Close
 


Bakit Nauubos Na Ang Mga Bubuyog Sa Mundo, At Anong Epekto Nito Sa Atin
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #science #bees #ecosystem
Moobly TV
  Mute  
Run time: 07:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.1
Bakit nauubos na ang mga bubuyog sa mundo?
00:03.8
Anong ginagawa mo tuwing nakakakita ka ng isang bubuyog?
00:07.2
Tumatakbo? Umiiwas?
00:09.0
Paano kung sabihin ko sa iyo na ang mga maliliit na insektong ito
00:11.9
ay isa sa pinakamahalagang spesye sa buong mundo
00:15.1
at kailangan nating mag-ingat dahil unti-unti na silang nauubos?
00:19.5
Maniniwala ka ba?
00:20.7
Pag-usapan natin.
00:22.0
Ang bubuyog ay isang keystone spesye.
00:24.7
Ang ibig sabihin nito ay napaka-importante ng papel nito sa ating buong ecosystem.
00:29.2
Sila ang nagpo-pollinate ng mga halaman na kinakain ng mga herbivores
00:33.7
o mga hayop na kumakain ng halaman.
00:36.5
Kung wala ang mga bubuyog, mawawala rin ang mga halaman na ito
00:40.1
at mauubos din ang mga hayop na nakadepende sa mga halaman.
00:44.0
Hindi lang yan.
00:45.1
Ang mga carnivores na kumakain ng mga herbivores ay mauubos din
00:49.0
dahil wala na silang makain.
00:51.9
Malaki rin ang tulong ng mga bubuyog sa ating mga tao
00:54.6
dahil ito ang nagpo-pollinate ng one-third sa ating kinakain
00:58.4
ng mga gulay.
00:59.2
Ilan sa mga ito ay apples, oranges at iba pa.
01:03.4
Sa katunayan, ayon sa datos,
01:05.7
isa sa bawat tatlong meals na kinakain natin ay posible dahil sa mga bubuyog.
01:10.7
Kung mawawala ang mga ito, magugutom tayo.
01:13.5
At hindi lang yan,
01:14.6
nagpo-pollinate din sila ng mga halaman na ginagamit bilang medisina
01:18.4
at nagpo-produce ng honey.
01:20.6
Ayon sa mga datos,
01:22.1
sa simpleng pag-pollinate ng mga bubuyog sa mga pananim at pag-produce ng honey,
01:25.9
nasa $265 billion,
01:29.2
ang kinikita ng mundo mula dito.
01:31.6
Subalit noong 2006,
01:33.7
bigla na lang naging malagim ang sitwasyon para sa mga maliliit
01:37.3
pero importante ng mga insektong ito.
01:40.4
Nagkaroon ng Colony Collapse Disorder.
01:43.0
Ito ay isang phenomenon kung saan karamihan sa mga bubuyog sa isang colony
01:47.0
ay bigla na lang naglalaho.
01:49.5
Hanggang ngayon,
01:50.5
ay dahan-dahan nang bumababa ang population ng bees kumpara noon.
01:54.5
Ayon sa Planetbee.org,
01:57.1
noong April 2020 hanggang 2020,
01:59.2
2021 lamang ay nawalan ang mga beekeepers sa U.S.
02:02.9
ng 45% ng kanilang inaalagaang bee colonies.
02:06.9
Bakit nga ba nangyayari ito?
02:09.9
Isang malaking dahilan ng pagbagsak ng bee population
02:12.8
ay ang mga parasites na dahan-dahang nagpapahina o pumapatay sa kanila.
02:19.1
Ilan sa mga ito ay ang maliliit na hive beetles na tinatawag na Athena tumida
02:24.1
at ang parasite na nakakaapekto sa bituka ng mga bee,
02:28.0
isang microbeetles.
02:29.2
Ang pinakmalaking kalaban ng mga bubuyog ay ang parasite na tinatawag na Varroa destructor.
02:39.2
Ang Varroa mites na ito ay dumadami lamang sa mga hives na mga bubuyog.
02:43.7
Pumapasok ang mga female mites sa brood cell ng mga bubuyog
02:47.2
at nangingitlog ito sa loob bago pa ito takpa ng wax capping ng ilang bubuyog.
02:52.2
Habang nasa loob, dumadami din ang mga mites at dahan-dahan nilang kinakain ang nasa loob ng seed.
02:58.2
Hindi naman ang mga mites na tinatawag ng mga bubuyog,
02:58.9
hindi namamatay ang bee sa loob pero nagiging mahina lang ito dahil sa mga mites.
03:03.9
Paglabas ng bee sa seed, lalabas din ang mga Varroa mites at kakalat ito sa iba pang seeds sa loob ng 10-day cycle hanggang sa naapektuhan na ang lahat.
03:13.9
Isang malaking epekto ng Varroa mites ay ang dala nilang virus na nakakaapekto sa mga pakpak ng bubuyog.
03:20.9
Tinatawag itong deformed wing virus kung saan nadadamage nito ang pakpak ng mga bubuyog at hindi sila nakakalipad.
