Close
 


IKATLONG SITIO SA BUNDOK NG ILOILO | Aswang True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
IKATLONG SITIO SA BUNDOK NG ILOILO | Aswang True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #ThelmoHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 38:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
Madaling araw pa lamang noon, buwan ng Abril, Huwebe Santo.
00:37.7
Nagbiyay na kami papuntang Kalinog mula sa sudad ng Iloilo.
00:42.7
Doon kasi kami magdadaos na mahal na araw sa piling ng pamilya ng ex ko na noon ay nakatira sa may karatagan.
00:52.6
Mula tungka, terminal sa Haro, ay sumakay kami ng jeep papuntang Kalinog.
00:57.8
Nasa mayigit isang oras din ang biyahe na iyon.
01:03.7
Pagdating naman ang bayan ng Kalinog, bumaba kami ng jeep at sumakay naman sa isang habal-habal hanggang makarating kami sa may barangay sa bungad na hindi ko na matandaan kung ano ang pangalan ng barangay na iyon.
01:19.8
Saglit lamang kaming nagpahinga at kumain ng agahan.
01:23.9
Doon kami sa may maliit na karindirya sa lugar na iyon.
01:27.8
Pagsapit ng alas otso ng umaga ay nagsimula na kaming maglakad paakyat ng bundok.
01:33.9
Apat kaming naglalakad noon.
01:36.7
Si ex, ang kapatid niyang lalaki, ang pinsan niyang lalakyat ako.
01:44.0
May dala kami noong isang sako ng bigas at mga karton na may lamang tuyo.
01:48.6
Noodles, mga sardinas at iba pa mga groceries na mahirap pagilapin sa lugar nila.
01:55.2
Dahil wala namang tindahan doon.
01:57.8
Ang pinakatindahan sa kanila ay doon mismo sa binababaan namin
02:02.9
kung saan kami kumain ng almusal at nagpahinga saglit.
02:08.5
Kung kaya't bilang pasalubong sa pamilya nila,
02:12.2
namili kami ng groceries noon.
02:14.8
Maraming asin at bechin.
02:17.4
Isang container ng gas.
02:19.6
Isang galon ng mantika.
02:22.0
Konting mga damit na noon ay nabili ko lang sa ukay-ukay.
02:26.6
Hindi magkakamalaman.
02:27.8
May mayaw ang mga kasamahan ko sa paglalakad.
02:31.2
Ayaw din naman nila akong pabuhati ng marami.
02:34.4
Dahil hindi ako sanay sa daan.
02:36.7
At unang beses ko lang maglakad ng ganon kalayo.
02:40.1
At umakyat sa ganon kataas na bundok.
02:44.7
Nasa limang oras nalaka rin ang kailangan bago marating ang lugar nila Sir Seth.
02:50.5
Pero noong mga panahon na yun,
02:53.3
kasama ko kung kaya sabi ni Exe baka abutin kami ng anim na oras kasi nga,
02:57.8
mabagal akong maglakad noon.
03:02.2
Mabuti na lamang bago pa kami umuwi doon na ipagbigay alam na ni Exe sa isa sa kakilala nila sa lugar na uuwi kami.
03:10.1
Kung kaya't inaasahan namin na may sasalubong sa amin sa may daan.
03:14.5
Para tulungan silang magbuhat sa aming mga daladala.
03:18.8
Patuloy kami sa paglalakad sa mga pilapil ng palayan.
03:23.0
Madali lang naman ang paglalakad sa pilapil.
03:25.2
Dahil tagtuyo noon kung kaya't walang putik ang mga pilapil noon.
03:31.0
Nang makarating na kami sa sumunod na sityo mula sa main road,
03:35.7
ay may natanaw kaming tatlong kalalakihan na naglalakad.
03:40.4
Kagad naman itong nakilala nila Exe.
03:43.3
Ito pala yung tiyuhin nila at dalawang pinsan.
03:46.8
May daladala pang duyan ang mga ito.
03:49.9
Kung kaya't tinakala ko na may iba pa silang susunduin.
03:53.9
Yun pala,
03:55.2
para daw sa akin yun.
03:59.1
Inisip nila na baka hindi ko kayanin ang paglalakad.
04:02.6
Kung kaya't mainam na ang may nakahanda silang duyan
04:05.1
para pasanin na lamang nila ako noon.
04:10.3
Nahihiya ako noon na napapangiti sa sinabing nila.
04:14.4
Maliit lamang kasi akong babae kung kaya't siguro
04:16.6
iniisip nila na hindi ako sanay sa lakaran.
04:21.3
Lumaki naman ako sa bukid.
04:23.3
Yun nga lang ay hindi kagaya.
04:25.2
Nang sa lugar nila nabundok talaga.
04:29.1
Ni hindi pa nga kami nangangalahati sa paglalakad noon.
04:33.4
Pagkaabot nila ng ibang daladala sa pinsan at tiyuhin nila
04:36.2
ay kaagad naman na kinuha sa akin ni Exe ang daladala kong backpack.
04:42.4
Ibinigay ko naman ito sa kanya kung kaya't tanging ang slingbag ko na lamang ang dalakong bag noon.
04:48.0
Naging magaan ang paglalakad ko.
04:50.7
Kung kaya't naging medyo mabilis na rin ang paglalakad ko noon.
04:55.2
Yun nga lang ay nasa hulihan nila ako.
04:59.1
Gustong gusto ko kasing pagmasdan ang kapaligiran noon.
