Close
 


DATING NOBYA NI TATAY | Aswang True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
DATING NOBYA NI TATAY | Aswang True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #ThelmoHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 59:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:31.0
Nang ibang bahay na po kasi ang magaling kong asawa.
00:35.2
Sa totoo lang nakakawala ng problema at kalungkutan sa tuwing nakikinig ako ng mga totoong karanasan ng mga sender na ipinapadala sa channel mo.
00:46.0
Pakiramdam ko kasi sa tuwing nakikinig na ako ng mga kwento ay parang nasa Pinas lamang din ako.
00:55.0
Ang iba bahagi kong kwento sa inyo ay hango sa tunay din.
01:00.0
Ang pinakaranasan namin ng aking mga magulang sa dati naming tirahan sa isang baryo sa lugar ng Negros Oriental.
01:15.8
Mayigit dalawamput limang taon na nang mangyari ito.
01:20.5
Ang edad ko pa noon ay nasa 14 anyos pa lamang.
01:24.9
Dahil sa nawala ng trabaho ang aking ama at wala kaming ibang malapitang kamag-anak sa Maynila,
01:30.0
kaya naman napagpa siya ng mga magulang kong umuwi sa probinsya ng aking ama.
01:38.5
Ayon kasi kay Papa, mas mainam lang sa probinsya na muna nila kami maninirahan.
01:44.9
Kahit pa pano ay may mapagkukuhanan siyang hanap buhay sa bukid nila
01:49.9
at may matitiran kaming bahay ng walang binabayarang renta.
01:55.3
Dahil kahit pa pano ay may malawak silang lupaing pinagtataniman ng kanyang mga magulang noon.
02:00.0
At yun ang pinagkukuhanan ng hanap buhay nila noong kabataan pa lang.
02:07.0
Aniya, kung mananatili kami sa Maynilang manirahan e baka sa kangkungan ng bagsak namin,
02:14.5
kapag naubos na ng konting ipon nila ni Mama,
02:18.3
o kaya naman e baka sa mga susunod na araw o linggo,
02:21.6
ay mamamasura na lamang umano siya para may kikitain pera,
02:26.2
para may pambili ng pagkain namin.
02:30.0
Kung hindi niyo po kasi naitatanong,
02:33.6
biglaan pong nagsara ang pinagtatrabuhan ni Papa
02:36.1
at nahihirapan na rin siya maghanap ng iba pang trabaho.
02:41.9
Si Mama naman ay hindi makakatulong sa kanya sa pagkahanap buhay
02:45.0
dahil buntis si Mama sa bunsukong kapatid
02:48.5
at nasa anim na buwan na ang kanyang tiyan.
02:54.9
Humingi ng pasensya sa aming dalawa ni Kuya Ronnie ang aming ama
02:58.0
dahil pansamantala ni Papa,
03:00.0
nang hihinto na muna kami ng isang taon sa pag-aaral noon.
03:05.9
Pangako ko sa inyo mga anak,
03:08.4
sa susunod na taon,
03:10.5
makakapag-aaral na kayo ng maayos at hindi na tayo
03:13.0
mamumuroblema pagdating sa mga gastusin niyo sa eskwelahan.
03:18.1
Sa ngayon kasi, marami pa tayong problema ang kinakaharap eh.
03:22.4
Pasensya na talaga kayo mga anak.
03:25.8
Magpapaliwanag pa ng aking ama sa aming magkakapatid noon.
03:30.0
Ayos lang yun pa,
03:31.5
na naintindihan ka namin ni Mara.
03:33.5
Di ba Mara?
03:36.5
Tugon ng kapatid ko na sinangayunan ko naman.
03:41.0
Pero sa totoo lang talaga,
03:43.0
hindi ko gustong umuwi kami sa probinsya ni Papa.
03:47.0
Dahil lumaki ako sa Maynila
03:49.0
at sanay ako sa maraming tao.
03:52.0
Isa pa ay nasa Maynila ang mga kaibigan ko.
03:56.0
Kaya naman paniguradong malulungkot talaga ako
03:58.0
at hindi alam kung ano ang ganoon.
04:01.0
Pagkarating namin sa probinsya.
04:04.0
Di wala akong alam kung anong klaseng baryo ang lugar ng aking ama.
04:09.0
Samantalang kabaliktaran naman ang mga kapatid ko.
04:13.0
Lalo na si Cueroni.
04:15.0
Dahil hindi pa man kami bumabiyahi pa uwi sa probinsya,
04:19.0
ay walang pagsidla ng sayang nararamdaman ng kapatid kong iyon.
04:23.0
Palibasa kasi ay lalaki at hindi mahilig makipagsalamuha.
04:28.0
Kaya kahit saan siya dalhin ay ayos lamang sa kanya.
04:33.0
Nang matapos nang asikasuhin lahat ni Mama ang mga pangangailangan namin pa uwi sa probinsya,
04:39.0
agad na kaming bumiyahi.
04:42.0
Sa paglipas ng mga sandali,
04:45.0
nang makarating na kami sa probinsya ni Papa,
04:48.0
sinalubong kami ng mga magulang niya sa terminal ng bus.
04:52.0
Habay kaawaan ka ng Panginoon, Apo.
04:57.0
Wika ni Lola ko matapos ako makapagmano,
05:00.0
nang makalapit ito sa akin.
05:04.0
Ang lalaki na pala ng mga apo ko, anak.
05:07.0
Mabuti naman at napagpasyan yung sa baryo na lamang nating kayo manirahan.
05:12.0
Masayang wika ni Lola ko at hinimas pa ng bagya ang ulo ko.
05:17.0
Humingi naman ng pasensya si Tatay sa bigla ang pag-uwi namin.
