Close
 


5 Ugali Na Magpapayaman Sayo (Wealthy Mind Pinoy)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ngayon ay pag-uusapan natin ang 5 ugali na magpapayaman sayo. Ang ating pag-uugali ay isang determining factor kung anong uri ng buhay ang makukuha natin. Para itong compass na magtuturo sa isang dereksyon. Kaya kung ayaw mong maghirap at manatiling mahirap, kailangan mong matutunan ang pinagkaiba sa ugali ng mga mahihirap at mayayaman. FAQs; Ano ang ugali na magpapayaman ng isang tao? Ano ang pag-uugali ng mga mayaman na tao? Paano mag-manage ng pera ang mga mayayaman? Paano mag isip ang mga mayayaman? Paano ginagamit ng mga mayayaman ang kanilang oras? Ano ang net worth? Bakit mas mahalagang magfocus sa net worth keysa income? VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO 02:30 1 dapat mabilis kang matuto. 04:30 2 dapat alam mo ang value ng iyong oras. 06:14 3 maging disiplinado ka sa paghawak ng iyong pera. 07:42 4 track your net worth. 09:10 5 magfocus ka sa mga bagay na meron kang kontrol. 11:43 SUMMARY CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 12:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Lahat tayo ay nakakaranas na ng mga matinding pagsubok at mga kabiguan sa ating buhay.
00:06.2
Pero hindi lahat ng tao ay magkapareho ng perspective at pag-uugali sa paglutas ng kanila mga problema.
00:12.8
Yung iba ay umiiwas at naninisi ng ibang tao.
00:16.2
Gusto nila na ibang tao ang magsosolve ng kanilang problema.
00:19.7
O di naman kaya ay nagkukunwari lang sila na wala silang problema dahil hindi sila komportable na harapin ito.
00:26.4
At ito ang common na pag-uugali ng mga mahihirap na tao.
00:29.4
Yung hindi marunong umako ng responsibilidad at unwilling na magbago.
00:34.3
Kapag sinabi kong mahirap, ang tinutukoy ko dito ay yung mga taong merong toxic behavior.
00:39.8
At hindi yung mga taong kumikita ng maliit na halaga.
00:43.0
Dahil hindi sapat na batayan ang income ng isang tao para masabi mo na siya ay mayaman.
00:48.6
Meron nga mga malalaki ang income at kumikita ng 6 to 7 digits every month.
00:54.0
Pero baon sa utang dahil waldas at hindi nagmamanage ng kanilang pera.
00:58.7
Magkaiba.
00:59.4
Ang pagiging broke at pagiging poor.
01:02.2
Ika nga ni Robert Kiyosaki,
01:04.2
Kahit kumikita ka pa ngayon ng maliit na halaga,
01:10.3
as long as meron kang malaking pangarap sa iyong buhay at nagsusumikap ka rin na maabot ito,
01:15.8
hindi natin masasabing mahirap ka.
01:18.3
Dahil ginawan mo ng aksyon at solusyon ang iyong problema.
01:22.2
Ang ating pag-uugali ay isang determining factor kung anong uri ng buhay ang makukuha natin
01:27.6
para itong compass na makikita.
01:29.4
Kaya kung ayaw mong maghirap at manatiling mahirap,
01:34.8
kailangan mong matutunan ang pinagaiba sa ugali ng mga mahihirap at mayayaman.
01:39.9
Mahalagang meron kang awareness sa kanilang mga pag-uugali
01:42.8
para alam mo kung ano ang mga dapat i-develop sa iyong sarili.
01:47.2
Magandang magsimula ka na baguhin ang iyong pag-uugali kung gusto mong maging successful
01:51.9
dahil wala itong bayad.
01:53.8
At ito rin ang siguradong paraan kung paano mag-attract ng mga magagandang opportunities
01:59.4
sa ating buhay.
02:00.8
Kaya kung willing ka na baguhin ang iyong pag-uugali, panoorin mo ang videong ito.
02:06.1
Dahil ibabahagi ko sa iyo ngayon ang limang pag-uugali na dapat mong ma-develop
02:10.5
para ma-achieve mo ang komportabling buhay sa hinaharap.
02:14.3
Pero bago tayo magsimula, kung bago ka pa lang sa aming channel
02:17.8
at gusto mong ma-expand ang inyong mga kaalaman sa topic ng personal finance,
02:22.3
business at self-development, inaanyayahan kitang mag-subscribe
02:26.3
para updated ka sa mga bago naming content.
02:29.7
Salamat!
