Close
 


12 Bad Habits sa Paliligo na Ginagawa Mo. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
12 Bad Habits sa Paliligo na Ginagawa Mo. Dahil Hindi Mo Alam na Nakasasama Ito. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Panoorin ang Video: https://youtu.be/sX4ZM-6Y54k
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 21:19
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.9
Topic po natin, 12 bad habits sa paliligo na karamihan ng kababayan natin ginagawa.
00:09.0
So baka ginagawa nyo itong 12 bad habits, mas maganda siguro iwas or at least aware tayo.
00:16.8
Baka hindi nyo alam nakasasama ito. Tingnan natin kung ilan dito ang ginagawa nyo.
00:22.4
Number 1, sobrang tagal maligo or mag-shower.
00:27.7
Actually, ang payo ng mga dermatologist, yung oras or minuto na talagang nakababad ka sa tubig,
00:36.5
nagsashower ka, ideally between 5 minutes to 10 minutes lang daw.
00:42.5
Sabi mga 8 minutes lang.
00:45.2
Hindi ko sinasabi hindi kayo magkuskus.
00:47.5
Kung gusto nyo magkuskus, baka trabaho nyo o maduming lugar o mekaniko kayo.
00:53.5
Pwede nyo magsabon. Magsabon kayo ng parts na importante.
00:57.7
Kili-kili, paa, diba?
01:00.4
Pero yung shower na nakababad ka sa tubig, ideally mga 8 minutes lang.
01:08.2
Kasi pag mas matagal, gabi mo 15 minutes, 20 minutes, unang-una sayangan tubig.
01:13.6
Pangalawa, magdadry ang balat mo.
01:17.5
Masyadong matagal, nagdadry ang balat, mangangati, pati mamaya magkakrack na yung skin.
01:23.9
Masisira yung balat natin. Hindi rin maganda kung kulubot na.
01:27.7
At pwede magkaroon ng bacterial infection.
01:32.3
So, not too long din ang shower.
01:35.6
Number 2 bad habit, mali ang sabon.
01:40.4
Okay, may kilala ako.
01:42.6
Wala siyang pang shampoo, diba tayo? Nung bata tayo, diba?
01:45.9
Yung sabon, ginagamit natin sa buhok.
01:48.9
Mali po, diba?
01:50.5
Ang sabon, para sa katawan.
01:53.1
Sa buhok, shampoo.
01:54.4
Yung iba, yung sabon na...
01:57.7
Yung ginagamit sa buhok, hindi po bagay, hindi po tama yung pH.
02:02.7
Mali yun.
02:04.2
Yung iba naman, yung sabon, baka sabon panlaba.
02:08.5
Alam ko, yung iba gusto sabon panlaba.
02:11.2
Ginagamit sa katawan o sa muka, mali din yun.
02:14.7
Wrong soap yun.
02:16.8
Masyado matapang yun, panglaba lang yun.
02:19.4
Hindi pang muka, baka magasgas yung muka mo, maglabas yung pula-pula.
02:23.9
So, iwas sa maling sabon.
02:27.7
Yung sabon na masyado maraming perfume, yung masyado mababango.
02:33.6
Diba? Masyado mababangong sabon, nakaka-irritate din eh.
02:38.3
Kaya kung may problema kayo, maraming mga breakouts sa muka,
02:42.2
kung masyado mabango, may perfume,
02:46.1
eh baka very strong scent, baka hindi rin maganda.
02:49.8
Kung may sensitive skin ka o may allergy ka.
02:54.4
Number three.
02:56.0
Pagdating sa antibacterial.
02:57.7
Antibacterial soap.
02:59.1
Diba? Sikat na sikat yung mga antibacterial soap.
03:01.8
Actually, may lugar yung antibacterial soap, pero para sa akin, depende.
03:09.1
Actually, sa akin, gumamit ako ng antibacterial soap dati.
03:13.0
Nung nagkaroon ako ng mga pula-pula eh, meron ako dito sa hita ko ng mga pula-pula.
03:19.2
Actually, ano yun, parang folliculitis eh.
03:22.7
Diba? Parang may konting infection yun.
03:24.8
Parang maliliit na pimple.
03:27.7
Gumamit ako ng antibacterial soap, I think for two months, three months.
03:30.9
Maganda na wala.
03:32.6
Pero ang problema lang sa antibacterial soap, hindi rin pwede masyado matagal.
03:38.1
Kasi may pag-aaral, baka mapatay mo lahat ng mga bakteriya sa katawan.
