
27:53.0
Baka raw pang gabing ibon lang o kaya ay may nalaglag na sanga ng puno.
27:57.9
Matanda na raw kasi ang mga puno doon.
28:00.3
Kaya normal na yung mga bigla na lang may malalaglag na sanga.
28:05.3
Pero naging kakaiba na raw.
28:07.6
Ang pakiramdam ni Mama nang may narinig na siyang kakaiba.
28:11.7
Sa bubong ng banyo.
28:13.8
Pawid lang din kasi ang bubong na yun papadudot.
28:17.5
Parang may pusa raw na kinakalkal yung pawid sa itas.
28:21.7
Nagtataas na rin daw ang balahibo niya at mas lalo pa raw nadagdaga ng takot ni Mama
28:26.4
nang bigla na lang dumilim ang paligid niya at wala siyang makita.
28:30.3
Bukas ang ilaw pero sobrang dilim daw at hindi niya maipaliwanag kung paano yun nangyari.
28:37.5
Sa pagkakataon na yun ay napasigaw na si Mama.
28:40.9
Paulit-ulit daw niyang tinawag ang pangalan ni Papa hanggang sa marinig niya sa labas
28:45.7
si na Papa at ang iba pa nitong katrabaho na nagkakagulo na.
28:51.1
Mas lalo raw natakot si Mama dahil ang hinala niya ay may kung anong nangyari sa labas.
28:57.4
Nagmamadaling lumabas si Mama sa banyo.
28:59.7
Nang katukin siya ni Papa.
29:02.0
Nakita niya raw na may dalang itak si Papa.
29:05.4
Hindi na raw ito nagsalita at hinila na siya ni Papa papasok ng bahay.
29:09.6
Sumunod na rin daw ang mga kasama ni Papa at naglak na ng pinto ang mga ito.
29:14.8
Sinabi ni Mama na kaya siya sumigaw ay biglang dumilim ang loob ng banyo.
29:18.7
Para daw siyang nasa isang kwarto na walang pinto at bintana.
29:22.3
Yung tipong walang panggagalingan ng liwa nagpapadudot.
29:26.4
Inaaswang tayo. Ikaw siguro.
29:29.0
Sabi Papa.
29:29.7
Ha? Aswang na naman? Wala na bang bago?
29:35.5
Naguguluhang tanong ni Mama.
29:37.7
Paglabas ko ay may nakita akong malaking ibo na nakadapo sa bubong ng banyo.
29:42.4
Parang nakayakap yung malaking niyang pakpak sa banyo kaya siguro ay madilim ang paningin mo sa loob.
29:48.9
Sagot pa ni Papa.
29:50.8
Natahimik daw si Mama sa sinabi ni Papa dahil naramdaman niya na hindi ito gumagawa ng kwento para lamang takutin siya.
29:57.6
Hindi pa raw sana maniniwala.
29:59.7
Si Mama sa sinabi ni Papa pero pinatotohanan niyo ng mga kasama ni Papa.
30:04.9
Kahit kasi ang mga ito ay nakitang malaking ibo na iyon.
30:08.6
Papadudot kitang kita raw na mga ito ang mabilis na paglipad ng ibon nang lumabas na rin sila habang may dalang itak si Papa.
30:17.2
Sa pagkakataon daw na iyon ay unti-unti nang naniwala si Mama na totoo ang tik-tik at aswang na gumagambala sa kanila tuwing gabi.
30:26.1
Hindi niya raw kasi naramdaman na nagsisinungaling.
30:29.7
Si Papa tuwing gabi ay naglalagay na rin sila ng asin sa may pinto at palagi nang nasa ulunan ni Papa ang itak para kung sakali na bumalik ang tik-tik ay mabilis nitong makukuha ang itak.
30:42.1
Inamin ni Mama na gusto na niyang umuwi ng time na iyon pero mas naigang kagustuhan niyang mabantayan si Papa.
