Close
 


Paano Kung Mawalan Ng Internet Ng Isang Taon
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #internetapocalypse #whatif #technology
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Anong mangyayari kung mawawala ang internet ng isang taon?
00:04.6
May assignment kang kailangang isubmit bago mag 12 midnight at 11.58 na.
00:09.9
Kakatapos mo lang kaya binilisan mo na ang pag-send ng assignment mo gamit ang email.
00:15.2
Loading, loading, connection failed.
00:18.7
Ah! Pag minamalas ka nga naman o, sa dami ng oras na mawawala ang internet, ngayon pa talaga.
00:25.6
Inayos mo ang router pero wala pa rin.
00:29.0
Namomroblema ka na kung paano mo isasubmit ang assignment mo.
00:32.4
Pero ang hindi mo alam, may mas malaki pa palang problema na parating.
00:37.2
Ano nga ba ang mangyayari kung bigla na lang mawawala ang internet ng isang taon?
00:42.9
Sa unang mga oras ng pagkawala ng internet, wala pang panic na magaganap.
00:48.0
Mag-aakala ang ilan na may issue sa internet provider at inaayos ito kaya nakaturn off lang ang internet nila.
00:54.6
Siyempre.
00:55.6
Parte na dyan ang pag-restart mo ng router o ang paglinis nito sa pag-aakala na baka naapektuhan ng alikabukang akses mo.
01:04.0
Di nagtagal, magtatanong ka na sa kapitbahay mong may ibang internet provider at malalaman mo na pati sila ay wala rin internet.
01:12.7
Medyo nababahala ka na pero hindi mo pa alam kung ano talaga ang nangyayari.
01:17.4
Maya-maya pa ay maingay na sa labas.
01:20.4
Nakatira ka malapit sa highway at nakikita mong sobrang lala ng traffic.
01:25.6
At ang ingay ng mga sasakyan.
01:28.4
Lingid sa kaalaman ng marami, may ilang traffic lights at road tolls na nakadepende sa internet upang gumana.
01:34.8
Kaya isipin mo na lang kung nasa syudad ka, rush hour at papunta ka sa trabaho mo.
01:40.0
Tapos bigla na lang nawala ang internet at hindi na gumagana ang traffic lights.
01:44.5
Mas magiging malalapa ang traffic at posibleng pangang mayroong mga disigrasya.
01:49.5
Pero hindi lang yan ang maaapektuhan ng pagkawala ng internet pagdating sa travel.
01:54.2
Nakadepende rin sa internet.
01:55.6
At ang GPS systems na ginagamit natin para makakuha ng directions papunta sa destination natin.
02:01.9
Ngayong hindi na gumagana ang traffic lights, nalilito na ang mga sasakyan kung ano ang dapat nilang gawin.
02:07.9
May isang nagmamadali at pinilit magpaandar pero may nabangga siyang sasakyan.
02:13.2
Kailangan pa nila maghintay ng mga traffic officers para maging maayos ang flow ng traffic.
02:18.2
Siyempre, hindi lang land-based transportation ang maaapektuhan pag nawala ang internet.
02:23.4
Nakadepende ang mga airlines sa internet.
02:25.6
Pagdating sa mga booking ng flights at communication sa mga pasahero.
02:29.8
Kaya naman, kung walang internet, maraming flights ang madedelay at hindi na magiging convenient ang book ng flights na sana ay nagagawa mo lang sa cellphone mo.
02:39.3
Hindi mo agad na konekta sa internet ang mga nangyari, kaya hindi mo na lang ito inisip.
02:44.6
Mupo ka na lang sa harap ng TV dahil medyo bored ka na din.
02:48.5
Ang tagal nang walang internet.
02:49.9
Pero noong naghahanap ng magandang channel, may napansin kang ilang channels na may nakasulat na,
02:55.6
no connection.
02:57.0
Habang tumatagal na hindi pa rin bumabalik ito at nari-realize mo na ang nangyayari.
03:03.0
Nababahala ka na.
03:04.6
Maliban sa takot, hindi mo na rin makayanan ang bagot sa bahay.
03:09.1
Ayon sa datos, ang average person ay gumagamit ng internet halos 7 hours sa isang buong araw.
