Close
 


#76 - Mga Stereotypes sa Pilipinas (From A Foreigner’s Perspective)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ano ang mga napansin na stereotype ng isang banyaga sa Pilipinas? Merong mga stereotype ang mga Pilipino sa kapwa Pilipino at sa mga banyaga, alin ba ang mga pinakakaraniwan? ⁠Nandito⁠ ang artikulo. [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:⁠⁠ ⁠https://drive.google.com/drive/folders/1GTztDjkli1_P4hAGgOVRfF9Rl6dJbVt1?usp=sharing⁠⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Music used: (⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠link⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠) Improvisation 1 by ⁠⁠⁠⁠⁠⁠Electric Kulintang⁠⁠⁠⁠⁠⁠ licensed under a Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 International License⁠. Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create inte
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 09:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:12.1
At ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga stereotype ng mga Pilipino sa isang foreigner, sa isang banyaga.
00:24.3
At itong article ay galing sa Red Pill Rebellion. Ilalagay ko ang link sa description.
00:36.6
At gusto ko lang ibahagi kasi interesante makita yung isang perspektibo ng isang banyaga.
00:46.4
At ang pangalan niya ay Ron. At sinulat niya ito o in-update niya itong article.
00:54.3
Noong Oktobre 2022. So, isa siyang banyaga na bumiyahe sa Pilipinas ng matagal na panahon.
01:06.5
At meron siyang mga napansin na stereotype ng mga Pilipino sa kanya bilang isang banyaga.
01:17.3
So, yung una ay yung stereotype na mayaman.
01:24.3
Lahat ng mga banyaga.
01:28.2
At ayon sa payscale.com, yung average na annual salary sa Pilipinas ay nasa mga 7,000 dolyar kada taon yun.
01:46.4
7,000 dollars or 7,200 exacto.
01:52.3
At dahil doon,
01:54.3
may assumption o mayroong stereotype yung mga Pilipino na yung banyaga mayaman.
02:03.4
Kasi, syempre, mas mataas yung sweldo ng mga banyaga.
02:10.1
At kumpara sa 7,000 dollars annual salary, mas mataas yung sweldo ng banyaga, syempre.
02:19.7
Pero, syempre, maraming iba't-ibang factors, iba't-ibang aspect.
02:24.3
Ito, hindi sigurada na mayaman yung banyaga.
02:30.1
So, isa yung stereotype na kapag nakikita siya ng mga Pilipinong kaibigan niya,
02:42.8
merong assumption na mayaman siya dahil banyaga siya.
02:49.2
At merong assumption na siya yung magbabayad.
02:54.3
Halimbawa, sa isang restaurant, sa isang hapunan, dahil banyaga siya, mas mayaman siya.
03:03.2
Pero, syempre, hindi laging totoo yung stereotype na yun.
03:09.5
Pangalawa, yung nandoon lang yung banyaga para mag-cheat sa asawa niya o sa girlfriend niya.
03:19.7
So, siguro nangyayari yun.
03:22.4
Merong mga banyaga na pumupunta sa Pilipinas para mag-cheat sa jowa, sa asawa.
03:30.8
Pero, isang stereotype yun na naranasan niya.
03:37.9
At, nagkwento siya tungkol sa isang dating app.
03:44.0
Laging yung tanong ng mga babae sa kanya ay kung meron ba siyang asawa.
03:51.0
So, para sa kanya,
03:52.4
hindi na offensive yun dahil merong stereotype na gano'n at para sa kanya hindi positibo na gawin yun ng kahit sino.
04:07.7
Kahit banyaga o local.
04:11.2
Ang pangatlong stereotype ay yung Filipino time.
04:17.2
So, sa Pilipinas daw, merong...
04:22.4
stereotype at assumption na
04:25.3
late dadating yung mga tao.
04:31.0
At, yun ang Filipino time.
04:34.5
Na, late yung Pilipino ng 30 minuto o isang oras o dalawang oras.
04:44.6
At, yun, isang stereotype sa mga Pilipino.
04:49.2
Kumpara sa ibang bansa na on time, yung mga Pilipino, merong Filipino time.
04:59.7
Yung susunod ay yung phrase o yung salitang o yung expression na,
05:08.1
Hey, Joe.
05:10.8
Hey, Joe.
05:14.7
Sabi niya, karaniwan daw na
05:17.7
merong mga Pilipino na sisigaw sa kanya na,
05:22.5
Hey, Joe.