30:49.1
Saka dahil na rin sa pride, pakaraw kasi isipin ni Papa na hindi pala niya kayang tapusin ang dalawang buwan niya na naroon.
30:57.3
Kaya nagtiis na lamang siya kahit na...
30:59.7
Natatakot na siya.
31:01.8
Noon lang daw siya nakaramdam ng ganong klase ng takot.
31:06.1
Sa buong buhay niya.
31:07.7
Mabuti raw sana kung hindi siya buntis at sarili lamang niya ang pwedeng mapahamak.
31:14.2
Pero may buhay kasi siyang dinadala at kapag may nangyari sa kapatid ko na ipinagbubuntis niya ay hindi niya magagawang mapatawad ang sarili niya, Papa Dudut.
31:24.1
Naging praning din daw noon si Mama.
31:26.4
Halos hindi na raw siya nakakatulog ng maayos sa gabi.
31:30.7
Kaunting kaluskos daw ay nagigising siya at ginigising niya si Papa.
31:35.0
Wala raw reklamo si Papa kahit pa nagigising niya ito dahil siguro mas priority ni Papa ang kaligtasan ni Mama at ng kapatid ko.
31:44.1
Nang one week na lamang sila roon ay medyo nakahinganan ng maluwag si Mama kasi malapit na silang umuwi.
31:50.6
Pero hindi pa rin daw sila nagiging kampante at palagi pa rin silang alerto.
31:56.4
Lalo na tuwing gabi.
31:58.6
Hanggang isang madaling araw alas dos na raw yata noon nang biglang magising si Mama dahil may narinig siyang kaluskos sa bubong.
32:06.4
Agad niyang ginising si Papa at sinabi niya na merong kumakaluskos sa itaas.
32:11.3
Kinuha daw ni Papa ang itak at matapang itong lumabas ng bahay.
32:15.8
Pinigilang pangaraw ito ni Mama pero hindi nagpapigil si Papa.
32:19.9
Paglabas ng bahay ay pinagbumararaon ni Papa ang tik-tik.
32:23.6
Si Mama naman ay kumuha ng asin at nagsaboy siya noon sa bubong.
32:26.4
Kahit na medyo mataas yun.
32:28.9
Kinilabutan daw si Mama nang may narinig sila na ik-ik.
32:32.9
Parang huni raw ng paniki pero mas malaki yung huni.
32:36.8
Hanggang sa may malaking ibon na lumipad mula sa bubong at nagpaikot-ikot sa itaas.
32:42.6
Tuloy-tuloy pa daw yun sa paghuni na parabang nagagalit.
32:46.6
Sa huli lumipad pa rin palayo yung malaking ibon.
32:50.0
Takot na takot si Mama ng time na yun Papa Dudot nang makita niya.
32:53.4
Ang napakalaking ibon ay alam niya na hindi naman talaga yun isang ibon kundi isang tik-tik.
33:00.7
Doon na raw siya tuluyang naniwala na may mga ganong talagang nilalang na nabubuhay at kasama natin.
33:07.1
Sa awa naman ng Diyos ay ligtas namang nakauwi sa amin si Mama at Papa.
33:11.2
Iyon nga lang ay nakakatroma raw ang experience na yun nila Mama kasi pakiramdam daw niya.
33:16.9
Tuwing gabi Papa Dudot ay naroon pa rin ang tik-tik sa bubong namin.
33:20.9
Bumanik muna si Papa sa pagiging construction worker.
33:23.4
Habang wala pa siyang trabaho sa pag-i-erya.
33:27.0
Saka gusto rin ni Papa nakasama siya ni Mama dahil ilang buwan na lamang ay mga nganak na ito.
33:33.8
Ang akala ni Mama ay safe na siya dahil nakauwi na siya pero sinundan daw pala siya roon ng tik-tik.
33:40.7
Tuwing gabi ay palagi siyang nakakarinig ng hunilang paniki na parang galit na galit.
33:46.2
Kahit ako mismo ay may isang beses na narinig yun kaya naniniwala ako sa kwento ni Mama.