05:02.9
Napakaganda ng malawak na palayan at maraming punong kahoy sa paligid.
05:09.0
Naroroon pa yung mga puno ng niyog na napakarami.
05:14.3
Hindi din ako nakaramdam ng pagod sa paglalakad.
05:18.5
Masyado kasi sila maingay at masayang nagkikwentuhan.
05:22.6
Napakalakas pa at napakapresko ng simoy ng hangin.
05:25.2
Kung kaya't kahit na mainit ang sikat ng araw, ay hindi kami nakakaramdam ng pagod.
05:33.1
Yun nga lang, madalas ang paginom namin ng tubig.
05:37.9
Mabuti na lamang at marami ang daladala naming tubig na pinilipan ni Exaterminal sa unka.
05:45.4
Sa una at ikalawang sityo na dinaanan namin, masaya pa at masarap ang simoy ng hangin.
05:52.7
Pero nang malapit na namin marating ang ikatanggol,
05:55.2
at nang tatlong sityo,
05:57.2
kung saan ay nakatawid na kami sa ikalawang sapa.
06:01.3
Gagad na akong pinagitnaan ni Ex at ng pinsan niya.
06:05.9
Gagad ding ipinasot sa akin ng tiyuhin niya ang gamit-gamit nitong sombrero.
06:11.4
Habang sa unahan ko naman ay ang kapatid ni Ex at dalawan niyang pinsan.
06:17.9
Medyo nagtatakaman ay nanahimik na lamang ako.
06:22.1
Iniisip ko na lamang na alam nila ang kanilang ginagawa kasi nga,
06:26.0
lugar nila yun eh.
06:29.5
Maya-maya pa ay pinatigil kami sa paglalakad ng tiyuhin niya.
06:34.5
Inilapag nito ang pasan-pasa nitong karton.
06:38.2
Sabay lumapit sa akin.
06:41.9
Nagulat pa ako ng bigla nitong nilawayan ang hintuturo niya.
06:46.4
Sabay guhit ng krus sa noo ko.
06:49.3
Sa pulso at sa kamay.
06:51.5
Pati sa paa.
06:54.1
Pagkatapos ay sinabi nila,
06:55.2
na itaas ko umano ang gamit ko.
06:58.5
Lalagyan niya rin ang krus na laway ang puso ko noon.
07:04.0
Napatingin ako kay Ex na may nagtatanong ng mga mata.
07:08.6
Sinabi nito sa akin na sundin ko na lamang
07:10.7
at malapit na naming madaanan ng lugar kung saan
07:14.2
tirahan umano ng mga hindi ka nais-nais na mga nilalang.
07:21.1
Sinabihan naman ako ng tiyuhin ni Ex na kapag kakausapin ako ng mga tao doon.
07:25.2
Magunwari lamang akong abala sa paglalakad na tila ba wala akong naririnig.
07:34.1
Marami man akong katanungan sa kanila ay mas pinili ko nalang muna ang manahimik.
07:41.8
Sa isip-isip ko ay saka na ako magtatanong kung marating na namin ang bahay ng pinsa ni Ex
07:47.5
kung saan kami mananatili ng tatlong araw.
07:52.5
Maya-maya pa ay nagsisimula na kaming maglakad.
07:55.2
Sa pilapil patawid sa kabilang sityo.
08:00.1
Doon ko nalang hap ang hangin na amoy malansa.
08:04.5
Kahit sa kalagitnaan nito ng araw,
08:07.6
napakabigat ng presensya ang nakapalibot at nakabalot sa paligid na iyon.
08:14.4
Matindi ang sikat ng araw pero napakalamig ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon.
08:21.5
Doon ko napagtanto ang dahilan
08:23.7
kung bakit nilawayan ako ng tiyo ni Ex.
08:28.5
Isa itong manggagamot sa lugar nila.
08:32.9
Patuloy ang aming paglalakad hanggang sa narating na namin ang gitna ng pilapilan.
08:40.6
Doon ay may natanaw kaming kabahayan sa gilid ng bukid.
08:45.1
Napapalibutan ito ng matataas na talahib.
08:48.6
Pero may bakod naman ang gilid ng bukid.
08:51.7
Kung saan sa iba ba noon,
08:53.7
ay ang pilapil na dadaanan namin.
08:57.1
Papunta sa ikatlong ilog na tatawiran namin noon.
09:01.4
Papunta naman sa barangay
09:03.0
ng dati kong nobyo.
09:07.1
Napakalayo ng lugar nila.
09:09.2
Pero ayaw ng pamilya niya na iwan ang lugar nila noon.
09:13.7
Gawa nang doon sila lumaki.
09:16.0
At doon na rin ang nakasanayang kabuhayan nila.
09:19.8
Kung kaya't ang mga kamag-anak na nasa malayo ay walang choice kundi ang umuwi din.
09:23.7
At doon paminsan-minsan para dalawin sila.
09:28.6
Bumababa din naman kung minsan sa syudad ang mga kamag-anak nila kapag naglalako sila ng mga paninda.
09:35.7
Paghahabi ng basket, duyan at banig ang pinagkakaabalahan nila noon.
09:43.5
Habang naglalakad kami sa pilapil,
09:47.1
ay may narinig kaming sipol sa itaas na bahagi ng burol.
09:51.2
Kung saan naroon-roon ang kabahayan.
09:53.7
Sumagot naman ang tiwin at mga pinsan-eks na kunwari ay pag-ubo.
