Close
 


BABAENG BALI-BALI ANG BUTO, NAGPAKITA MATAPOS ANG BAGYONG YOLANDA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
True Subscriber Horror Stories EPISODE 314 🔴 SEND YOUR HORROR / SCARY STORIES: sindakstories2008@gmail.com 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtube.com/live/hqnnSf0h06k 🔴 2024 SUBSCRIBERS' HILAKBOT STORIES PLAYLIST: https://www.youtube.com/playlist?list=PLwBzcTT_DM_EIBnSd25GYU1Huo7xA8nTn ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ THANK YOU CHANNEL MEMBERS! TJ Remedio Elaine Joie Ü Ventura Nickodecadence Romelyn Boongaling ,elyn emor olyn boongaling Joan Castillon Anton Nicole Darao Maru Balgos Joemicco Salomon Carmela Toscano cedric crucero Vincent Foronda Mae Mae Ray Castle Myca Perez M&M AT Michell Adniele Jimenez Lorie lynn Bagat khen roxas Its Random Vibes Precy Operio Anne Cardenas Lulu A Lyn Caligdong blog Jhaydom Toy Shoppe Louie Marc Duterte JhayR Cabello Jackie Orlando Chiqui Fritzie Rene Zamora Prince Laher Allyza Valenzuela Aki Zette Samson Mabalay 🔴 JOIN CHANNEL MEMBERSHIP: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 26:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Yo, yo, at isa pang yo, eto ang SHS Segment, Subscriber Silakbot Stories mula po sa mga kwentong inyong ipinadala at ipinagkatiwala po sa atin.
00:16.1
Dito syempre sa sindakstories2008 at gmail.com, katulad na lamang ng tatlong kwentong tampok ngayong episode na ito.
00:25.9
Linggo ba ngayon? Natapat bang linggo ito, Clay?
00:28.4
Oo, kung alimbawa man, kasi nagre-record kami ng walang date kasi.
00:31.9
So, kung natapat man ito, Sabad or Linggo ngayon, sit back and relax at enjoy ninyo ang pinakahuling mga oras ng weekend.
00:40.0
Kwento ni na Christian, ni Cole at ni Clay, hindi si Clay natin dito, ibang Clay ito, ang tampok sa ating SHS.
00:48.7
At ito na, ang kanilang mga kwento.
00:53.2
You are listening to Subscriber Silakbot.
00:55.9
What Stories? True Horror Stories Submitted by HTV Positive Listeners.
01:07.0
Sir Red, marami na rin po ako mga karanasan ng mga masasabing nakakatakot at mga hindi maipaliwanag.
01:16.0
Basta't mula noong bata ako, talagang matatakotin na ako.
01:20.8
Kaya maaaring ito yung pinakadahilan kung bakit tila paborito akong pagkakataon.
01:25.9
At ito yung pinakaglaruan ng mga masasamang elemento sa aming bahay.
01:30.3
Itago nyo na lamang po ko sa pangalang Christian.
01:35.3
Grade 5 pa po ako noon nang mangyari ito.
01:40.1
Katatapos lamang din po ng Yolanda noon sa Capiz at talagang malaki po ang naging pinsala nito sa amin.
01:48.6
Nakakatakot din po ang paligid sapagkat bukod sa brownout at blackout ibig sabihin,
01:54.3
sa buong lalawigan ng Capiz.
01:59.6
After po ng rumagasa na bagyo dito sa amin,
02:06.2
rumagasa ba dapat na term doon?
02:10.0
O matapos po ang pananalasa ng bagyo dito sa amin,
02:14.8
ay nagpakawala o nagpapakawala pa rin po ng tubig ang mga dam.
02:18.8
At tandang-tanda ko pa noon, 12 po ng madaling araw,
02:24.3
ay umiikot na ang bumbero sa amin para magbigay po ng mga anunsyo na babaha
02:30.3
at dahil doon ay nagpapanik po talaga ang lahat ng mga residente kasi biglaan lang.