03:15.2
Isipin mo na lang kung mas tatagal pa ito.
03:17.6
Pero hindi lang yan ang problema.
03:19.6
Pagkatapos ng isang linggo, hindi na masyado magtatagal ang mga kasama mo sa bahay sa pagligo.
03:24.5
Dahil sa kakaselfone sa CR, magiging hobby mo na din ang magbasa ng mga labels ng shampoo sa tuwing dudumi ka.
03:32.2
Pag lumabas ka, mapapansin mo na din na unti-unti nang nagpapanik ang mga tao.
03:37.1
Pero hindi lang ito dahil sa pagkawala ng social media o ano pa, kundi dahil naapektuhan na ang ibang parte ng buhay.
03:44.5
Isa sa pinakamapapansin mo ang napakahabang pila sa mga bangko.
03:49.4
Bakit nga ba?
03:50.2
Kung walang internet, hindi mo pwedeng gamitin ng debit card upang mag-withdraw.
03:54.5
At siyempre, hindi mo na rin pwedeng gamitin ang iyong credit card sa pagbili ng kahit anuman.
04:00.3
Hindi na rin gagana ang mga GCash, Paymaya at iba pang e-money apps dahil kailangan nito ng internet upang gumana.
04:07.9
Kung may Bitcoin ka man, magpaalam ka na dito dahil hindi mo na rin ito magagamit.
04:13.1
Sa madaling salita, cash o cheque na lang ang pwede mong gamitin pambili.
04:17.8
Ito ang rason kung bakit marami ang pipila sa bangko upang mag-withdraw over the counter.
04:22.8
At dahil walang internet,
04:24.8
hindi nila agad makikita kung magkano ang laman ng bank account mo at kailangan pang dumaan sa isang masusing proseso.
04:32.2
Ang nakakatakot pa doon, may sapat na pera kaya ang bangko upang maka-withdraw ang lahat.
04:38.2
Kung mayroon man, may problema pa rin pagdating sa mga bilihin.
04:41.8
Malaki ang ginagampan ng papel ng internet sa pag-ship ng mga bilihing makikita mo sa grocery stores.
04:47.5
Ginagamit nila ang internet upang makoordinate ng maayos ang pag-ship ng mga products.
04:51.7
At ngayong wala ng internet,
04:53.3
apektado ang bilis ng shipping.
04:55.9
Kaya naman,
04:56.7
pusibleng magkaroon ng shortage sa mga pamilihan,
05:00.1
lalo na sa malalayong lugar
05:02.1
dahil sa mga delay ng shipping.
05:04.3
Sa mga panahong ding ito,
05:05.9
nasa matinding panic na ang mga on-line content creators
05:09.3
na nakadepende sa internet.
05:11.0
Dahil hindi pa rin ito bumabalik,
05:12.9
Wala ng pagkakakitaan ang mga maliliit na content creators
05:16.2
dahil hindi na sila makakapag-upload ng content.
05:19.1
Ang mga malalaking content creators naman na tulad ni Mr. Beast
05:22.3
ay nagsisimula
05:22.9
Mula ng magsisante ng mga empleyado dahil nagkakaroon na sila ng losses sa pagkawala ng internet.
05:28.5
At hindi lang ito ang sitwasyon para sa YouTube content creators.
05:32.3
Kabilang na dito ang content creators sa Facebook, mga streamers sa Twitch, mga podcast hosts sa Spotify, mga brand ambassadors sa Instagram, at iba pang kumikita sa online platforms.
05:44.4
Pagkatapos ng isang buwan, mas lalala pa ang ekonomiya ng bansa.
05:48.0
Maraming financial markets ang maaapektuhan ng pagkawala ng internet tulad ng stock markets at bond markets.
05:55.5
Dadagdag din dito ang dami ng mga tao na mawawala ng trabaho dahil nakadepende ang kanilang trabaho sa internet.
06:01.8
At hindi lang ang mga content creators ang tinutukoy ko, kundi marami pang iba.
06:06.4
Ayon sa datos, nasa 1.3 million Filipinos ang working from home na nakadepende ang trabaho sa internet.
06:12.7
Kung mawawala ang internet, mawawalan rin sila ng trabaho at mahihirap ang humanapasyon.
06:18.0
At nang bago, lalo na at ito ang field na nakasanayan nila.