33:53.4
Pakiramdam daw noon ni Mama ay naggalit ang tik-tik dahil hindi ito nagtagumpay sa masama nitong bala kay Mama.
34:02.0
Kaya kahit umalis sila sa lugar na yun ay sinundan pa rin siya nito.
34:07.2
May isang beses pa nga noong kabuwanan na ni Mama ay nagising ako kasi nagmumura si Papa.
34:12.6
Ang akala ko ay nag-aaway sila ni Mama pero hindi naman pala Papa Dudot.
34:17.3
Kaya roon nagmumura si Papa ay dahil sa alam nila na merong tik-tik sa bubong ng aming bahay.
34:23.4
Tapos may isang beses din na merong nakita si Mama na nakasilip sa bintana namin na taong may mapulang mga mata.
34:33.2
Gabi nang maramdaman ni Mama na manganak na siya. Hindi raw niya kasi alam na naglilabor na siya ng maghapon.
34:41.2
Mabuti na lamang at merong tricycle yung kapitbahay namin at napakiusapan siya ni Papa na ihatid si Mama sa ospital kasama si Papa.
34:49.1
Ayon kay Mama habang buwang biyahe sila papunta ng ospital ay merong malaking ibong.
34:53.4
Ang baba ni Mama si Mama na makasunod sa kanila.
34:56.1
Una raw ito ng huni at halatang galit na galit.
34:59.5
Halos hindi na raw naramdaman ni Mama ang sakit ng tiyan.
35:03.2
Kasi mas nanayigang takot sa kanya.
35:05.7
Wala raw siyang ginawa sa buong biyahe nila kundi ang magdasal ng magdasal.
35:12.3
Buti raw at ligtas silang nakarating sa ospital at safe din niyang na ipanganak ang kapatid ko.
35:17.8
Nang makauwi na si Mama sa bahay kasama ang bago naming kapatid,
35:21.8
ay hindi pa rin natigil ang pagpaparamdam sa amin ng tik-tik.
35:26.3
Ilang gabi rin kaming natatakot palagi kasi bigla na lamang may kumakalos ko sa bubong.
35:31.6
Kahit ang lolo ko ay merong nakitang itim na baboy na naglalakad paikot ng bahay
35:35.9
nang lumabas siya isang gabi.
35:38.7
Minura raw niya ang baboy at bigla itong tumakbo palayo.
35:42.2
Kaya hindi na kami pinapalabas din ang mama at papa sa gabi kapag alas 6 na ay nasa loob na kami ng bahay.
35:48.2
Takot din naman ako na kuhanin ang tik-tik na yon papadudot.
35:52.7
Talagang hindi namin pwedeng bigyan ang chance ang nilalang na yon para masaktan ang isa sa amin.
35:58.6
Parang hindi raw talaga titigil ang tik-tik na yon hanggang sa hindi nito nagagawa ang gusto nitong gawin.
36:04.4
Ang hinala namin ay gusto niyang kunin ang kapatid naming bunso.
36:08.0
Siguro ay dahil talagang naggalit siya noon kina mama at papa.
36:12.9
Ilang buwan din kaming nabalot ng takot papadudot hanggang dumating na ang araw
36:18.1
na tumigil na ang tik-tik sa panggagambala at pananakot sa amin.
36:23.4
Siguro ay naisip niya na hindi talaga siya magtatagumpay kaya sumuko na lamang siya.
36:29.5
Ginawa rin kasi namin ang lahat para maprotektahan ang isa't isa lalo na ang bunso kong kapatid.
36:35.7
Naglagay kami ng asin sa may bintana at pintuan.
36:39.1
Kahit ang bubong ay sinabuyan ni papa ng asin kaya ang lakas namin noon sa asin.
36:44.5
Pero kung iisipin siguro ng iba ay paranoid lamang kami,
36:48.1
nasa mga taong hindi naniniwala, papadudot.
36:51.4
Hindi ko naman pinipilit ng lahat na maniwala dahil meron tayong kanya-kanyang isip at mga bagay na pinapaniwalaan.
