Close
 


Hindi Lahat ng Masakit ang Dibdib ay Kailangan ng Check-Up. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hindi Lahat ng Masakit ang Dibdib ay Kailangan ng Check-Up. Dito Malalaman Kung Seryoso Ito o Hindi. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin ang Paliwanag https://youtu.be/JZRuuIvtt_U #heartdisease #panicattack #chestpain
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 13:40
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Topic po natin, chest pain, sumasakit ba ang dibdib ninyo?
00:04.8
Ito yung pinaka-common na dahilan, bakit pumupunta ang pasyente sa ospital,
00:10.6
sa emergency room, biglang sumakit ang dibdib.
00:13.6
Pero syempre, dahil mahirap tayong bansa,
00:16.5
hindi naman pwede lahat ng sakit sa dibdib, punta ka sa emergency room.
00:20.9
Mapapagastos ka ng 2,000 up to 5,000 kung may test, mas mahal pa.
00:25.5
Kaya dito sa video na ito, tuturuan ko po kayo kung kailangan ba ipacheck up o hindi.
00:33.0
At ituturo ko rin yung mga dahilan, bakit sumasakit ang dibdib.
00:38.1
Hindi lahat puso yun.
00:39.6
Pwedeng panic attack, nervous yun.
00:43.6
Pwedeng panic attack o heart attack.
00:46.7
Pwede rin sa buto lang ang masakit.
00:49.9
Pero yung pangatlo, pwede talagang may sakit sa puso.
00:52.7
Pag may sakit sa puso, wala tayong choice.
00:56.1
Pwede rin naman pang-apat yung problema sa baga.
00:59.1
Maraming problema sa baga, sumasakit ang dibdib.
01:02.3
At pwede rin pang-lima yung mga sakit sa tiyan.
01:04.9
Satyan, gallbladder, ulcer, lahat yan.
01:08.4
Pakala mo, dibdib din yan.
01:10.2
So titignan natin para makatipid tayo.
01:13.7
Left side chest pain.
01:15.4
Pwede bang heartburn, acidic, sa buto ba, o barado yung puso talaga?
01:21.3
Malalaman natin dito.
01:22.7
Ang una kong tinatanong, may mga ribs.
01:25.5
Ito yung ribs tayo, yan yun.
01:27.5
Yan yung mga ribs natin.
01:28.5
Nakita nyo may pula-pula, parang namamagap.
01:30.5
Tinatanong ko sa pasyente,
01:32.5
Kaya mo ba ituro saan ang masakit sa inyo?
01:35.5
Like ngayon, nanonood kayo.
01:37.5
Turo nyo, naturo nyo na ba?
01:40.5
Pag naturo nyo saan yung pinakamasakit, diinan mo masakit,
01:45.5
ibig sabihin nun, hindi yan sakit sa puso.
01:50.5
Ano yun? Trick question yun.
01:53.5
Ibig sabihin,
01:54.5
Pag naituro mo, tinuro mo yung buto.
01:57.5
Ang correct answer, pag pinapaturo ka, ang correct answer is,
02:02.5
Dok, hindi ko maturo, parang nandito yung masakit.
02:05.5
Pag ganun ang sinabi niya, pwedeng sakit sa puso.
02:08.5
Kasi yung puso, hindi mo matuturo.
02:10.5
Pag tinuro niya yung buto, buto lang ang masakit.
02:14.5
So pag buto ang masakit, natulog, bagong gising, naipit ang dibdib, laging nakakuba.
02:21.5
Buto, sumasakit, o baka nag-exercise.
02:23.5
Biglang napaikot, costochondritis yan. Buto, masakit.
02:28.5
Walang gagawin dyan, okay lang yan. Pahinga lang.
02:32.5
Second, pwedeng nervyos, panic attack.
02:36.5
Diba? Paano mo malalaman kung panic attack o heart attack?
02:41.5
Actually may shortcut ako dito, pero hindi ko alam kung kaya ninyo eh.
02:45.5
Ang panic attack, nakikita ko sa mukha eh.
02:48.5
Para siyang dilat na kabado na stress.
02:52.5
Na stress, talagang laging stress siya sa buhay.
02:55.5
Kita mo talaga kabado, usually batang babae ito.
02:59.5
Wala namang mga sakit, lagi kumukonsulta, lagi sinasabihan normal.
03:03.5
Yun ang panic attack.
03:05.5
Ang tunay na heart attack, usually mas may edad, 50 years old.