02:30.6
Ang unang pag-uugali na dapat mong ma-develop ay dapat mabilis kang matuto.
02:35.5
Ang hirap gawin ang isang bagay kapag wala kang alam.
02:38.3
Kung sakaling gusto mong magluto ng isang potahe pero hindi mo alam kung ano ang complete ingredients
02:44.0
at method kung paano ito lutuin, paniguradong hindi ka magkakaroon ng masarap na ulam.
02:50.3
Kaya ang iyong willingness na matuto ay isa sa pinakamahalagang pag-uugali na dapat mong ma-develop
02:56.0
kung gusto mong magkaroon ng magandang buhay.
02:59.0
Dahil lahat,
02:59.4
dahil lahat ng mga successful na tao ay maraming alam at skillful sila sa larangan na kanilang pinasukan.
03:05.9
Merong iba't ibang paraan kung paano matuto.
03:08.7
Ang sekreto lang talaga para mabilis kang matuto ay maging intentional ka.
03:13.7
Palawakin mo ang iyong pananaw at pangunawa sa mga bagay,
03:17.3
i-welcome mo ang mga opportunity na darating sa'yo
03:20.0
at huwag ugaliin na maging one-sided sa pagbibigay ng opinion.
03:24.6
Matuto ka sa mga less fortunate na tao.
03:27.3
Dahil dito mo matututunan kung paano pahalagahan ang mga bagay na hindi mo na masyadong binibigyang pansin.
03:34.2
Ang dahilan kung bakit ito importante,
03:36.8
yun ay dahil madalas nating nalilimutan ang halaga ng mga bagay na ating nakukuha
03:41.4
dahil ang laman nalang palagi ng ating isipan ay kung paano makukuha ang susunod na goal.
03:47.0
Kailangan mo rin matuto sa mga taong mas successful pa sa'yo.
03:50.8
Dahil dito ka magkakaroon ng ideya na hindi imposible ang magkaroon ng magandang buhay.
03:55.3
At kung nagawa nila,
03:57.3
kaya mo rin abuti ng iyong pangarap.
03:59.4
As long as mangarap ka lang ng malaki,
04:01.5
willing kang mag-take ng action,
04:03.6
hindi ka takot magkamali,
04:05.3
at mabilis ka rin matuto at mag-adapt sa iyong sitwasyon.
04:08.9
Kaya mag-invest ka palagi ng sapat na oras araw-araw para matuto.
04:13.3
Dahil ang compounding ay hindi lang yan naa-apply sa pera,
04:17.0
naa-apply din yan sa ibang bahagi ng ating buhay,
04:20.2
katulad ng ating skill at mga kaalaman.
04:23.0
Kung marami kang alam sa isang bagay,
04:25.4
paniguradong dadalhin ka ng mga kaalaman,
04:27.3
na alaman na yan patungong tagumpay.
04:30.3
Number 2
04:31.4
Dapat alam mo ang value ng iyong oras.
04:34.2
Kapag meron kang goal,
04:35.7
dapat marunong ka rin magpahalaga ng iyong oras.
04:38.8
At ang magandang paraan kung paano pahalagahan ang iyong oras
04:41.9
ay kapag ginawa mong priority ang mga bagay na merong value
04:45.4
at magbibigay sa iyo ng malaking return sa hinaharap.
04:48.8
Halimbawa,
04:49.9
goal mo na palakihin ang iyong income ng 30% sa susunod na taon.
04:54.8
Ngayon ay meron ka ng sapat na oras para mag-iisip,
04:57.3
gumawa ng action plans at gawin ang mga nagawa mong plano.
05:01.6
Base sa iyong goal,
05:02.8
kailangan mo rin baguhin ang iyong daily routine
05:05.3
at kung paano mo gagamitin ang iyong oras.
05:08.1
Dahil hindi mo mapapalaki ang iyong income
05:10.8
kung parehong daily routine lang din ang gagawin mo.
05:13.9
Siguro ay hindi ka na magsosocial media ng mahabang oras
05:17.4
kung gagamit ka man ng social media for educational purposes na lang.
05:21.9
Dahil alam mo na mahalaga ang iyong oras
05:24.1
at dapat ay gagamitin mo lang ito sa pag-attract ng opportunity.
05:27.3
Kung marunong kang magpahalaga ng iyong oras,
05:30.3
yan ay nangangahulugan na meron kang disiplina sa iyong sarili.
05:34.3
Ang mga taong naging successful at naging master sa isang larangan
05:38.3
ay palaging naglaan ng mahabang oras para i-improve ang kanilang sarili.
