Close
 


NANONOOD NG BASKETBALL, BINALIBAG ANG PLAYERS?!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
⚠️PARA SA INYONG MGA SUMBONG AT REKLAMO ⚠️ Maaari po kayong magtungo sa ACTION CENTER ng RAFFY TULFO IN ACTION sa TV5 Media Center, Reliance Cor. Sheridan St., Mandaluyong mula 9:00AM-3:00PM, tuwing Lunes hanggang Biyernes. Mangyari lamang po na magdala ng vaccination card at huwag nang magsama ng bata. Kung kayo naman ay senior citizen o may karamdaman, magpadala na lamang po kayo ng inyong representative sa aming tanggapan. Gaya po ng aming paalala, LIBRE at WALA PONG BAYAD ang serbisyong aming ibinibigay kaya 'wag na 'wag po kayong magpapaloko sa mga scammers na mangangako na pauunahin kayo sa pila at maniningil ng bayad. #RTIA #TULFO #IDOLRAFFY #SENATORRAFFY #WANTEDSARADYO #SUMBONGATAKSYON #RAFFYTULFO #RAFFY #TULFO #RAFFYTULFOINACTION #WSR #TULFOLIVE
Raffy Tulfo in Action
  Mute  
Run time: 18:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Maari nyo po bang ikwento sa amin? Ano po yung nangyari? Bakit may nangyaring pambubugbog?
00:06.1
Bali ang nangyari po, mga alas dos ng hapon, nagpaalam po itong dalawa sa akin na maglalaro ng basketball.
00:12.1
Siguro mga 3.30 ng hapon, tumawag sa akin yung isang anak ko.
00:16.0
Ang sabi niya sa akin, nasan ka? Puntahan mo kami dito sa court, may gustong manakit sa amin.
00:21.9
Sabi ko, umuwi na kayo. Siguro after 3 minutes po, tumawag siya ulit, binubugbog si kuya.
00:27.2
So ako po, kasi susunduin ko yung isang anak ko, dali-dali ako bumalik sa lugar namin.
00:32.5
Pagdating ko, tapos na ho eh. Pagkatapos nakita ko yung panganay ko ay dugo ang ilong, dugo ang bibig, namamaga yung alahati ng mukha niya.
00:39.8
Black eye talaga, ano palang black eye na kagad. Alam mo na eh, kakatama palang pero alam mong nangingitim na eh.
00:45.2
Tapos ho, ang una kong ginawa, sabi ko, umuwi na kayo.
Show More Subtitles »