02:39.4
Second floor po yung bahay namin si Red kaya medyo mahirap para sa amin na magpaakyat ng mga gamit
02:46.2
lalot ang hagdan namin ay ordinaryong hagdanan lamang.
02:51.4
Tandang-tanda ko pa na hindi namin kinayang iamit.
02:54.3
Pag-akyat yung ref at hanggang gitna lamang ng hagdan ang naabot.
03:00.7
Hindi ko alam anong tawag pero yung mga common na hagdan na pag-akyat mo ng 10 steps
03:06.6
ay may 10 steps na naman na hagdan paakyat.
03:11.9
Kayo na guys, bahal lang.
03:14.2
Umiintindi ha, sabi niya yung mga common na hagdan na pag-akyat mo ng 10 steps
03:18.8
ay may 10 steps na naman sa hagdan paakyat.
03:23.1
O steps na naman.
03:24.3
O steps na naman na hagdan paakyat.
03:27.1
So mahigit sampu kami sa bahay.
03:30.5
Dahil ang kalapit bahay namin noon ay nakisilong nung time na iyon
03:35.3
dahil nga may kalakihan at sementado yung aming lugar.
03:40.0
Kumbaga masasabi kasing mistulang mansyon.
03:45.3
Nang matapos na kaming maghakot ng gamit ay tumambay muna kami sa terrace ng bahay sa second floor.
03:52.7
Nag-usap-usap.
03:54.3
Kung ano ang gagawin just in case sobrang lumalim yung bahak.
03:58.5
At nang unti-unti ay nagkakaroon na po ng tubig sa kalsada.
04:02.7
Ay nagkayayaan na rin kaming bumaba at tinignan yung tubig.
04:06.7
Pero nagpaiwan ako para makichismis sa tita kung may kausap sa telepono.
04:12.6
So habang tanaw ko yung kalsada,
04:15.2
yung mga kasama ko mula sa terrace
04:17.1
ay wala din pala mga dalang ilaw
04:19.7
at tanging buwan lamang ang ilaw ng lahat
04:22.6
at meron pa pong ilang flatbeds.
04:24.3
So sinigawan ako
04:28.1
at niyaya ako ng pinsan ko mula sa baba na sumama sa kanila
04:32.4
at maglibot-libot daw kami.
04:36.6
Titignan pa nga daw kung may malalalim na ibang parte ng barangay namin
04:41.1
at agad naman akong sumagot ng hintayin ako.
04:45.7
So ura-urada ay bumaba ako
04:47.3
pero bago ako makababa
04:49.4
nakaramdam po talaga ako ng malamig.
04:52.6
Kaya dahan-dahan,
04:54.3
ay bumaba ako ng hagdanan
04:57.1
at nang makababa na ako ng sampung baitang,
05:00.8
kinuha ko na yung tsinelas ko na nasa loob.
05:03.7
Ano?
05:04.7
Kinuha ko ang tsinelas ko na nasa loob ng ref
05:07.5
sa gitna ng hagdan na ipinasok ko
05:09.7
nung naghahakot kami ng gamit kanina.
05:13.6
Nang akmang bababa na ako sa last 10 steps,
05:18.9
doon nga'y nakaaninag ako si Red ng anino.
05:22.8
Itong aninong ito si Red,
05:24.1
ay gumagapang paakyat ng hagdan.
05:29.1
Pinagmasdan ko lang ito dahil sobrang bagal ng pagkilos
05:33.1
na para nga po siyang itik na paisa-isa
05:36.1
yung paggapang at pagakyat sa hagdan.
05:41.1
Nung una, hindi ko alam kung binibiro ba ako ng pinsan ko
05:45.1
o talagang hayop lang ito
05:47.1
kaso wala naman kaming mga alaga nung time na iyon.
