Close
 


Stress Ba ang #1 Killer Ngayon? Totoo o Hindi? - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Stress Ba ang #1 Killer Ngayon? Totoo o Hindi? By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin ang Paliwanag https://youtu.be/o7eYvobcoHo
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Marami po nagsasabi na stress daw ang pangunahing dahilan kaya namamatay ang tao ngayon.
00:07.7
Stress daw number one killer.
00:09.7
Una narinig ko, sabi ko tama ba ito o hindi.
00:12.9
Pero nung ina-examine ko, yung sobrang stress pwede siya mag-contribute sa walong mga sakit.
00:21.8
Okay, may connection.
00:22.9
Either pag nawala yung stress, biglang gagaling itong mga sakit or mababawasan ito.
00:29.8
Tingnan natin kung tama o mali.
00:32.5
Number one out of eight.
00:34.0
Number one, pag sobra kang stress, hihina ang immune system mo.
00:39.2
Tunay po yan.
00:40.8
Kung kailan kayo pagod na pagod, dami niisip, kulang sa tulog, diyan kayo magkakatrangkaso.
00:47.5
Diyan kayo biglang sisipunin.
00:49.4
At pag humina ang immune system, hindi lang trangkaso.
00:53.0
Sipon, pwede rin mga pulmonya.
00:57.0
Pwede rin mga lupus.
00:59.6
Pwede rin mga psoriasis.
01:02.7
Pwede rin mga eczema.
01:04.5
Lahat yan.
01:05.4
Yung mga lumalabas sa mukha-mukha natin, pwede rin yan.
01:09.3
Yung mga pimples.
01:11.0
Number two, pwede rin mga inflammation.
01:15.3
Mas namamaga yung katawan natin.
01:17.5
Ano yung mga pamamaga?
01:19.9
Pwede yung pamamaga sa puso.
01:22.5
Okay?
01:23.4
Meron din yan.
01:24.5
Mga heart disease, may mga hika, may mga arthritis na mas lumalala kung
01:29.4
angry, anxiety, may depression, nakakatrigger ng inflammatory response sa katawan natin.
01:38.9
Number three, ito tunay po ito.
01:41.7
Pain perception.
01:43.7
Alam nyo ba anong pain perception?
01:46.0
Yung pakiramdam mo sa kirot mo, let's say masakit ang likod mo, masakit ang katawan mo.
01:51.2
Pag stress ka,
01:52.1
parang stress ka, mainit ulo mo.
01:55.2
Yung nararamdaman mong sakit, biglang dodoble ang sakit.
02:00.1
Diba?
02:00.7
Biglang dodoble yung sakit sa tuhod.
02:02.9
Parang mas feel mo, parang sabi mo, malas ako ngayon.
02:07.1
O, laging lugi ngayon.
02:09.1
Walang pera ngayon.
02:10.4
Walang kita ngayon.
02:11.3
Tapos, masakit pa yung tuhod ko.
02:13.4
Lalong sumasakit.
02:14.4
Pero, kung masaya ka, may kausap ka, nalilibang ka, tumatawa ka,
02:22.1
lahat ng sakit sa katawan mo, mawawala.
02:25.8
Biglang makakalakad ka ng malayo.
02:28.1
Paano happy ka eh?
02:29.6
Kahit hingal mo, hindi mo mararamdaman.
02:32.6
Yung hirap ka huminga, makakahinga ka.
02:35.4
Yung palpitasyon mo, kabog ng dibdib, hindi mo rin mararamdaman.
02:39.8
Bakit?
02:40.8
Kasi pag stress tayo, hindi natin alam po, nakatigas yung katawan natin automatically.
02:46.1
Tingnan mo ang taong stress.
02:47.8
Naka ganon, naka kunot, naka contract lahat yan eh.
02:52.1
Kaya nga tension headache, sumasakit ito, tumitigas ito sa stress.
02:56.0
Yung kamay, naka ganyan, hindi natin alam.
02:58.6
Pati yung likod, nakatigas.
