* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:06.2
At ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano tinulungan ng CIA na mahalal ang isang presidente sa Pilipinas.
00:22.5
At ang presidente na to ay si Ramon Magsaysay.
00:27.2
At si Ramon Magsaysay ay sikat na presidente. Mahal siya ng madaming Pilipino.
00:38.6
Sa katunayan, ang tawag sa kanya ay the people's president.
00:46.7
At kahit noong kampanya niya bago siya maging presidente, talagang makikita na gustong gusto siya.
00:57.2
Nung mga tao, lalo na yung mga masa, yung mga magsasaka, mga manging isda, yung mga kakaniwang Pilipino.
01:09.6
Ang tawag din sa kanya ay a champion of the masses.
01:14.9
At noong 1951, nilagay siya sa cover ng Time Magazine.
01:23.9
At bago siya maging president.
01:27.2
At bago siya maging president, naging defense minister siya.
01:31.5
Malaki ang role niya para labanan ang komunismo sa Pilipinas.
01:41.6
Kontra sa mga nasyonalista.
01:47.4
At noong 1951, naging man of the year siya.
01:54.9
At tinawag din siyang IOC.
01:57.2
Eisenhower of the Pacific.
02:03.4
At syempre, marami ding nagsabi na parang America's boy si Magsaysay.
02:14.3
Ibig sabihin na ginagawa niya ang mga bagay para sa interes ng Amerika.
02:23.3
At noong 1953, sabi ng Time Magazine na sa maraming paraan, yung pagkapanalo ni Magsaysay sa eleksyon ay panalo ng Estados Unidos.
02:45.6
O ibig sabihin, dahil nanalo si Magsaysay, nanalo din ang Estados Unidos.
02:53.3
At syempre, hindi sikreto na parte ang Estados Unidos at ang CIA sa mga meddling o pagmamanipula ng eleksyon.
03:14.0
Yun, hindi natin pag-uusapan dito sa podcast na to.
03:19.5
Pero yung may mga dokumento na nag-prove na nagbigay ng madaming pera ang CIA sa kampanya ni Magsaysay.
03:38.5
At ang mahalagang tao o ang leader ng CIA na si Edward Lansdale.
03:49.5
Ang importanteng tao dito sa operasyon na to.
03:57.9
So, tinulungan niya si Magsaysay sa kampanya niya.
04:03.5
Tinulungan niya hindi lang sa pera, pati sa marketing campaign.
04:10.3
At yung tagline na Magsaysay is my guy.
04:17.5
At tinulungan din...
04:19.5
At tinulungan din nila si Magsaysay gumawa ng mga campaign song at iba pang mga marketing campaign.
04:32.0
So, malaking tulong ang CIA sa kampanya ni Magsaysay.
04:42.7
At sabi na hanggang isang milyong dolyar.
04:49.5
Ang donasyon ng CIA sa kampanya ni Ramon Magsaysay.
04:59.9
Kahit na ayon sa batas sa Pilipinas, bawal mag-donate, bawal mag-contribute ang mga banyaga sa election campaigns.
05:15.4
Nag-donate ang Estados Unidos.
05:19.5
Sa political party ni Magsaysay ng malaking pera.
05:28.5
At yun ang kwento kung paano tinulungan ng CIA na si Edward Lansdale na mahalal bilang pangulo, bilang presidente si Ramon Magsaysay
05:47.2
sa pamamagitan ng...
05:49.5
Ang tulong sa pera. Donasyon ng pera. At tulong sa kampanya.
05:57.0
At sabi ng former CIA director na si William Colby na si Edward Lansdale ang isa sa sampung pinakamagaling na spy sa mundo sa lahat ng panahon.
06:19.5
At yun. Kung ano yung motibo ng CIA o ng Estados Unidos, hindi ko alam.
06:26.5
Pero yung mapapatunayan sa mga dokumento na malaking pera ang binigay at tinulong ng Estados Unidos para kay Ramon Magsaysay.
06:47.5
Nakakalungkot dahil...
06:49.5
Ilang taon lang, apat na taon, pagkatapos mahalal ni Magsaysay, namatay siya sa isang aeroplano.
07:00.6
Bumagsak yung aeroplano at namatay siya.
07:06.4
Pero dahil doon, o simula noon, nanatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
07:19.5
At yun lang ang kwento tungkol kay Magsaysay at tungkol sa CIA kay Edward Lansdale.
07:33.2
Salamat sa pakikinig. Merong transcript kung kailangan nyo.
07:38.0
Merong Patreon kung gusto nyo sumuporta sa podcast.
07:43.2
At salamat sa oras mo.