03:44.8
Kasi kailangan may konting bakteriya din. May good bacteria eh.
03:48.6
Pag lagi ka nag-antibacterial soap, ang paniniwala, baka matanggal lahat ng bakteriya.
03:54.4
Yung good bacteria matanggal, tapos yung bad bacteria.
03:57.7
Dadami.
03:58.7
Pwede pa maging resistant sa antibiotic.
04:01.7
Kasi may antibiotic yun eh.
04:03.7
May halong antibiotic yung antibacterial soap.
04:06.7
Tsaka yung antibacterial soap, pang katawan lang usually.
04:10.7
Hindi sa mukha kasi matapang siya eh.
04:13.7
Mas matapang siya.
04:15.7
So, antibacterial soap, depende sa kondisyon, kung may infection ka ba.
04:20.7
Pero pag sensitive skin, baka hindi pwede.
04:24.7
Kung may eczema, baka ma-irritate.
04:27.7
Ang balat mo.
04:30.7
Ayoko magbanggit ng brand eh.
04:33.7
Pero ako kasi ang ginagamit ko, yung face ko kasi dry eh.
04:38.7
Dry siya.
04:39.7
Paano ko ba i-explain?
04:41.7
Wala tayo na-advertise.
04:43.7
Kasi ang binibili ko naman iba-iba eh.
04:45.7
Misan tender care, misan ivory, misan da, balo-halo.
04:50.7
Iba-iba.
04:51.7
Ivory, gusto ko sana siya.
04:54.7
Walang amoy.
04:55.7
Kaya lang nakaka-dry.
04:56.7
Kaya pag ivory, nagamit ko sa mukha.
04:59.7
Nagda-dry ako dito masyado.
05:01.7
Ang pinaka-oily na nakikita ko yung dove eh.
05:04.7
Maraming dove na oily.
05:06.7
Parang very oily siya.
05:07.7
Kaya yung dove lang yung nagamit ko sa mukha kasi lagi ako nagda-dry.
05:11.7
Pag umiidad, mas dry tayo.
05:14.7
Tandaan niyo, mas matanda, mas dry.
05:17.7
Mas bata, mas oily ka.
05:19.7
Kaya bata nga, mas malakas yung body odor.
05:22.7
Mas matanda, less body odor na eh.
05:25.7
So yun lang po yung mga ano natin.
05:29.7
Wala tayo na-advertise.
05:30.7
Piliin nyo na lang yung babagay sa inyo.
05:33.7
Number four bad habits.
05:35.7
Baka ginagawa nyo yung sobrang hilod.
05:39.7
Like yung nanay ko nung nabubuhay siya, hilod.
05:41.7
Alam nyo yung mga matanda, mahilig sa hilod.
05:44.7
Ngayon, like ito.
05:46.7
Meron ako dito.
05:47.7
Dito sa siko natin may maitim.
05:50.7
Kasi lagi tayo nakaganyan eh.
05:52.7
Nakapatong dito.
05:53.7
Diba?
05:54.7
Pag ibang tao, lalo na pag mga matatanda, nakakita sila ng maitim na ganito.
06:00.7
Ang gagawin nila, kukuha sila ng hilod.
06:03.7
Kukuha sila ng bato o lufa.
06:06.7
Lalo nila kukuskusin.
06:08.7
Bawal na bawal yun.
06:10.7
Magagalit ng dermatologist.
06:13.7
Okay?
06:14.7
Kasi bawal ang mga K.
06:16.7
Basta meron ka ng pangingitim, meron ka ng pangangapal, bawal ang K.
06:21.7
Ano ang K?
06:22.7
Bawal kuskusin.
06:24.7
Bawal kutkutin.
06:26.7
Bawal kamutin.
06:28.7
Kalkalin.
06:29.7
Lahat ng K, bawal gawin.
06:31.7
Kasi pag ganyan irritated siya, lalo mong kukuskusin, lalo siya mangingitim.
06:37.7
Pag tinuloy mo pa kuskus, magsusugat na yan.
06:40.7
Magdudugo na yan.
06:41.7
Kakapal yung balat.
06:43.7
Kakapal na yan.
06:44.7
Magkakalyo yan.
06:45.7
Dugo yan ng dugo.
06:46.7
Tawag niyan neurodermatitis.
06:48.7
Kaya may tao yung...
06:50.7
Actually ito, medyo may...
06:51.7
May pagka mental health problem yun.
06:54.7
Yung kamot ng kamot.
