Close
 


Gawin mo ito sa MANOK! Mapapangiti ka sa sobrang linamnam at sarap
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagluto ako ng easy chicken recipe na pwedeng pang-ulam araw-araw. Super creamy at malasa talaga. Ito ang tinatawag na pininyahang manok (pineapple chicken). Para mas creamy, nilagyan ko pa ng gata. Para doon sa mga hindi fan ng gata, you can use all-purpose cream as a substitute ingrdient. 1 ½ lbs. chicken, cut into serving pieces 14 ounces pineapple chunks, canned 1 piece red bell pepper, cut into squares 1 piece green bell pepper, cut into squares 2 cups coconut milk 1 cup chicken broth 2 pieces carrots, sliced 1 piece, onion, chopped 1 piece tomato diced 5 cloves garlic, chopped 2 tablespoons soy sauce 3 tablespoons cooking oil Fish sauce and ground black pepper to taste #panlasangpinoy #foodie
Panlasang Pinoy
  Mute  
Run time: 08:50
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Welcome sa Panlasang Pinoy!
00:05.8
Para sa ating episode, magluluto tayo ng isang malinamnam na dish na sobrang lasa.
00:12.8
Siguradong magugustuhan nyo ito.
00:17.4
Ito ang Pininyahang Manok sa Gata.
00:22.2
Makikita ninyo yung kumpletong lista ng mga sangkap sa description ng video.
00:25.8
Visita rin kayo sa website natin, panlasangpinoy.com
00:29.6
para naman dun sa kumpletong recipe.
00:32.7
O tara na, umpisa na natin ito.
00:35.9
Nagpainit lang ako ng mantika dahil magigisa tayo kagad dito.
00:41.3
Gusto ko dito sa dish na ito yung mabawang talaga yung lasa.
00:44.9
Kaya nga una kong ginisay ang bawang dyan.
00:49.0
Pinapabrown ko lang muna ito.
00:50.7
At pagdating naman sa pag-repair, simpleng-simple lang.
00:53.5
Krenash ko lang yung bawang at chinap ko lang.
00:55.8
Mas okay na hiwain natin ito ng malilit na peraso.
01:02.4
Pwedeng-pwede rin kayong gumamit dito ng almires
01:04.9
para naman hindi na kayo mahirapan sa paghiwa ng bawang.
01:08.1
Pitpitin nyo lang mabuti.
01:11.3
Once na mag-brown na yung bawang, nilalagay ko na kagad yung sibuyas.
01:15.7
Mas maraming sibuyas, mas okay.
01:18.7
Ang gamit ko dito ay yung tinatawag natin na sweet onion, yung dilaw na sibuyas.
01:24.2
Medyo may kalakihan yung sukat.
01:25.8
Kaya nga nung hiniwa ko, hinati ko pa sa gitna bago ko chinap.
01:34.3
Pwede rin kayong gumamit dito ng food processor para mas mapabilis yung hiwan ninyo sa sibuyas.
01:39.7
Igisan nyo lang yan hanggang sa maging malambot na.
01:42.6
Mga 30 to 45 seconds.
01:44.8
Then ilagay nyo na yung kamatis.
01:48.1
Isang perasong hinug na kamatis yung gamit ko dito.
01:50.8
Kapag may kaliitan yung kamatis na gamit ninyo, kahit dalawang peraso, okay din.
01:55.8
Dinadice ko lang ito.
02:04.5
Tinutuloy ko lang yung pagluto dito hanggang sa maging malambot na yung kamatis.
02:10.0
At once na mangyari yan, pwede na nating ilagay yung chicken.
02:14.9
Itong chicken ay hiniwa ko na into serving pieces.
02:17.9
So nasa sa inyo kung anong parte ng chicken ang gusto ninyong lutuin.
02:22.1
Ang importante dito ay mapalight brown muna natin.
02:25.6
Yung outer part nitong chicken.
02:28.2
Kaya nga ini-spread out ko muna ito dito sa lutuan.
02:33.8
Niluluto ko lang ng mga isa't kalahating minuto yung isang side.