09:59.4
Sabay nagsalita ang tiwin nila ng,
10:02.4
ahem,
10:03.6
daan lang kami.
10:06.2
Wala naman kaming narinig na tugon mula sa mga tao na noon ay
10:09.5
nakamasid lamang sa paglalakad namin.
10:14.7
Tahimik lamang kaming naglalakad
10:16.5
hanggang sa marating na namin ang dulo ng pilapil na yon.
10:22.2
Bumungad sa amin ang isang nalakad.
10:23.7
Napakalinaw na ilog.
10:26.2
Mabato ito.
10:28.0
Napakalamig ng tubig at napakasarap magtampisaw doon.
10:32.2
Pero hindi na pumayag sa eks at mga tiwin niya na tumigil kami doon.
10:38.8
Sinabihan kami na medyo bilisan ang paglalakad.
10:42.5
Hanggang sa makatawid kami sa ilog.
10:46.2
Nagulat kami ng
10:47.2
pagkasampang-pagkasampan ang tiwin ni eks sa pangpanga.
10:51.8
Ay siya namang pagragasal.
10:53.7
At nagtataka ng tubig sa ilog na yon.
10:57.1
Sabi ko na nga be.
10:59.5
Ang sabi nito.
11:02.0
Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.
11:05.7
Kung nahuli pa tayo ng 30 minutos,
11:08.8
baka hindi na tayo makatawid.
11:11.4
Sabit nito.
11:13.8
Napabuntong hininga naman si ex noon.
11:16.4
Pati ang kapatid niya at mga pinsan.
11:19.6
Ako naman ay nagtataka na nagtatanong kung bakit.
11:23.7
Maganda naman ang agos ng tubig
11:25.4
na hindi pa nga naabot sa tuhod ko.
11:28.8
Pero bigla na lamang rumagasa at tumaas noon.
11:34.2
Mamaya ko na yan sagutin.
11:37.1
Ang sagot naman ni ex sa tanong ko.
11:40.2
Mahirap yung tiyoy ah.
11:42.3
Hindi sila sumagot kanina nung nagsalita ka.
11:45.3
Ang wika nito.
11:48.0
Kaya nga eh.
11:49.5
Kailangan natin pag-usapan tumamaya.
11:53.1
Napatanda nyo.
11:53.6
At tatanong naman ako ng...
11:55.9
Malayo pa ba tayo?
11:58.4
Limang oras na kasi kaming naglalakad noon.
12:01.7
Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom.
12:05.5
Medyo...
12:06.0
nangihina ako bigla.
12:09.2
Hindi ko din maipaliwanag kung bakit.
12:12.6
Sumagot naman si ex na malapit na kami.
12:15.9
Tatawi rin na lamang umano namin yung pilapil na yan.
12:19.6
At tatawi rin ang isang maliit na sapa.
12:23.6
Pagkatulog noon ay makakarating na kami.
12:27.8
Kagad namang ibinaba ng tiyuhin ni ex ang karton na pasan niya.
12:32.0
At muli ay ginuhitan na naman niya ako sa noo.
12:35.2
Na krus na galing sa laway niya.
12:39.5
Doon ay agad ko namang nararamdaman na gumaan ang pakiramdam ko.
12:44.2
Bumalik ang lakas ko sa paglalakad.
12:48.6
Mga alauna ng hapon nang matawid namin ang sapa.
12:51.0
Umakit kami sa burol.
12:54.6
Kung saan naroon na ang ilang kabahayan na mga kamag-anak nila.
12:59.8
Huminto kami sa bahay ng isa niyang tiyuhin na si Raul.
13:03.3
At doon ay inilabas namin ang aming baon na pagkain.
13:07.1
Para makapagpahinga at makapagpananghalian muna.
13:11.7
Kagad naman kaming sinalubong ng kanyang asawa.
13:14.9
At medyo nagulat ako gawa ng...
13:18.0
kilala na ako doon.
13:21.0
Inilabas nila ang kanilang pagkain na ginataang susong pilipit.
13:24.8
At ang nahuli ng kanyang asawa sa pangangaso na ibon.
13:30.3
Inadobo nila yun.
13:32.7
Kumakain naman ako ng ibon kung kaya't ayon.
13:35.7
Nakisalon na rin ako sa kanila.
13:39.3
Masaya kaming nananghalian hanggang sa maya-maya pa
13:42.2
ay dumating na ang tiyo Eddie ni X.
13:46.9
Sinundo kami at doon kami tutuloy sa kanila.
13:49.2
Kaya pala hindi ito nakasundo sa amin sa may bukana dahil
13:53.7
kinatay nila ang baboy Ramona kanilang nahuli.
13:59.5
Nakalimutan ko na ang naramdaman ko na tamlay ng katawan.
14:03.6
Naaliw ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila.
14:07.3
Masaya silang kasama at kakwentuhan noon.
14:11.3
Hanggang sa kailangan na naming umalis para umakit na sa kabilang burola
14:14.7
kung saan ang bahay ng tiyo hini X na tutuluyan namin.
14:19.2
Inabisuan ko na lamang sila na sumunod na lamang doon para
14:22.9
mabahagian sila ng aming daladala.
14:27.6
Masaya naman kaming naglalakad pababa sa burol para
14:30.1
umakit sa kabilang burol noon.
14:33.8
Para lamang kaming nag-ahiking noon.
14:36.8
Masaya gawa ng may kabataan na.
