Close
 


10 Bawal Gawin Bago Mag-Shower. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
10 Bawal Gawin Bago Mag-Shower. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) #HealthWarning #BawalGawin #LigoTips Panoorin ang Video: https://youtu.be/SOUQEfwDu2w
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 19:20
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Topic po natin, sampung bawal gawin bago mag-shower o bago maligo o mga bagay na hindi mo dapat ginagawa bago ka maligo.
00:12.7
Pero bago natin pag-usapan yan, I think pag-usapan muna natin yung mga maling akala.
00:19.6
Marami sa kababayan natin may maling akala sa paliligo, lalo na sa paliligo sa gabi.
00:26.6
Okay ba maligo sa umaga, maligo sa gabi?
00:31.0
Alam ko sa atin, marami tayong paniniwala na masama daw maligo sa gabi dahil nakaka-arthritis daw,
00:40.7
baka daw magkaroon ng wet lungs, mababasa yung baga, baka daw magkasipon, magkapulmonya.
00:50.1
Base po sa pag-aaral namin, wala pong connection yung paliligo sa gabi.
00:55.1
Tsaka maraming bansa, sa Japan, sa ibang bansa, lagi naman naliligo sa gabi.
01:00.3
Ako lagi ako sa gabi naliligo.
01:02.7
Maraming benefits kasi yung paliligo sa gabi.
01:06.4
Pag sa gabi, syempre masarapan tulog mo, mas malinis ka, pati unan mo, kama mo mas malinis, mas hindi ka magkaka-infection at mga pimples.
01:17.8
Yung sinasabi nila pag naligo daw sa gabi magkaka-arthritis, iba po yun.
01:23.7
Pag sinabing rheumatoid arthritis, autoimmune disease ito, kadalasan sa babae, at namamagay yung joints.
01:33.8
Wala namang connection yung paliligo sa gabi o sa umaga.
01:38.2
Dinidikit lang nila yung arthritis naligo sa tingin ko dahil naliligo siguro sila ng malamig.
01:44.8
Baka ang tubig nila sobrang lamig, giniginaw sila, sumasakit yung joints nila.
01:49.5
Kaya sinasabi nila baka nagkaka-arthritis.
01:52.8
Pero wala pong connection.
01:54.5
Isa pang maling paniniwala, ang paliligo daw sa gabi, nagkakaroon ng wet lungs.
02:00.9
Ano itong wet lungs? Pulmonya.
02:03.7
E ang pulmonya po, virus to, o bacteria to, bacterial infection.
02:08.5
Kaya nagkaka-pulmonya, may ubo, may plema, nahirapan huminga, may lagnat.
02:15.2
So walang connection din sa paliligo sa gabi.
02:19.0
Baka yung connection dito, sinasabi nila baka nalamigan ka.
02:23.7
Diba palagi natin, umulan, nabasa ka ng ulan, malamig, pag uwi, inubo, natrangkaso.
02:32.0
Baka doon nila kinokonek.
02:33.5
Actually, pag nabasa tayo ng ulan, lalo na nalamigan, pwedeng humina ang immune system pag nalamigan tayo.
02:43.5
Kasi gusto ng katawan natin, maganda yung temperature.
02:46.4
37 degrees tayo.
02:47.9
So pag nalamigan ka, bumaba yung temperature, minsan humihina ang immune system.
02:54.2
So pag nalamigan, pag humina ang immune system, pwedeng magkasipon, pwedeng magkatrangkaso.
03:00.9
Dahil humina ang immune system mo.
03:03.0
Hindi dahil sa paliligo sa gabi.
03:06.9
Kaya sabi ko nga, pag nabasa ka sa ulan, ituloy mo na sa ligo, pwede mo ituloy sa ligo.
03:12.7
Pero maligam-gam na tubig o mainit-init na tubig, mas gusto natin.