02:36.8
Tapos yan hinahalo ko lang.
02:39.2
At sinisigurado ko lang na maluto ng pantay-pantay lahat ng sides nito.
02:44.2
Once na napalight brown ko na yung chicken, itinutuloy ko pa yung pagluto.
02:47.8
Sinasangkutsa ko pa yan para mas maging malasa.
02:52.1
After kumasangkutsa ay nilalagay ko na dito yung toyo.
02:55.6
Pagkalagay ng toyo, ito na yung pagkakataon para ma-de-glaze natin ito.
03:01.1
Ang tinitukoy ko ay yung process kung saan tinatanggal natin yung mga dumikit na resido dito sa lutuan.
03:06.8
Nakakatulong kasi yung liquid eh para mas matanggal natin ito nung madali.
03:12.1
At once na ma-de-glaze na nga natin, tinutuloy ko yung pagluto dito hanggang sa mag-evaporate ng completely yung liquid.
03:19.1
At naka-high heat setting pa rin tayo dito ah para dun sa mga nagtatanong.
03:23.5
Ngayon naman ay ilalagay ko na dito yung pie.
03:25.6
Pineapple juice.
03:27.3
Ang gamit ko kasi ditong pinya ay yung nakalata na pineapple chunk.
03:31.7
Diba kapag nakalata may kasamang juice yun? So yun yung juice na nilagay natin.
03:36.1
At naglalagay na din ako dito ng chicken broth.
03:39.1
Pwede kang gumamit ng chicken stock o kahit tubig lang.
03:45.8
Pakuluan lang muna natin ito sandali.
03:53.8
At once akumulunan, nilalagay ko na dito yung pineapple juice.
03:55.2
At nilalagay ko na dito yung pineapple juice.
03:55.6
At nilalagay ko na dito yung pineapple juice.
03:57.1
Ang gamit ko dito ay yung tinatawag natin na coconut cream o yung kakang gata.
04:01.8
Ito yung unang tiga. Pwede pwede kang gumamit ng dilatang kakang gata dito.
04:07.0
Kung walang kakang gata na available, pwede kang gumamit ng regular na coconut milk.
04:11.7
Mapafresh man yan o nakalata.
04:15.5
Kalahati ng gata lang muna yung nilagay ko ah.
04:19.8
Pinapakuluan ko lang yan ulit.
04:22.7
At nilalagay ko na dito yung pinya.
04:26.3
Kaya nga nang sabi ko kanina, pineapple chunks na dilata yung gamit natin.
04:31.5
Kalahati lang muna yung ilalagay ko.
04:33.4
Yung kalahati, ilalagay natin towards the end of the cooking process.
04:37.8
Pwedeng-pwedeng kayong gumamit ng sariwang pinya dito.
04:41.3
Kung walang available na pineapple chunks, pwede kayong gumamit ng pineapple dead bits.
04:45.7
At kung wala pa rin, pwede rin kayong gumamit ng nakalata ng pineapple slices.
04:50.6
Tapos nyan, hiwain na lang ninyo into chunks.
04:55.6
At ngayon naman, kailangan na nating palambutin yung chicken.
04:59.2
Kaya nireduce ko lang yung heat to a simmer.
05:01.2
Ibig sabihin, pinakamababang heat setting yung ginamit ko.
05:05.4
Tinatakpan ko lang muna itong lutuan at itinutuloy ko lang yung pagluto.
05:09.4
Mga 30 to 40 minutes.
05:12.4
At pagkatapos nga nyan, ibig sabihin, itong chicken okay na to.
05:16.2
Lutong-luto na yan.
05:18.7
Inadjust ko ngayon yung heat from the lowest setting papunta sa medium.
05:25.6
And right now, ilalagay ko ng ibang mga ingredients pa.
05:29.2
Ito na yung carrot.
05:30.4
Pagdating sa carrot, syempre, balata natin yan.
05:33.0
Tapos, hiwain lang ninyo.
05:35.1
Hinihiwa ko lang yan ng roll cut pero pwede ninyong hiwain yan ng diagonal tapos yung maninipis lang.