05:51.1
So pinagmamasdan ko lang ito dahil kahit mayroon ako,
05:53.6
kahit man ako ay confused talaga nung time na iyon.
05:59.6
Doon din po sa gitna ng hagdan namin si Red,
06:02.6
ay meron palang malaking bintana.
06:05.6
So, sobrang bagal po nung paggalaw nung nakikita ko
06:09.6
at animoy bali-bali yung katawan.
06:14.6
Laking gulat ko na lamang nang maaninagan ko ang itsura nito
06:19.6
sapagkat pumapasok po yung liwanag ng buwan mula sa nabanggang,
06:23.6
nabanggit kong malaking bintana.
06:26.6
Babae po siya.
06:28.6
Bali-bali nga talaga ang kanyang buto
06:31.6
pero hindi ko ma-explain
06:34.6
pero parang lahat ng mga joints niya ay na-dislocate.
06:40.6
Nung medyo nakalapit na siya,
06:42.6
doon ay nag-decide ako talaga na batuhin ko ito ng tsinelas
06:46.6
at tatakbo na ulit ako pabalik sa taas.
06:50.6
Sa huli,
06:51.6
hindi rin kinaya ng pagiging matatakutin ko
06:54.6
kaya tumakbo ako at bumalik sa terrace kung saan naruroon ang aking tita.
07:01.6
Hindi talaga ako makagalaw nung time na iyon at nanginginig.
07:07.6
Nakakatawa man pero talagang naihipo ako sa takot siya Red.
07:13.6
Namumutla ako nung time na iyon at siya naman pong napansin ang tita ko kahit brown out.
07:18.6
Agad niya akong pinababa para daw bantayan namin
07:21.6
kung makakapasok o kung lumalalim na o tumataas yung tubig baha
07:26.6
ngunit umiling na ako sabay-sabing
07:30.6
May gumagapang po sa hagdaan.
07:34.6
At nagulat naman siya sa aking isinagot.
07:38.6
Sinamahan na lamang niya ako sa terrace matapos nun.
07:48.6
Maraming maraming salamat sa kwentong ibinahagi mo Christian.
07:55.6
At alam mo yun na naiimagine ko yung itsura mo nung merong nakita ka na umaakyat ka mo na parang bali-bali yung buto tas babae.
08:05.6
Diba? Just like the typical horror movies na napapanood na natin. Diba?
08:11.6
Kung paano nila pinoproject yung mga ganitong klaseng mga nakakatakot na nila lang.
08:16.6
So yun yung unang pumasok sa akin.
08:18.6
Sa isipan ko.
08:19.6
Pero bago po yun.
08:20.6
Siyempre aanyayahan ko na naman kayo na tikman na po ang kape ni Lola Trinidad.
08:24.6
Nako naman.
08:25.6
Nasa HTV Merch po natin yan.
08:27.6
At maraming salamat sa lahat na mga nag-purchase sa mga nakaraang linggo po.
08:31.6
Thank you.
08:32.6
Drip and steep coffee po yan.
08:34.6
So wala na po at hindi na ata magre-restock yung ating corn coffee.
08:40.6
Kasi yung ating supplier ay nagkaroon ng problema.
08:43.6
Pero magkagayon man.
08:44.6
Yung drip at saka yung steep coffee muna.
08:47.6
Yung atin pong
08:48.6
Siyempre.
08:49.6
Atin pong titikman dyan.
08:50.6
Diba?
08:51.6
Kaya sa lahat po na mga naku-curious kung ano po yung lasa nito.
08:54.6
Kayo na po ang.
08:55.6
Kayo na pong bahala mag-check out.
08:57.6
Now na.
08:58.6
Check out na bago mai-check out ng iba.
09:00.6
At kayo na rin po yung magiging endorser kumbaga natin.
09:04.6
At hindi lang parang ako lang yung magsasabi.
09:06.6
Masarap to yung ipupush ko.
09:07.6
Dapat matikman mo talaga.