03:18.0
So kung takot kayo dyan sa mga arthritis, wet lungs, sipon,
03:22.0
e maligo ng maligam-gam na tubig.
03:24.7
Tsaka pwede rin naman sa gabi, maraming benefits sa gabi.
03:29.3
Okay? Walang katotohanan yan.
03:31.2
Ibang sinasabi, bawal maligo pag may regla.
03:35.1
Actually, wala rin koneksyon eh.
03:37.2
Siguro yung lumang-lumang panahon, baka siguro sa dagat sila naliligo, may regla,
03:45.2
e baka may pumasok na infeksyon.
03:46.9
Pero ngayon, malinis na ang tubig natin.
03:49.0
Kaya kahit may regla, pwede naman maligo.
03:52.0
Basta malinis yung tubig.
03:54.4
Ngayon po, ang topic natin, ano itong mga sampung bawal gawin bago mag-shower o bago maligo?
04:02.1
Okay?
04:02.8
Ito, baka ginagawa nyo ito.
04:04.6
Number one, bawal kumain ng marami.
04:09.5
Yung bagong kain mo pala, kumain ka ng sambandihadong kanin, busog na busog ka,
04:15.1
tapos maliligo ka.
04:17.1
Diba? Magugulo yung katawan natin.
04:19.1
Kasi focus yung katawan natin sa digestion.
04:22.6
Tinutunaw pa niya yung kinain mong marami, sasabayan mo ng ligo,
04:27.4
baka hindi maganda digestion mo.
04:30.1
Baka hindi ka matunawan.
04:32.5
Okay?
04:33.0
Baka mahirapan yung katawan mo, busog na busog.
04:35.5
So, hindi alam ng katawan mo, maliligo ba siya o tutunawan yung pagkain.
04:40.6
Kung kumain ka ng medyo spicy foods,
04:43.4
very spicy, pinapawisan ka,
04:46.7
tapos maliligo ka,
04:48.2
e baka hindi rin maganda.
04:50.8
Number two,
04:52.0
mag-iwasan bago maliligo or mag-shower,
04:54.7
pag-inom ng alak.
04:56.7
Alak, lasing.
04:58.7
Diba? Yung iba ganyan.
05:00.0
Kung kailan lasing, tsaka maliligo.
05:02.8
Ang problema dito, siyempre, lasing ka, pwede ka ma-aksidente.
05:07.3
Pwede ka matumba sa banyo.
05:09.7
Ang alkohol, nakaka-dehydrate ka.
05:13.2
Alam nyo naman, pag uminom ka ng alak, ihi ka ng ihi, dehydrated ka.
05:17.5
Tapos maliligo ka ng mainit,
05:20.3
o madi-dehydrate ka na naman.
05:22.8
Kulong ka pa sa banyo, walang hangin, madi-dehydrate ka.
05:26.3
So pwede ka ma-dehydrate.
05:28.3
Kaya nga dapat, pag inom ng alak,
05:30.3
bawat beer na inumin mo o red wine,
05:34.3
dapat isang basong tubig ang kasabay para hindi ma-dehydrate.
05:38.3
So iwas ang alak bago maligo.
05:41.3
Number three, sobrang exercise.
05:44.3
Yung pagod na pagod, pawis na pawis.
05:47.3
Alam ko, yung mga atleta, kaya yan.
05:49.3
Yung mga atleta, kaya yan.
05:50.3
Atlete, after exercise, ligo.
05:53.3
Pwede yun, bata pa sila.
05:56.3
Yung iba, yung mga atleta, naliligo ng malamig.
05:59.3
Maganda yan, para daw pumayat.
06:01.3
Pampagising, malamig.
06:03.3
Pag bata ka pa, siguro po pwede.
06:06.3
Pero sa mga senior citizens, sa mga may edad,
06:09.3
kahit edad 45-50, hindi ko na pinapayo yung malamig na malamig na tubig.