03:00.7
Pati yung tayo, pag stress ka, parang hindi nga maganda yung balance mo.
03:06.4
Mabilis sumakit ang, mabilis kang mag-cramps kasi nga stress eh.
03:11.5
Okay?
03:11.8
So, pag nabawasan ng stress, bawas din mga pain at arthritis sa katawan.
03:19.3
Hindi ko sinabi totally gagaling.
03:21.3
Pero kasi,
03:21.9
pag happy ka, naglalabas ng good hormones, mga endorphins, mga automatic at natural stress reliever natin yan.
03:31.2
Hindi na kayo kailangan minom ng gamot na mga mepenamic acid, ibuprofen, diba?
03:37.5
Baka mamaya, masugat lang dyan nyo, dumugupad dyan, makidney failure pa.
03:42.3
So, mas maganda ito, natural remedy.
03:45.4
Be happy.
03:47.0
Number four, connected sa stress, digestive health.
03:50.6
Anong digestive?
03:51.9
Digestive health.
03:52.7
Yan ang problema ko.
03:54.4
Makulu ang tiyan, diba?
03:56.2
Pag stress, diba?
03:57.2
Kaya sinasabi na butterflies in your stomach, diba?
04:00.9
Pag stress ka, parang sakit ng tiyangko, hindi matunawan, ang kabag.
04:06.7
Pag meron kang speech, meron kang kamiting, mapupunta ka sa banyo.
04:12.4
Mauutot, madudumi ka, ma-LBM ka.
04:15.8
Anong LBM?
04:16.8
Stress diarrhea ang tawag dyan.
04:19.4
Diba?
04:20.1
Sa takot mo, nagtain ng nagtain.
04:22.0
Eh, stress eh.
04:23.3
Napabilis ang galaw ng bitu ka.
04:25.7
Stress, biglang nagkahangin yun dyan.
04:28.2
Nagkakabag.
04:28.9
Paano? Ano eh?
04:29.9
Daming hangin eh, diba?
04:31.8
Irritable bowel, stress related.
04:34.2
Ulcer, sobrang stress.
04:36.1
Acid reflux.
04:37.4
Kakaisip mo, yung tiyan mo gawa ng gawa ng acid.
04:41.2
So, pag nabawasan yung stress, dapat kalamado na yung tiyan.
04:45.4
Diba?
04:45.6
Pero kung di nga natin maiwasan, gagawin natin inom ng mainit na tubig, galaw-galaw para lumabas.
04:51.9
Lumabas yung hangin.
04:52.9
Diba?
04:53.4
Bawas stress.
04:54.9
Number five, sleep quality.
04:59.9
Sira ang tulog mo pag na-stress ka.
05:02.9
Diba?
05:03.4
Maiksi ang tulog.
05:04.9
Gising ng gising.
05:06.9
Pag gising sa umaga, hindi refresh ang pakiramdam.
05:12.4
Paano?
05:12.9
Ang dami mo iniisip eh.
05:13.9
Stress ka eh.
05:14.9
Diba?
05:15.9
Tapos, pag hindi ka na naka-tulog, kulang ang tulog mo,
05:19.4
yun ang magbibigay ng dagdag.
05:21.4
Dagdag sakit.
05:22.4
So, stress ka, hindi ka naka-tulog, bukod sa puyat ka, may dagdag sakit pa yung makukuha mo sa kulang sa tulog.
05:31.4
Like what?
05:32.4
Pag kulang ka sa tulog, mas high blood.
05:35.4
Pag kulang ka sa tulog, mas mataas ang blood sugar.
05:38.4
Okay?
05:39.4
Pag kulang ka sa tulog, mas lutang, mas may vertigo, mas pwede ka pa maaksidente.
05:45.4
Okay?
05:46.4
Number six, obesity.
05:50.4
Diba?
05:51.4
Pag stress, anong mangyayari?
05:52.4
Kain ng kain. Diba?
05:54.4
Comfort food para maging masaya.
05:57.4
Kakain ng chocolate, ng ice cream, ng french fries, ng fast food para matanggal lang yung mga iniisip na problema.