09:09.6
Promise.
09:10.6
Masarap.
09:11.6
Nakaabot na nga ng Canada to.
09:12.6
Diba?
09:13.6
Nakaabot na rin ng.
09:14.6
Saan ba yun?
09:15.6
Sa Misamis.
09:16.6
Diba?
09:17.6
Maraming.
09:18.6
Isa sa.
09:19.6
Italy ba yun?
09:20.6
Hindi.
09:21.6
Hindi.
09:22.6
Spain.
09:23.6
Kinapresi.
09:24.6
At saka sa kanyang kakambal.
09:25.6
Alam po natikman na rin nila ito.
09:26.6
So maraming salamat sa lahat ng mga OFW din na gusto din pong.
09:30.6
Alam mo yun?
09:31.6
Mag-order.
09:32.6
So sana nga din po may international din po tayo soon.
09:35.6
So for the meantime yan muna.
09:37.6
Local muna.
09:38.6
Pero alam ko kung halimbawa meron naman din kay mga kaanak na pwedeng umuwi.
09:41.6
Tapos diba mag-check out para sa inyo.
09:43.6
Din dadalin sa inyo dyan.
09:44.6
So pwedeng pwede naman nang matikman nyo rin.
09:46.6
At ganoon na rin yung ibang mga items.
09:47.6
Sulitin nyo na rin po yung pag-check out.
09:49.6
At maraming maraming salamat.
09:50.6
Dahil nagiging kaisa kayo sa aming advokasya para po siyempre sa mga rescued.
09:56.6
Mga stray dogs.
09:57.6
Mga animals.
09:58.6
At kahit na mga pusa.
09:59.6
Mga ganyan.
10:00.6
Siyempre.
10:01.6
At pati yung pag-feed sa kanila.
10:03.6
Lalong lalo na siyempre yung paborito natin na lagi po namin binabanggit sa inyo ang
10:07.6
Philippine Animal Rescue Team.
10:09.6
Check nyo na lang ang kanilang Facebook page.
10:11.6
At ganoon na rin ang Kape ni Lola Trinidad Facebook page para sa direct link ng ating
10:16.6
HTV Merch at magiging ng mga items na pwede mo pang ma-i-check out dyan.
10:21.6
Okay.
10:22.6
Pero yun nga.
10:23.6
Ito muna tayo.
10:24.6
Pagdating po doon sa mga pagkawala ng kuryente baka confusing pa rin para sa inyong paggamit
10:28.6
ng salitang.
10:29.6
Kasi nabanggit nyo yung brown out kanina.
10:31.6
Well in fact ang tamang term doon ay black out.
10:35.6
At hindi lamang siya brown out.
10:36.6
Sabi nga nung iba ano nga daw yung pinaka difference kasi nila.
10:40.6
Pag sinabi mo kasing brown out talagang ito totoo ito guys ha.
10:43.6
Pag sinabing brown out may kuryente.
10:46.6
Pero mahina at nawalan sa ilang porsyon lamang.
10:50.6
O mataas ang pangangailangan o demand sa kuryente kaya nababawasan yung voltaje.
10:55.6
Kaya nagdudulot po ito ng pagdidilim ng ilaw at hindi paggana ng ilang kagamitan.
11:01.6
Once again pag brown out sabi nga natin ilang porsyon lang pero pag black out ito pagkawala
11:07.6
po ng kuryente sa malaking bahagi o yung buong power grid na kinabibilangan kung saan
11:14.6
nakakonekta.
11:15.6
Yung power grid.
11:16.6
Kuryente ng isang lugar.
11:17.6
At maaari daw po na mawala ng pag sinabing black out maaaring tumagal ng ilang araw,
11:23.6
ilang oras o kaya ilang linggo.
11:26.6
Kumaga parang walang kuryente sa buong Visayas.
11:29.6
Walang kuryente sa buong lalawigan.
11:32.6
Something like that.