03:11.5
Hindi siya dilat, nakakunot ang noo, parang may dinadamdam na masakit.
03:16.5
Parang alam mo, meron siyang sakit na masakit na tinatago niya. Okay?
03:22.5
Parang ganun, ganun na nakikita namin.
03:24.5
Ako po bilang internist and cardiologist, linya ko ito, puro chest pain na nakita ko.
03:29.5
Ang panic attack din, ang sakit niya parang tumutusok.
03:33.5
Stabbing, parang humihiwa, tumutusok, sharp, matulis.
03:38.5
Yan, hindi yan sakit sa puso.
03:40.5
Ang tunay na sakit sa puso, mabigat.
03:44.5
Dinadaganan.
03:46.5
Tapos yung timing, sumasakit lang ito pag napagod.
03:50.5
Umakyat ng hagdan, nagbuhat, naglakad, umakyat ng MRT, doon sumakit.
03:56.5
Yun, malaking chance sakit sa puso yun.
04:00.5
Tapos umakyat ng hagdan, sumakit ng dibdib ng 5 minutes up to 15 minutes.
04:06.5
Umupo, nagpahinga, nawala yung sakit sa dibdib.
04:09.5
Tapos dinahandahan na lang.
04:10.5
Yun ang sakit sa puso.
04:12.5
Typical yun, naiipit.
04:14.5
Pero yung panic attack, wala, basta masakit.
04:17.5
Minsan, isang oras masakit.
04:19.5
Minsan, isang minuto masakit.
04:21.5
Ninenervyos, kala mo mamamatay na siya, panic yun.
04:25.5
Pag heart, ibang usapan.
04:27.5
Tulad na sinabi ko nga, mabigat, nandito, tsaka may sign sila.
04:31.5
Usually, kamay ng heart attack, nakaganyan.
04:34.5
Pag nakaganyan siya talaga, heart attack yun.
04:37.5
Pero panic attack, usually, magkukwento na iniwan siya ng boyfriend niya, yun.
04:44.5
Panic attack yun.
04:46.5
So, alam nyo na, costochondritis.
04:48.5
Muscle pain, bone pain, panic attack, nervyos.
04:52.5
Ngayon, puso naman tayo.
04:54.5
Paano natin malalaman kung sakit sa puso o hindi?
04:57.5
Meron tayong scoring system.
04:58.5
Maganda itong scoring.
05:00.5
Pag zero points, malamang hindi yan sakit sa puso.
05:03.5
99.99%, di mo na kailangan paulit-ulit pumunta sa emergency room.
05:09.5
Sayang lang pera mo kung zero points naman lahat.
05:12.5
Pero kung nandito ka sa one o two, pag in-add mo marami, pwedeng sakit sa puso.
05:18.5
Ano ito?
05:19.5
Tulad ng sinabi ko, number one, ano yung chest pain.
05:22.5
Kung naituturo mo, zero points.
05:25.5
Kung one minute lang masakit o buong hapon masakit, zero points yan.
05:31.5
Pero kung sinabi ko nga sa inyo, 5 to 15 minutes, mabigat, dinadaganan, two points yun.
05:37.5
ECG, normal. Pag hindi sakit sa puso.
05:42.5
ECG, may depresya kung may sakit sa puso.
05:45.5
Pero ang ECG kasi, 50%.
05:46.5
50%.
05:47.5
50% accurate lang siya.
05:49.5
Hindi siya talagang pinakamagandang test.
05:51.5
Meron pang ibang mas magandang test.
05:54.5
Mga 2D echo, treadmill stress test, yan ang mga mas magaganda.
05:58.5
Edad.
05:59.5
Less than 45 years old, halos malabo na sakit sa puso.
06:03.5
Less than 40, halos malabo.
06:06.5
45 to 65, baka sakit sa puso.
06:09.5
65 and above, mas malaki ang chance.
06:12.5
Nasa edad.
06:13.5
May risk factor ka ba?
06:17.5
Kung meron ka nitong risk factor, pwede natin isipin may sakit sa puso.
06:21.5
High blood, high cholesterol, diabetes, may lahi na matay ng maaga sa sakit sa puso,
06:28.5
overweight, naninigarilyo, risk factor yan.
06:32.5
Kung marami kang risk factor, 2 points agad.
06:35.5
Kaya nga dapat i-control ito, tigil si garilyo talaga.
06:39.5
So ang point ko, kung kayo ay wala pang 45 years old,
06:42.5
wala namang risk factor, tapos naituturo, no need na sa check-up.
06:47.5
Relax na lang kayo.