14:39.7
Tapos may mga kababahian na akong kasama.
14:42.8
Asawa at anak ng kiwi ni X noon.
14:45.9
Yun bang ramdam mo yung pag-welcome nila?
14:49.2
Pagkarating namin sa kabilang burol
14:52.5
ay sumalubong sa amin ang bahay na medyo may kalakihan
14:56.6
at gawa sa purong matitibay na kahoy.
15:01.2
Nakaangat yun sa lupa.
15:03.6
Sa silong ay may baboy ramupan na nakatali noon
15:06.0
na may mga biik na nagsisitakbuhan lamang sa bakuran nila.
15:12.1
Meron din silang mga alagang manokataso.
15:16.7
Doon ay sinalubong kami ng isang matandang babae.
15:19.2
May tungko dito na gawa sa kahoy
15:22.0
na kung titignan ang kahoy na yun ay napakarupok na.
15:27.4
Pero nung pinahawakan niya sa akin ay napakatibay naman noon.
15:32.9
Meron din itong nakataling pulang panyo sa kanyang bewang.
15:37.3
Kagad naman akong nagmano sa matanda
15:39.0
na napagalaman kong lola pala yun ni X.
15:44.3
Natuwa naman ito sa akin at kita ko na masaya na makilala ako.
15:47.6
Kung kaya't hindi na ako umalis sa tabi niya.
15:52.2
Malapit talaga kasi ako sa matatanda at bata, Sir Seth.
15:56.6
Maya-maya pa ay dumating ang nanay ng ex ko at mga kapatid niya.
16:01.4
Isang babae at ang bunso niyang kapatid na lalaki.
16:07.1
Nagsibatihan kami.
16:09.4
Medyo napaluha pa nga noon ang nanay niya.
16:12.4
Akala niya kasi ay hindi ako sasama sa anak niya sa pag-akit sa bundok noon.
16:17.6
Napangiti na lamang din ako sa kanya at biniro-biro ka pa nga na
16:21.7
makailang beses ko na rin kasing nakita ang nanay niya tuwing bumababa ito ng siyudad.
16:27.8
At minsan ko na rin siyang ipinacheck up sa doktor gawa ng may ulcer ito.
16:32.7
At yung mata niya ay kailangan ng suotan ng salamin.
16:36.8
Kung kaya't ako na ang umalalay sa kanya.
16:39.9
Wala kasi itong alam sa pasikot-sikot sa siyudad noon.
16:44.1
Natutuwa naman ako noon.
16:46.0
Gawa ng na-appreciate niya pala.
16:47.6
Ang ginawa ko para sa kanya.
16:51.5
Maya-maya pa ay nagpasama na ako sa balon.
16:54.6
Kung saan sila naghuhugas o naliligo.
16:58.1
Para makapagbihis na rin ako.
16:59.9
Nang masimulan na rin naming maibahagi ang daladala namin para sa kanila.
17:06.1
Sinamaan naman ako ng nanay ni ex at kapatid niyang babae na noon ay malapit na sa akin.
17:11.6
Pati na rin ang pinsan niya.
17:13.8
Kaya yun.
17:15.1
Maingay kami sa balon noon.
17:17.6
Laging tawanan lamang at kuntuan.
17:21.3
Nasa tabi ng bahay lang naman yun ang bahay na tinutuluyan namin, Sir Seth.
17:27.2
Nagmatapos na ako sa pag-ayos sa sarili ko.
17:30.6
Hinayaan ko na ang nanay ni ex na magbukas ng kahon.
17:34.5
Kung saan naroroon ang mga pasalubong namin sa kanila.
17:38.7
May mga pangalan naman na yun at nakaset na kung kaya't ipapamahagi na lamang nila yun.
17:44.8
Pero pagdating sa mga damit.
17:47.6
Ayun na.
17:49.2
Unahan na sila.
17:51.5
Nakakatuwa silang pagmasla na sobra nilang na-appreciate at nagustuhan ng mga pasalubong namin sa kanila noon.
17:58.4
At sa mga kalalakian naman.
18:00.7
Ayun.
18:02.1
Pangmalakasang hinirosa brandy ang dinalan ni ex at imperador.
18:06.3
Nalubos na nagpatuwa sa mga tiwin at mga pinsan ni ex na kalalakian.
18:12.3
Sinabihan din nila ako na ako na ang magluto ng ulam ko sa hapunan.
18:15.9
Gawa ng iba daw ang pagkakaluto ko sa syudad kesa sa pamamaraan ng pagluluto nila sa bundok noon.
18:23.3
Kung kaya't wala naman na akong reklamo pa.
18:27.4
Kagad na akong gumayak na mga gagamitin ko sa pag-aadobo ng baboy ramo.
18:32.2
Na kinatay nila at sadyang nagtira ng malaking parte.
18:36.3
Para umano iluto ko yun.
18:40.1
Tuwang tuwa naman ako dahil doon.
18:42.6
Habang sila naman ay nag-ihaw ng kanilang pulutan ng hapon na yun.
18:46.9
Ako naman ay nagsimula na magluto ng pansit at adobong baboy.
18:52.3
Mas lalo pa kaming natuwa nang nagkatay pa talaga ng tatlong manok ang pinsan ni ex.
18:57.7
Niluto namin yung natinola na may maraming dahon ng sili.
19:04.3
Masayang salusalo ang naganap bago gumabi.
19:07.7
At dahil walang kuryente sa lugar, gumawa na lamang sila ng siga.