06:05.4
Diba?
06:06.4
Mga bad habits, alak, soft drinks.
06:09.4
Mamaya, droga pa, drug abuse.
06:11.4
So, maraming bisyo dahil na-stress.
06:14.4
Number seven out of eight, ito mas deadly siyempre.
06:18.4
Pag sobrang stress, number seven, ito yung linya.
06:20.4
Ito yung linya ko bilang cardiologist, heart attack.
06:24.4
Sobrang stress, heart attack.
06:26.4
Stroke, sobrang stress.
06:28.4
At mas malala pa sa heart attack, stroke, may possibility, hindi pa naman hundred percent,
06:34.4
na yung sobrang stress, sobrang galit, pwedeng magdulot ng cancer.
06:40.4
Okay?
06:41.4
Hindi natin alam kung ano na una.
06:44.4
Alam ko yung mga pasyente may cancer, bago lumabas yung cancer, napapansin ko,
06:49.4
mainitin ang ulo nila.
06:51.4
Inaaway ang misis, inaaway ang anak.
06:54.4
Tapos lalabas, uy, may sakit pala bigla.
06:57.4
Kaya pala mainitin ang ulo, may nararamdaman na.
07:00.4
Or hindi natin alam, baka lagi na siyang mainit ang ulo, baka nag-trigger ng cancer.
07:06.4
O wala pa namang proof ito, pero tingin ko, later on, makikita natin, may connection yung utak sa nangyayari sa katawan.
07:15.4
Kasi pag positive yung utak, maganda siya na iniisip mo.
07:18.4
Iniisip mo, gaganda yung pakiramdam mo.
07:20.4
Kaya pag negative yung iniisip mo, mas magkakasakit.
07:24.4
And number eight, siyempre, pag sobrang stress, mental health problem.
07:29.4
Siyempre, mas anxiety, mas depressed, mas bipolar, kung ano-ano may iisip.
07:34.4
Mas umaatake itong mga mental health problem pag stress ang tao.
07:39.4
At siyempre, mas maiksi ang buhay.
07:42.4
Yan ang problema natin.
07:43.4
So, pag sinabing stress ang number one killer, posible nga.
07:47.4
So, anong magagawa natin?
07:49.4
Ito, magagawa natin.
07:51.4
One to twelve.
07:53.4
Try natin gawin.
07:55.4
Malay natin, pag nabawasan mo stress mo, biglang mawala yung sakit mo.
07:59.4
Or at least, ma-manage mo na.
08:03.4
Hindi ko sinabi, huwag magpatingin sa doktor.
08:06.4
Sabi ko sa inyo, patingin kayo sa doktor.
08:09.4
Inumin nyo yung reseta, itry nyo lahat.
08:11.4
Pero I'm sure, marami sa inyo, ininom na lahat ng gamot.
08:15.4
Para dito sa mga sakit nila.
08:18.4
Pero hindi pa rin gumagaling.
08:20.4
Diba?
08:21.4
Baka yung arthritis, masakit pa rin.
08:23.4
Masakit pa rin yung tiyan.
08:24.4
Irritable bowel.
08:25.4
Yung mga eczema, mga psoriasis.
08:29.4
Lahat ito, ginawa na lahat.
08:32.4
Diba?
08:33.4
Yung mga high blood, sakit sa puso, inayos na lahat.
08:36.4
Diba?
08:37.4
Ininom na yung gamot, pero masama pa rin yung pakiramdam.
08:40.4
Baka nga, connected na sa stress.
08:42.4
So, number one.
08:43.4
Practice gratitude.
08:46.4
So, count your blessings.
08:48.4
Anong count your blessings?
08:50.4
Siyempre, na at least, buhay pa tayo.
08:54.4
Nakakalakad pa tayo.
08:56.4
Okay pa yung pamilya natin.
09:00.4
Wala naman nakakulong.
09:02.4
May bahay ka pa naman natutulugan.
09:05.4
Diba?
09:06.4
Kahit maliit lang yung bahay.
09:08.4
Yung iba nga, nasunugan.