11:33.6
Okay.
11:34.6
So parang ano ito?
11:36.6
Department of Energy.
11:39.6
Hindi pero para at least diba educational kahit papaano.
11:43.6
At least kahit papaano yung confusion ninyo sa paggamit.
11:45.6
Sa paggamit ng brown out and black out ay tama.
11:49.6
Diba?
11:50.6
So that's something for you to know.
11:52.6
Pero yun nga balikan natin itong sinasabi dito na kwento po sa atin ni Christian.
11:57.6
So hindi kaya mga ano to.
11:58.6
Kasi alam nyo kapag ano may mga kwento na rin tayo tungkol sa mga Yolanda yung mga naging
12:02.6
victim.
12:03.6
Sumalangit na wa diba yung mga very unfortunate kasi yung event na iyon na hindi talaga napaghandaan.
12:09.6
Lalo pa't alam naman natin na na-explained oo may paparating na malakas na bagyo.
12:13.6
Nag-signal number 4 or number 5 pa yata ito kung hindi ako nagkakamali.
12:17.6
At isa sa mga itinuturing na pinakamalaking bagyo talaga.
12:21.6
Pinakamalaki talaga na super typhoon na talagang halos buong Pilipinas ay makover up niya.
12:28.6
Diba?
12:29.6
Very unfortunate lang dahil talagang isla ng Visayas, mga isla sa Visayas.
12:34.6
Yung talagang tinumbok nito.
12:36.6
Meron talagang mga ano, meron talagang mga anunsyo.
12:40.6
Ready tayo doon.
12:41.6
Pero hindi.
12:42.6
Pero hindi inakala at hindi kasi alam mo yun nawala kasi yung pag-educate sa mga tao tungkol sa mga tawag doon yung mga daluyong.
12:53.6
O kaya yung sinasabi nga natin ay storm surge.
12:56.6
Diba? Kaya yun yung ilan talaga sa mga kumitil sa buhay ng mga kawawa natin na mga kababayan dyan sa Visayas nung Yolanda.
13:03.6
So huwag na natin masyadong i-romanticize dahil baka maalala na naman yung ilang mga victims na just in case alam mo yung nakikinig sa atin.
13:11.6
Pero yun nga yung sinasabi natin na may horror stories na tayo noon.
13:16.6
Ano yung napindot ko? Horror stories na tayong nabasa tungkol sa mga Yolanda, horror stories, yung mga victims nito na nagmumulto.
13:27.6
Yung meron isang parang part ng bakawan daw ata sa Visayas na may naririnig silang parang iyak ng babae hanggang sa pagdating ng araw ay dumadami na yung iyakan.
13:41.6
So maaaring ito daw yung mga parang alam mo yun yung mga katawan na hindi na natagpuan at maaaring sumiksik na dun sa mga mangrove.
13:49.6
Diba? Yun yung ilan sa mga ano natin sa mga kwento na alam ko na nai-air na natin dito sa Hilakbot.
13:56.6
At ito nga sinasabi dito po ni Christian hindi kaya maaaring isa rin yan sa mga victim nitong mabinsala na bagyo o super typhoon na Yolanda. Diba?
14:08.6
And then bukod pa po doon.
14:10.6
Ito nag-send po pala siya ng attachment buti na ano hindi ko nakalimutan.
14:14.6
Ito siya ito ang itsura daw po nung kanilang hagdaan.
14:18.6
Okay so alam ko na talagang meron pong ano parang tungtungan dyan talaga. Diba?
14:25.6
10 steps tapos may tungtungan merong pwedeng paglapagan talaga and then yan sa another 10 steps paakyat.
14:34.6
So ito pala dinidescribe niya and then sabi nga niya may malaking bintana daw doon.
14:38.6
Tapos dito daw po sa baba bandang baba yung may mga nakasabit ngayon dyan sa mga handrail.
14:44.6
Dyan daw ata niya nakita yung parang alam mo yun gumagapang na nila lang.