05:22.0
Hindi niya naman daw kasi akalaing magsasara ng biglaan ang pinagtatrabaho niya.
05:28.0
Hindi naman pwedeng manatili lamang kami sa Maynila gawa nang wala nga siyang trabaho noon.
05:35.0
Nakangiti namang nag wika ang Lola kong ayos lamang iyon.
05:39.0
Mas mabuting ang umuwi-umuno kami dahil tamang tama,
05:43.0
walang nag-aasikasa sa bukid dahil lumuwas na Maynila ang kapatid ni Papa.
05:47.0
At baka matagal pa yung makakauwi.
05:52.0
Kagad na kaming bumiyahe papunta sa baryo kung saan ipinanganak ang aking ama.
05:57.0
Halos kalahating oras mahigit rin ang nilakbay namin noon.
06:02.0
Habang lulan na kami ng tricycle ay napapansin kong palayo na kami ng palayo sa mga matataong lugar.
06:10.0
Paunti na ng paunti ang mga dumadaang sasakyan o ang mga nakakasalubong namin.
06:17.0
Bagya pa akong sumilip sa gilid ng tricycle sa bandang pintuan
06:23.0
at malungkot na pinasadahan ng tingin ang mga nadadaanan naming nagtataas ang puno at talahiban.
06:30.0
Habang tinitingnan ko ang mga iyon, napapaisip akong parang liblib na ang susunod na madadaanan namin.
06:39.0
Nakakapanibagong pagmasdan ng paligid at parang gusto ko na lamang umiyak ng mga sandaling iyon.
06:47.0
Namimiss ko na kagad ang buhay Maynila.
06:51.0
Pero mariing pinipigilan kong huwag maluha dahil baka anong sabihin ng lola ko.
06:59.0
Makaraan lamang ang ilang sandali.
07:02.0
Unti-unti nang sumisikip ang daang tinatahak ng tricycle na sinasakyan namin.
07:09.0
Nakinikinita kong hindi na simentado ang daanan
07:13.0
at may mga pailan-ilan pang nadadaanan ang maputik at malambot na lupa.
07:17.0
Sa bawat gilid naman ng daan ay naglalaki ang mga puno ng kahoy at talahiban.
07:25.0
Ang natatanaw ko nun.
07:27.0
At sa tuwing napapadaan ang sinasakyan naming tricycle sa maputik at malambot na lupa,
07:33.0
ay bumababa ang aking ama at kapatid ko.
07:36.0
Sabay-sabay nilang tinutulak ang sasakyan namin para hindi lumubog sa putik ang gulong nun.
07:42.0
Walastik na iyan oh. Ano kayang klaseng lugar ba ito?
07:47.0
Kulang nalang lamunin ng lupa yung sinasakyan namin ah.
07:51.0
Mahinang sambit ko sa sarili nang maramdaman kong may nadadaanan na namang kaming putik
07:58.0
at kamuntikan ng hindi makaahon ang gulong ng sinasakyan naming tricycle.
08:05.0
Pagpasensyahan mo na apo ha. Ganito talaga yung daanan patungo sa baryo ng papa mo.
08:11.0
Lalo na at magtatagulan na naman.
08:14.0
Pahirapan kaming makaluwas ng bayan dahil sa maputik ang dito.
08:17.0
Pagkakataanan.
08:19.0
Paghingi ng paumanhin ni Lola. Nakatingin sa akin ito.
08:24.0
Bahagya akong nahiya dahil hindi ko na malayang narinig pala ni Lola Rusing ang mga sinabi ko nun.
08:31.0
Humingi naman ako ng patawad. Sabi ko ay hindi ko sinasadya.
08:37.0
Ibinaling ko na lamang muli sa labas ng sasakyan ang pansin ko.
08:41.0
Ikaw eh iha. Ayos ka lang ba? Hindi ba sumasakit yung tiyan mo at malubak pa naman ang daanan?
08:52.0
Tiyak akong natatagdag ang tiyan mo.
08:55.0
Rinig kong tanong ni Lola Rusing sa aking ina.
08:59.0
Sumagot naman ang aking inang ayos lamang raw siya.
09:03.0
Huwag umanong mag-alala si Lola sa kanya.
09:05.0
Ako nga po dapat yung humingi ng paumanhin sa inyo nay.
09:12.0
Nakakahiya po. Biglaan yung pag-uwi namin ng mga bata.
09:16.0
Naiiyangwi ka ng aking ina.
09:19.0
Nang tingnan ko si Lola Rusing ay nakangiti lamang siya sa aking ina nun.
09:24.0
Ayon sa kanya ay wala umanong problema.
09:28.0
Masaya sila na nakauwi kami nun.
09:31.0
Matagal-tagal na kasing hindi nakakauwi itong si tatay.
09:35.0
Simula nang lumuwas na Maynila at nagkaasaway,
09:39.0
niminsan ay hindi na umano ito naisipang magbakasyon man lamang.
09:44.0
Nakakasigurado mano si Lola na matutuwa si Lolo
09:48.0
kapag na lamang nakauwi na kami nun.
09:51.0
Lalo na ang panganay nitong anak.
09:55.0
Dagdag pa ni Lola ay hindi pa raw alam ng ama ni Papa na uuwi kami
10:00.0
dahil ilang linggo kasing namamalagi sa bundok si Lolo Waldo
10:03.0
at bukas pa ang uwi nito sa kanilang bahay.
10:08.0
Nang makarating na kami sa baryo,
10:12.0
nabigla at nagulat ako mga kagiliw
10:16.0
dahil nakita kong literal na liblib na baryo talaga siya.