06:49.5
Pero, maraming risk factor, medyo may edad,
06:53.5
tapos alanganin yung chest pain, pacheck na tayo.
06:58.5
So ito yung guideline namin.
07:01.5
Tapos tulad na sinabi ko.
07:03.5
Pagsakit sa puso, pwede sa dibdib, hanggang leeg, hanggang kaliwang kamay, possible yan.
07:10.5
Ang test ECG.
07:12.5
Muna, pwede kasing normal ang ECG.
07:16.5
Ang ECG kasi, madi-detect lang niya yung sakit sa puso kung maraming maraming bara na.
07:22.5
Kung baradong-barado na siguro, kung 90% o 100% barado.
07:27.5
So bilang cardiologist, alam ko yan.
07:29.5
Pero, pag hindi pa talagang barang-bara, mag non-normal pa yan.
07:35.5
Kaya ginagawa natin, treadmill stress test, tumatakbo.
07:38.5
So tatakbo yung pasyente sa treadmill, naka-ECG yan.
07:42.5
Habang pinapagod mo siya, doon lalabas yung bara.
07:46.5
Doon nagkukulang ng oxygen sa puso.
07:48.5
Kaya pag yung ECG niya, ECG niya nagiging abnormal.
07:52.5
To the echo, makikita rin kung dati nang may heart attack.
07:55.5
Pero ang pinakamaganda ang angiogram.
07:58.5
Kung talagang duda tayo.
08:00.5
Angiogram, nilalagyan ng wire sa puso, pero invasive ito.
08:04.5
Hindi basta-basta ginagawa.
08:06.5
Kung may barado, nilalagyan ng stent, binubuka, kaya lang mahal na yan.
08:11.5
Sa mga heart center, pwede mahal.
08:14.5
Pag ginawa ng stent, 300,000, 500,000 or more.
08:18.5
Pero life-saving siya, life-saving.
08:21.5
Kaya tulad na sinabi ko, mga high blood, smoking, titigil lahat.
08:25.5
Gamutan kung barado sa puso, mga metoprolol, beta blockers, aspirin,
08:31.5
mga statin, simbastatin, lifestyle change kung sakit sa puso.
08:36.5
Okay? So alam nyo na, yan ang mga possibilities.
08:39.5
May other heart possibilities na medyo rare.
08:43.5
Siguro, banggitin ko lang, merong mga thoracic aneurysm, pero medyo rare yan.
08:49.5
Merong mga myocarditis, sumihina yung puso, viral infection, medyo rare.
08:54.5
Pericarditis, yung balot sa puso, sa mga lupus, medyo rare.
09:00.5
Usually, yung heart attack pa rin talagang common.
09:04.5
Ito yung pang-apat na causes, baga.
09:07.5
Pwedeng baga ang masakit.
09:09.5
Yung baga mo nandito, sumakit ang dibdib.
09:12.5
Pwedeng hindi buto, pwedeng hindi puso, pwedeng hindi nervous, pwedeng baga.
09:17.5
Pwedeng may pulmonya.
09:19.5
Pwedeng may hika.
09:21.5
Pwedeng may tubig sa baga.
09:23.5
So lung problem, pwede.
09:25.5
Kaya pag lung problem, may ubo, may plema, so baga siguro rin.
09:31.5
Humuhuni, hinahapo.
09:34.5
Pag in x-ray, may nakitang mga...
09:37.5
Peklat sa baga, pwede rin yan.
09:39.5
Emphysema, smoker, pwede rin baga.
09:42.5
So kung baga, gagamutin ang baga.
09:45.5
Bukod sa baga, ito yung number 5 cause.
09:49.5
Pwede sa tiyan, dito sa abdomen.
09:52.5
Bakit sa tiyan?
09:54.5
Tingnan mo, nandito yung tiyan natin.
09:57.5
Nandito yung puso natin.
09:58.5
Nandito yung esophagus natin.
10:00.5
So pag sumakit ang tiyan, may acid, acidic.
10:04.5
O.
10:05.5
Pag acidic, umakyat sa dibdib ang masakit.
10:09.5
Pag may ulcer, bandang sigmura, bandang dibdib.
10:13.5
Pag may heartburn, acid reflux, peptic ulcer, halos dibdib magmasakit.
10:20.5
Lalo na pag may GERD, gastric reflux, dito masakit.
10:25.5
Kabag, mahangin ng tiyan, ito mahangin, parang dibdib din masakit.
10:31.5
Tsaka pag problema sa tiyan, nagre-react yung puso.