09:10.4
Na okay pa.
09:11.4
Pwede na yun.
09:12.4
Meron pa nakakain, kahit hindi masarap ang pagkain.
09:15.4
Huwag mo na habulin yung may bagong kotse, bagong relos, bagong gamit.
09:20.4
Iba na yun.
09:21.4
Yung basic lang, blessing na yun.
09:25.4
Diba?
09:26.4
Pag binilang mo yung positive mo, matutuwa ka na.
09:29.4
Okay?
09:30.4
Kaya isipin mo nga na yung tubig mo, kahit kalahating baso lang, half full na yan.
09:35.4
May tubig ka na.
09:36.4
Huwag mo isipin kulang yung tubig mo.
09:38.4
Number two, challenge negative thoughts.
09:40.4
Pag may negatibo po nga pa rin,
09:41.4
may negatibo po mapasok sa utak,
09:43.4
palitan mo yung negative ng positive
09:46.4
or huwag mo pansinin.
09:48.4
Number three, focus on solutions.
09:51.4
Yung may magagawa ng paraan, gawa ng paraan.
09:55.4
Pero pag hindi na natin magawa ng paraan,
09:57.4
hanap na tayo na iba.
09:59.4
Diba?
10:00.4
Let's say, natanggal sa trabaho.
10:02.4
Wala nang magagawa.
10:04.4
Hindi na maka-apply ulit.
10:06.4
Hanap nila ibang trabaho.
10:07.4
Malay mo, blessing yung nangyari.
10:09.4
Diba?
10:10.4
Number four, surround yourself with positive people.
10:13.4
Kailangan may nakakausap tayo every few days.
10:16.4
Kung di, pag kayo lang lagi mag-isa sa bahay,
10:19.4
kung ano-ano may iisip.
10:22.4
Mahirap.
10:23.4
Maglalaro ang isip mo pag masyado mag-isa.
10:27.4
Kaya hindi maganda yung isolated.
10:29.4
Maganda may friends, may meeting kayo,
10:31.4
kahit once a week, twice a week,
10:33.4
para lang malibang.
10:35.4
Number five, practice mindfulness.
10:38.4
Kalmado, mas relaxed, mas dahan-dahan ng galaw.
10:42.4
Number six, set realistic goals.
10:46.4
Dapat yung goals mo, yung mga kaya gawin na maayos mo.
10:50.4
Kahit yung simpleng goal lang.
10:52.4
Matapos lang yung project, maayos lang yung kwarto.
10:55.4
Diba?
10:56.4
Yung simple lang, mapag-graduate yung bata.
10:59.4
Yung mga, yung kaya gawin.
11:02.4
Number seven, self-compassion.
11:05.4
Ito, importante ito, number seven.
11:07.4
Kasi marami sa atin, diba, parang self-pity eh.
11:12.4
I think common ang self-pity sa kababayan natin
11:15.4
na parang awa ka sa sarili mo,
11:18.4
apik ka, laging malas.
11:21.4
But ako, puro lugi.
11:23.4
Nakikita ko sa Facebook,
11:25.4
puro swerte lahat ng classmate ko.
11:27.4
Ako na lang na lugi, ako na lang na huli.
11:30.4
Ako lang ang hindi pumasa, yung mga ganyan.
11:32.4
Pag ganyan na isip mo, masama eh.
11:34.4
Kaya nga, love yourself eh. Diba?
11:37.4
So, baka isip mo lang yan, challenge lang yan.
11:40.4
Pero, syempre, dapat magdasal kung ano yung God's will para sa'yo.
11:44.4
So, love yourself.
11:46.4
Number eight, focus on what you can control.
11:49.4
Tulad na sinabi ko, kung ano lang yung maaayos mo, yun ang gagawin.
11:52.4
Number nine, engage in activities you can enjoy.
11:56.4
Gawin mo yung, kasaan ka masaya?
11:59.4
Diba? Masaya ka ba?
12:01.4
Yung mga mura lang, maglakad sa park, kumuha ng picture,
12:05.4
mag-collect sa scrapbook, diba?
