Close
 


Dumi Ng Pusa Ginagawang Kape - P72,000 (WILD CAT POOP)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Kaya mo bang uminom ng KAPE na galing sa DUMI? Ang KOPI LUWAK o "Cat Poop Coffee" ay ang pinakamahal na kape sa buong mundo. Bawat kilo nito ay nagkakahalaga ng P5,000 - P72,000. Ang coffee bean nito ay galing sa dumi ng Musang. Kailangan pa itong dumaan sa tiyan ng Musang para makuha ang perpektong coffee bean. Ano ba ang meron sa Musang? At ano naman kaya ang lasa ng pinakamahal na kape na galing sa dumi? Alamin sa vidyong ito! Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito ang Kopi Luwak, ang itinuturing ng Guinness World Records bilang world's most expensive coffee.
00:11.5
Bawat kilo nito ay nagkakahalaga ng nasa 99 to 1,300 dollars.
00:17.8
Sa ating pera, ito ay nasa 5,000 to 72,000 pesos per kilo.
00:23.7
Grabe, nakakagulat ang presyo.
00:25.9
Pero mas magugulat pa kayo sa sasabihin ko, ang kaping ito ay gawa mula sa dumi ng musang o alamid.
00:34.6
Ito ay tinatawag din na cat poop coffee.
00:42.9
Nakakadiri kong isipin, pero maraming tao ang willing gumastos ng malaki makainom lang nito.
00:49.2
Mahal ang Kopi Luwak dahil ang proseso nito ay kakaiba kumpara sa ibang kape.
00:54.6
Kailangan pa kasi itong dumaan sa tiyan ng musang para makuha ang perfectong coffee bean.
01:00.9
At alam nyo ba, meron pang mga musang na sapilitang kinukulong para lamang makapagproduce ng maraming Kopi Luwak at magkapera ang manufacturer.
01:10.7
Ano naman kaya ang lasa ng pinakamahal na kape na galing sa dumi?
01:24.6
Sa lingwahing baha sa Indonesia, ang salitang kopi ay nangangahulugang kape.
01:31.7
At ang luwak ay ang lokal na tawag ng mga Indonesians sa musang o Asian palm civet.
01:37.6
Ito ay isang hayop na parang pusa, may mahabang bunto tulad ng isang unggoy, at may mukha na parang raccoon.
01:44.8
Makikita ito sa Southeast Asia at Sub-Saharan Africa.
01:49.0
Kaya meron din tayo nito dito sa Pilipinas.
01:51.7
Ang presyo ng Kopi Luwak ay depende.
01:54.6
Sa kung saan ito nakukuha?
01:56.6
Ayon sa National Geographic, ang caged variety ng Kopi Luwak ay nagkakahalaga ng nasa $99 o P5,000 per kilo.
02:06.1
Ito yung nakukuha sa mga musang na nasa farm pero nakakulong sa haula.
02:10.6
Pero mas mahal ang wild variety nito na nagkakahalaga ng $1,300 o P72,000 per kilo.
02:19.0
Ito naman yung nakukuha sa mga wild musang na malayang nakakalibot sa coffee plantation.
02:24.6
At kusang kumakain sa mga coffee plant.
02:28.0
Bakit mahal?
02:29.2
Maproseso kasi ang paggawa ng Kopi Luwak lalo na sa wild at limitado din ang supply nito.
02:35.8
Una, kinakain ng musang ang coffee berries o coffee cherries.
02:40.5
Ito yung bunga ng coffee plant.
02:42.5
Gustong-gusto ng musang kumain ng coffee berries dahil sa parang jelly na nakabalot sa coffee bean.
02:48.5
Nilulunok nila ang coffee bean.
02:50.4
Hindi ito nadadigest ng kanilang chan kaya buo itong lalabas.
02:54.6
Kasama ng kanilang dumi.
02:56.2
Pangalawa, mano-manong hinaharvest ang mga dumi ng musang.
03:00.4
Pangatlo, hinuhugasan nila ang mga ito.
03:02.9
Pangapat, pinapatuyo at binabalatan.
03:05.9
At ito na po ang coffee bean ng Kopi Luwak.
