Close
 


#73 - Aling mga nasyonalidad ang pinakabumisita sa Pilipinas?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Dumami ulit ang mga turistang bumisita sa Pilipinas noong 2023. Galing saan sila? At bakit kaya gustong gusto ng mga Koreano ang Pilipinas? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:⁠⁠ ⁠https://drive.google.com/drive/folders/1GTztDjkli1_P4hAGgOVRfF9Rl6dJbVt1?usp=sharing⁠⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Music used: (⁠⁠⁠⁠⁠⁠link⁠⁠⁠⁠⁠⁠) Improvisation 1 by ⁠⁠⁠⁠⁠Electric Kulintang⁠⁠⁠⁠⁠ licensed under a Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 International License⁠. Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach T
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 07:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hi! Kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:11.8
At ngayong araw, pag-uusapan natin kung aling nasyonalidad ang pinaka-bumisita sa Pilipinas noong nakaraang taon.
00:23.9
Galing sa ang bansa yung mga turista na bumisita sa Pilipinas.
00:33.4
So, yung turismo, malaking parte ng ekonomiya ng Pilipinas, nagbibigay ito ng maraming trabaho sa mga Pilipino
00:46.3
at maraming mga goods ang nabibenta rin.
00:53.1
Para sa mga turista at sa industriya ng turismo.
00:59.9
So, mahalaga yung mga turista para sa mga Pilipino at sa Pilipinas.
01:08.0
Noong nakaraang taon, noong 2023, may mga halos anim na milyon yung mga turista na bumisita sa Pilipinas.
01:23.1
So, yung target ng gobyerno ay 4.8 milyon.
01:30.0
So, halos limang milyon.
01:32.6
Pero, yung dumating halos anim na milyon.
01:37.3
So, mas mataas doon sa target ng gobyerno.
01:44.0
Pero, syempre, hindi pa bumabalik sa normal yung bilang ng mga turista.
01:51.8
Dahil, bago ang mga turista na bumisita sa Pilipinas, may mga turista na bumisita sa Pilipinas.
01:53.0
Noong pandemia, alimbawa noong 2019, lampas sa 8 milyon yung turista noong 2019.
02:05.5
So, ibig sabihin, mas mababa ng 2 milyon yung turista ngayong taon,
02:14.9
o noong nakaraang taon, noong 2023, kumpara noong 2019.
02:23.0
Pero may forecast na tataas pa lalo ngayong taon at babalik sa normal na nasa 8 milyon.
02:35.7
At yung nasyonalidad na pinakabumisita sa Pilipinas ay galing sa bansang South Korea.
02:46.1
So, noong nakaraang taon, mayroong isa't kalahating milyon ang mga turista galing sa South Korea at 26% yun ng lahat ng turista.
03:01.9
So, ibig sabihin malaking bahagi, malaking parte ng mga turista ay galing sa South Korea. Lampas 1 fourth, 26%. Sobrang madami.
03:16.1
Ang susunod ay mga Amerikano galing sa Estados Unidos. Halos 1 milyon o 900,000. So, ito nasa 17%.
03:31.3
So, yung una, yung South Korea, 26%. Tapos, yung Estados Unidos, 17%. Tapos, yung Japon, Japan, nasa...
03:46.1
6%, 6%. Tapos, Australia, nasa 5%, 5%. Tapos, China, nasa 5% din, 5%. So, kung makikita nyo, pinakamadami talaga ang mga Koreano.
04:11.5
26% mga Koreano, tapos 17%.
04:16.1
Mga Amerikano.
04:18.7
So, bakit ba gusto ng mga Koreano ang Pilipinas?
04:23.5
So, mayroong study na nagsasabi na gusto ng mga Koreano yung cost of living sa Pilipinas.
04:34.6
Dahil mas mura, mas abot kaya ng mga Koreano.
04:40.3
Tapos, gusto nila na ginagamit yung Ingles sa Pilipinas.
04:48.2
Siyempre, ibig sabihin, pwede silang mag-practice ng Ingles.
04:54.4
At kung marunong sila mag-Ingles, pwede nilang maintindihan yung mga tao.
05:00.9
Hindi katulad kung pupunta sila sa ibang bansa kung saan hindi magaling mag-Ingles yung mga tao.
05:09.0
Tapos, gusto nila na ginagamit yung mga Koreano.
05:09.9
Tapos, gusto nila na ginagamit yung mga Koreano.
05:10.2
Tapos, gusto nila na ginagamit yung mga Koreano.
05:10.3
Tapos, gusto din nila yung klima sa Pilipinas, yung tropical na klima.
05:17.1
Dahil mas mainit, may araw, hindi katulad sa South Korea.
05:25.8
Tapos, sabi din sa study na maraming oportunidad para mag-negosyo sa Pilipinas.
05:34.7
Siguro dahil mas malakas yung currency nila.
05:38.6
At mas mura ang labor, mas mura ang lupa, mas mura ang rent.
05:51.3
Kaya gusto nila mag-negosyo sa Pilipinas.
05:55.6
Gusto ng mga Koreano mag-negosyo.
05:59.4
Halimbawa, sa Pampanga, sobrang daming Koreano.
06:04.3
At hindi lang turista.
06:07.5
Pero,
06:08.6
parang nakatira na rin at mga negosyante sa Pampanga.
06:15.0
Dahil malapit sa paliparan o airport, malapit sa mga golf course.
06:23.3
So, madami silang negosyo doon.
06:25.4
Mga coffee shop, mga kainan.
06:29.7
At yun, talagang parang integrated na sila sa lipunan.
06:36.0
Lalo na sa mga syudad, mga malaking lungsod.
06:42.0
So, yun lang ang mga nasyonalidad na pinakabumisita sa Pilipinas.
06:48.5
Yung unang-una, yung mga Koreano, taga South Korea.
06:55.3
Tapos, mga Amerikano galing sa Estados Unidos.
06:59.3
Tapos, mga Japon, mga Australiano, at mga in-check.
07:06.0
Mga taga China.
07:08.0
Yun lang ang podcast ngayon.
07:12.0
Salamat sa pakikinig.
07:14.0
Mayroong transcript kung kailangan nyo.
07:16.0
At pwede kayong sumuporta sa Patreon kung gusto nyo itong proyekto.
07:22.0
Salamat at paalam.