06:56.7
Medyo stress or depression.
06:59.7
Yung bata natutulog kamot ng kamot.
07:01.7
Kaya pagising, sugat na sugat.
07:03.7
Tapos pag nagsugat siya, ang kati-kati niya.
07:06.7
Kasi sinugat mo eh.
07:08.7
Pag makati siya, lalo mong kakamutin.
07:10.7
Lalo siyang masusugat.
07:12.7
Titigil ka lang pag dumugo na siya.
07:14.7
Neurodermatitis yun.
07:16.7
Ibig sabihin nun,
07:17.7
sarili mong kamot,
07:19.7
kaya bawal nga kutkutin yung mga K.
07:21.7
Gusto mo, hugasan mo lang.
07:24.7
Linisin mo lang.
07:25.7
Less galaw, mas maganda.
07:27.7
Kailan pwede maghilod?
07:29.7
Siguro baka iba yung sa paa.
07:31.7
Kung may kali o talagang...
07:33.7
O talagang madumi.
07:36.7
Doon lang sa mga important parts siguro.
07:39.7
Pero basically, kung wala naman dumikit na dumi sa inyo,
07:43.7
baka hindi naman kailangan talaga maghilod, maglufa.
07:46.7
Pwede naman tuwalya.
07:48.7
Tuwalya na lang o bimpo.
07:51.7
Huwag yung matatapang na scrub.
07:54.7
Number 5 tip.
07:56.7
Ito, cold o hot water.
07:58.7
Ito issue, di ba?
08:00.7
Ngayon, sa number 5,
08:02.7
hindi maganda yung sobrang init.
08:05.7
Pag sobrang init yung tubig mo,
08:07.7
mapapasok ka, madadry ka talaga.
08:09.7
Mamumula ka.
08:11.7
Sobrang lamig, hindi rin maganda.
08:14.7
Kasi actually, ito may controversy.
08:17.7
Hindi naman controversy. May kanya-kanya ito.
08:19.7
Pag gusto mo cold water, may benefits, may pro and con ng cold water.
08:24.7
Ang cold water, kung bata ka pa, okay.
08:27.7
Cold water, pampagising sa umaga.
08:30.7
Cold water, papasok ka.
08:32.7
Mga atleta, after mga workout ng mga young athletes,
08:36.7
cold water, kaya nila yan.
08:38.7
Kung may mga sugat-sugat ka, nangangati, maganda cold water.
08:42.7
Pero, kung matanda ka na, yung cold water, medyo matindi sa...
08:49.7
immune system mo. Parang hindi ka ready.
08:53.7
Kasi gusto ng katawan mo 37 degrees.
08:56.7
Tapos malamig, manginginig ka eh.
08:58.7
Bata, okay lang manginig.
09:00.7
Diba? More metabolism.
09:02.7
Sabi nga nila, nakakapayat yung maliligo ng malamig kasi manginginig ka.
09:07.7
Pero kung matanda na, mahina na, may sakit ka pa,
09:12.7
yung cold water, baka hindi mo nakakayanin.
09:15.7
Mas maganda na yung look warm.
09:18.7
Maligam-gam na tubig.
09:20.7
Taman-tamang init.
09:22.7
So, dapat sakto lang yung init.
09:24.7
Tapos, mga 5 to 10 minutes lang.
09:27.7
Ngayon, pag mainit na ang ligo mo,
09:29.7
kung matatapos ka na,
09:31.7
natanggal mo na lahat ng sabon, sa buhok, sa baro, sa katawan,
09:36.7
pwede mo naman ilamig yung dulo.
09:39.7
Yung sa dulo na sa ending, medyo cold pwede rin.
09:42.7
Parang panglinis lang. Pwede yun.
09:45.7
Number 6.
09:47.7
Na bawal gawin.
09:49.7
Wag masyado magsasabon sa mga parte na hindi na dapat sinasabon.
10:00.7
Ano yung mga parte hindi sinasabon na dapat?
10:03.7
Yung mga private parts to.
10:05.7
Sa babae, sa maselan-parte, sa puwerta.
10:10.7
Kahit sa lalaki, sa maselan-parte.
10:12.7
Hindi mo kailangan...
10:14.7
Kasi very sensitive ang skin.
10:16.7
Ang skin ng lalaki-babae doon sa private part.
10:20.7
Masyado manipis.
10:22.7
Tapos ang sabon mo ang tapang-tapang.
10:25.7
Kukuskusin mo. Hindi po pwede.