05:43.3
Kaya kung meron kang goal ngayon,
05:45.3
trabaho mo na alamin kung ano ang dapat gawing priority araw-araw.
05:49.3
Para productive ka palagi at para mabilis mong ma-hit ang iyong target.
05:54.3
Dahil may mga bagay na exciting lang gawin,
05:56.8
pero distractions lang bala at walang maitutulong sa pag-abot ng iyong goal.
06:01.8
Kaya trabaho mo na malaman kung ano talaga ang pinakamahalagang bagay o gawain.
06:07.3
At dapat ay marunong ka ring mag-manage ng iyong oras
06:10.8
para maprotektahan mo ang iyong priority.
06:14.8
Number 3
06:15.8
Maging disiplinado ka sa paghahawak ng iyong pera
06:18.8
Isa ka rin ba sa mga taong namumuhay paycheck to paycheck
06:22.8
at kahit sakto naman ang iyong kinikita
06:24.8
ay wala pa rin natitira pagkatapos?
06:26.8
Kung ang sagot mo ay oo,
06:28.8
kailangan mo nang baguhin ang iyong pag-uugali sa pera simula ngayon
06:32.8
at gawin mong goal na meron ka ng maiipon.
06:35.8
Nagsisimula lang ito lahat sa pagkakaroon ng disiplina.
06:39.8
Kailangan mong gawa ng adjustment ang iyong paggastos.
06:42.8
Gumawa ka ng budget.
06:44.8
Huwag kang bumili ng mga bagay na hindi mo kailangan.
06:47.8
Kung hindi mo affording isang bagay ay huwag kang mangutang
06:50.8
at mag-focus ka lang sa iyong goal na makaipon.
06:53.8
Kapag sinunod mo ang mga ito,
06:55.8
dito mo mapapatunayan sa iyong sarili na kaya mo pala.
06:59.8
Minsan kasi kulang lang tayo sa disiplina
07:02.8
kaya hirap tayong makaipon at malayo sa mga financial stress.
07:06.8
Iniisip agad ng iba sa atin na maliit lang ang kanilang income
07:10.8
o di kaya ay mahal na ang mga bilihin.
07:13.8
Pero ang katotohanan kaya sila nagkakaroon ng financial problem,
07:17.8
yun ay dahil wala silang sinusunod na budgeting method
07:20.8
at wala rin silang strategies kung paano imanage
07:23.8
ng maayos ang kanilang pera.
07:25.8
Kaya simula ngayon, maging wais ka sa paghahawak ng iyong pera
07:29.8
at disiplinahin mo rin ang iyong sarili na hindi gagastos ng katumba sa iyong income
07:34.8
dahil ayaw mo naman siguro na habang buhay ay hindi ka makakaalis sa paycheck to paycheck cycle.
07:44.8
Isa sa magandang pag-uugali na kailangan mo rin ma-develop
07:47.8
kung gusto mong mabago ang iyong buhay sa hinaharap
07:50.8
ay ang mag-track ng iyong net worth.
07:52.8
Kung bakit ito mahalaga?
07:54.8
Matutulungan ka nitong malaman kung saang parte ka na ng iyong goal.
07:58.8
Halimbawa, kung ang iyong goal ay makaipo ng 100,000 pesos
08:02.8
at ngayon ay meron ka nang naiipon na 75,000 pesos,
08:06.8
alam mo na na malapit mo nang ma-hit ang iyong goal.
08:09.8
Pero ang net worth ay higit pa sa ipon o cash na ayong nakikita at nahahawakan.
08:15.8
Kasama na rin dito ang iyong mga investment, negosyo, alahas at iba pang mga bagay na pwede mong i-convert sa cash kung balak mo itong ibenta.
08:24.8
Dalawang bagay lang ang kailangan mong intindihin sa pag-alam ng iyong net worth,
08:28.8
ang asset at liability.
08:30.8
Ang asset ay ang mga bagay na mayroong value at pwede mong mabenta,
08:34.8
katulad ng alahas, sasakyan, bahay, investments, properties at iba pa.
08:40.8
Ang liability naman ay ang mga bagay na kumukuha ng pera sa iyo,
08:44.8
katulad ng utang.
08:46.8
Para malaman mo ang iyong net worth,
08:48.8
kailangan mo lang i-sum up ang total value ng iyong asset at bawasan mo ito sa iyong liabilities.
08:54.8
At ang resulta na ang magsasabi sa iyo kung namamanage mo ba ng maayos ang iyong pera
08:59.8
o saang bahagi ng iyong finances ang dapat gawa ng improvement.