03:09.0
At panglima, niraroast o sinasalang nila sa apoy ang mga coffee bean.
03:13.6
At pagkatapos ay dinudurog para maging pino.
03:16.8
Pero alam nyo ba, aksidente lamang na nadiskubre ang Kopi Luwak.
03:21.4
Nung sako pa ng Netherlands ang Indonesia, nagtayo sila ng mga plantation farms sa iba't ibang bahagi ng bansa kung saan inalipin nila ang mga Indonesians na magtanim ng coffee plant.
03:35.7
Sa panahong ito, tumataas ang demand ng coffee beans.
03:38.9
Para ma-meet ang demand, gumawa ng batas ang mga Dutch na ang lahat ng napuproduce na coffee beans sa Indonesia ay pang-export lamang at pinagbawalan ang mga magsasaka na magbenta sa local market.
03:51.4
Bukod sa hindi makatarungang pamamalakad ng mga Dutch, naging problema din ng mga magsasaka ang mga musang na kumakain sa mga coffee berries.
04:00.5
Itinuring nila itong mga peste.
04:03.0
Pero nagbago ang tingin ng mga magsasaka sa musang nang may nadiskubre sila sa domain ng mga ito.
04:09.0
Nakita nila na hindi natunaw ang mga buto ng coffee berries.
04:13.1
Dinudumi nila ito ng buo.
04:15.1
Sa kagustuhan nilang makapagbenta, kinuha nila mula sa domain ng musang ang mga coffee beans.
04:21.4
Nang matikman nila na mas masarap ito kumpara sa pangkaraniwang kape, nagsimulang magkaroon ng industriya sa paggawa ng kopi luwak.
04:30.4
Ayon sa mga nakainom na ng kopi luwak, hindi daw ito masyadong mapait at may konting tamis.
04:36.6
At dahil daw ito sa mga musang.
04:38.9
Mapili kasi ang mga musang kaya matatamis at hinog na coffee berries lang ang kanilang kinakain.
04:44.6
At merong enzyme sa kanilang tiyan na siyang bumabawa sa pait at nag-aalis ng acidity ng buto.
04:51.4
Dahil sa kakaibang sarap nito, napansin ito ng mga banyaga sa western countries.
04:56.7
Nagsimulang sumikat ang kopi luwak noong 1991 sa United Kingdom.
05:01.5
Lalo pa itong pinag-usapan dahil sa kakaibang pinagmula nito.
05:05.2
Na-feature din ito sa Oprah Winfrey Show at lumabas rin sa Hollywood movie na The Bucket List.
05:11.0
Tumaas ang demand ng kopi luwak kaya pati ang mga karatig bansa ng Indonesia tulad ng Vietnam at Pilipinas ay nag-produce na rin ang kanilang version nito.
05:21.4
Sabay ng pagiging in-demand ng kopi luwak ay inulan rin ito ng mga kontrobersiya.
05:30.4
Noong 2013, naglabas ng apila ang People for Ethical Treatment of Animals o PETA Asia Pacific sa mga coffee lovers sa buong mundo na huwag nang bumili ng kopi luwak.
05:42.4
Ito ay dahil sa mga report na ang ilan sa mga manufacturers ng kaping ito ay sapilitang kinukulong at minamaltrato ang mga musang.
05:50.9
Para makapag-produce ng maraming kopi luwak, ginugutom at tanging coffee berries lang ang ipinapakain para ang idudumi lang nito ay coffee beans.
06:00.6
Ilan rin daw sa kanila ay ubis dahil hindi sila nakakagalaw ng malaya.
06:05.4
May mga balisa, meron ding walang akses sa malinis na tubig at exposed sila sa ingay ng trapiko at mga turista.
06:13.3
Marami din daw ang binibenta na nakalabel as wild pero ang totoo ay mula ito sa mga nakakage at minamaltrato.
06:20.9
Mahirap daw masabi kung alin ang kinuha sa wild o cage kaya kung hindi sigurado, mas maiging huwag na lang daw bumili.
06:30.3
Kung nagustuhan niyo po ang content natin today, make sure to share this video.
06:34.8
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!