19:13.7
Nagsabi pa ang lola ni ex na gumawa ng atin.
19:15.9
At apat na siga sa apat na sulok ng bakuran.
19:20.4
Nung una, inisip ko na isiniga nila yun para maging maliwanag ang kapaligiran namin.
19:28.3
Pero may iba pa palang kahulugan yun.
19:33.0
Lang maliwanag ng paligid ay inilatag na namin ang pagkain sapag sa sala ng bahay nila.
19:41.0
Naglagay lang kami ng dahon ng saging.
19:43.0
At doon na inilagay ang mga niluto namin.
19:45.9
At doon na inilagay ang mga niluto namin.
19:48.9
Mga alas otso ng gabi nang magsimula kami maghaponan.
19:53.7
Gawan ang hapon na nang nagsimula kami magluto ng aming pagkain.
19:58.6
Isang masayang hapag ang aming pinagsaluhan.
20:03.0
Bawat pamilya ay masayang nagtipon-tipon at nagkikwentuhan nun.
20:07.9
Habang ang mga kalalakiyan naman ay masayang nagiinuman sa bakuran.
20:13.8
Nang maya-maya pa,
20:15.9
pinagit naan ako ng nanay ni ex at ng lola niya.
20:22.0
Medyo nagtataka ako gawa ng sumeryoso ang muka nila nun.
20:28.1
Nilagyan ako ng lola ni ex ng panyo sa ulo na kulay pula.
20:32.9
Ang sabi niya ay huwag na huwag ko umanong tatanggalin yun.
20:36.9
Ang nanay naman ng ex ko ay sinabihan ako na huwag nang lumabas at manatili na lamang sa loob ng bahay.
20:42.8
Inalok ako ng tiyahin ni ex na doon na ako sa kwarto matulog.
20:49.8
Pero sumagot ang lola at ang nanay niya na doon na ako sa sala.
20:54.8
Mas mainam mo umanong na nakikita nila ako doon.
20:59.8
Lilipat na lamang ako sa kwarto kapag maayos ng lahat.
21:04.8
Ako naman ay naguguluhan sa kanila mga kinikilos.
21:08.8
Dahil kani-kanina lamang ay masaya pa kaming nagkikwentuhan at nagtatakot.
21:12.8
Matatawanan.
21:15.8
Napatanong ako ng,
21:17.8
Ano po bang nangyayari?
21:20.8
Sumagot naman ang lola na may nakakita sayo kanina habang naglalakad kayo sa pilapilan.
21:27.8
Papunta dito.
21:30.8
Sinundan ka nila.
21:33.8
Napangangan naman ako sa mga narinig ko.
21:36.8
Sumagot ako ng,
21:38.8
Lola, hindi naman ako buntis ah.
21:42.8
Bakit po sila sumusunod?
21:46.8
Kahit hindi ka buntis,
21:48.8
Bago ka sa paningin nila, Iha.
21:51.8
Ang puti mo pa.
21:53.8
Kaya naakit sila sayo.
21:56.8
Sagot nito.
21:58.8
Tumahimik na lamang ako at tinanaw ang bintana na noon ay isinarado na nila.
22:03.8
Ang kiwin at mga pinsan ay nagiinuman pa rin sa bakuran.
22:08.8
Nagsilipatan na sa pagiinuman nila.
22:10.8
Doon na sila pumuesto sa may silong ng bahay.
22:15.8
Kung saan nakakaupo sila ng maayos dahil mataas ang silong na iyon.
22:20.8
At pwede din silang maupo at gumalaw doon nang hindi nauuntog sa may sahig.
22:26.8
Maya maya pa ay may narinig kaming hunin ang ibon.
22:30.8
Sabay sabi ni lola na,
22:33.8
Aba matapang.
22:35.8
Mukhang hindi na ako nakikilala nito.
22:40.8
Sumagot naman ang nanay ni Ex noon.
22:43.8
Na medyo matagal-tagal ka na rin kasing huminto sa panggagamot eh.
22:48.8
At nanahimik na eh.
22:50.8
Kaya siguro ganyan.
22:53.8
Doon ko din nalaman na isa palang manggagamot o babaylan.
22:57.8
O manghihilot ang lola na ito ni Ex.
23:00.8
Na noon ay sinalunan ang kanyang anak na babae.
23:04.8
At iyon ang nang nanay ni Ex noon.
23:07.8
Kinilabutan ako ng muli kong marinigang tunog ng iyon.
23:10.8
Ibon na iyon.
23:12.8
Yun bang huni pa lang?
23:14.8
Nanunoot na yung takot sa kalamnan ko.
23:17.8
Na parang nagsisitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
23:23.8
Kahit pa nasa gitna na ako ng dalawang manggagamot.
23:28.8
Natakot pa rin ako.
23:31.8
Maya maya pa ay narinig ko ang pinsa ni Ex na nagsabi ng,
23:35.8
Napakatapang nyo naman.
23:37.8
Kita nyo nang nandito kami lahat nagtitipon-tipon pero,
23:41.8
Malakas pa ang loob nyo na sumugod.
23:45.8
Huwag nyong makante ang bisita namin.
23:48.8
Dahil pamilya na namin iyan.
23:51.8
Hindi iyan basta bisita lang.
23:55.8
Sumagot naman ang tiyuhin nila.
23:58.8
Nang,
24:00.8
Hayaan nyo.
24:02.8
Gusto na naman yata nilang malagasan ng lahi.