06:16.3
Dapat siguro maligam-gam na tubig.
06:19.3
Medyo malapit sa temperature natin.
06:21.3
Mas hindi hirap ang katawan.
06:23.3
Tapos pag sobrang pagod sa exercise,
06:26.3
pawis na pawis, pagod na pagod,
06:28.3
sa akin, pahinga muna kayo.
06:30.3
Wala namang masama.
06:31.3
After exercise, kailangan may cool down.
06:34.3
Kaya nga may warm up bago mag-exercise.
06:37.3
Tapos ng exercise, cool down muna.
06:40.3
Mga 15-30 minutes, pahinga muna.
06:43.3
Relax muna. Pababain muna yung heart rate.
06:46.3
Yung pawis. Relax muna.
06:48.3
Bago ka mag-shower.
06:51.3
Number 4. Bawal na bawal gawin.
06:54.3
Bago maligo, bawal magdala ng electronic equipment.
06:59.3
Meron ako mga kakilala. Nangyari yan.
07:02.3
Bawal magdala ng mga gadgets.
07:05.3
Dati may mga radyo pa.
07:07.3
Naka-plug sa kuryente. Pwedeng makuryente.
07:11.3
Mga cellphone. Naka-plug pa. Pwede kang makuryente.
07:15.3
Cellphone. Pwede mahulog sa tubig.
07:17.3
Delikado. Madi-distract.
07:20.3
Diba?
07:21.3
Yung iba, nakita ko yung mga lumang heater.
07:24.3
May pasyente ako dati. Yung lumang heater na nakasaksak pa.
07:28.3
Nahulog yung ano eh.
07:30.3
I think yung shower o nahulog, nakuryente siya.
07:34.3
Nakuryente siya. Pag kuryente niya, bumagsak siya sa ano.
07:38.3
Kaya yung mga ibang lumang heater na desaksak, medyo delikado.
07:42.3
Kasi nga, electrical equipment, pati tubig, baka makuryente siya.
07:47.3
Kasi biglang madiskrasya tayo.
07:50.3
Number 5. Bawal gawin. Bawal hindi tanggalin yung makeup.
07:54.3
Kaya kung maraming kayong makeup, maraming kayong pinahid,
07:57.3
bago maligo, tinatanggal muna yung makeup.
08:00.3
Otherwise, hindi mo malilinis ang muka mo.
08:03.3
Number 6. Tulad ng makeup, yung mga maraming lotion, maraming oil, tinatanggal din muna.
08:11.3
Mga bagong massage, maraming oil, hindi rin pwede agad-agad.
08:17.3
Actually, pag bagong massage, hintay mo na mga 4 hours.
08:21.3
Ilang oras muna bago maligo.
08:24.3
Number 7. Huwag din magmamadali bago maligo. Yan ang problema.
08:31.3
Maraming pagising sa umaga, gusto maligo, rush ng rush, nagmamadali.
08:38.3
Merong mga nai-stroke dyan. Marami ako nakikilala nai-stroke. Bakit?
08:45.3
Sa umaga, very stressed ka, maraming ka iniisip.
08:49.3
Tapos maliligo ka, usually tumataas ang blood pressure.
08:53.3
Tapos pagpunta mo sa banyo, kulob na kulob yung banyo, mainit.
08:58.3
Tapos magbubuhos ka pa ng tubig, tumataas.
09:02.3
Tingnan mo, pagpagod na pagod, nag-rush, i-check mo blood pressure mo, tapos maligo.
09:08.3
Usually, high blood sila. Naka-high blood sila.
09:11.3
Merong nai-stroke sa banyo kasi nga,
09:14.3
kulang sa oxygen, walang hangin, mainit ang shower, napagod pa.
09:21.3
Mga bata, hindi nyo ito nararamdaman.
09:23.3
Pero pagdatingin ng edad 50-60 lang pas, makikita nyo,
09:27.3
pagkaligo nyo, parang hingal.