06:22.4
Sa mga panahon ito, magsisimula na rin magsisante ng mga empleyado ang malalaking companies na nakadepende sa internet para sa kanilang negosyo.
06:30.9
Ilan sa mga ito ay ang Google, Facebook at Amazon.
06:34.6
Ilang buwan pa ang lilipas at mag-iiba na ang mundong ginagalawan natin.
06:38.5
At tila umatras tayo ng ilang taon, imbes na sa messenger ang communication at video call, babalik na ang pag-text at pagtawag gamit ang landline.
06:48.6
Dahil wala ng streaming services, nakahiligan ulit ng mga tao ang mga teleseryeng na papanood sa mga TV channels na hindi kailangan ng internet.
06:56.9
Babalik muli ang newspaper dahil hindi mo na nababasa online ang mga importanteng balita sa bansa.
07:02.6
Dadami ang kita ng mga bookstores dahil wala ng e-books na pwedeng basahin sa mobile device.
07:07.9
Siyempre, babalik din ang radio para sa mga taong mahilig makinig sa podcasts. Pwede nila itong gamiting kapalit.
07:15.5
Sa kalsada naman, dadami ang mga traffic indicators.
07:18.0
Sa kalsada naman, dadami ang mga traffic indicators.
07:18.6
Dahil hindi na nakadepende sa traffic lights sa mga sasakyan, makikita mo rin na mas maraming tao sa labas dahil wala na mga GrabFood o ano pang apps na pwedeng magdeliver sa iyo ng pagkain.
07:30.1
Kaya naman, ang mga tao na ang mismong lalabas upang bumili.
07:34.5
Mapipilitan na rin ang mga tao na makipag-usap ng personal sa mga kaibigan nila dahil hindi na pwede ang video calls o Skype.
07:41.4
Oo, may mga negative effects na mararamdaman ng mga tao kapag nawala ang internet ng isang buong taon.
07:48.0
Lalo na at nakadepende na tayo sa internet sa maraming aspeto ng ating buhay.
07:52.9
Gayunpaman, kung mawala man nito ng isang taon, matututo rin tayong mamuhay ng walang internet dahil nagawa na natin ito noon.
08:00.9
Lalo na at naimbento lamang ang internet noong January 1, 1983.
08:05.3
Sa katunayan, may ilang mga bansa na nag-iisip na gumawa ng off-switch para sa internet upang maagapan ng sobrang paggamit ng mga tao nito.
08:13.9
Maliban doon, maraming parte din sa mundo ang hindi maaapektuhan.
08:18.0
Kung mawawalan man ng internet.
08:20.3
Siyempre, hindi naman lahat ng tao ay may akses sa internet.
08:23.4
Sa katunayan, mahigit sa 30% ng mga tao sa mundo ang hindi makakaalam na wala na palang internet.
08:29.8
Ayon sa UN.org, nasa 2.9 billion na tao mula sa 8.1 billion na ating current global population ang walang akses sa internet.
08:39.0
Ibig sabihin, isa sa bawat tatlong tao ay walang akses sa internet.
08:42.8
Kaya naman, habang nag-a-adjust ng iba sa pagkawala ng internet ng isang taon,
08:47.3
ang mga taong ito ay magpapatuloy lang sa kanilang nakasanayang pamumuhay.
08:52.4
Pero ang tanong, posible nga bang mangyari ito?
08:55.6
Ang simpleng sagot ay, oo, pero malabo.
08:59.3
Ang internet ay binubuo ng global networks at napakarami computers.
09:03.6
Hindi ito nakaprogram sa iisang supercomputer lamang at marami itong mga parts.
09:08.5
Sa madaling salita, kahit maging offline ang ilang mga parte nito,
09:12.2
hindi pa rin mawawala ang buong internet na maa-aakses ng ibang tao.
09:15.2
Kaya naman, huwag ka na magalala dyan kung natakot ka sa possibilities kapag mawawala ang internet.
09:21.5
Dahil halos imposible itong mangyari.
09:24.2
Makakapag-social media at makakapanood ka pa rin ang aming mga videos.
09:28.5
Kaya ang tanong ngayon, kaya mo bang mabuhay na walang internet sa loob ng isang taon?