24:04.8
Narinig ko na may sumagot sa labas ng bakuran pero,
24:10.8
Wala naman akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nito.
24:15.8
Samantalang malinaw ko naman na naiintindihan ang sagot ng kapamilya nila Ex nun.
24:21.8
Muli pa ay nagsalita ang nasa labas ng bakuran.
24:25.8
Ganoon pa rin at wala akong naiintindihan.
24:30.8
Maya maya pa ay may biglang dumapo sa may bubong.
24:34.8
Napakalakas ng tunog na iyon.
24:37.8
Pero ang lola ni Ex ay biglang nagusal ng kung anong dasal at kaagad na inasinta ang bubongan.
24:45.8
Bigla namang may lumagapak sa lapag noon.
24:49.8
Kasabay noon ay ang mga pag-angil.
24:52.8
At dito ay kaagad nagsipulasan sila Ex sa may silong.
24:57.8
Yun pala.
24:59.8
Ang tiyuhin niya ay kaagad nang sinalo ng saksak ng kanyang punyal.
25:02.8
Ang pusa na nahulog mula sa may bubongan.
25:07.8
Kaagad naman kaming nakarinig ng gigil na pag-angil.
25:12.8
Nagsalita naman ang tiyuhin ni Ex ng,
25:15.8
Wala kayong respeto.
25:18.8
Hindi namin kayo inaano.
25:20.8
Kaya wala kayong karapatan na sumugod sa pamamahay ko at manggulo.
25:25.8
Iuwi nyo na to.
25:27.8
At kung may bala kayong gumante ay nakahanda kami.
25:30.8
Hindi porket may kapangyarihan kayo naggaling sa dilim.
25:36.8
Ay malakas na kayo.
25:39.8
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng pag-angil muli.
25:43.8
At sabay ng paglipad ng isang malaking ibon.
25:47.8
Hindi ko man nakita kung anong klaseng ibon yan.
25:51.8
Ay alam ko naman na malaki yon gawa ng napakalakas ng pagaspas ng mga pakpak nito.
25:57.8
Maya-maya pa ay lumakas na ang tunog noon na ang ibig sabihin mas malayo na.
26:06.8
Doon ay tinignan ko ang aking relo.
26:10.8
Nakita ko ang oras na malapit na palang mag-alauna ng madaling araw.
26:14.8
Biernes Santo na.
26:17.8
Matulog ka na Inday. Dito ka sa gitna namin ng lola mo.
26:22.8
Sabi ng nanay ni Ex noon.
26:24.8
Napahiga na rin ako sa gitna nila.
26:28.8
Sa Ex naman ay kasama pa rin ang pinsan niya sa labas ng bahay.
26:32.8
Hinayaan ko naman siya gawa ng bihira lang naman silang magkita-kita at magtipon-tipon noon.
26:38.8
Kung kaya't hinayaan ko siyang enjoyin ang pagkakataon na yon.
26:43.8
Tutal ay safe naman ako sa lugar nila.
26:46.8
At hindi naman pabaya ang pamilya niya.
26:49.8
Na-appreciate ko ang pagiging maalalaanin ng nanay at lola niya.
26:54.8
Tumabi sa akin ang bunsong kapatid ni Ex na noon ay nasa apat na taong gulang pa lamang.
27:00.8
Iyakap ko ito at kaagad na din naman akong nakatulog.
27:04.8
Kinabukasan pagkagising ko.
27:08.8
Kami na lamang ni Ex ang nasa banig.
27:11.8
Hindi ko alam kung paano yon napunta sa tabi ko gawa ng nakatulog ako nung gabi na nasa baba pa ito.
27:18.8
Napasarap ang tulog ko gawa ng napaka-presko doon.
27:22.8
Malamig ka.
27:23.8
Malamig kahit walang electric fan.
27:26.8
Kung kaya't matagal akong nagising.
27:29.8
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko sila na nakaupo sa may upuan.
27:34.8
Habang nagkakape at nagbubulungan sa pagkikwentuan.
27:39.8
Kagad naman akong bumati sa kanila ng magandang umaga.
27:44.8
At matamis na mga ngiting nila ang sumalubong sa akin.
27:48.8
Yung iba ay nakita kong suot-suot na nila ang damit na binili ko sa ukay-ukay para sa kanila.
27:54.8
Naamoy ko naman na may nag-ihaw ng tuyo noon.
27:59.8
At may sinangag pa na napakabango ng amoy na kanin nila na kung tawagin ay kamuros.
28:05.8
Kagad naman akong nakaramdam ng gutom.
28:09.8
Alas mebe na kasi ng umaga noon.
28:12.8
Bumangon ako at nagsipilyo ng ngipin sa kusina.
28:16.8
At maya maya pa'y nakisalon na rin ako sa kanila.
28:19.8
At ayon, naparami ulit ang kain ko.
28:24.8
Dahil sa marami kaming nag-agahan, si Ex naman ay mahimbing pa rin ang pagkakatulog kung kaya tinayaan ko na lamang muna siya.
28:33.8
Habang kumakain kami, kinausap ako ng nanay at lola ni Ex na kung maaari ay huwag muna akong lumabas ng bahay ng araw nayon.
28:43.8
Saka na lamang umano ako lumabas kapag Sabado de Gloria na.
28:48.8
Patay ang Diyos ngayon, Inday.
28:50.8
Kung kaya't malakas sa mga bumisita sa iyo kagabi.