10:20.0
As in walang makikitang simentadong kalsada
10:24.0
at ang mga kabahayan pa ay yari lamang sa pawid at mga kawayan.
10:29.0
Yun po bang kagaya ng mga tribong napapanood ko sa mga palabas
10:34.0
na naninirahan sa liblib na lugar.
10:37.0
Ganon na ganon ang kanilang baryo.
10:40.0
Magiliw na nakngiti naman ang mga taong nadadaanan namin sa tabi ng kalsada
10:46.0
at sa palagay ko ay mababait ang mga kapitbahay ng Lola ko.
10:51.0
Pagkababa namin ang sasakyan ay may napansin akong babaeng
10:55.0
nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Mama.
10:59.0
Sa tansya ko ay kaidaran lamang ni Mama ang babaeng iyon.
11:04.0
Nakangiti ito pero parang kakaibang ekspresyon ng kanyang pagkakangiti
11:10.0
at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan,
11:14.0
kinikilabutan ako at nagtataasan ang mga balahibo sa buong katawan.
11:20.0
Anak, Mara, sino ba yung tinitingnan mo dyan?
11:25.0
Halika nga rito at tulungan mo akong magbuhat nito mga gamit natin.
11:29.0
Rinig kong tawag sakin ni Papa.
11:33.0
Sumunod naman ako sa kanya at inalis na ang tingin sa babaeng iyon.
11:38.0
Dahil sa marami kami mga bubuhating kagamitan,
11:42.0
kung kaya't nawaglit sa aking isipan ang babae,
11:46.0
magdadapit hapon na ng mga sandaling iyon.
11:50.0
Kaya naman minadali na namin ang paghahakot ng mga kagamitan papasok sa loob ng bahay.
11:56.0
Yung mga magagaan na kagamitan lang ang binapabitbit sakin ni Papa
12:01.0
at sila na umano ang bahala sa mabibigat.
12:05.0
Nung matapos na naming ipasok ang lahat ng mga dalang gamit,
12:09.0
ay tinawag na ni Lola Rusing si Mama.
12:12.0
Pinapasok niya na ito dahil hindi pwedeng maabutan ng dilim si Mama sa labas ng bahay,
12:18.0
lalo na't buntis ito.
12:21.0
Tinanong naman ni Mama si Lola Rusing
12:23.0
kung bakit hindi siya pwedeng abutan ng gabi sa labas ng bahay nun.
12:27.0
Gayun sa Maynila nga, kahit 10 oras na ng gabi ay nasa labas pa siya ng bahay.
12:33.0
Baga yung sa una at pangalawang pagbubuntis niya kasi,
12:37.0
may trabaho pa siya nun.
12:39.0
Kaya kahit pauwi pa lamang siya ng 10 oras ng gabi ay walang problema.
12:45.0
Sinabi naman ni Lola Rusing na magkaiba ang Maynila at probinsya.
12:50.0
Huwag kumanoo ay parehas ni Mama ang Maynila sa probinsya nun.
12:55.0
Dahil sa Maynila, kahit naabutan ka pa ng 10 oras ng gabi sa labas ng bahay,
13:02.0
ayos lang.
13:04.0
Dahil wala namang masamang nila lang na nambibiktima ng sanggol sa sinapupunan.
13:09.0
At marami ding tao siyempre.
13:12.0
Hindi gaya sa probinsya na kahit katirikan pa ng araw,
13:16.0
kapag napagkainteresan ka ng mga masasamang nila lang,
13:20.0
na naririyan lamang sa tabi-tabi,
13:23.0
bibiktimahin ka nila ng walang pag-aalinlangan.
13:29.0
Sa Maynila, mga masasamang tao lang ang katatakutan mo.
13:34.0
Dito sa atin, mga masasamang tao at mga aswang ang dapat mong katakutan.
13:40.0
Kaya dapat ay palagi kang mag-iingat at alerto, Iha.
13:45.0
Saad ni Lola.
13:46.0
Habang pinapakinggan ko sila ay hindi ako makapaniwalang.
13:52.0
Totoo pala ang mga aswang.
13:55.0
Tanging sa palabas ko lang kasi napapanood ang mga ganong klaseng nila lang.
14:00.0
Ayon pa kay Lola Rossing.
14:03.0
Laganap ang balitang may namiminsalang aswang sa kanilang baryo nitong mga nagdaang linggo.
14:09.0
Marami na kasing namamatay na mga alagang hayop sa kanila.
14:14.0
At ang mas malalapay,
14:16.0
Wakwak ang tiyan at wala nang laman loob ang mga bangkay ng hayop na iyon.
14:23.0
Nang madat na nila ating umaga sa bakuran ng bahay ay ganun na ganun ang itsura ng mga hayop.
14:30.0
Ang lubos na ipinagtataka nila ay konting patak lamang ng dugo
14:35.0
ang nakikita nila sa lupang kinaroroonan ng bangkay.
14:39.0
Na tila ba sinisipsip at sinasaid ng kung anumang nilalangah na pumatay ang dugo ng hayop
14:46.0
bago iwanan ang bangkay na iyon.
14:50.0
Talaga ho?
14:52.0
E papano niyo po nasabing aswang ang may kagagawan nung bangkay ng hayop na nadatatan ninyo tuwing umaga Lola Rossing?
14:59.0
May nakakita na po ba dito?
15:02.0
Tanong ko.
15:04.0
Mahirap ipaliwanag apo.
15:07.0
Ang mahalaga ngayon na mag-iingat kayo ng mga kapatid mo.
15:11.0
At hanggat maaari ay huwag na muna kayong lumabas labas ng bahay.
15:16.0
Dahil mabango sa mga aswang.
