Close
 


BATTLEFIELD - Dear Love | March 19, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nag-aaral si Aira ng medicine dahil 'yun ang nais na kurso sa kaniya ng nanay niya. Ang hilig talaga ni Aira ay e-sports at naniniwala siya na may future siya rito kaso hindi bilib ang Nanay niya sa kaniya. Ang mga istoryang kukurot, kikiliti at magpapakilig sa natutulog mong PUSO. Dear Love with Conyo Bicolano at Robin Sienna 9:00 a.m. to 12 p.m. Listen or Watch Live: https://www.loveradio.com.ph Download our Mobile App: http://bit.ly/LoveRadioPH Facebook: https://www.facebook.com/loveradiomanila Twitter: https://twitter.com/loveradiomanila Instagram: https://www.instagram.com/loveradiomanila #LoveRadioManila
Love Radio Manila
  Mute  
Run time: 16:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dear Love, 2022 na. At marami ang gaya kong nangangarap maging isang professional player sa larangan ng e-sports.
00:13.6
Marami nang nagpatunay na desente at maganda ang kita sa ganitong uri ng trabaho.
00:19.2
Kaya naman, gusto ko din tong tahakin. Ngunit, ang aking ina'y talagang tutul dito.
00:30.0
Ira, hali ka nga dito. Talagang tinatago mo pa ang grades mo sa akin?
00:37.7
Ipaliwanag mo itong unofficially dropped mong subjects. Ira!
00:45.6
Naubusan ako ng bala, sorry! Bawi ako, bawi! Ako una sa base ng kalaban, ha?
00:50.9
Aba, at paglalaro pala ang inaatupag mong tamad ka, huhugutin ko nga itong saksakan.
00:58.1
Ay, brownout! Nang matatag!
01:00.0
Ay, sayang panalo na!
01:02.6
Ira!
01:03.5
Ma, kanina ka pa? May online class po kasi kami, kaso po nag-brownout ata.
01:12.0
Nagsisinungaling ka pa? Binunot ko yung saksakan dahil kanina ka pa nakikipagbarilan dyan.
01:18.4
Puro kalaro. Ipaliwanag mo sa akin kung bakit nag-drop ka sa dalawa mong subjects.
01:23.0
Ah, eh, ano kasi ma, nagpa-practice kasi ako dito sa online games.
01:30.0
May, may, may tryout ako sa katapusan.
01:32.9
Anong pinagsasasabi mo? Anong practice? Pinagpa-practicean mo yan?
01:38.1
Opo! Gusto ko kasing maging pro player, ma.
01:42.9
Kapag, kapag nakapasa ako sa tryout, kasama ako sa team na ilalaban sa ibang bansa.
01:48.7
May world championship to, ma! At hindi lang isang milyon ang pwedeng mapanalunan.
01:54.1
Five million, ma! O, diba? Mapapagawa na natin itong bahay, saka...
02:00.0
Makakapag-negosyo ka na uli!
02:02.3
Pumigil ka sa kahibangan mo, Aira. Mamuhay ka sa katotohanan.
02:07.6
Hindi porkit usong-uso ang internet ngayon, ay nagpapaka-ilusyonada ka na.
02:13.1
Pinag-aaral kita para maging doktor.
02:17.3
Ang mahal-mahal ng tuition mo, isipin mo ang sakripisyo ko sa'yo.
02:21.6
Tigilan mo yan. Magmula ngayon, hindi ka na pwede maglaro ng online games.
02:27.6
Naiintindihan mo?
02:30.0
🎵 Music 🎵
02:33.5
Kurt, sorry. Ekis ako sa barilan session natin. Alam mo naman, pinagbabawalan na ako ni mama eh.
02:47.0
Ano? Ay, Aira, hindi pwede. Wala kami ipapalit sa'yo.
02:51.8
Nambalitaan mo na bang hindi nasa katapusan ng tryout? Sa Sabado na!
02:55.9
OMG! True ba? Naku, paano ako makakapag-prayout?
03:00.0
Anong practice niyan?
03:01.0
Eh, gumawa ka ng paraan, Aira. Pumunta ka sa internet cafe.
03:04.0
Eh, hindi nga ako pinigyan ni mama ng allowance, tsaka alam niya na wala akong pasok.
03:10.0
Alam ko na, hihingi ako kay papa.
03:13.0
Aira, sayang tong chance na to eh. Malapit ka nang maging pro player.