09:03.8
Kaya huwag ka lang mag-focus sa iyong income.
09:06.8
Mag-focus ka rin na mapalaki ang iyong net worth.
09:09.8
Number 5. Huwag kang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na wala kang control.
09:14.8
Meron tayong mapagpipilian sa bawat pangyayari na nararanasan natin.
09:19.8
It's either kaya natin itong baguhin o tayo ang dapat magbago.
09:24.8
Ayon sa sinabi ng philosopher na si Viktor Frankl,
09:27.8
When we are no longer able to change a situation, we are challenged to change ourselves.
09:33.8
At ayon naman sa isa pang philosopher na si Epictetus,
09:36.8
It is not events that disturb the minds of men, but the view they take of them.
09:42.8
Madalas hindi natin namamalayan na masyado tayong nakafocus sa mga bagay na wala tayong control.
09:48.8
Nagrireklamo tayo, naiinis, at naninisi ng ibang tao kung bakit kasalungat yung mga ginagawa.
09:53.8
Sa kung ano ang gusto nating mangyari.
09:56.8
Yes, normal lang na meron tayong reaksyon sa bawat pangyayari.
10:00.8
Pero sana maintindihan din natin ang sinabi ni Viktor Frankl na mas mabuting magfocus tayo sa mga bagay na meron tayong control.
10:08.8
Katulad ng ating pananaw at reaksyon sa isang pangyayari.
10:12.8
Karamihan sa atin ngayon ay hindi na sinusunod ang statement na mind your own business.
10:17.8
Dahil mahilig tayong makisausaw ng mga issue sa social media, issue sa politics,
10:21.8
at iba pang pangyayari na labas na sa ating buhay.
10:26.8
Kung sa tingin mo ay 80% ng iyong oras araw-araw ay nakatoon lang sa buhay ng ibang tao,
10:32.8
kailangan mo nang baguhin ang ganyang pag-uugali.
10:35.8
Kung gusto mong magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap,
10:38.8
simulan mo nang baguhin ito ngayon at ilaan mo lang ang iyong oras sa mga bagay na meron kang control.
10:44.8
Kontrolado mo na magbasa ng libro kesa magscroll sa social media.
10:48.8
Meron kang control na hindi gagasto sa mga bagay.
10:50.8
Meron kang control na hindi gagastos ng malaki at piliing mag-ipo na lang at magdipid.
10:54.8
Meron kang control na kakain ka ng masustansya.
10:57.8
At kontrolado mo na mag-isip ng mga positibong bagay at manatiling kalmado kahit marami na ang nagre-reklamo sa iyong paligid.
11:05.8
And it takes wisdom para malaman mo kung ano ang mga bagay na meron kang control at mga bagay na wala kang control.
11:12.8
Tandaan mo na lang yung serenity prayer na God grant me the serenity to accept the things I cannot change.
11:19.8
The courage to change the things I can.
11:21.8
And wisdom to know the difference.
11:23.8
Isa sa common na pag-uugali ng mga successful na tao ay meron silang eternal locus of control.
11:29.8
Naniniwala sila na sila ang may control ng kanilang buhay at tadhana.
11:34.8
Kaya hindi sila nagre-reklamo at umaako sila palagi ng responsibilidad sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanila.
11:41.8
At yan ang limang pag-uugali na pwede mong simulang i-develop ngayon kung gusto mong magkaroon ng maginhawang buhay sa hinahin.
11:49.8
Una, dapat mabilis kang matuto.
11:52.8
Pangalawa, dapat alam mo ang value ng iyong oras.
11:55.8
Pangatlo, maging disiplinado ka sa paghawak ng iyong pera.
11:59.8
Pangapat, track your net worth.
12:02.8
At panglima, huwag kang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na wala kang control.
12:06.8
Alin sa limang pag-uugali ang meron ka na?
12:09.8
At anong pag-uugali pa kaya ang dapat ma-develop ng isang tao para mag-improve ang kanyang buhay sa hinaharap?
12:16.8
Magbigay ka ng iyong comment sa ibaba.
12:18.8
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
12:21.8
Huwag kalimutang mag-subscribe para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
12:26.8
I-like kung nagustuhan mo ang video.
12:28.8
Mag-comment ng iyong mga natutunan.
12:31.8
At i-share mo na rin ang videong ito sa iyong mga kaibigan.
12:34.8
Maraming salamat sa panunood.
12:36.8
At sana ay magtagumpay ka!
12:48.8
Thank you for watching!