15:19.0
Ang mga bagong salta.
15:22.0
Dugo ni Lola.
15:25.0
Huwag raw kaming basta-basta makipag-usap kung kani-kanino sa labas ng bahay.
15:30.0
Bantayan ko rin umano ang mga kapatid kong huwag masyadong makipagsalamuha sa mga kapitbahay.
15:36.0
Hindi naman sa walang tiwala.
15:39.0
Maninigurado lang umano upang sa ganon ay walang masamang mangyari.
15:43.0
Marami pang mga bagay-bagay ang sinasabi sa akin ni Lola Rusing.
15:50.0
Kahit hindi ko siya masyadong naiintindihan sa mga pinagsasasabi niya.
15:56.0
Tumangu-tangu na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin.
16:01.0
Dahil sa totoo lang, hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi ni Lola.
16:08.0
Sa unang gabi ng pananatili ko sa bahay ni Lola.
16:13.0
Inaamin kong nanibago talaga ako.
16:17.0
Hindi ako makatulog at kahit anong pikit na mga mata ko.
16:21.0
At nagpabaling-baling na ako sa igaan.
16:24.0
Wala talaga.
16:27.0
Langya. Mukhang namamahay yata ako ah.
16:31.0
Sambit ko sa sarili ko nun.
16:34.0
At pilit na ipinikit ang mga mata.
16:37.0
At nagtalukbong ng kumot.
16:40.0
Makaraan ng ilang minuto ay nakarinig ako ng
16:42.0
mahihinang yabag sa labas ng bahay.
16:45.0
At sa palagay ko ay yabag yun ang paa ng tao.
16:50.0
Nung una, pinakiramdaman ko lamang ang mga yabag na naririnig ko nun.
16:56.0
Narinig kong maya't maya ang pagpabalik-balik ng mga yabag ng paa.
17:02.0
At sa pakiwari ko ay nasa labas lamang yun ng bintanang malapit sa hinihigaan ko.
17:07.0
Habang pinapakiramdaman ko yun, napansin kong huminto ang mga yabag na narinig ko sa tapat ng bintana.
17:17.0
At ilang segundo lamang ang nakalipas.
17:21.0
Nakarinig na ako ng mahinang pagkot-kot sa may dingding.
17:25.0
At mahinang katok sa bintana.
17:28.0
Nang alisin ko ang kumot na nakatabon sa mukha ko at pinasadahan ng tingin ang mga kapatid ko.
17:38.0
Nakita kong mahimbing na natutulog ang mga ito.
17:43.0
Hindi ko na sana papansinin ang ingay sa labas at muling ipipikit na sana ang mga mata ko.
17:51.0
Pero parang may kung ano ang nagtulak sa aking lumapit sa bintana at buksan yun.
18:01.0
Bigla tuloy akong ginapangan ng kurisidad na malaman kung ano ang ingay na nasa labas ng bintana.
18:08.0
Kaya naman marahan akong bumangon para hindi magising ang mga kapatid ko.
18:14.0
At dahan-dahang naglakad papunta sa may bintana n'yon.
18:20.0
Nang maglalakad na ako at malapit na sa bintana,
18:24.0
nakaramdam ako ng kaba.
18:27.0
Tila ba tinakasan ako ng kaluluwa?
18:30.0
Sa kadahilan ng
18:32.0
bigla na lamang may sumitsit mula sa labas ng bintana.
18:38.0
At nang tingnan ko ang bintana ang yari sa kawayan.
18:42.0
Saktong-sakto sa may kalakihang butas ako na patingin nun.
18:48.0
Kitang-kita kong may namumulang mata ang nakasilip sa butas ng bintana nito.
18:56.0
Halos lumundag ang puso ko at kamuntikan na akong takasan ng ulirat.
19:02.0
Dahil sa nakita ko na iyon.
19:04.0
Sandali akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
19:09.0
Kung hindi lang umungot ang kapatid ko at bagyang gumalaw sa hinihigaan niya,
19:14.0
ay hindi pa ako makakakilo sa kinatatayuan.
19:19.0
Mabilis pa sa alas kwatrong bumalik ako sa higaan.
19:23.0
Kulang na nga lang ay liparin ko ang higaan, makalayo lamang ako sa may bintana.
19:30.0
Pagkabalik ko sa higaan ay mabilis na akong nagtalukbong
19:33.0
at sumiksik sa kapatid ko nun.
19:37.0
Hindi ko na nagawa pang gisingin ito dahil labis-labis ng kabang nararamdaman ko.
19:43.0
Patuloy ko pa rin naririnig ang sitsit ng kung sino mang nilalang ang nasa labas ng bahay.
19:50.0
At ang mas malalapa, Sir Seth, ay narinig kong pilit na binubuksan nito ang bintana.
19:57.0
Gustong gusto ko nang sumigaw para magising ang mga kasama ko sa kwarto.
20:03.0
O kaya naman ang mga magulang kong nasa katabing kwarto nun.
20:08.0
Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan,
20:12.0
parang biglang umurong ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita o makasigaw man lamang.
20:22.0
Makaraan lamang ang ilang sandali ay biglang bumukas ng pintuan ng kwarto.
20:28.0
Narinig kong nagsalita ang aking inang tingnan ang bintana
20:32.0
dahil parang may naririnig kong ano siyang ingay.
20:36.0
Dagli-dagli na akong bumangon at patakbong lumapit sa kanila.
20:41.0
Kaagad kong sinabi sa kanila ang tungkol sa nakita.
20:45.0
At narinig ko mula sa labas ng bintana ng iyon.
20:49.0
Iyan nga ba yung sinasabi ko eh.
