#79 - Manilenyo vs. Cebuano?
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:13.7
At ngayong araw, pag-uusapan natin ang sinasabing parang rivalry ng Manila,
00:23.8
mga Manilenyo at mga Cebuano. Yung mga prejudice, mga stereotype sa mga Manilenyo at sa mga Cebuano.
00:38.7
So, yung Pilipinas may lagpas sa 7,000 isla.
00:46.0
So, madaming isla at madaming mga ethnic group.
00:50.8
Kasi hindi konektado yung mga isla, talo na dati, noong wala pang mga aeroplano, wala pang mga barko, mga bangka.
01:08.9
Iba't iba talaga yung mga reliyon, mga kultura, mga lingwahe, mga paraan ng pamuhay.
01:18.8
At dahil doon, maraming ethnic groups at magkakaiba ang mga Pilipino.
01:29.7
Pero syempre, dahil sa teknolohiya, sa kolonyalismo din, gusto nila na makontrol yung mga tao
01:40.9
at mahirap makontrol yung mga tao kung iba't iba yung mga tao.
01:48.8
Mag-isip yung mga tao.
01:51.4
So, para maging homogenous yung mga tao, para maging madali para sa mga sumakop dati.
02:07.0
At syempre ngayon, dahil sa negosyo, dahil sa iba't ibang dahilan, may mga benepisyo o madaming mga benepisyo
02:18.8
at magiging magkakatulad.
02:26.0
So, yung Cebu o mga Cebuano, sabi nila ay regionalistic sila.
02:37.4
Ibig sabihin, proud sila sa mga bagay na galing sa Cebu.
02:43.8
Tulad ng mga gitara.
02:46.7
Tulad ng mga design.
02:48.8
Tulad ng mga designer nila.
02:50.6
Tulad ng mga musika nila.
02:54.4
At proud sila sa dialekto nila.
03:00.4
Kaya gusto nilang ginagamit ito.
03:04.9
At halimbawa, kung mayroong taga-Mainila na pupunta sa Cebu,
03:10.9
minsan mas gusto nila magsalita sa Ingles at hindi sa Tagalog.
03:18.0
Kasi, yung Cebuano, mayroong mga bagay na galing sa Cebu.
03:18.8
At yung Cebuano, mayroong mga bagay na galing sa Cebu.
03:18.8
At yung Cebuano, mayroong mga bagay na galing sa Cebu.
03:18.8
Kasi, nahihiya yung ibang mga Cebuano
03:22.0
dahil minsan hindi sila confident sa Tagalog nila.
03:33.2
Para sa kanila, hindi sila magaling mag-Tagalog.
03:37.3
Kaya, mag-i-Ingles sila kung kausap nila ang mga Manilenyo.
03:48.8
Dahil na rin, mayroong parang stereotype na yung aksento,
03:54.5
yung bigkas ng mga Cebuano ay mali o nakakatawa o yun.
04:08.5
Yun ang mga prejudice kontra sa bigkas ng mga Cebuano.
04:15.2
At dahil doon, nahihiya.
04:18.8
Ang mga ibang Cebuano na mag-Tagalog.
04:23.1
So, kung pwede, mag-Ingles na lang o mag-Cebuano.
04:28.0
At nakakalungkot dahil marami rin akong nakilala na Cebuano.
04:37.6
At syempre, mayroon nung sila mag-Tagalog.
04:41.7
Magaling sila mag-Tagalog.
04:45.8
Parang fluent sila.
04:48.8
Kasi, yun, yung mga palabas, nasa Tagalog, may mga balita sa Tagalog, mga pelikula sa Tagalog.
04:59.4
Pero, syempre, nahihiya lang sila magsalita ng Tagalog dahil sa mga negatibong karanasan.
05:14.5
Dagdag pa dito yung mga show, mga telenovela.
05:18.8
Yung mga Cebuano, kadalasan, stereotype version yung nasa telenovela.
05:27.6
So, talagang mali ang... o mali-mali ang Tagalog.
05:35.5
O siguro, katulong o yaya yung role nila.
05:43.7
So, talagang stereotype yung mga artista.