14:50.6
So at least nabigyan tayo ng photo na picture out na figure out natin kung ano yung sinasabi niya tungkol dito sa hagdaan niya.
14:58.6
Maraming salamat sa iyo Christian at sana kung ikaw din magbabahagi ka rin sa amin ng ganito.
15:03.6
Maaaring niyo rin po kaming bigyan ng mga attachment.
15:06.6
Images o kaya videos.
15:09.6
Kahit anuman yan. Nakuha ng CCTVs.
15:12.6
Kuha ng inyong cellphone cam.
15:14.6
Para na sa ganun maipakita din natin sa mga nakikinig sa atin ngayon. Okay?
15:19.6
So second story na po tayo guys at sana ay patuloy pa rin yung mga dumadag sa ngayon.
15:24.6
At salamat po kung ikaw ay isa sa mga talagang nakikinig at nag-aabang ng ating SHS segment.
15:36.6
You are listening to Subscribers Hilakbot Stories. True Horror Stories submitted by HTV Positive Listeners.
15:44.6
Second story mula po kay Nicole.
15:48.6
Ito pong nangyaring ito si Red ay base sa alaala ko noong ako ay bata pa lamang.
15:55.6
Katatapos lamang po ng Christmas party namin noon. Grade 6 po ako dito.
16:02.6
Pagsapit ng gabi.
16:04.6
Nagbabasa ako sa kwarto ko ng mga libro dahil mahilig po talaga ako sa pagbabasa and then afterwards ay magsusulat.
16:13.6
Hindi ko lang po napansin yung oras pero sumapit na pala ito ng alas 11 ng gabi.
16:19.6
So after po nang ginagawa kong pagsusulat, nag-decide na akong matulog.
16:27.6
Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay bigla po akong nagising.
16:33.6
Sa hindi malamang daylan.
16:36.6
Meron po kasi akong naramdaman kakaiba sa aking gawing paanan.
16:41.6
So napatingin ako doon at may nakita akong bata at maliit lamang talaga siya si Red at masasabi kong kasing tangkad ng kababata na kababata kong kapatid.
16:53.6
Ang napansin ko rin ay hindi ako makagalaw sa aking higaan.
16:58.6
Hanggang sa nakapagdesisyon ako na magtalukbong
17:01.6
at magdasal habang ako ay naruroon sa ganong klaseng posisyon.
17:07.6
Habang ako ay nagdarasal din si Red ay nakikita ko pa yung paggalaw ng batang nasa paanan ko.
17:15.6
Hanggang sa napasigaw ako at agad ay nakuha ko po yung buwelo para bumangon at tumakbo kina lola na nasa kabilang kwarto lamang.
17:26.6
Hindi lang po natapos doon yung experience ko.
17:31.6
sapagkat may mga sumunod pa.
17:37.6
Sa lahat ng pagkakataong iyon, lagi pong present yung bata.
17:44.6
There's this chance na natutulog po kami ng kapatid ko sa may sala, so bale ako ay nakahiga sa sahig at siya naman ay sa sofa.
17:55.6
Nagising po ako ng bandang alas 2 na madaling araw
17:59.6
at pagtingin ko sa bandang ribulto ng isang santo sa may altar namin.
18:04.6
Doon ay nakita ko po yung batang lumilipad, pero madungis po siya ngayon, sunog ang kamay at lumulutang papunta sa akin.
18:16.6
Sa nakita ko po na posisyon ng kanyang mga kamay, alam ko na may balak po siya na sakalin ako.
18:24.6
Ginising ko yung kapatid ko na natutulog po sa sofa
18:28.6
at sinabi ko sa kanya ang aking nakita.
18:32.6
Dinamayan niya ako sa pagdarasal hanggang sa kami muli ay makatulog.
18:40.6
Sa katunayan si Red ay tila na traumatized nga po ako sa mga nangyaring iyon nung gabing iyon.