20:52.0
Kanina ka pa sinasabi sa'yo may narinig nga akong ingay.
20:56.0
Hindi ka kasi nakikinig ka agad sa akin eh.
20:59.0
Inis na wika ng aking ina sa aking ama.
21:02.0
Dahil bigla nalang nawala ang nilalang na pilit binubuksan ang bintana noon.
21:08.0
Nung pumasok na sa silid naming magkapatid ang mga magulang ko,
21:12.0
sinabi ng aking amang baka magnanakaw ang nakita ko noon.
21:17.0
Natunogan yatang may bagong dating galing Maynila
21:21.0
at inaakala siguro ng magnanakaw na may dala kaming pera.
21:26.0
Kaya malakas ang loob na umakyat ng bahay noon.
21:29.0
Sumabat naman si Lola Rusing at sinabi niyang malakas ang gutom niyang hindi yon magnanakaw.
21:37.0
Dahil noon pa man ay hindi pa siya nakakarinig na may ninanakawan sa baryo.
21:43.0
Kaya napaka imposible yung mana yon.
21:48.0
Dito na muna kayo.
21:50.0
Lalabas lang ako ng bahay.
21:52.0
Baka maabutan ko pa yung lecheng sinasabi ni Mara.
21:55.0
Umanda talaga sa akin yung ponyemas na iyan.
21:57.0
Wika ng aking ama at mabilis nang lumabas ng bahay noon.
22:03.0
Huli na ng pigilan ni Lola Rusing ang aking ama.
22:07.0
Dahil sa mabilis na itong nakalabas ng bahay.
22:10.0
Malakas ang boses ni Lola Rusing na tinatawag ang aking ama at pinapapasok ito sa loob.
22:17.0
Makahalata mo sa boses ni Lola na nag-aalala ito sa aking ama.
22:23.0
Maya't maya ang pagsilip nito sa siwang ng pintuan.
22:27.0
Makaraan ng ilang sandali.
22:31.0
Bumalik na sa loob ng bahay si Papa.
22:34.0
Marahan pa itong hinampas ni Lola Rusing sa balikat at pinagalitan.
22:39.0
Loko kang lalaki ka.
22:42.0
Bakit migla kang lumabas ng bahay ha?
22:45.0
Paano na lang kung aswang ang nakita ng anak mong nagpupumilit pumasok sa bintana?
22:49.0
Paano na lamang kung inabangan ka dyan sa labas ng bahay ha?
22:53.0
Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan.
22:55.0
Nalata ako sa boses ni Lola yung pagpipigil lamang niya ng inis nun.
23:03.0
Nagpaliwanag naman si Papa sa kanyang ina.
23:07.0
Sinabi niya rito hindi totoo ang aswang.
23:10.0
Nasa makabagong henerasyon na umano kami.
23:14.0
Kaya wala raw yung aswang-aswang na sinasabi ni Lola.
23:18.0
Mas lalo namang nainis si Lola Rusing at sinabihan si Papa na nasa kanya na kung maniniwala o hindi.
23:25.0
Para naman umanong hindi pinanganak at lumaki sa probinsya ang aking ama.
23:30.0
Para hindi ito maniniwala sa ganong nila lang.
23:34.0
Inis na inis si Lola nun.
23:37.0
Tapos ay parang pagalit itong tinalikuran niya si Papa.
23:41.0
Dahil sa nangyari ay sinabi ni Mama sa aking ama na mas mabuti pang sa iisang silid na kami matulog lahat.
23:50.0
Hindi raw kasi siya mapalagay at hindi siya makakatulog ng maayos dahil sa nangyari nun.
23:55.0
Pumayag naman si Papa sa suwestyon ni Mama.
24:01.0
Nang gabing yon ay sama-sama kaming natutulog lahat.
24:05.0
Nang muli na akong humiga ay panatag na ang loob ko at hindi nagtagal nilamon na ako ng antok.
24:13.0
Hanggang sa nakatulog na ako nun.
24:17.0
Makalipas sa mga araw habang naglalakad ako patungo sa tindahan kasama ang aking ina.
24:25.0
May nakasalubong kaming babae.
24:29.0
Nang matitigan ko ang babae ay sumagi sa aking isipang siya ang babaeng nakita ko noong nakarang araw.
24:37.0
Noong bagong dating pa lamang namin nun.
24:41.0
Nakangisi ang babae habang naglalakad papalapit sa amin.
24:46.0
Napakunot noo ako at nagtataka kung bakit nakangisi sa amin ang babae na parabang matagal nang magkakilala
24:55.0
particular na sa aking ina.
24:59.0
Magandang araw. Bago lamang ba kayo dito?
25:05.0
Nakangiting tanong sa akin ang babae.
25:09.0
Tumango ang aking ina at sinabi niyang bago lang kami sa baryo nayon.
25:14.0
Nagpakilalang babae habang hindi maialis-alis ang malagkit na tingin niya.
25:21.0
Satyan ang aking ina.
25:23.0
At walang tigil sa pagpupunas ng laway sa bibig na parabang hindi nito napipigilang tumulo noon.
25:32.0
Hindi nakapaghanda si mama at sandaling napapitlag nang biglang hipuin ng babae ang tiyan ni mama.
25:43.0
Alam mo, gustong gusto ko rin magkaanak noon.
25:48.0
Kaya lang iniwan ako ng lalaking una't huli kong minahal eh.
25:53.0
Nakangisi pa rin wika ng babaeng nagpakilalang Marie.
25:58.0
Sabay kaming napatingin ni mama kay Marie.
26:02.0
Nakaramdam ako ng pagkabag nang makita kong lumungkot ang mukha niya.
26:07.0
Pero saglit lamang na lumungkot iyon.
