* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw pag-uusapan natin ang pinaka-importante, ang pinaka-pinag-uusapan na issue ngayon sa Pilipinas.
00:21.4
Ito ang paghihiwalay ng tambalang Kathniel o ang love team na Kathniel.
00:33.4
Ito ay ang dalawang artista na si Catherine Bernardo at Daniel Padilla at naghiwalay sila noong nakaraang linggo.
00:51.4
Labing isang taon ng samahan at pagmamahalan at kung gumagamit kayo ng social media, lalo na kung makikita nyo ang mga posts ng mga Pilipino, syempre lalo na ang mga kabataan, parang ito ang pinaka-importante issue ngayon sa Pilipinas.
01:21.4
Hindi ang Climate Conference, hindi ang gera sa... o ng Israel at Hamas, hindi ang mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea, pero ito ang pinaka-importante issue ngayon sa Pilipinas sa nakikita ko sa social media.
01:52.4
Syempre, ang mga artista o ang mga celebrity sa Pilipinas ay sa tingin ko sobrang importante para sa mga tao na alam talaga ng mga tao ang buhay ng mga artista.
02:13.4
Lalo na ang mga tambalan o love team.
02:19.2
Malaki ang epekto.
02:21.4
Malaki ang impluensya ng mga tambalan, ng mga love team sa mga Pilipino.
02:31.6
At syempre lalo na sa mga kabataan.
02:36.3
At malaking industriya talaga ang show business sa Pilipinas.
02:44.8
So sino nga ba itong si... o itong Kathniel?
02:51.4
So nasabi ko na na pinagsamang pangalan ni Catherine Bernardo at Daniel Padilla.
03:00.3
At una silang naging partner sa telebisyon noong youth series noong 2011 na Growing Up.
03:17.3
Tapos partner ulit sila sa isang drama.
03:21.4
Na Princess and I.
03:25.0
Tapos naging sikat itong teleserye.
03:28.7
At naging silang yung isa sa mga pinakasikat, pinakagusto ng mga tao na pareha na tambalan.
03:45.3
At nagsimula silang mag-date.
03:49.1
At naging publiko.
03:51.4
At naging publiko ang relasyon nila noong 2018.
03:55.8
At naging artista din sila.
04:00.5
Naging bida sila sa mga sobrang sikat na pelikula.
04:06.6
Tulad ng She's Dating the Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona A Love Untold, at The House of Us.
04:18.2
At ang huling publiko.
04:21.4
At naging proyekto nila sa TV na Too Good to Be True.
04:27.2
At yun, sobrang laki ng fanbase nila dahil madami silang fans at sikat ang mga pelikula nila, sikat ang mga teleserye nila.
04:42.9
At si Catherine Bernardo ay dalawamput pitong taong gulang.
04:51.4
Ay dalawamput walong taong gulang.
04:57.2
At sabi ni Catherine tungkol sa hiwalayan nila na totoo yung pagmamahalan nila ni Daniel.
05:08.8
Hindi lang para sa pelikula.
05:12.3
Hindi lang para sa mga fans.
05:14.7
Hindi lang para sa mga proyekto.
05:16.4
Pero totoong mahal nila ang isa't isa.
05:20.2
At totoong lumaki sila ng magkasama, nangarap sila ng magkasama, at marami sa pangarap nila naging totoo ng magkasama sila.
05:35.8
At si Daniel ang unang jowa ni Catherine.
05:40.9
At yun, mahal niya talaga si Daniel.
05:44.4
At sabi naman ni Daniel na nagpapasalamat siya kay Catherine.
05:50.2
At sabi naman ni Daniel na nagpapasalamat si Catherine.
05:50.7
At sabi naman ni Daniel na nagpapasalamat si Catherine.
05:51.2
Dahil sinamahan siya ni Catherine sa mga ups and downs niya.
05:59.6
At kahit na naghiwalay sila, yung pagmamahal nandoon pa din para kay Catherine.
06:09.7
So yun ang maigling kwento tungkol sa issue na ito na sobrang importante ngayon.
06:18.2
Ngayon, para sa mga...
06:20.2
...kabataan at sa mga...
06:23.8
...sa social media sa Pilipinas.
06:26.8
At syempre kahit hindi ako malaking fan, o hindi ako fan talaga, talaga hindi,
06:36.6
interesante makita yung interest ng masa,
06:44.0
yung interest ng karaniwang Pilipino,
06:47.7
o interest ng karaniwang...
06:50.2
...karamihan sa mga Pilipino.
06:54.0
Dahil dito makikita yung kung ano ang mahalaga para sa mga tao.
07:00.8
Kung ano ang prioridad ng mga tao.
07:04.9
At kung ano yung paraan ng pag-e-escape ng mga tao sa kadalasan manungkot na realidad ng buhay.
07:20.2
Yun lang ang podcast episode ngayon.
07:23.6
Salamat sa pakikinig.
07:26.5
Mayroong transcript kung kailangan nyo.
07:29.4
At pwede kayong sumuporta sa Patreon kung gusto nyo itong podcast.
07:36.1
Salamat at paalam.