03:27.9
Igit sa lahat, kung tuluyan nang humina ang hive, kaya itong i-wipe out ng mga Varroa mites.
03:33.9
Lingid sa kaalaman ng marami, nakakaapekto rin ang climate change sa mga bubuyog.
03:39.9
Dahil sa paiba-ibang klima, nag-iiba din ang schedules ng mga pananim na pinagkukunan ng pagkain ng mga bubuyog.
03:45.9
May mga panahon na pagkatapos mag-hibernate ng bubuyog at kailangan na nilang kumain, ang mga bulaklak na kailangan nila upang makakain ay tapos nang mag-bloom at namatay na.
03:57.9
Ang mga causes na ito ay mga bagay na wala tayong kontrol.
04:01.9
Pero sa totoo, may mga gawain din tayong nakakaapekto sa mga bubuyog.
04:05.9
Siyempre, isa sa pinakamalaking rason ay ang mga pesticides.
04:10.9
Alam naman natin na ang mga pesticides ay ginawa upang pumatay ng mga insekto.
04:14.9
At kasama na ang mga bubuyog.
04:16.9
Kahit sumunod pa tayo sa guidelines ng Environmental Protection Agencies, ang mga pesticides na ginagamit natin ay nakakaapekto pa rin sa mga bubuyog.
04:25.9
Lalo na ang mga neonicotinoids.
04:27.9
Ang neonicotinoids ay isang uri ng nikotin na ginagamit bilang pesticide.
04:32.9
Naimbento ito noong 1990s at napakasama ng epekto nito sa mga bubuyog.
04:38.9
Tinatarget na mga pesticides na ito ang nervous system ng mga insekto.
04:42.9
Ang malalapa, napakasikat na nito sa buong mundo at maraming gumagamit nito para sa kanilang mga pananim.
04:49.9
Sa katunayan, 24% ng global market na ginagamit na insecticides ay neonicotinoids.
04:56.9
Noong 2013 lamang, isang pagsusuri ang nagsabi na 95% ng corn sa US ay ginagamitan ng insecticide na ito.
05:04.9
At hindi lang yan, ginagamit din ang mga neonicotinoids sa ibang mga mahahalagang gulay at prutas na tulad ng apples, oranges, cereal grains, mga iba't ibang klase ng mani at syempre, rice.
05:17.9
Tuwing nagkokolekta ang mga bubuyog ng pollen mula sa mga halaman, nahahawaan sila ng neonicotinoids.
05:24.9
Posible din nila itong makuha mula sa tubig na polluted na ng pesticide na ito.
05:28.9
Nadadala nila ang epekto sa kanilang hive at nahahawa ang iba pang bubuyog na kung minsan ay nauubos pa nga ang isang buong bee colony dahil dito.
05:38.9
Ayon sa mga datos, kapag malaki ang dosage ng neonicotinoid na humawa sa isang bee, agad nitong pinapatay ang insekto.
05:46.9
Pero kahit maliit na dosage lang ay masama pa rin ang epekto. Nakakawala ito ng sense of direction ng mga bubuyog.
05:53.9
Nahihirapan na silang tukuyin kung saan ang kanilang hive at iba pang bagay na dapat alam nila kung saan.
05:59.9
Dahil dito, naliligaw ang mga bubuyog hanggang sa namamatay na lang sila ng mag-isa.
06:05.9
May ilang farming practices rin na nakakaapekto sa kalusugan ng mga bubuyog.
06:09.9
Isa na dito ang monoculture farming kung saan isang uri lamang ng pananim ang pinapatubo sa isang buong lupain.
06:16.9
Dahil dito, hindi nagiging kompleto ang diet ng bubuyog dahil isang uri lang ang kinakain nila.
06:22.9
Kung mahirap siyang intindihin, isipin mo na lang kung anong mangyayari sa iyo kung isang uri lang ng pagkain ang pwede mong kainin sa buong buhay mo.
06:29.9
Isa pang rason ay ang pagdami ng mga syudad sa mundo.
06:32.9
Mas maganda para sa mga bubuyog ang rural areas dahil marami itong mga halaman at mga bulaklak.
06:38.9
Mga bagay na siyang pinagkukunan nila ng pagkain.
06:41.9
Pero ngayon, marami ng mga rural areas ang nagiging syudad na siyang tinatanggalan ng mga puno, halaman at mga bulaklak upang palitan ng mga mataas na buildings.
06:51.9
Bilang resulta, maraming bubuyog sa mga lugar na ito ang nawawala ng pagkain at dahan-dahang namamatay.
06:59.9
Sa huli, anuman ang dahilan ng dahan-dahan na pagkamatay ng mga bubuyog, iisa lang ang tiyak.
07:05.9
Kailangan nating mas maging maingat sa ating mga ginagawa upang masiguro natin ang pananatili ng mga maliliit na insekto na ito na may napakalaking epekto sa ating pamumuhay.
07:16.9
Magtulong-tulong tayo na iligtas ang mga bubuyog.
07:21.9
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan magsubscribe sa Bubli Youtube Channel at pindutin ang notification bell.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.