12:08.4
Tumulong sa kapwa, kahit isa lang matulungan mo.
12:12.4
Message mo lang yung kaibigan mo ng positive, maganda na yun.
12:16.4
Minsan, makakuha ka lang na isang positive message sa isang tao na hindi mo yung na-expect.
12:23.4
Happy ka na buong araw.
12:25.4
Napasaya mo lang siya, one day pwede na yun.
12:28.4
One day na yun, one day happy na siya, dagdag na yun.
12:32.4
Parang bulaklak na yun. Blessing na yun.
12:35.4
Hindi mo naman kailangan gawin na lahat. Baka hanggang doon lang ang kaya.
12:40.4
Okay? So, engage in activities you enjoy.
12:45.4
Number ten, practice positive affirmation.
12:49.4
Parang ipepeptok mo yung sarili mo na kaya mo yan.
12:53.4
Maganda yan. May darating na maganda.
12:56.4
Masakit katawan mo ngayon, pagod ka, pero bukas gaganda yan.
12:59.4
Ganun ako lagi. Bukas okay yan.
13:02.4
Bad mood ka ngayon, may lagnat ka ngayon.
13:04.4
Feeling mo, parang bibigay na katawan mo ngayon.
13:07.4
Hayaan mo lang yan. Tomorrow, gaganda ulit yan.
13:10.4
Gaganda. Babawi yung katawan mo. May darating na maganda.
13:14.4
Hindi naman, kumbaga sa game, sa pustahan, di ba?
13:19.4
Kahit caracrus eh, wala naman talo lagi eh.
13:23.4
May ikot yan na magiging panalo ka rin.
13:26.4
Number eleven, learn from your failures. Di ba?
13:30.4
Pag natalo, naapi, nalugi.
13:33.4
Baka God's will naman yan eh.
13:35.4
Mayroong mas maganda pang darating o may lesson na matututunan.
13:40.4
And number twelve, accept life. Tanggapin na natin.
13:45.4
Buhay naman, hindi lahat positive. Tingnan mo yung mga buhay ng ibang tao.
13:49.4
Maraming negative, maraming malungkot.
13:51.4
O pasalamat na tayo kung maabot tayo sa magandang edad.
13:55.4
Nakatulong tayo. Lagi magdarasal.
13:58.4
At syempre, lagi ko sinasabi, itong mga health tips natin.
14:02.4
Syempre, may tulong ito sa inyo.
14:04.4
Yung pag-inom ng tubig, mga stretching, tamang pagkain.
14:09.4
Lahat naman ito may tulong para at least kahit very stressed kayo,
14:14.4
yung katawan mo naman dapat healthy.
14:16.4
Kaya ang ginagawa ko nga ngayon eh, mas konti talaga kinakain ko.
14:20.4
Kasi mahirap maging overweight.
14:22.4
Kasi pag overweight tayo, mahirap.
14:25.4
Pag talaga mabigat ka, lahat ng sakit.
14:28.4
Pag mabigat ka, parang may dalangsilya.
14:31.4
Kaya if overweight ka 20 pounds, parang may karga kang 20 pounds na daladala mo.
14:36.4
Pero pag natanggal mo yung mabigat na 20 pounds na extra taba sa bilbil,
14:41.4
mas makakalakad ka na mabilis.
14:44.4
Mas hindi ka hihingalin.
14:46.4
Mas hindi hirap yung katawan mo.
14:48.4
Parang kotse.
14:50.4
Pag nilagyan mo ng maraming kargada yung kotse mo,
14:53.4
masisira yung gulong, masisira yung makina.
14:56.4
Pero kung magaan lang yung kotse mo, magaan lang yung karga,
15:00.4
kahit luma na yung kotse mo, matanda na yung kotse mo,
15:04.4
at least aabot ka pa rin.
15:06.4
Kasi nga magaan yung karga.
15:08.4
Kaya kain lang na mas konti, diet ang mahalaga.
15:10.4
Salamat po. God bless po.
15:12.4
Ingat po tayo palagi.