36:59.1
Pero ganun pa man ay nagpapasalamat ako na walang masamang nangyari kay mama at sa kapatid ko
37:03.8
o kahit na isa man sa amin.
37:06.7
Naging okay na rin ang pagsasama din ng mama at papa after noon, papadudot.
37:11.8
Pinatunayan din ni papa na hindi na siya nang bababay kaya kahit na nag-ierya si papa noon,
37:18.1
na sumasama sa kanya si mama para magbantay.
37:21.2
Medyo matagal bago bumalik ang tiwala ni mama kay papa pero at least ay okay na sila ngayon.
37:26.5
At yun naman talagang importante.
37:28.5
Salamat talaga at naliwanagan na ang isipan ni papa na walang magandang maidudulot ang pagiging babaero niya.
37:36.6
Ha nga rin ako sa tatag ni mama kasi kahit na ilang beses na siyang niloko ni papa,
37:42.0
dati ay hindi pa rin siya bumitaw.
37:44.8
Kung sa akin siguro yun, isang beses pa lamang akong niloko.
37:48.1
Ay iiwan ko na kaagad.
37:51.6
Siguro ay iba na rin talaga kapag meron na kayong mga anak.
37:54.9
Pipilitin mong ayusin kahit pa sobrang sakit na.
37:59.0
Kaya ngayon ay medyo may takot ako na kapag nabuntis ako ay may experience ko rin na nangyari kay mama.
38:05.1
Piling ko ay hindi ko yun kakayanin kasi hindi ako kasing tapang ng nanay ko, papadudot.
38:11.3
Pero sana ay hindi yun mangyari sa akin at if ever ma na mangyari,
38:14.8
sana ay kagaya ni papa ang mapapangasawa ko,
38:18.1
na gagawin ang lahat para lamang protektahan ako at ang magiging anak namin.
38:23.1
Menos na lang siyempre yung pagiging babaero ni papa dati.
38:28.5
Lubos na gumagalang Bridget
38:31.5
Tunay na kapag sinira mo ang tiwala ng isang tao ay mahihirapan ka nang may balik yun sa dati.
38:40.1
Para itong isang nabasag na salamin na kahit buwin mo ay naroon pa rin ang lamat.
38:46.3
Kaya kapag binigyan ka ng isang tao,
38:47.4
nang pangalawang pagkakataon ay huwag mo na itong sayangin pa.
38:53.3
Ipakita mo na karapat dapat ka sa isa pang chance na ibinigay sa'yo.
38:58.4
Dahil bihira ang taong nagbibigay ng second chance
39:01.4
at mas lalong bihira ang nagbibigay ng napakaraming chance.
39:07.5
Huwag mong isipin na porket mahal ka ng isang tao ay mapapatawad at matatanggap ka niya.
39:14.4
Tandaan natin na ang panluloko,
39:16.8
sa taong walang ginawa kundi pakitaan tayo ng kabutihan ay may hindi magandang balik.
39:23.2
Huwag mo nang hintayin.
39:24.7
Nabalikan ka ng karma dahil kapag eto na ang gumanti sa'yo ay baka hindi mo na magustuhan ang resulta.
39:32.3
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
39:36.3
Magandang gabi po sa inyong lahat.
39:46.8
Pagkatapos sa inyong lahat, pagkatapos sa inyong lahat.
40:16.8
Dito sa Papadudud Stories, kami ay iyong kasama.
40:28.3
Dito sa Papadudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
40:40.8
Dito sa Papadudud Stories, may nag-iisa.
40:46.6
Dito sa Papadudud Stories, may nag-iisa.
40:46.7
Mamahal sa'yo.
40:53.7
Papadudud Stories
40:56.2
Papadudud Stories
41:03.8
Papadudud Stories
41:15.3
Papadudud Stories
41:15.7
Hello mga kaon.
41:16.7
Ako po ang inyong si Papa Dudut. Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe. Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanoodin nyo. Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.