03:18.0
Hiyaan mo, Kurt. Hindi natin sasayangin ang pagkakataong to.
03:23.0
🎵 Music 🎵
03:30.0
🎵 Music 🎵
03:38.0
Aira, san ka galing?
03:41.0
Mama naman!
03:43.0
Alas 4 na ng madaling araw umuwi. Napakatigas talaga ng ulo mo.
03:48.0
Ma naman eh, ginulat mo naman ako. Matulog ka na po kaya?
03:52.0
Pinag-aalala mo akong bata ka? Panigurado sa computer shop ka nagpunta.
03:58.0
Akala mo hindi ko narinig usapan niyo ng kalaro mo? Tumakas ka pa talaga.
04:03.0
Ma, sorry. Huwag mo na akong pagalitan oh. Masaya po ako sa ginagawa ko, Ma.
04:11.0
Dito akong magaling, Ma. Kaya sana, sana po supportahan mo ako.
04:17.0
Aira, hindi ka talaga marunong makinig sa magulang mo. Nagsasakripisyo ako para sayo.
04:23.0
Pero puro paglalaro lang ang inaatupag mo?
04:26.0
Kababae mong tao, madaling araw ka na umuuwi. Hindi ka talaga nakakaintindi ha?
04:31.0
Ma, please. Hindi naman po ako aalis kung hindi niyo ako pinagbawalang maglaro dito sa bahay eh.
04:38.0
Gusto ko po talagang mag-try out. Gusto ko maging pro player, Ma. Magtiwala po sana kayo sakin. Please?
04:47.0
Paano ako magtitiwala sa isang bulakbol na kagaya mo? Pinag-aaral ka pero binabaliwala mo?
04:55.0
Manang-mana ka sa tatay mong tamad at walang pangarap sa buhay.
05:00.0
Ma, dahan-dahan naman po sa pagsasalitaan niyo. Pati si Papa dinadamay niyo.
05:06.0
Kaya kainiwan ni Papa dahil gusto mo ikaw lang nasusunod. Wala kang tiwala sa ibang tao.
05:12.0
Sumasagot ka pa?
05:14.0
Aray, Ma!
05:16.0
Lumayas ka! Doon ka pumunta sa ama mo. Magsama kayo. Tignan lang natin kung hindi ka maging katulad ng ama mong walang narating sa buhay.
05:24.0
Hindi po ako makapaniwala sa inyo, Ma. Isuporta at tiwala lang po ang gusto ko mula sa inyo. Ma, promise, hindi po kita bibiguin.
05:40.0
At paano ako makakasiguro sa'yo, Aira, na hindi mo ko bibiguin sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan?
05:49.0
Aira, ang mahal ng tuisyon mo. Hindi lahat kayang mag-aaral mo.
05:53.0
Hindi lahat kayang mag-aaral ng medisina. Pero may magulang ka na nagpupursige para masiguro ang kinabukasan mo.
06:01.0
Dito pa lang sa pag-aaral na ito, binigo mo na ako. Paano pa dyan sa computer games na yan, ha?
06:07.0
Ma, hindi mo po ako naiintindihan.
06:11.0
Ako ang hindi mo naiintindihan, Aira. Mahal kita, anak. Sana naiintindihan mo yung mga sakripisyo ko para sa'yo.
06:23.0
Ang buhay ay hindi isang laro na kapag nagkamali ka, pwede mong ulit-ulitin.
06:29.0
Isipin mong mabuti lahat, Aira. Makinig ka sa'kin. Magiging doktor ka at hindi ka natutuloy sa tryout na yan.
06:38.0
Ma, I'm sorry. Pero this time ako naman ang masusunod. Buong buhay ko, ikaw lagi ang nagdidesisyon para sa'kin.
06:51.0
Kahit nga sa kurso ko ngayon, tinanong mo ba ako? Kahit minsan po ba inisip niyo kung gusto ko pa talagang maging doktor?
07:02.0
Ma, mahal po kita. Pero sana malinaw din sa inyo na meron din akong sariling desisyon.
07:13.0
Naiintindihan ko po na ayaw niyo akong magkamali.
07:19.0
Pero paano po ako matututo? Kung sa bagay na gusto kong gawin, hindi niyo ako magawang suportahan. Tutuloy po ako sa tryout. Buo po ang desisyon ko.