28:54.8
Asahan din natin na babalik ang mga iyon mamaya.
28:58.8
Napatanong naman ako kung saan ang tiyuhin ni Ex at mga pinsan niya na lalaki noon.
29:03.8
Sumagot naman sila na umaga pa umano umalis sa mga ito.
29:08.8
Para bago magtanghali ay makabalik na.
29:11.8
Pumunta umano sila sa kabilang sapa para alamin ang kaganapan doon.
29:16.8
Nagtanong naman ako kung madalas ba na mangyari ang ganon.
29:20.8
Ayon sa kanila.
29:23.8
Tuwing may buntis o hindi kaya may bagong panganak.
29:27.8
O hindi kaya may bisita sila.
29:30.8
Yun yung mga oras na ginugulo talaga umano sila noon.
29:36.8
Mag-iisang dekada na nung huli kaming inatake.
29:39.8
Yun ay yung pinagbubuntis ko yung bunsong anak ko.
29:43.8
Ang sagot ng kiyahin ni Ex noon.
29:46.8
Ang nanay naman ni Ex ay hindi siya ginulo na mga iyon dahil
29:50.8
doon siya tumira sa syudad noong pinagbubuntis niya pa lamang ang kanyang bunsong anak.
29:56.8
Pero noong ipinagbubuntis niya umano si Ex
29:59.8
at ang mga sumunod dito
30:02.8
ay hindi hamak na pang-iistorbo ang ginawa ng mga iyon
30:06.8
na naging sanhinang pagkalagas ng ilan sa kanilang miyembro ng pamilya.
30:12.8
Doon ay nanahimik ang pamilyang iyon sa kabilang sapa
30:15.8
ng medyo mahabang panahon.
30:17.8
At ngayon lamang ulit umano ng gulo.
30:22.8
Natatakot man ako sa pwedeng mangyari
30:25.8
ay mas pinili ko na lamang natataga ng loob ko.
30:29.8
Nagtiwala na lamang ako na hindi ako pababayaan ang pamilya nila.
30:35.8
Mabubuti naman kasi silang tao.
30:39.8
Lumipas ang mga oras na hindi man ako nakalabas ng bahay
30:43.8
ganon din naman ang ibang pamilya niyang tiyuhin ni Ex.
30:47.8
May mga babae ay nanatili lamang sa loob ng bahay nun
30:50.8
kasama ng mga bata.
30:53.8
Hindi naman ako nakaramdam ng lungkot dahil masaya din naman silang kakwentuhan.
30:58.8
Bago pa man nagtangalian,
31:01.8
nakabalik na ang mga pinsa na tiyuhin ni Ex.
31:04.8
Kasama ang asawa at mga anak ng isa niyang tiyuhin na si Raul.
31:09.8
Sinabi na mga ito na mainam na at magsama-sama na lamang kami sa iisang bahay
31:14.8
para hindi na sila mag-alala mamayang gabi.
31:18.8
Nagtanong ang lola ni Ex kung ano na ang nangyayari sa kabilang sapa.
31:23.8
Sumagot naman ang mga ito ng tahimik.
31:26.8
Pero ramdam nila ang tensyon, ang bigat na naroon.
31:31.8
Kung kaya't mas pinili na nila ang umalis
31:35.8
at nagkalap na na magagamitin nila sa kanilang paghahanda
31:39.8
para mamayang gabi.
31:41.8
Hindi ko naman napigilan ng pag-iisip kung ano na ang pwedeng mangyari kinagabihan.
31:47.8
Pero sinabihan nila ako na huwag na ako mag-isip at i-enjoy na lamang umano ang araw na iyon.
31:54.8
At ayon, nagsimula na naman kaming maghanda na makakain para sa tanghalian hanggang gabi na.
32:02.8
Nagluto sila ng suman na malagkit at suman na gawa sa laman ng kamoting kahoy.
32:08.8
Nagkatay ulit sila ng tatlong manok at isang itik.
32:12.8
Kung kaya't parang hindi lang namin naramdam ng biyernes santo noon.
32:18.8
Sumapit ang alas tres ng hapon.
32:22.8
Nagkatay sila ng isang purong itim na baboy.
32:25.8
Inorasyonan yon ng lola at nanay ni ex.
32:29.8
Kaugalian nila yon bilang babaylan na magalay ng dugo sa kalikasan.
32:35.8
At pagkatapos ng orasyon ay pwede na din naman ito.
32:39.8
At lutuin ayon sa aming gusto.
32:43.8
Mabilis na lumipas ang oras.
32:46.8
Nang magtatakip silim na ay nagtipon-tipon na kaming lahat sa loob.
32:51.8
Hindi na rin nag-inuman pa sila ex at ang kanyang mga tiyuhin at pinsan ng hapon yon.
32:58.8
Nagsiga na lamang sila sa apat na sulok ng bakuran.
33:04.8
Alinsunod sa utos ng babaylan.
33:07.8
Bago mag alas 6 ng gabi ay pinaglinis na ako ng katawan at pinasuot ng pulang damit.
33:13.8
Dahil wala naman akong pulang damit ay ang bistida na damit na lamang ng pinsan ni ex ang ipinasuot nila sa akin.
33:21.8
Hindi na rin naman ako umartip at nagtiwala na lamang sa lola ni ex nun.
33:26.8
Maaga kaming naghaponan at nagtipon-tipon sa may sala.
