Close
 


Bato Ginagawang Pet - Seller Naging Milyonaryo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GRABE! Napaka-HENYO ng taong ito! Naging MILYONARYO si Gary Dahl dahil sa pagbebenta ng BATO. Milyon-milyon ang bumili nito at nasa P143 MILLION ang kanyang kinita. Paano ba niya ito ginawa? At bakit nga ba maraming bumili ganung bato lang naman ito at makikita lang sa ating paligid? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by cop
Awe Republic
  Mute  
Run time: 07:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito si Gary Dahl, naging milyonaryo dahil sa pagbibenta ng bato.
00:05.1
Ginagamit ko talaga yan sa pagpapogi.
00:08.4
Oops, hindi po yang iniisip nyo. Ang tinutukoy ko ay ito, literal na bato.
00:14.3
Pero kung inaakala mong landscaping o construction ang negosyo niya,
00:18.7
nagkakamali ka dahil pinibenta niya ang mga bato para maging alaga ng tao.
00:24.5
At ito ay tinawag niyang Pet Rock.
00:27.3
The Pet Rock
00:28.8
Stones are cleaner, quieter, easier to care for than other pets.
00:32.9
Kakaiba diba? Sa halagang 28 pesos lamang ay meron ka ng alagang bato.
00:39.0
Perfect pet daw ito dahil hindi mo na kailangang pagkainin, paliguan, ipasyal,
00:44.6
at hindi ka pa mag-aalala dito kung ikaw ay magbabakasyon.
00:48.6
Ang bato ay inilalagay sa isang box na may putas para makahinga.
00:53.0
At meron ding straw nest na nagsisilbing ugad nito.
00:56.3
Pumatok ito noong 1975.
00:58.8
At mahigit limang milyong bato ang naibenta ni Gary.
01:02.9
Nasa 143 milyon pesos ang kanyang kinita.
01:07.3
At alam mo ba, hanggang ngayon ay makakabili ka pa rin ng Pet Rock.
01:11.6
Pero bakit kaya naisipan ni Gary ang ganitong ideya?
01:15.5
At bakit nga ba pinagkaguluhan at marami ang bumili ng Pet Rock?
01:20.0
Ganong bato lang naman ito at makikita lang sa ating paligid.
01:26.8
Sa bayan ng Los Gatos,
01:28.7
sa California, nakatira si Gary Dahl,
01:31.3
isang advertising executive at copywriter.
01:34.6
Bago ang million-dollar ideya niya noong 1975,
01:38.2
ay kumikita na si Gary ng $25,000 per year
01:42.2
o humingit kumulang P181,000 noong mga panahon iyon.
01:46.9
Mas malaki kumpara sa average income noong 1970s.
01:50.9
Pero kulang pa rin ang kinikita ni Gary para maabot ang kanyang mga pangarap.
01:55.5
Pero dahil sa isang ideya,
01:57.4
ay nakamit niya itong lahat.
01:59.5
Nag-iinuma noon si Gary at mga kaibigan sa isang bar
02:03.1
nang mabuo ang ideya ng Pet Rock.
02:06.1
Nagre-reklamo kasi ang mga kaibigan niya sa mahal at hirap na dala
02:10.2
ng pagiging isang pet owner.
02:12.6
Kaya naman nag-joke si Gary na siguro ang pinaka-perpektong alaga ay isang bato
02:18.0
dahil hindi na ito kailangang pakainin, itrain o gastusan.
02:22.4
Isang joke na hindi mawala sa isipan ni Gary.
02:25.2
What if magbenta nga siya?
02:27.2
Magbenta nga siya ng bato bilang alaga.
02:29.2
May bibili kaya nito?
02:33.2
$200,000 o 1.4 million pesos.
02:37.2
Yan lang naman ang naging utang ni Gary para lang masimulan ang pet rock business niya.
02:43.2
Nakakuha din siya ng dalawang investors na nagtiwala sa ideya niya.
02:47.2
Umorder si Gary ng mga bato na oval-shaped at galing pa ito sa mga beaches ng Mexico.
02:53.2
Binili niya ang mga ito sa halagang one penny bawat isa.
02:57.2
Sa ating pera, nasa 0.07 centavos lamang ito.
03:01.2
Trinato ni Gary ang pet rock na parang tunay na alaga.
03:05.2
Inaadvertise niya rin ang mga ito bilang low-maintenance best friend ng tao.
03:10.2
Ang bibili ay makakakuha ng package na isang box na may butas at straw nest na magsisilbing pugad ng bato.
03:18.2
May kasama na din itong manual para sa tamang pag-aalaga at pag-train nito.
03:22.2
Ang package ay nakakahalaga ng $3.95 box.