26:10.0
Dahil nakita kong umisi na naman ito ng nakakatakot.
26:15.0
Hmm.
26:17.0
Nakikita kong malusog na malusog ang sanggol sa sinapupunan mo.
26:21.0
At ang bango-bango pa.
26:23.0
Nakakalokong wika ni Marie at hindi ito makatingin ng diretsyo.
26:29.0
Sabay tumawa ng mahina.
26:32.0
Kinilabutan ako nang marinig ko iyon.
26:36.0
Dahil sa tila ba nanonood sa aking kalamnana ang matinis na halinghing nitong tawa.
26:43.0
Yun bang parang tawa iyon ng isang baliwa?
26:47.0
Marahan kong tinapeck ang kamay ng babae.
26:50.0
At sinabihan ng aking inang magpatuloy na kami sa paglalakad.
26:56.0
Dahil baka hanapin na kami ni Lola Ruzing.
27:00.0
Ma, wala ka bang napapansin kakaiba doon kay Marie?
27:05.0
Tanong ko sa aking ina.
27:08.0
Nang medyo makalayo na kami sa babae.
27:11.0
Tumingin ang aking ina tumiling-iling.
27:15.0
Sinabi niya sa aking wala naman siyang napapansin kakaiba.
27:18.0
Bakit ko raw naitanong?
27:21.0
Ah wala po ma.
27:24.0
Tanging nasambit ko.
27:26.0
Sa kadahilan ng noong lingunin ko si Marie ay masama na itong nakatitig sa amin.
27:33.0
Habang bumubuka-buka ang bibig.
27:36.0
Sa bawat pag-ihip ng hanging tumatama sa balat ko.
27:41.0
Nakaramdam ako ng kilabot.
27:45.0
Nang maramdaman kong hiling,
27:48.0
pinatak na ako ni Mama sa kamay at nagsabing bilisan na naming maglakad.
27:53.0
Saka pa lamang ako tumingin sa aking ina.
27:57.0
Halika na, bilisan muna maglakad para makabalik na tayo sa bahay.
28:03.0
Nakita kong parang nagiba ang timpla ng mukha ni Mama.
28:07.0
Kung kanina ay nakangiti ito.
28:10.0
Nang mga sandaling yon ay nakasimangot na ito habang hinihimasang dyan.
28:14.0
Binilisan ko na lamang ang paglalakad at tinanong ko si Mama kung ayos lamang ba siya.
28:22.0
Bakit parang biglang sumama mukha niya?
28:26.0
Sabi niya ay ayos lamang siya.
28:29.0
Basta't bilisan na lamang umano namin ang paglalakad para makauwi na kami.
28:36.0
Nang makarating na kami sa tindahan ay bumili na kagad si Mama
28:41.0
ng mga pangangailangan namin sa bahay.
28:44.0
Ayos ka lang ba iha? Parang namumutla ka yata?
28:49.0
Kunot noong tanong ng tendera bago inabot ang mga pinamili ni Mama.
28:55.0
Sumagot ang aking ina at nagsabing medyo sumasakit ang kanyang dyan.
29:01.0
Pero baka nagugutom lamang siya kaya humapdi ang kanyang sikmura noon.
29:06.0
Sigurado ka ba? Para kasing nausog ka.
29:11.0
Sambit ng tendera.
29:14.0
Lumabas ito ng tindahan at nagmamadaling hinawakan ng hale ang kamay ni Mama.
29:19.0
At pinagtabi noon.
29:21.0
Sinasabi ko na eh. Nausog ka nga.
29:25.0
Aniya.
29:27.0
Nakita kong gaya ni Marie kanina nang tanawin ko ito.
29:31.0
Bumubuka-buka ang bibig ng hale.
29:34.0
Pero hindi ko maintindihan ang mga salitang binibigkas niya.
29:39.0
Pagkatapos ay umihip ng tatlong beses ng pakurus sa kamay ni Mama.
29:44.0
Kasunod noon ay ginuhitan ng pakurusang tiyan ni Mama sa may bandang puso dito nilagay.
29:52.0
Sandali lang at may kukunin lamang ako ha.
29:55.0
Huwi ka ng hale at nagmamadaling nang maglakad papasok sa tindahan.
30:01.0
Pagkalabas nito ay may bitbit ng asinon.
30:06.0
Inutusan nito si Mama na dumakot ng kapiranggot at ilagay sa ilalim ng dila niya.
30:12.0
Pangontra o mano yon dahil nausog siya at para hindi siya masuka.
30:19.0
Dumakot ang aking ina ng asin at sinunod niya ang bawat sinasabi ng matanda.
30:27.0
Tinignan ko siya nang may pagtataka dahil wala akong narinig mula sa kanya.
30:34.0
Ni hindi man lamang siya nagreklamo sa mga sinasabi sa kanya ng hale noon.
30:40.0
Alam niyo kasi.
30:42.0
Hindi ma pa niwalain ang aking ina.
30:45.0
Lalo na pagdating sa mga kababalagan.
30:48.0
Kapag may mga nakikita o napapanood siya mga ginagamot ng albularyo o manggagamot,
30:54.0
ay palagi siyang nagreklamong hindi naman raw totoo ang mga iyon.
30:59.0
Ika nga sa panahon ngayon, mga doktor kwak-wak lamang umano ang mga ito.
31:05.0
Pera lamang ang habol sa mga taong may karamdaman at kung ano-ano ang sasabihin sa kitnon.
31:12.0
Pero nang mga sandaling iyon, nakikita kong para bang nakalimutan na ni Mama ang mga sinasabi niya noon.
31:20.0
Tungkol sa mga albularyo o manggagamot.