10:28.7
Lalo ma-irritate yung puwerta sa babae o sa lalaki.
10:32.7
Yung private part din ng lalaki.
10:34.7
Pwede magmamula, ma-irritate.
10:37.7
Baka lalo nga magkaroon ng discharge.
10:40.7
Sa babae nga, nagkakos ng bacterial vaginosis.
10:43.7
Pag masyado mo sinasabon.
10:45.7
Actually, tubig lang.
10:47.7
Kung gusto mo konting sabon, dapat malabnaw na malabnaw.
10:51.7
Ang magandang sinasabon itong parts.
10:55.7
Anong parte ba ng katawan yung maamoy talaga?
10:58.7
Yung kilikili, maamoy.
11:00.7
Iba kasi yung sweat glands ng kilikili.
11:03.7
Yung kilikili talaga, iba yung lumalabas na amoy.
11:05.7
Yung pwede mo sabonin.
11:07.7
Sa singit, sa singit.
11:09.7
Sa balak, pwede rin.
11:11.7
Sa paa, nangangamoy din yung paa natin.
11:13.7
Sa daliri ng paa, yun ang mga sinasabon na parts.
11:17.7
Actually, sa leeg, di naman gano'n dapat nangangamoy.
11:23.7
More kilikili, singit, paa.
11:25.7
Yung talaga maamoy na parts.
11:27.7
Number seven.
11:29.7
Ito, pagdating sa shampoo.
11:31.7
Ito, pagkakamali ko.
11:34.7
Yung ibang tipid-tipid mag-shampoo, diba?
11:38.7
Pag sobrang tipid, baliwala eh.
11:41.7
Pag magsha-shampoo naman, hindi pwede sobrang konti.
11:45.7
Pero ako minsan, sobrang daming shampoo.
11:48.7
Diba, minsan pagbuhos mo, napaparami.
11:51.7
So, pag sobrang daming shampoo, hindi rin maganda.
11:54.7
Okay, ma-over ka sa shampoo.
11:57.7
Ma-strip mo yung natural oil ng hair.
12:02.7
Magdadry ang buhok mo pag sinobrahan mo sa shampoo.
12:05.7
Sakto lang.
12:07.7
Tapos, bago ka maglagay ng shampoo,
12:11.7
hematologist, dapat basang-basang basa ang buhok mo.
12:16.7
Totally basang-basa.
12:18.7
Pati katawan mo pala, bago ka magsabon sa katawan,
12:22.7
basang-basa bago mo.
12:24.7
Hindi ka pwede yung tuyo ka, tapos magsasabon ka.
12:27.7
O tuyo yung buhok, i-shampoo mo, hindi pwede.
12:30.7
Dapat basang-basa para mag-ladder siya.
12:33.7
Okay? Common sense naman.
12:35.7
Tapos yung shampoo, tama lang.
12:37.7
Tapos, number eight.
12:40.7
Ito, secret natin para hindi malagas yung buhok.
12:43.7
Pag nagkukuskus ng ulo, pwedeng ganun-ganun lang.
12:48.7
Dampi-dampi lang. Okay?
12:50.7
Bawal yung ginaganon. Diba?
12:53.7
Pag bata tayo, gusto natin ginaganon.
12:55.7
O minsan sa mga hairdresser, o sa mga, diba?
12:59.7
Pag nag-shampoo sila, kinukuskus.
13:01.7
Pag kinuskus yan, tingnan nyo, lagas lahat ng buhok. Malalagas.
13:06.7
Ang buhok natin,
13:09.7
kailan humihina ang buhok?
13:11.7
Pag basa ang buhok, mahina ang buhok.
13:14.7
So, pag basa ang buhok, kinuskus mo pa, tanggal. Yan.
13:19.7
Bukod sa basa ang buhok, tumatanda tayo.
13:22.7
Pag tayo edad 50, 40, 50, 60, anong mangyayari sa buhok natin? Manipis.
13:30.7
Dati ang buhok ko, pag nahulog, ang kapal.
13:33.7
Kapal na buhok ko dati. Parang ang laki ng strands.
13:36.7
Pero pag tumatanda ka, tingnan mo yung buhok mo.
13:38.7
Ba't anipis na?
13:40.7
So, pag tumatanda, ang buhok, numinipis.
13:43.7
Ang buhok, mas mahina ang kapit na sa anit natin.
13:48.7
Mas mabilis malagas.
13:50.7
So, pag shampoo, huwag masyadong kuskus.
13:54.7
Diba? Ganun-ganun lang, konti lang.