03:27.2
Ang mga ito ay magkakaibang backstory ang mga bato.
03:34.2
Ayon sa istorya, ang mga bato ay na-train daw ng pet handler na si Pedro sa Mexico.
03:39.2
Binili na ni Gary ang mga buyers na huwag mo na ilalabas agad ang bato mula sa box para magkaroon ito ng time na makapagpahinga.
03:47.2
Nagbigay din siya ng tips kung paano pasunurin at turuan ng tricks ang mga ito.
03:52.2
Dahil sa galing ng gimmick na naisip ni Gary, ay milyon-milyon ang bato.
03:56.2
Ayon sa Business Insider, kumita siya rito ng $15 million in 6 months.
04:03.2
Ngunit sa kabuuan, umabot daw sa mahigit limang milyong bato ang kanyang naibenta, ayon sa BBC.
04:10.2
So kung susumahin natin, 5 million rocks times unit price na $3.95, ang sales revenue niya ay aabot sa $19.7 million, o nasa 143 million peso sa ating pera sa package.
04:24.2
Ayon kay Gary, pumatok ang pet rock dahil na rin sa dami ng masasamang balita o nangyari noong panahong iyon, tulad ng Vietnam War at Watergate na isang political scandal.
04:41.2
Malungkot at balisa ang mga tao, kaya kinailangan daw nila ng something positive at tamang tama ang pagpasok ng pet rock para pasayahin ang tao.
04:51.2
Ituwa kasi ang mga tao sa joke o humor na hatid ng pet rock. Nais nilang maging in or makasali sa kung ano ang pinagkakaguluhan ng lahat, kaya naman dinumog ang pet rock ni Gary.
05:04.2
August 1975 nung unang inilabas ni Gary ang pet rock sa publiko at mas lalo itong pumatok pagdating ng Pasko dahil marami ang bumili nito para pangrigalo.
05:15.2
Na-feature din ang pet rock sa maraming TV shows tulad ng The Tonight Show.
05:20.2
Itulong ito na dumami pa ang bumili. Pero sa kasamaang palad, pagdating ng February 1976 ay kumonti na ang bumibili ng pet rock ni Gary.
05:30.2
Dumami rin ang mga nanggaya sa produkto nila kaya sa huli ay tinigil na nila ito.
05:35.2
Ang kumpanyang Rosebud Entertainment ang nagmamayari na ngayon ng pet rock trademark.
05:40.2
Maaari pa rin naman itong mabili online. Ayon sa kanilang website, nagkakahalaga na ito ng $29.99 at mabibili sa Amazon.
05:49.2
Sinubukan ni Gary na magbenta ng mga similar na produkto pero wala nang naging kasing successful ng pet rock.
05:57.2
Nakapagsulat pa siya ng libro na pinamagatang Advertising for Dummies. Dahil sa pet rock ay nakapagtayo ng sariling pub si Gary na siyang pangarap niya.
06:07.2
Nakabili din siya ng sasakyang Mercedes at ng magarang bahay. Pero kung may saya ay may problema din na dulot ang pet rock.
06:15.2
Kinasuhan ang original investor si Gary dahil tingin nila ay masyadong mahal.
06:18.2
Masyadong maliit ang nakuha nilang return kung ikukumpara sa naging success ng pet rock.
06:24.2
Kaya nakapagbayad si Gary sa mga investors ng 6 digits.
06:28.2
Habang inaalala ni Gary ang nagawa ng pet rock sa buhay niya, ay magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman.
06:35.2
Masaya siya dahil nabago nito ang kanyang buhay. Pero napaisip rin siya na kung hindi niya ginawa ito ay simple lang sana ang kanyang naging buhay.
06:44.2
Ayon pa sa kanya, mas magiging masaya daw siya kung kailangan siya.
06:46.2
Masaya siya dahil nabago nito ang kanyang buhay. Pero napaisip rin siya na kung hindi niya ginawa ito ay simple lang sana ang kanyang naging buhay.
06:47.2
Masaya siya dahil nito ang kanyang hindi niya ginawa ito ay simple lang sana ang kanyang naging buhay.
06:48.2
Masaya siya dahil nito ang kanyang naging buhay.
06:50.2
Masaya siya dahil nito ang kanyang naging buhay.
06:52.2
Masaya siya dahil nito ang kanyang naging buhay.
06:54.2
Pumanaw si Gary noong 2015 sa edad na 78.
06:56.2
Ikaw ka Awesome bumilib ka ba sa gimmick ni Gary? Pakicomment ng YES or NO!
07:01.2
This is your Ate O, From Our Republic. Hanggang sa muli and stay Awesome!