05:24.5
At, syempre, galing yun noong World War II
05:28.8
na yung militar
05:31.4
ng mga Amerikano ay may pangalang G.I. Joe.
05:37.5
So, kapag nakikita daw siya ng mga Pilipino,
05:42.2
at dahil puti siya,
05:44.7
sisigaw yung mga tao na,
05:46.1
Hey, Joe.
05:47.7
So,
05:49.5
isa yung sa mga karanasan niya,
05:53.7
yung mga tinatawag siya ng Hey, Joe.
05:58.7
Isa pang stereotype, pang lima,
06:01.2
yung nahanap mo yung mga kaibigan mo sa Tinder o sa internet.
06:09.8
So,
06:11.5
merong daw stereotype na
06:14.0
yung mga kaibigan niya,
06:17.1
halimbawa, isang Pilipina
06:19.4
na nakilala niya sa isang hostel
06:22.7
ay agad na merong assumption na nagde-date sila
06:30.0
at nagkita sila online,
06:33.2
nagkita sila sa isang dating app.
06:36.0
Pero, hindi totoo.
06:38.8
Pero, isa yung assumption
06:40.1
at isang stereotype na
06:42.7
kapag merong banyaga
06:45.9
at merong Pilipinas,
06:47.1
nagkita sila sa dating app
06:51.4
o nagkita sila,
06:53.5
nagkakilala sila sa internet.
06:56.1
Pero, syempre, hindi laging totoo.
07:00.9
Ang susunod ay
07:02.5
isang regional stereotype na
07:06.1
sabi niya, rivalry
07:08.0
sa pagitan ng Tagalog at Bisaya.
07:13.1
So, napansin niya ito
07:14.9
dahil
07:17.1
merong mga kaibigan siya
07:21.6
na nagsabi
07:22.9
na merong konting tensyon
07:26.0
sa pagitan ng mga Tagalog speakers
07:29.7
at Bisayan speakers.
07:33.5
At, yun,
07:36.2
mahabang kwento ito,
07:38.0
pero ayon sa kanya,
07:40.0
syempre dati,
07:41.4
yung mga yaya sa bahay
07:43.7
ay galing sa Visayas
07:47.1
at merong aksento.
07:49.6
May Visayan accent
07:51.0
yung mga yaya.
07:53.6
At,
07:54.8
merong association na
07:56.9
yung Visayan accent
07:58.6
ay low class.
08:01.6
Pero, yun,
08:02.7
pwede akong gumawa ng episode
08:04.4
tungkol dito
08:05.2
dahil may iba pang dahilan.
08:09.8
Ang susunod
08:10.6
ay
08:12.0
yung stereotype na
08:14.1
bago katanggapin
08:16.2
ng
08:16.9
mga mother-in-law mo,
08:19.7
ng mga in-laws mo,
08:21.7
kailangan meron kang
08:22.6
mga accomplishment.
08:26.0
So, normal daw sa mga Pilipino
08:28.3
na kailangan muna
08:31.1
ng approval ng magulang
08:33.4
ng partner,
08:36.3
magulang ng
08:37.0
diyawa.
08:38.7
At kailangan merong accomplishment.
08:41.8
Kailangan may trabaho,
08:43.6
kailangan maganda yung
08:45.3
degree,
08:46.9
kailangan maganda yung
08:48.8
yung career
08:50.3
at maganda ang kinabukasan.
08:55.2
At,
08:55.7
yung huling
08:56.8
stereotype ay
08:58.7
lahat ng
09:01.0
non-Asian
09:03.5
na banyaga ay
09:04.7
turista.
09:06.5
So, yun daw ang stereotype
09:09.0
na kahit
09:10.5
matagal na nakatira sa
09:12.4
Manila o sa Pilipinas,
09:14.8
yung mga
09:16.7
isa pa rin ang tingin
09:18.7
sa mga non-Asian
09:20.7
na banyaga.
09:22.7
Yung mga, lalo na
09:24.7
mga puti, may
09:26.7
may ganung stereotype
09:28.7
ayon kay
09:30.7
Ron.
09:32.7
So, yun lang ang episode natin
09:34.7
ngayon. Pwede niyong
09:36.7
i-check yung artikulo sa
09:38.7
description. Meron tayong
09:40.7
Patreon kung gusto niyo sumuporta.
09:42.7
Salamat at
09:44.7
ingat kayo. Paalam.
09:46.7
Thank you for watching!