07:33.0
Kapag tumuloy ka sa tryout, huwag ka na ditong tumira. Tutal, hindi mo na ginagalang ang sarili mong ina.
07:41.0
Ma naman! Please!
07:46.0
Tutal, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo.
07:49.0
Hindi ba? Maglaro ka nalang nang maglaro ng computer games. Tingnan natin kung saan ka pupulutin pagdating ng araw.
07:57.0
Alam ko pong hindi mo ako maintindihan. Pero pangako ko sa'yo mama, hindi po kita bibiguin.
08:07.0
Lumayad ka! Ayokong marinig ang mga pagmamalaki at ilusyon mo.
08:19.0
May pangkat mo
08:40.4
Uy, Congrats anak, pasok ka sa tryout. Ang galing mong bumarila! Pinunood kita sa livestream kanina!
08:46.0
Thank you papa! Di pa' rin po ako makapan inserta. Isa ako sa ipagpadala sa Singapore para i-represent ang Pilipinas.
08:48.0
Thank you, Papa. Thank you, Papa, sa pagpapatuloy mo sa akin, ha. Pwede bang dito na lang ako tumira?
08:56.4
Hmm? Pansamantala lang, anak ha. Umuwi ka din sa mama mo at sabihin mo to sa kanya. Nakuchak, matutuwa yun.
09:04.5
Sus, para namang hindi mo kilala si mama. Mas magagalit yun na nakapasok ko sa tryout kasi di na naman ako papasok dahil magfocus na ako sa pagpapractice.
09:15.6
Eh, sigurado ka ba, anak, na hindi mo na ipagpapatuloy ang pagkuhan ng medisina?
09:21.3
Pa, alam naman natin na hindi talaga kaya, di ba? Ginagapang lang ako ni mama sa pag-aaral pero nadadagdagan lang yung mga utang niya.
09:33.1
Gastos kaya ng kurso ko na yun. Concern lang din naman po ako sa estado ng buhay natin.
09:40.3
Anak, patawarin mo ako ha dahil hindi sapat ang naibibigay kong sustento.
09:46.3
Itong tandaan mo, mahal na mahal ka ng mama mo. Gusto niya lang na magkaroon ka ng magandang kinabukasan.
09:55.0
Nagkamali nga lang siya na hindi ka pinakinggan at hindi ka sinuportahan sa gusto mo.
10:00.5
Intindihin mo na lang, masyadong old school ang mama mo eh. Wala siyang alam sa takbo ng mundo ngayon.
10:06.6
Papa, ang totoong nagmamahal, nagtitiwala kahit sa pano hindi pa natin maintindihan.
10:13.6
Mabuti na rin na nandito ako sa bahay mo kasi miss na miss na rin po kita.
10:21.5
Diba, ito yung bonding natin nung bata ako. Naglalaro tayo ng computer games.
10:28.3
Ikaw kaya yung inspirasyon ko sa paglalaro dahil dati kang sundalo.
10:33.8
Sa online game na to, pakiramdam ko sundalo din ako.
10:38.4
Pahag nga papa!
10:39.7
Uy, ikaw talaga. Kahit ngayon bolera ka pa rin eh.
10:43.0
Promise?
10:43.6
Papa, gagalingan ko. Magiging pro player ang anak mo.
11:02.4
We are broadcasting live here in Singapore to witness ang laban ng Team Sinag Pilipinas kontra si Dash ng Singapore.
11:11.3
Sino ang mas magaling kumasa o masintay?
11:13.6
At magtanim ng bomba. Ang Team Sinag Pilipinas o ang Dash Singapore.
11:19.7
Kurt, kinakabahan ako.
11:21.8
Ira, ipanalo natin to ah.
11:25.0
Ira, sumugod ka agad ah. Ako yung magtatanim ng bomba.
11:28.2
Ikot kayo sa base, ikot. May sniper ang kalaban.
11:31.2
Ira, Ira, umabang ka dyan sa mid lane.
11:33.6
Ang patay na si Lloyd at Kian. Kurt, yung bomba, baka makita ng kalaban.
11:37.7
Nakabantay ako. Clear to clear.
11:41.3
Yay!
11:42.8
Yay! Ayos!
11:43.6
Yay!
11:45.8
Lamang na lamang na ang Sinag Pilipinas sa score na 2-0.
11:49.6
Kapag naipanalo nila ang huling round,
11:51.8
ang ibig sabihin ay sila ang magkakamit ng World Championship 2022
11:56.8
sa larangan ng Gun Run Esports.