09:30.3
Kaya mag-comment. Totoo, mas hingal kasi nga,
09:33.3
mas matanda, mas mahina ang baga, mas mahina ang puso, mas mahina ang muscle, mas hingal.
09:39.3
Kaya sabi ko nga, maganda may silya. May silyang plastic ako.
09:43.3
Lagi sa banyo para medyo relax pa.
09:46.3
Habang nagpupunas ng paa, huwag na masyadong yuyuko.
09:50.3
Yung mga senior, di ba?
09:52.3
Paglilinis na pa, yuyuko. Baka ma-vertigo kayo, bumagsak kayo. Delikado po.
09:58.3
Tapos may sabon pa sa mata.
10:00.3
Nahulog yung sabon, di ba? Matutumba ka doon.
10:04.3
Number nine, dapat pinaka-maingat sa mga accidents.
10:10.3
Okay? Number nine, iwas sa accidents.
10:12.3
Sa banyo, tulad na sinabi ko, pwede may silya.
10:16.3
CR namin, may mga handlebars. Very important yung handlebars. Hindi pwede wala.
10:22.3
Pag ganun, wala ka mahawakan.
10:24.3
Tapos, yung tapakan talaga, ilang beses, kahit ako, muntik-muntikan eh.
10:30.3
Minsan, hindi pantay yung sahig, di ba? Yung tiles.
10:34.3
So, pag basang-basa, pwede ka matapilok.
10:37.3
So, either may hawakan ka,
10:40.3
o maglagay ka ng rubber.
10:44.3
Kaya lang yung rubber, dumudumi naman. Patong mo sa tile.
10:47.3
Minsan, yung baro ko na lang ang nilalagay ko basa para meron akong matapakan.
10:51.3
May kapit lang yung paa mo na huwag kang matumba sa CR.
10:55.3
Kasi, number one, cause of accidents at pagkamatay sa banyo nangyayari.
11:01.3
Kung meron kang mga jewelry, accessory, kailangan tatanggalin muna bago maligo.
11:08.3
Kasi, baka maghalo sa chemical.
11:11.3
Number ten, ingat din. Baka meron kang iniinom na gamot.
11:15.3
Baka may gamot kang mga antihistamine, pampaantok, o gamot sa mental health.
11:21.3
Antidepressant, para sa nervyus. Baka hilo-hilo ka pa.
11:25.3
Mabawasan yung alertness mo.
11:28.3
So, ingat din sa mga ganitong gamot.
11:31.3
Saan ba nakatulong itong mga tips bago mag-shower? Ano naman ang dapat gawin?
11:36.3
Ito yung mga don'ts eh. One, two, three.
11:37.3
Walang dapat gawin habang naliligo.
11:42.3
Dito naman tayo sa dapat gawin.
11:44.3
Sa dapat gawin, number one, mas magandang maligam-gam na tubig.
11:49.3
Bata man o matanda, perfect yan.
11:52.3
Yung malamig kasi, meron iba nagtuturo malamig.
11:57.3
Pangbata yun, pampagising yung malamig.
12:00.3
Kung nangangati ka, pwede rin malamig.
12:03.3
Nangangati, may mga eczema, gusto nila cold.
12:06.3
O sa umaga, papasok sa school, pampagising, pampabilis na metabolism.
12:11.3
Yun lang ang malamig. Pero hindi rin sobrang lamig.
12:14.3
Usually, gagawin nga maligam-gam na tubig, tapos sa dulo, yung ending na ng shower mo,
12:20.3
pwede mo lagyan ng konting lamig kung gusto mo bago magtrabaho.
12:25.3
Number two, sa paggamit ng sabon.
12:29.3
Kailangan tama ang sabon sa katawan, tama ang sabon sa muka, tama ang shampoo sa buhok.
12:35.3
Yung iba, nagtitipid. Pagbata pa tayo, yung sabon pang katawag, pinagsashampoo natin. Mali.
