Close
 


#72 - Paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Bagong Taon? / How do Filipinos celebrate New Year?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Anu-ano ang mga tradisyon ng mga Pilipino sa bagong taon? Bakit bilog ang mga prutas tuwing media noche? Gaano kalaki ang impluwensiya ng mga Intsik sa bagong taon sa Pilipinas? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:⁠⁠ ⁠https://drive.google.com/drive/folders/1GTztDjkli1_P4hAGgOVRfF9Rl6dJbVt1?usp=sharing⁠⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Music used: (⁠⁠⁠⁠⁠link⁠⁠⁠⁠⁠) Improvisation 1 by ⁠⁠⁠⁠Electric Kulintang⁠⁠⁠⁠ licensed under a Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 International License⁠. Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate T
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 07:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kumusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:14.1
Ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang bagong taon.
00:24.1
So tulad ng Pasko, yung bagong taon ay isa sa mga mahalagang selebrasyon, mahalagang araw sa Pilipinas para sa mga Pilipino.
00:40.5
At masaya ang bagong taon dahil pwedeng magkaroon ng bagong simula.
00:49.7
At parte ito ng mga holiday sa Pilipinas kung saan mas merong oras yung mga tao, may pagkakataon yung mga tao na magsama-sama, lalo na yung mga pamilya o yung mga magkakaibigan.
01:13.6
Isa sa mga paraan ng mga Pilipino kung paano.
01:19.7
At parte ito ng mga pag-uusapan natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang bagong taon ay isa sa mga Comprehensible Tagalog Podcast.
01:49.7
Piesta at kainan, yung hapunan na maraming pagkain at merong prutas, maraming mga prutas.
02:04.3
Yung ibang pamilya merong labindalawang prutas dahil sabi nila suwerte ito.
02:16.8
At yung hugis.
02:19.7
Yung hugis ng prutas ay mahalaga din.
02:24.5
Kailangan bilog yung hugis dahil yung hugis na bilog, yung simbolismo nito, yung bariya at pera.
02:39.3
Mahalaga yung prutas na mga bilog at yung madaming pagkain para sa medianoche sa mga Pilipino.
02:49.7
At isa doon sa mga pagkain yung pancet kasi yung pancet mahaba at simbolo ito ng mahabang buhay at magandang kalusugan.
03:04.7
Ang isa pang ginagawa ng mga Pilipino ay yung damit nila na kalalasan pula.
03:17.4
So katulad sa tradisyon.
03:19.7
Nang mga in-check, yung pulang damit nagsisimbolo ng kayamanan.
03:28.8
At bukod sa pulang damit, yung iba nagsusuot ng polka dots.
03:35.6
At sa tingin ko dahil din sa yung polka dots na pattern, bilog.
03:43.8
At yun, yung bilog, simbolismo ng pera.
03:49.7
Kayamanan.
03:51.6
Isa pang ginagawa ng mga Pilipino ay binubuksan yung ilaw sa loob ng bahay at nubuksan yung mga pinto.
04:07.6
Dahil simbolismo daw ito ng pag-iimbita ng mga blessing, pag-iimbita ng kayamanan para sa dadating.
04:19.7
At nabasa ko na yung pagbubukas ng pinto, isa rin tradisyon ng ibang mga in-check sa China.
04:33.3
At isa pang tradisyon na ginagawa ng mga Pilipino, lalo na ng mga bata.
04:41.3
At nung bata kami, ginagawa din namin ito na kapag hating gabi na,
04:48.6
kapag midnight na, tatalon yung mga bata, o tatalon kami.
04:56.7
At sabi sa amin na kapag tumalon kami sa hating gabi, tatangkad kami, o magiging mas matangkad kami.
05:12.7
At syempre, gusto namin maging mas matangkad.
05:17.5
Kaya,
05:17.7
tumatalon kami.
05:20.3
Pero, syempre, isa lang itong paniniwala.
05:25.7
At,
05:27.7
syempre, katulad ng madaming bansa,
05:31.7
marami rin paputok sa Pilipinas tuwing hating gabi.
05:38.6
At,
05:40.0
sa tingin ko, galing din ito sa tradisyon sa China
05:45.5
na
05:45.7
na
05:45.8
na
05:46.6
, ginagamit yung paputok bilang simbolo ng kayamanan ng selebrasyon dahil binubugaw nito yung mga masamang espirito.
06:01.5
Kung mayroong paputok, umaalis yung mga masamang espirito at magiging swerte ang bagong taon.
06:14.4
So, yun lang ang mga tradisyon na naalala ko.
06:21.2
Pero, siguro yung ibang pamilya, mayroon ding ibang tradisyon.
06:27.2
At, kung makikita nyo, yung ibang tradisyon namin galing sa mga in-Czech.
06:35.2
At, yun.
06:37.2
Pero, yung mahalagang bagay sa mga Pilipino, yung pamilya.
06:43.2
Na magkakasama yung pamilya sa mga holiday na ito.
06:47.2
At, kadalasan, optimistic ang mga tao at mayroong pag-asa para sa darating na taon.
06:59.2
Dahil, pwedeng bagong simula ito.
07:02.2
Kung pangit ang 2023, may paniniwala na pwedeng maging maganda ang 2024.
07:11.2
So, yun lang.
07:13.2
Meron tayong Patreon kung gusto nyo sumuporta sa proyektong ito.
07:18.2
Mayroong transcript. Libre lang. Nasa description ang link.
07:24.2
Salamat at paalam.