05:48.8
At, yun, kadalasan, hindi magandang imahin yung brand yung pinapakita kung mga Cebuano.
06:04.9
Syempre, ngayon, sa tingin ko, medyo nagbabago na.
06:08.3
Pero, dati, yun ang problema.
06:13.2
At, isang point pa dito yung yaya.
06:20.1
Yaya o katulong yung tao na tumutulong sa bahay.
06:26.4
Sa Ingles, parang maid.
06:29.1
So, maid yung yaya o katulong.
06:32.8
Tapos, merong parang stereotype na yung mga Cebuano pumupunta sa Luzon o sa Maynila
06:43.2
para maging yaya, maging katulong.
06:48.8
Yun, parang magtrabaho sa Maynila.
06:53.5
Dati, yun ang dahilan.
06:59.1
Pumupunta sila sa Maynila.
07:01.3
Syempre, parang maghanap ng trabaho.
07:05.1
At, kung yung trabaho, isang yaya, magtatrabaho sila.
07:11.7
Pero, naging stereotype na hindi na masyadong totoo ngayon.
07:18.8
Dahil, nasa Cebu, yung mga BPO industry sobrang developed sa Cebu.
07:26.4
Madaraming trabaho sa Cebu.
07:29.2
So, maraming na ring oportunidad ngayon sa Cebu.
07:33.6
Meron akong mga kaibigan na pumupunta sa Cebu galing sa Maynila para magtrabaho.
07:41.4
Kasi, maraming mga kumpanya na international sa Cebu.
07:48.8
At, halimbawa, yung pronunciation, yung bigkas ni Manny Pacquiao.
07:55.9
Dati, sobrang tinatawanan ng mga Pilipino hanggang ngayon.
08:05.1
Kasi, kapag nagtatagalog siya, sobrang halata yung bigkas at yung aksento ng taga-Bisaya.
08:18.8
At, yun, yun ang role ng lingwahe.
08:25.8
Malaking role ng lingwahe sa mga prejudice at stereotype kontra sa mga Cebuano.
08:35.6
At, yun ang mga dahilan sa tingin ko.
08:43.7
At, syempre, meron ding parang egocentric na pag-iisip.
08:48.8
At, meron ding parang egocentric na pag-iisip ng mga Manilenyo.
08:51.2
Syempre, hindi lahat.
08:52.6
Pero, hindi naman ito, hindi karaniwan.
08:57.4
Halimbawa, sa ibang bansa din.
09:00.1
Halimbawa, sa Paris.
09:02.5
O, sa ibang malaking mga syudad, mga malaking mga lungsod.
09:15.8
Halimbawa, merong pag-iisip.
09:17.6
Halimbawa, merong pag-iisip.
09:17.7
Halimbawa, merong pag-iisip.
09:18.8
At, na mas importante yung lungsod nila.
09:23.2
O, pinaka-importante yung lungsod nila.
09:26.4
Dahil, maraming trabaho dito.
09:29.9
Maraming oportunidad dito.
09:32.4
At, nandito yung stock exchange.
09:35.0
Nandito yung mga headquarters.
09:39.0
Nandito yung mga opisina ng gobyerno.
09:43.7
Parang, hindi karaniwan.
09:47.1
Yung pag-iisip na mas importante yung capital na lungsod ng bansa.
09:54.4
So, isa rin yun sa, parang, superiority mindset ng mga Manilenyo.
10:04.3
At, hindi positibo.
10:07.5
Dahil, apektado yung pananaw.
10:17.1
mga ibang Pilipino na wala sa Maynila.
10:25.6
At, yun, kadalasan merong division kung Manilenyo o kung Probinsyano.
10:32.4
So, sa tingin ko, hindi maganda.
10:36.3
Pero, nagbabago na sa ngayon.
10:42.1
Yun lang ang episode ngayong araw.
10:43.9
Salamat sa oras nyo.
10:45.7
Merong transcript kung kailangan nyo.
10:48.7
At, meron akong Patreon kung gusto nyo sumuporta sa proyekto.
10:54.7
Salamat at paalam.