12:42.3
Diba? Iba ang pH eh. So, hindi maganda.
12:45.3
Yung sa katawan, depende. Pwede medyo dry na soap, nakaka-dry na soap, medyo pwede.
12:52.3
Pero sa muka, para sa akin, dapat medyo oily.
12:56.3
Kasi pag yung dry na soap, ginamit ko sa muka, lalo ako nagdadry. Maglalabas lahat ng dry.
13:03.3
So, sa muka, mas sensitive dapat yung sabon.
13:07.3
Mas mild, wala masyadong perfume, at hindi masyado matapang yung sa muka.
13:13.3
Very important. Kundi, mabilis tayo tumanda.
13:17.3
Yung sa katawan, pwede naman kung anong sabon ang gusto nyo.
13:20.3
Isa pa, pagdating sa private part, sa masayalang parte ng babae, ng lalaki,
13:27.3
huwag masyado sasabunin. Actually, medyo bawal sabunin. Dapat nilagay ko sa bawal.
13:33.3
Sa mga babae, hindi rin pwede yung matapang na sabon, sinasabun.
13:37.3
Usually, water lang. Tubig lang. O kung gusto mo, very mild lang yung soap.
13:44.3
Malabnaw na malabnaw. Lalo na sa babae at sa lalaki, hindi dapat sinasabun yung pinaka-sensitive.
13:51.3
Pero sa singhit, pwede magsabun. Walang problema.
13:55.3
Pwede sabunin yung mga mababahong parte ng katawan. Ano yung pinaka-mababahong parte ng katawan?
14:01.3
Meron tayong sweat glands. Ang sweat glands natin, dalawang klase.
14:08.3
May sweat glands tayo na hindi maamoy. Hindi mabaho yung dito sa kamay. Walang smell yan. Pawisan ka.
14:16.3
Sa harap, sa likod, medyo walang amoy yung sweat glands. Pero meron tayong naglalabas ng pawis na maamoy.
14:25.3
Special parts ng katawan. Ano ito? Kili-kili.
14:31.3
Singhit. Sa paa. Sa daliri ng paa, maamoy. Actually, pati sa batok. Sa scalp, maamoy din yan.
14:39.3
Yan yung mga maamoy na parts. Yan yung mga maamoy na parts na may sweat glands, yun ang pwede mong sabunin.
14:47.3
At pagkasabon nitong kili-kili, singhit, pati sa paa, dapat tinutuyong-tuyong-tuyo. Yan ang secret.
14:55.3
Misa, magtataka kayo. Nagpunas naman ako maigi. Ba't nagpunas?
15:01.3
Nangangamoy pa rin. Ba't may body odor? Maamoy pa rin. Kasi hindi mo tinuyo ang parts.
15:07.3
Dapat tuyong-tuyo eh. Para hindi tubuan ng mga bakterya. Hindi mangamoy agad.
15:13.3
Isa pa. Dapat kasama sa bawal. Kung meron kang makakapal na kalyo sa siko, sa tuhod, kung anong parts sa'yo na kinakalyo, bawal kuskusin masyado.
15:27.3
Yan ang turo ni Dr. Akati Go.
15:29.3
Dermatologist.
15:30.3
Dermatologist. Yan ang kamalian natin. Maraming kababayan natin ganito ang ginagawa.
15:35.3
Pag playa rin, nangingitim dito kasi lagi tayo nakapatong yan eh.
15:39.3
Pag nangingitim dito, ang gagawin ng iba, lalong kukuskusin para pumuti. Diba? Mali po.
15:46.3
Lalo mo siyang kukuskusin, lalo siyang mai-irritate, lalo siyang kakapal, lalo siyang mangingitim.
15:54.3
So dapat hindi lang ginagalaw. Normal lang na sabon.
15:58.3
Tapos wag mo nga masyado patungan. Lagyan mo lang ng lotion.