11:59.8
Tumitindi na ang labanan.
12:01.7
Let's talk to the founder and coach of Team Sinag na si Robert Castro.
12:05.8
Robert, how did Team Sinag prepare for this?
12:09.6
Yung teamwork ang nilinis natin
12:11.7
at itinatak natin sa players na focus lang sila sa goal.
12:16.1
Goal ng game, enjoy and bigyan nila ng good game yung Pilipinas.
12:20.3
Maraming salamat, coach.
12:21.9
Grabe, excited na pa kayo sa last round?
12:24.9
Heto na ang Team Sinag Pilipinas versus Singapore Dash.
12:29.1
Sinag! Sinag! Sinag!
12:37.1
Isang kasaysayan!
12:39.0
Tagumpay ang Pilipinas laban sa Singapore.
12:41.7
It was such a good game!
12:57.3
Binubuo ang sinag Pilipinas ng limang players.
12:59.9
Ay, alak ko! Lasa TV ka, dali!
13:02.1
Mendoza, Claire Uy, at ang MVP na si Ira Sanchez.
13:05.8
Congratulations, Team Sinag!
13:07.0
Papa ko yan! MVP!
13:09.2
Pew! Pew! Pew! Pew! Pew! Pew!
13:10.4
Ay, magaling umasin!
13:11.7
Tatay itong alak ko!
13:13.2
Mano sa tatay!
13:15.8
Ay, ako na anak.
13:21.7
Mama?
13:25.7
Rosa, pasok ka.
13:29.2
Patuwarin mo ako, anak po.
13:31.9
Pinagtutahan ko ang kakayahan mo.
13:34.5
Ma, huwag ka nang umiyak.
13:37.3
Ang mahalaga po, napatunayan ko na kaya ko.
13:40.6
Proud na proud ako.
13:41.7
Sa'yo, kahit di ko maintindihan niyang laro na yan eh,
13:45.8
pinanood ko yan kasama ang papa mo.
13:48.2
Po? Magkasama kayong nanood?
13:50.9
Ay, oo anak.
13:52.9
Tanong nga lang tanong ang mama mo dahil hindi niya maintindihan.
13:57.3
Ang saya ko po!
13:59.3
Pakiramdam ko po, mabubuo tayo uli!
14:02.6
Bakit hindi?
14:04.3
Tutal, konsentido naman ang ama mo.
14:07.1
Ito talaga, Rosa.
14:09.3
Maipapagawa na po natin yung bahay at
14:11.2
maitutuloy niyo na puli ang negosyo niyo ni papa.
14:14.2
At ang pinakamahalaga po,
14:16.2
mabubuo na tayong muli.
14:18.2
Maraming salamat anak sa pag-intindi mo sa akin.
14:22.2
Huwag mo lang ngayon,
14:24.2
magtitiwala at susuportahan kita sa anumang gusto mo.
14:28.2
Nandito lang kami ng papa mo.
14:31.2
Sabi ko sa'yo anak eh, mahal ka ng mama mo.
14:34.2
Mahal ko din po kayo mama at papa.
14:36.2
Group hug na!
14:38.2
Group hug!
14:41.2
次回
14:44.2
Pagbabalik ang kanila
14:46.2
Pagbabalik ang kanila
14:48.2
Pagbabalik ang kanila
14:50.2
Hala ang Reno
14:52.2
Pagbabalik ang kanila
14:54.2
Pagbabalik ang kanila
14:56.2
Dear Love!
14:58.2
Sa tulong ng e-sports ay naipagawa namin ang bahay
15:03.2
at ngayon ay magpatuwang ang aking magulang sa pagpapatakbo ng negosyo.
15:09.2
Naging mas malapit rin kami sa isa't isa at ramdam na ramdam ko ang suporta nilang dalawa.
15:16.2
Mas naging busy rin ang team sa pag-iensayo para maghanda sa mga susunod pang laban.
15:22.6
Ano man ang mangyari ay huwag tayong sumuko at ipaglaban natin ang mga bagay na makakapagpasaya at magdadala sa atin sa tagumpay.
15:33.3
Hanggat tama ang naisin, totoong pag nagsumikap, matutupad ang pangarap.
15:41.0
Ako ang buhay na patunay sa kasabihang,
15:46.0
Do what you love and love what you do.
16:03.3
Kailangan pa bang imemorize yan?