31:24.0
Dapat magdodoble ingat ka iha ha.
31:28.0
Buntis ka at mabango sa mga aswang ang buntis.
31:31.0
Idagdag pang bago lamang kayo dito sa baryo namin.
31:35.0
Huwag kayong makikipag-usap basta-basta sa mga taong hindi niyo gaano'ng kakilala.
31:39.0
Para maiwasang mabati o mausog kayo.
31:43.0
Paliwanag ng matanda.
31:46.0
Nakangiting nagpasalamat si Mama sa matandang ito.
31:50.0
Bibigyan niya sana ng pera ang matanda bilang kabayaran sa ginawa nitong panggagamot sa kanya.
31:56.0
Pero mariing tumanggi ang matanda.
31:59.0
At sinabing isang pangkaraniwang gawain lamang umano ang mga ito.
32:04.0
Tandaan mo lang palagi.
32:06.0
Ha, yung mga sinasabi ko iha.
32:09.0
Kung wala kang dalang pangontra sa mga masasamang nila lang,
32:13.0
mas maiging magdala ka ng asin kahit konti lang.
32:17.0
Ilagay mo lang sa plastic at isiksik mo palagi sa bulsa.
32:21.0
Kontrausog at palipadhangin ng asin.
32:24.0
Iwasbagat rin yan.
32:26.0
Kapag nakaramdam ka ng hilo o kakaiba sa katawan mo,
32:30.0
maglagay ka lang ng asin sa ilalim ng dila mo.
32:33.0
Makikita mo,
32:34.0
kukontrahin ng asin ang gumagawa sa'yo ng hindi maganda.
32:38.0
Paliwanag ni Manang Esther sa aking ina.
32:42.0
Nagpasalamat si Mama.
32:45.0
Kung hindi umano siya ginamot,
32:48.0
baka napano na siya.
32:50.0
Tumangon naman ang matanda at nagwikang umuwi na raw kami dahil hapon na.
32:56.0
Mahirap na at baka may makasalubong kaming hindi kaaya-aya.
33:01.0
Naglakad na nga kami pa uwi nun.
33:04.0
Habang naglalakad ay tahimik lamang siya at parabang nag-iisip ng malalim.
33:10.0
Sinabi ko naman sa kanya na ako na ang magbibitbit ng dala namin nun.
33:15.0
Tinong niya ako kung sigurado ako.
33:18.0
Gawa nang baka mabigat ang umano ako nun.
33:22.0
Sinabi ko sa kanyang hindi naman mabigat ang bitbit ko.
33:27.0
Kaya ayos lamang na ako na ang magdala ng mga bitbit niyang gamit.
33:31.0
Matapos ibigay ni Mama sa akin ang mga kagamitan,
33:35.0
ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
33:39.0
Nang makapasok na kami sa bakuran,
33:42.0
dahil sa malalim na pag-iisip ni Mama ay kamuntikan niya ng mabangga si Papa.
33:47.0
Mabuti na lamang at mabilis siyang nahawakan ng aking Ama,
33:51.0
kaya agaran siyang inalalayan ito.
33:54.0
Ais ka lang ba? Kamuntikan ka ng matumba?
33:58.0
Pag-aalala ang tanong ng aking Ama.
34:02.0
Pilit nang umiti si Mama at tumangu sa aking Ama nun.
34:07.0
Magpapahinga lamang umano ito. Medyo nahihilo kasi siya.
34:13.0
Hinatid naman siya ni Papa sa may kwarto.
34:17.0
Inalalayan itong maglakad ng Nanay.
34:21.0
Anong nangyari sa Mama mo?
34:24.0
Ayos pa naman siya kanina bago kayo lumabas ng bahay ah.
34:26.0
Tanong ni Papa,
34:28.0
Tanong ni Lola Rosignol.
34:30.0
Hindi ko na malayang nasa likuran ko na pala ang abuela ko
34:34.0
at tinatanaw ang mga magulang kong naglakad papasok sa bahay.
34:39.0
Hindi ko po alam la.
34:41.0
Pero ang sabi ni Manang Esther,
34:43.0
nausog daw po si Mama ng aswang.
34:46.0
Ginamot na siya ni Manang Esther.
34:49.0
Sinabihan siyang magpahinga na muna para makabawi ng lakas.
34:53.0
Nausog?
34:55.0
Abay mabuti na lang at nagamot siya ni Esther agad na no.
34:59.0
Sinasabi ko kasi sa kanyang huwag munang maglalalabas ng bahay dahil buntis siya at bago pa lang kayo rito.
35:04.0
Ayan na, nasampulan na kaagad.
35:08.0
Sagot ni Lola.
35:10.0
Matapos kong sabihin kay Lola Rosign ang tungkol sa nangyari kay Mama,
35:15.0
ay inutosan niya akong maganap ng goma.
35:18.0
Magsigao mano kami mamaya-maya bago magtakip silim para hindi masundan ng nilalang si Mama.
35:24.0
Piyak niya raw kasing aswang ang nakausog kay Mama,
35:29.0
kaya mas mainam nang magpausok mamaya para hindi makalapit ang nilalang na iyon.
35:36.0
Pagkalabas naman ni Papa ng kwarto,
35:39.0
ay tinanong niya ako kung bakit biglang nahilo si Mama,
35:43.0
kung saan pa raw kami nagpunta,
35:46.0
bukod sa tindahan ni Aling Esther.
35:49.0
Sinabi ko sa kanyang wala kaming ibang pinuntahan.
35:52.0
Sa katunayan nga niyan ay may nakasalubong kaming babae at kinausap nito ang aking ina.