13:56.7
Okay?
13:57.7
Tapos, pag ida-dry mo, kailan ito yung tuyo, diba?
14:00.7
So, tubig lang.
14:02.7
Minsan nga, hindi ko nga ginagawa direct. May mga shower na sobrang lakas.
14:08.7
Yung sobrang lakas, ang sakit sa balat. Pati sa buhok na rin maganda.
14:12.7
Tapos, pag tinutuyo na yung buhok, huwag din yung ginaganon.
14:17.7
Dampi-dampi lang. Dampi-dampi. Ganun-ganun lang. Dampi-dampi.
14:22.7
Para hindi malagas ang buhok.
14:26.7
Isa pang tip. Dagdag ko pa sa inyo.
14:29.7
Diba? Number 8 yun. Don't scrub too. Ano?
14:32.7
Yung mga ibang babae, may tinatali sa buhok. Diba? Yung tinatali.
14:36.7
Huwag sobrang sikip.
14:38.7
Yung pagkaligo, nilalagyan nila ng towel dito.
14:41.7
Pag sobrang sikip, hindi rin maganda. Napu-pull yung buhok. Malalagas din yung buhok.
14:47.7
Number 9 tip na bawal. Pag maliligo, dapat may konting hangin.
14:53.7
Ito para sa mga elderly.
14:55.7
Nanay ko, na-stroke sa CR. Kasi banyo, mainit. Diba? Mainit eh. Maliit.
15:04.7
Sa banyo, sarado. Walang hangin. Diba?
15:07.7
Mainit na. Walang hangin pa.
15:10.7
Tapos nagbubuhos ka pa.
15:12.7
Tapos may edad ka na. May high blood ka.
15:15.7
Marami na aksidente sa banyo.
15:18.7
Kaya dapat may hangin.
15:20.7
Kung sobrang init nga eh sa Pilipinas, pwede nga may aircon eh.
15:24.7
Or may electric fan. O bukas yung bintana. Diba?
15:28.7
Ako nga, minsan sa may edad, tingin ko.
15:30.7
Tingin ko ah, pag may edad, huwag nalang ilock eh.
15:33.7
Huwag nalang ilock.
15:35.7
Kasi pag baka may mangyari, matumba eh.
15:38.7
Baka matumba yung tao. Hindi makapasok. Lalo na kung matanda naman. Sino bang titingin ba?
15:45.7
So, need ventilation.
15:47.7
Tapos sa CR number 9, gusto ko pa may silya. Lalo na kung may edad na.
15:52.7
Kasi pag nag-shampoo ka, tumama sa mata, baka matumba. Dami aksidente.
15:58.7
Number 10, very important. Lagi ako may grab bar.
16:02.7
Lahat ng banyo, yung bar. Kala nyo baliwala, pero hawakan yun eh.
16:07.7
Hawakan. Tapos yung floor, huwag basa. Ang dami natutumba sa CR.
16:13.7
Sobra dami natutumba. Minsan pa kami, nakokoriente eh.
16:17.7
Sa mga heater. Yung heater, minsan nakokoriente pa sila. Delikado.
16:23.7
Huwag magdadala ng mga electronic equipment. Cellphone, charger, laptop.
16:28.7
Ako pumunta sa tubig, makoriente kayo, patay tayo dyan. Diba?
16:30.7
Common sense. Mga electrical, ilayo mo yung music mo. Huwag doon sa banyo.
16:40.7
Number 11, hygiene to. Yung mga basang towel, basang baro, huwag ilalagay sa banyo.
16:49.7
Kasi mag-aamag yan. Kailangan hinuhugasan ang towel. Diyan naging impeksyon.
16:56.7
Kaya nag-aalipo nga, jock itch, pati sa singit, nangangati-ngati.
17:02.7
Athlete's foot, nagkakaroon ng kulugo. Warts. Dahil madumi.
17:09.7
And number 10, kailangan nililinis yung banyo. From time to time.
17:14.7
Yung shower curtain, marami daw bakteriya sa shower curtain, sa inidoro.
17:20.7
Tapos pati yung shower head. Yan ang mga kailangan nililinis.
17:24.7
So ito, hindi natin ginagawa ito. Diba?
17:26.7
Ito, mga 12 na maling gawain kadalasan. Kahit ako, minsan nakakaligtaan natin.
17:31.7
Final tips, meron ako 8 tips ano dapat gawin habang naliligo.
17:36.7
Number 1, siyempre maligam-gam na tubig.