05:39.8
So, nasa sa inyo yan, eh.
05:42.1
Pag ilagay ng carrot, niluluto ko lang muna yan ng mga 5 to 7 minutes.
05:46.4
At pagkatapos, ay nilalagay ko na yung natirapang gata.
05:50.5
Sabi ko naman sa inyo, eh, creamy-creamy itong niluluto natin.
05:53.4
Kaya naman, sobrang linam na.
05:55.6
Mapaparami ko yun ng kanin dyan, sigurado.
05:59.2
Pagkatapos nga pa na ninyong lutuin ito, sabihin nyo sa akin kung nakailang kanin kayo, eh.
06:03.3
At yan, inahalo ko lang mabuti, eh.
06:05.9
Tapos, itinutuloy ko lang yung pagluto.
06:07.8
Hindi na natin kailangan pantakpan itong lutuan.
06:10.3
Dahil ang gusto kong mangyari dito, mag-evaporate yung liquid nito.
06:14.4
Kung baga, hindi naman nagmamantika pero malapot na malapot.
06:18.3
Naglalagay din ako dito ng bell pepper.
06:20.7
Para naman manamis-namis itong ating niluluto.
06:23.8
Tinatanggal ko lang muna yung buto dyan.
06:25.6
At pagkatapos nga ay hinihiwa ko lang ito into squares.
06:31.3
Pag kalagay ng bell pepper, lutuin nyo lang yan ng mga 3 minutes.
06:39.2
At meron pa tayong ingredient na kailangang ibalik dito.
06:42.8
Dahil nga yung pinya kanina, kalahati pa lang yung nilagay natin.
06:45.9
Ilagay na natin yung natira pa.
06:48.1
Sadyang nilalagay ko ito towards the end ng cooking process.
06:51.2
Dahil itong niluluto natin, actually malasang malasa na yan, ano.
06:54.5
Yung pinya.
06:55.6
Kumbaga, kumapit na yung lasa dyan sa sauce.
06:58.3
Nilalagay ko itong pinya na second batch sa bandang huli for garnish lang.
07:02.6
Para matingkad yung magiging kulay niyan.
07:04.4
Tingnan nyo naman, di ba?
07:05.7
Mas nagiging maganda sa paningin.
07:07.8
Mas nagiging enticing, di ba?
07:11.2
Haluhaluin lang natin yan at timplahan na natin.
07:18.1
At pagdating naman sa panimpla,
07:20.4
ang gamit ko dito para may umami flavor, eto, patis.
07:24.3
Fish sauce.
07:25.6
Kunting halu-halo lang muna.
07:29.9
At pagkatapos ay naglalagay din ako dito ng ground black pepper.
07:34.6
Para nga pala dun sa mga hindi nagpapatis, pwede kayong gumamit ng asin dito.
07:39.3
At para naman dun sa mga walang ground black pepper na available,
07:42.5
kahit yung pamintang puti,
07:44.4
yung ground white pepper or white pepper powder, pwedeng pwede.
07:48.1
Pero kung pamintang puti yung gagamitin ninyo, konti lang muna, eh.
07:51.8
Baka kasi maangangan kayo masyado, eh.
07:54.9
Haluhin lang natin.
07:55.5
Haluhin lang natin.
07:55.6
Haluhin lang natin ito hanggang sa ma-distribute natin yung seasoning.
07:59.9
At ilipat na natin ito sa isang serving bowl.
08:04.9
At iserve na natin.
08:09.4
Eto na ang ating pininyahang manok sa gata.
08:18.1
Sana masubukan nyo itong ating recipe and let me know kung gano'n yung ito nagustuhan.
08:23.2
At kung meron kayong mga katanungan,
08:25.1
suggestion or feedback,
08:26.5
nasa comment section lang tayo, ah.
08:28.1
Mag-comment lang kayo.
08:34.5
Ihandaan nyo na yung sinahing, ah.
08:35.9
Dahil siguradong mapapalabang kayo dito.
08:44.5
O, tara na.
08:45.7
Kain na tayo.