33:31.8
Yung sahig bago latagan ng banig
33:34.8
ay nilatagan muna nila ng dahon ng badyang na pangontra sa aswang.
33:40.8
Pagkatapos ay tinakpan yon ng mga karton na pinaglagyan namin ng aming mga daladala.
33:46.8
Mabuti na lang at malaking karton yon.
33:50.8
At nagkataon pa na ilang piraso yon kung kaya't nasakop noon ang parte ng paglalatagan namin ng banig.
33:57.8
Doon na kami pinaupo sa may banig.
34:00.8
Kasama ko ang pinsan ni ex at mga bata.
34:04.8
Sila ex naman at ang mga tiyuhin niya ay nakaupo sa may maliit na lamesa sa sala.
34:09.8
Habang naglalaro sila ng pusoy.
34:12.8
Libangan para hindi makatulog kaagad.
34:16.8
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mahinang hunin ng ibon.
34:21.8
Kasabay noon ay ang malakas na kalabog sa bubong.
34:25.8
Ramdam namin ang pag-uga ng bubong, Sir Seth.
34:29.8
Kaagad namang nagsambit ang tiyuhin ni ex na dumating na ang hinihintay naming bisita.
34:35.8
Yung lola naman niya, taimtim na nagdasal.
34:40.8
Maya-maya pa ay umaakto itong may dinudukot sa bulsa.
34:45.8
Sabay-saboy sa apat na sulok na haligi na pundasyon ng tahanan.
34:52.8
Nang makita naman ang nanay ni ex ang ginagawa ni lola, sinabayan niya na rin ito sa pagdarasal.
35:00.8
Gusto ko mang sabayan sila sa pagdarasal noon
35:03.8
ay hindi ko naman alam kung ano ang dinadasal nila dahil Latin ang ginagamit nila sa pagdarasal.
35:11.8
Hanggang sa walang ano-ano, isang malakas na paghinga ang naring namin sa may labas.
35:18.8
Mas lalong nagtaimtim ang pagdarasal na animoy wala itong kapaguran sa pagluhod sa harap ng altar.
35:27.8
Maya-maya ay muling dumukot sa bulsa niya, itong lola ni ex.
35:33.8
Isinaboy niya iyon sa apat ulit na sulok ng haligi ng tahanan.
35:39.8
Hanggang sa may pumalahaw ng sigaw sa labas, na animoy nasasaktan noon.
35:47.8
Si ex naman na imbis na naglalaro ng pusoy, kaagad na patayo at lumipat sa may banig.
35:55.8
Pinipigilan ko naman ang pagtawa sa ginawa ni ex noon.
35:59.8
Naturingang kalalaking tao pero duwag pagdating sa aswang.
36:04.8
Tuloy pa rin ang pagdarasal ng babaylan.
36:07.8
Maya-maya ay sumaboy ulit ito sa apat na haligi.
36:12.8
Kung ano ang isinaboy niya ay hindi namin alam dahil wala naman kaming nakikita noon.
36:20.8
Pagkasaboy niya sa huling haligi noon, kaagad namang may humiyaw ulit ng malakas sa may labas na tila ba nasasaktan ito ng maluba.
36:31.8
Kasabay noon ay malakas na pagungol mula sa labas.
36:37.8
Yung tila ba hirap na hirap ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
36:42.8
Yung lola ni ex ay patuloy pa rin sa pagdasal.
36:47.8
Hanggang sa isang malalim na paghinga ang narinig namin sabay labas noon.
36:52.8
Kasabay nito ay ang matinis na sigaw na tila ba naghihinagpis.
36:59.8
Maya-maya pa.
37:00.8
Ang mga malalakas na pagkampay ng pakpak ay naririnig namin na papalayo.
37:07.8
Ilang saglit pa ay nagsilabasan na ang mga alagang aso ng tiwi ni ex.
37:13.8
Sabay-sabay nagsitahulan.
37:16.8
Tuloy pa rin sa pagdarasalang babaylan.
37:19.8
Makalipas ang kalahating oras ay tumayo na rin ito at naupo sa may sofa.
37:25.8
Kaagad naman itong inabutan ng tubig ng nanay ni ex.
37:28.8
At noong nakabawi na ito ng lakas, saka pa lamang siya nagkwento na napatay niya ang kapatid ng isa sa mga aswang na iyon.
37:40.8
Kinabukasan ay pinayagan na nila akong lumabas ng bahay at makipagkwentuan sa kanila.
37:47.8
Ang mga tiwin naman at pinsa ni ex ay pumunta sa kabilang sapa para tingnan kung ano na ang kaganapan doon.
37:54.8
Sumama din sa kanila ang nanay ni ex noon.
37:58.8
Bago magtanghalian ay nakabalik na sila.
38:01.8
Naikwento naman ang nanay ni ex na napakatahimik na ng lugar.
38:06.8
Pero ramdam niya pa rin ang bigat ng awras sa lugar na iyon.
38:10.8
Pero wala na siyang nararamdaman na panganib doon at doon ko na na-enjoy ang aming bakasyon nang walang aberya.
38:18.8
Naging maayos ng lahat hanggang sa makabalik na kami sa siyudad.
38:24.8
At magmula noon ay hindi ko na sinubukan pa ang sumama ulit sa lugar na iyon.
38:30.8
Kahit na gustong gusto ko pa ang mga tao at ang mga tanawin doon,
38:36.8
dalang-dala na ako sa naging karanasan ko.
38:54.8
Thank you for watching!