16:02.3
Unti-unti lang dapat mawawala yung pangingitim.
16:05.3
So hindi dapat kinukuskus.
16:07.3
So sabi nga ni Dr. Akati Go, bawal ang apat na K.
16:11.3
Bawal kamutin, kalkalin, kut-kutin, at anong pang mga K, bawal.
16:18.3
Okay?
16:19.3
Number five, dapat yung CR natin may hangin, may konting oxygen.
16:26.3
Lalo na kung may sakit sa baga.
16:29.3
Merong sakit sa puso, kailangan may konting hangin.
16:32.3
Wag masyado mainit.
16:34.3
Okay? Sa ibang senior nga, sabi ko, kung kayo-kayo lang sa bahay, wag na ilak.
16:40.3
Mamaya kasi matumba eh, maaksidente.
16:43.3
Tapos tumawag siya, hindi makapasok sa banyo.
16:46.3
Ma-stroke. Marami akong nakita na-stroke sa CR.
16:50.3
Marami akong nakita emergency. Bagsak yung ulo. Tumama sa...
16:55.3
sa sahig, sa dingding na semento, dudugo sa ulo. Emergency eh.
17:01.3
So kung nakalak, mahirap, sisirahin mo pa yung pintukan.
17:05.3
So dapat well-ventilated, wag madapa, tapos gusto ko nga may plastic na silya para stable.
17:12.3
Number six, yun na nga, mga shower cup at mga shower mat.
17:18.3
Number seven, sinabi ko, ah, pag maliligo pala, dapat basang-basa ang katawan.
17:25.3
Bago ka mag-sabon, kailangan basang-basa para bumula.
17:29.3
Sa buhok din, kailangan basang-basa yung buhok bago mag-shampoo.
17:33.3
Pag hindi mo binasa maigin ng tubig ang buhok, ang katawan, eh parang useless yung sabon mo.
17:40.3
Useless yung shampoo mo. Okay?
17:43.3
So basang-basa and afterwards, idadry mo.
17:46.3
Finally, pag-dry ng katawan, ano lang, dampi-dampi lang.
17:51.3
Sa buhok, ang pag-dry, dampi-dampi. Wag gaganunin.
17:54.3
Ang buhok kasi, nalalagas talaga yan.
17:59.3
Mas matanda tayo, mararamdaman nyo yan.
18:03.3
Pag edad 40, 50, pataas 60, ang buhok nyo dati makapal, ngayon manipis na.
18:09.3
Dati makita mo, uy, ang kapal ng buhok ko, ngayon manipis na.
18:12.3
Dati, pag bata ka pa, konti lang malalagas.
18:16.3
Pag tumatanda ka, mas marami na malalagas.
18:19.3
Kasi tumatanda, numinipis yung buhok, humihina.
18:23.3
Plus, pagbasa ang buhok, mas marupok ang buhok.
18:28.3
Mas basa ang buhok, mas mahina siya. Mahabang hina siya.
18:33.3
Kaya wag mo masyadong kuskusin yung anit, lalo na sa mga hairdresser.
18:38.3
Mahuhulog yan, malalagas yan.
18:41.3
So ang ligo, dapat konti-konti lang, gentle lang.
18:44.3
Once a day maximum, wag din twice a day, baka malagas yung buhok.
18:49.3
At pagdating sa shampoo, tamang-tama lang.
18:53.3
Kung konting shampoo, lagyan ng tubig bago sa buhok.
18:57.3
Wag din sobrahan ng shampoo.
19:00.3
Pag sobrang daming shampoo, sobrang tapang, nai-irritate din yung buhok.
19:04.3
Hindi rin maganda. Mas malalagas din.
19:07.3
Sana po may tulong ito sa mga tamang gawain at maling gawain
19:13.3
bago mag-shower, bago maligo. Salamat po.
19:17.3
Share po natin.