17:39.7
Number 2, kailangan mag-moisturizer afterwards.
17:44.7
Okay, moisturizer. Kahit ano lang moisturizer, kahit mura lang.
17:48.7
Ako nga, minsan nga yung pinaka-lotion, pwede rin naman sa mukha eh.
17:52.7
Diba? Ako nagtitipid.
17:54.7
Number 3, kailangan pag magtutuyo ng tubig, kailangan tuyon-tuyo ka.
17:59.7
Wala na natitirang sabon at magtutuyo pala maigi. Ito, very important.
18:04.7
Minsan naligo ka na after 1 hour, may body odor ka. Bakit?
18:09.7
Hindi mo tinuyo yung kilikili eh. Diba?
18:13.7
So, dapat tuyon-tuyo ang kilikili, tuyon-tuyo ang singit.
18:18.7
Singit, lagi hindi natutuyo. Pati yung daliri sa paa, tuyon-tuyo.
18:22.7
Kasi pag hindi yan tuyo, nagsuot ka ng baro, after 3-4 hours,
18:27.7
basa yan, mangangamoy yan, papasok na yung fungus, bacteria.
18:32.7
Ayan, mag-i-infection din. Ituyo mo maigi.
18:36.7
Okay? Shampoo, number 5, bathroom well-ventilated.
18:43.7
Number 6, dapat hindi madatapa.
18:46.7
Number 7, ano lang, dry pot lang. Lalo na huwag masyado magkukuskus.
18:50.7
Tapos moisturizer.
18:52.7
Afterwards. Okay? Sana po nakatulong itong video natin.
18:56.7
Sa tamang paliligo, may nagtatanong din, ano daw uunahin? Ulo? Paa?
19:02.7
Nasa sa inyo. Pero usually, shoulder naman una pa baba eh.
19:06.7
Ako, hinuhuli ko yung sa buhok, pati sa muka.
19:11.7
May nagtatanong din, pwede ba maligo 2 times in a day?
19:16.7
Medyo sobra ang 2 times. Dapat 1 time lang siguro.
19:20.7
Pag dalawa, baka madry masyado.
19:23.7
At may nagtatanong din kung masama ba maligo sa gabi.
19:27.7
Ayan, controversial. Baka daw ma-wet lungs, ma-pulmonya, ma-arthritis sa gabi, ma-anemic.
19:35.7
Wala pong katotohanan yun. Not true.
19:38.7
Tingnan nyo naman yung sa ibang bansa, lahat sila sa gabi naliligo. Diba?
19:43.7
Ako, lagi ako sa gabi naliligo. Buong buhay ko sa gabi. Bakit?
19:48.7
Kaya dumi-dumi tayo sa buong araw eh. Diba?
19:52.7
Pag naligo ka sa gabi, lalo na warm water, mas masarap ang tulog.
19:58.7
Mas maganda circulation. Mas relax ka sa gabi. Diba?
20:03.7
Tsaka pag malinis ka sa gabi, lalo na yung buhok mo, hindi ka magkakatigyawat.
20:08.7
Kasi hihiga ka na. Biro mo, yung buhok mo, nandyan ka sa kali buong araw. Mahihiga ka na, madumi ang buhok.
20:16.7
Yung unan mo, ang dumi. So pag ang dumi ng unan mo, ang dumi ng kumot mo, tapos iikot-ikot ka, natutulog.
20:22.7
Yung dumi ng buhok, pumunta sa unan. Pag ganyan mo, pupunta sa mukha mo. Magkakatigyawat ka.
20:29.7
Okay? So mas maganda maligo sa gabi. Para sa sanay sa maligo sa gabi.
20:34.7
Pwede ba maligo pagkatapos mag-exercise? Diba? Baka daw mapasma. Okay?
20:41.7
May pasma, walang pasma, walang medical term. Pero,
20:46.7
para sa akin, wala namang masama kung bagong pagod ka, pawis ka. Pwede naman maghintay ng mga 30 minutes.
20:52.7
Diba? Pahinga mo muna. Pahinga mo muna. Relax ka muna. Galing ka sa init. Diba? Relax muna.
20:59.7
Relax ka muna 20-30 minutes. Tanggalin mo muna sapatos, medyas mo. Pag-relax ka na, okay na blood pressure mo,
21:06.7
kalmado ka na, tsaka kamaligo. Wala naman masama doon. Para sigurado tayong safe.
21:12.7
Sana po nakatulong itong video. Share po natin sa ating kababayan.
21:16.7
God bless.