18:47.6
Hanggang sa kasalukuyan, kapag naiisip ko iyon ay talagang kinatatakutan ko at kinikilabutan ako.
18:58.6
You are listening to Subscribers Hilakbot Stories. True Horror Stories submitted by HTV Positive Listeners.
19:08.6
Maraming maraming salamat sa kwentong ito Nicole at sana madugtungan pa yung iba pang mga kwento mong ito.
19:15.6
I-ano muna ako, kumbaga i-kwento mo na lahat ng mga ganitong klaseng mga alam mo yung karanasan mo para i-compile, pwede natin i-compile ito sa isang horror or true ghost stories
19:27.6
na pagsasama-samahin natin yung ibang mga kwento pa nung ating mga legit na HTV Positive Listeners.
19:36.6
So third story, third and last story na po tayo at ito naman po ay binahagi sa pamamagitan ng ating email sindakstories2008 at gmail.com
19:48.6
Muli, akin pong ipinapaalala na kung hindi pa nababasa ang inyong kwento, kapit lang sa matigas at imas lang sa madulas.
19:54.6
Rest assured, kapag sinabi ko sa inyo na nag-reply po, inacknowledge po ng ating admin ng inyong mga story submission, ibig sabihin nasa folder na po natin yan.
20:06.6
So pakihintay na lang kung kailan po natin siya mababasa, kailan maisasama sa isang compilation or maging sa episode po ng SHS segment. So please bear with me, okay?
20:17.6
So ito na ang kanyang kwento mula po ito kay Clay.
20:24.6
You are listening to Subscribers Hilakbot Stories, true horror stories submitted by HTV Positive Listeners.
20:33.6
Noong nabubuhay pa po si Lola ko, kaugalian na namin na dalawin tuwing araw ng mga patay si Lolo.
20:42.6
Maliliit pa po kaming mga magpipinsan noon at being kids aged 5 to 10,
20:50.6
excited kaming lahat kasi hapon kami aalis ng bahay,
20:54.6
at madaling araw na po kami magsisiuwian.
20:59.6
Panganay po akong apo si Red at hindi ko nakilala ang Lolo ko dahil dalaga pa ang nanay ko nang mamatay ito.
21:07.6
So 1 or 2 am na kami nakauwi, natulog hanggang sa magising ako para pumunta sa banyo.
21:18.6
For visualization,
21:21.6
nasa second floor yung kwarto namin.
21:24.6
Na paglabas mo ng pintuan,
21:27.6
bubungad ang hallway, hagdan, sala at bintana na makikita ang garden at yung gate ng aming bahay.
21:38.6
Sa labas ng gate namin ay may manipis na ramp na kapag may taong nakasampa doon, eh makikita mo talaga yung ulo sa gate.
21:48.6
So going back,
21:49.6
madilim sa kwarto namin at aaminin ko talagang isa akong napakalaking duwag pero kailangan kong magpunta sa banyo.
22:00.6
Pagbukas ko ng pintuan,
22:03.6
agad ay swinitch on ko yung ilaw sa hallway at adjacent siya sa pintuan ng banyo.
22:09.6
Hindi ko na nabuksan pa ang ilaw kasi paglabas ng kwarto ang una mo talagang makikita ay yung window na yun sa sala.
22:17.6
So doon talaga ako napatingin at doon ako nakakita si Red ng isang lalaking nakabarong pero walang ulo.
22:30.6
Dahil sa nakita ko, hindi na talaga ako nakapasok ng banyo.
22:36.6
Tumalikod ako ng mabilis at nagmamadaling bumalik sa kwarto at muling natulog dahil sa sobrang takot.
22:48.6
You are listening to Subscribers Hilakbot Stories. True Horror Stories submitted by HTV Positive Listeners.
22:58.6
Maraming maraming salamat Clay sa ibinahagi mong kwento at diba lalaking nakabarong parang ganun?