10:34.5
Nagpa-palpitate din yan.
10:36.5
Kaya kala mo puso.
10:38.5
So pag marami kang hindi matunawan, nakakabagan, masakit ang ano, maasim,
10:44.5
baka tiyan ang problema.
10:46.5
Hindi sa puso.
10:47.5
Tsaka ang timing ng sakit sa tiyan, siyempre bagong kain, nagutom.
10:52.5
Diba?
10:53.5
Ito, tubig lang gusto ko.
10:55.5
Tubig lagi, every 15 minutes, maugasan yung acid.
10:58.5
At saging, may tulong yan.
11:01.5
So pag tiyan, pwedeng indigestion.
11:03.5
Pwedeng GERD.
11:05.5
Pwedeng heartburn.
11:07.5
Pero pwede rin naman minsan sa kanan.
11:09.5
Baka gallbladder stone.
11:11.5
O sa liver, may liver abscess.
11:13.5
Pero bandang kanan na yun.
11:15.5
Okay?
11:16.5
Pag baga, pwede dito.
11:18.5
So nakita nyo na, malalaman nyo kung kailangan magpa-check up o hindi.
11:22.5
Pero kung may duda kayo, wala namang masama magpa-check up isang beses.
11:26.5
O nakita nyo, wala kayong risk factor.
11:28.5
So, no need na.
11:30.5
Ito na lang gagawin natin.
11:32.5
Kung di natin alam kung sakit sa puso, hindi ba,
11:36.5
o sakit sa baga, o sakit sa tiyan, o nervyos, whatever yung cause ng chest pain mo,
11:41.5
sundin na lang natin ito.
11:43.5
Healthy lifestyle ito. Patok naman ito sa lahat.
11:46.5
Pwede ito sa puso, sa baga, sa tiyan, sa nervyos, whatever.
11:51.5
Which is mas bawas stress, relaxation.
11:54.5
Okay naman.
11:55.5
Iwas sa mga fast food, fries, hotdog, fried chicken.
12:01.5
Konting bawas.
12:03.5
Exercise.
12:04.5
Pag may sakit sa puso, pwede pa rin maglakad.
12:07.5
Pag sumakit na dibdib, pahinga, tapos lakad ulit.
12:10.5
Pero pagduda nga syempre, punta na tayo sa doktor.
12:13.5
Maintenance.
12:14.5
So, ingat din sa exercise.
12:16.5
Eat whole foods.
12:18.5
Masustansyang gulay, maraming gulay, dalawang tasa isang araw.
12:22.5
Pwede yan.
12:23.5
Huwag lang magpapataba.
12:25.5
Prutas, apple, saging, orange.
12:30.5
Hongkam, dalandan.
12:32.5
Okay lahat yan.
12:33.5
Iwas sa mga soft drinks, matatamis.
12:35.5
Lemon water, tsaa.
12:37.5
Mamaya hingi ako kay Dok Liza camomile tea.
12:40.5
Favorite ko yan.
12:41.5
Pang tiyan eh.
12:42.5
Problema ko tiyan eh.
12:43.5
Okay.
12:44.5
Healthy snacks.
12:45.5
Pwedeng mga gulay, pwedeng mga mani.
12:49.5
Pero huwag lang masyado maalat.
12:51.5
Mantika, bawasan.
12:53.5
Butter, bawasan.
12:54.5
Matataba, bawasan.
12:56.5
Tapos yung dami ng pagkain.
12:58.5
Huwag din busog na busog.
12:59.5
Kunti lang.
13:00.5
One cup rice, half cup rice lang.
13:02.5
Yun lang muna para hindi masyado busog.
13:05.5
Para hindi rin mahirapan ang puso.
13:07.5
Kasi kung busog na busog ka,
13:09.5
yung dugo pupunta sa tiyan,
13:11.5
ay baka magkulang ng blood supply sa puso.
13:13.5
Pwede si Manggit ang puso.
13:15.5
Magkulang blood supply sa utak.
13:16.5
Kaya inaantok ka pagkatapos kumain.
13:18.5
So, sana po.
13:20.5
Makatulong tong tips natin.
13:22.5
Tulad na sinabi ko, maganda tong diagram natin.
13:26.5
Pag zero kayo lahat dyan.
13:28.5
Wala pang 45.
13:30.5
Normal ECG.
13:31.5
Walang risk factors nito.
13:34.5
Malamang di yan sakit sa puso.
13:37.5
Salamat po.
13:38.5
Ingat po palagi.