23:06.6
Hindi kaya siya si lolo mo? Diba?
23:10.6
Pero ikaw ano bang take ninyo? Sa inyo guys, kayo ano bang take ninyo tungkol dito? Diba?
23:15.6
I-comment nyo lang yan para at least maging buhay naman yung comment section po natin. Okay?
23:20.6
At ganoon na rin po sa mga ilan pang mga nagpaparamdam sa ating mga SHS segment videos.
23:28.6
Maraming salamat. Hindi ko man po talaga ma... alam mo yun, ma tiktik lahat.
23:33.6
Basta kilala nyo na po kayong mga nakikinig ngayon.
23:36.6
Lahat ng mga siyempre solid at loyal listeners talaga natin na inaabangan ng segment na ito kahit anuman o gaano sila.
23:44.6
O gaano sila ka-busy ngayong araw na ito ang aming pagpapasalamat po siyempre.
23:49.6
Bilang pagtatapos na naman ng isa na namang episode. Bukas, Monday, another week, sabihin natin ganoon.
23:56.6
Dapat positive vibes lang, positive thinking, cheerful mind, mga ganyan.
24:01.6
Positive lang tayo guys sa lahat ng mga gagawin para maluwag naman yung pagpasok ng sabihin natin fortune or swerte sa inyo. Diba mga katulad niya?
24:10.6
But anyway, kayo guys, basta magsabi lang kayo sa amin.
24:13.6
Kung ano po yung take ninyo sa third story. Kung lolo ba niya talaga yan or hindi. Diba? Or iba.
24:19.6
O ano yung pahiwating na mga pagpapakita ng mga elemento o kaya ng mga ghostly apparition na walang ulo. Diba?
24:27.6
So, doon din nga pala sa mga nagsasabi. Natawa naman ako doon sa nagsabi-sabi niya. Okay lang daw yung boses ko dito sa SHS.
24:35.6
Pero halatang binabasa ko lang daw yung mga story.
24:39.6
Hayaan nyo po sa susunod.
24:41.6
I-mememorize ko dito.
24:43.6
I-memorize ko po talaga lahat ng mga stories na akin pong ilalahat dito sa SHS.
24:50.6
Parang na-pressure naman ako doon, Clay.
24:52.6
Tsaka parang diba? Parang gusto niya atang memorize talaga eh na parang deklamasyon ang dating. Diba?
24:58.6
Halatang binabasa ko lang daw. Eh yun talaga eh. Binabasa talaga.
25:02.6
But anyway, parang siguro gusto niya.
25:04.6
Noong nabubuhay pa ang lola ko, kaugalian na naming dalawin tuwing araw na mga patay ang lolo ko.
25:13.6
Maliliit pa kami ng mga pinsan ko at being kids age 5 to 10 ay excited kaming lahat kasi hapon kami aalis ng bahay at madaling araw na magsisi-uwian.
25:28.6
Ganun ba yung parang deklamasyon style ba yung gusto niyong?
25:32.6
Parang memorize talaga. Memorize speech.
25:38.6
Ewan ko.
25:39.6
Anyway, maraming salamat sa inyo guys. Mahal na mahal ko kayo.
25:42.6
Tuloy-tuloy lang mga hawaan para wala ng galingan at lahat tayo ay solid HTV positive.
25:49.6
Next time may memorize ko talaga. Speech deklamasyon.
25:56.6
May mga kwentong kabawalaghan o mga karanasan kang kahilahilakpot na nagmumulto sa iyong memorya?
26:02.6
Ibahagi na yan sa pamamagitan ng voice message o kaya itype at isend sa sindakstories2008 at gmail.com.
26:11.6
Mari ring i-private message sa Hilakbot TV Facebook page.
26:15.6
Ating pagkwentohan ang inyong real paranormal experiences kasama si Red.
26:20.6
Lunes at biyernes, ito ang Subscribers Hilakbot Stories.