36:00.0
Babae, kilala niyo ba kung sino yung babaeng kumausap sa Mama mo?
36:06.0
Tumanguwa ko at sinabi sa kanyang nagpakilalang Mare ang babaeng kumausap kay Mama.
36:13.0
May kilala ka bang Mare pa?
36:17.0
Ang sabi niya kasi kilala niya po kayo
36:20.0
at malapit lang raw yung tirahan niya?
36:25.0
Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Papa.
36:29.0
Sandali siyang natahimik at parang nag-iisip ng malalim.
36:33.0
Magsasalita pa sana ako nang magsalita ang aking amang
36:38.0
as ikasuin ko muna ang mga pinamili namin ni Mama.
36:42.0
May importante lang raw siyang pupuntahan.
36:46.0
Kapag nagising umano ang aking ina at hindi pa siya nakakabalik,
36:50.0
sabihin ko umano sa aking inang may pinuntahan lamang siya saglit.
36:55.0
Tinanong ko siya kung saan siya pupunta.
36:58.0
Baka kasi magtanong si Mama kung saan nagtungo si Papa.
37:03.0
Basta, sabihin mo lang sa Mama mo na may pinuntahan ako ah.
37:08.0
Tsaka hindi naman ako magtatagal.
37:10.0
Babalik din ako agad.
37:12.0
Huwi ka ng aking ama at naglakad na siya palabas ng bahay.
37:16.0
Nang sundan ko siya ng tingin palabas ay nakita kong
37:19.0
saglit na nag-uusap si Papa at si Lola Rusing.
37:23.0
Manakanakang tumitingin sila sa gawi ko na parabang
37:27.0
may pinag-uusapan silang ayaw kong marinig nun.
37:32.0
Nung umalis na si Papa ay lumapit sa akin si Lola.
37:36.0
Tinanong niya ako kung talaga bang Marie ang pangalan ng babaeng nakausap namin ni Mama nun.
37:42.0
Tumangu ako at sinabing hinding hindi ako maaaring magkamali ng pandinig.
37:47.0
Sinabi ng babaeng Marie ang pangalan niya at sa malapit lamang siya naninirahan.
37:57.0
Napabuntong hininga si Lola Rusing at narinig kong sinabi niya sa mahinang boses na mukhang may malaki silang problema ang kakaharapin.
38:09.0
Malaking problema po? Teka anong problema po yung sinasabi niyo lahat?
38:15.0
Ah, wala po. Sige na, gawin mo na yung iniutos ng ama mo at may gagawin lamang ako.
38:23.0
Uwi ka ni Lola.
38:25.0
Hindi na ako nagtanong pa at inayos na nga lang ang mga pinamili namin ni Mama.
38:31.0
May gitatlong oras ang lumipas. Bumalik na ang aking ama.
38:37.0
Kaagad niya akong tinanong kung nagising na ba ang aking ina.
38:41.0
Sinabi ko naman na hindi pa.
38:45.0
Huminga ng malalim si Papa at bahagyang ginulo ang buho ko.
38:50.0
Nandyan ka na pala. Kamusta ang lakad mo?
38:54.0
Rinig kong tanong ni Lola.
38:57.0
Sandali namang tumingin si Papa sa akin bago nagsalita.
39:01.0
Kinausap ko siya na eh. Binalaan ko siyang huwag guluhin yung pamilya ko.
39:07.0
Dahil sa oras na may hindi magandang mangyari sa pamilya ko at may kinalaman siya.
39:12.0
Hindi ako magdatalawang isip nakantiin siya.
39:16.0
Sa tingin mo ba nakinig yung babaeng yun sa sinasabi mo?
39:22.0
Tanong naman muli ni Lola.
39:25.0
Bumuntong hininga si Papa at nagsabing mukhang makikinig naman siguro sa kanya ang babae.
39:32.0
Dahil noong kinausap niya yun ay hindi man lamang ito umiimik o tumanggi.
39:39.0
Sana laang.
39:41.0
Sana lang talaga.
39:43.0
Dahil sa oras na manggulo siya o isa sa pamilya niya.
39:47.0
Nako, sisiguraduhin kong may kalalagyan sila.
39:51.0
Saad ni Lola.
39:53.0
Matapos kong marinig ang pinag-uusapan nila ay tumatak sa isipan ko kung sino ang babaeng pinag-uusapan nila Lola Rusing.
40:04.0
Pasado alas otso ng gabi, habang nagpapahangin ako,
40:08.0
sinabihan ako ng aking amang isara na ang bintana dahil matutulog na umano kami nun.
40:16.0
Bago pumasok sa silid si Papa, binilinan niya pa akong isarang maigi ang bintana.
40:24.0
At mang isasara ko ng bintana nang may naaninagan akong bulto ng isang babae sa labas ng bakuran.
40:33.0
Naningkit ang mga mata ko.
40:35.0
Pilit na inaaninag ang babae iyon.
40:39.0
Gusto ko kasing makita kung sino iyon at ano ang ginagawa niya.
40:44.0
Dahil sa madilim na at tanging liwanag ng sinag ng pangmagdamagang ilaw lamang ang siyang nagbibigay liwanag.
40:53.0
Hindi masyadong naabot ng liwanag ang kinatatayuan ng babae.
40:59.0
Isinara ko na ang bintana.
41:02.0
Hindi na pinansin ang babae.
41:05.0
Kahit anong tingin ko kasi ay hindi ko talaga maaninagan ang kanyang mukha nun.
41:12.0
Nung nagpapahinga na kami, nakaramdam ako ng kakaibang presensya.
41:18.0
Para bang may mahihinang kumakaluskos sa dingding malapit sa kwarto namin.
41:25.0
Kinalabit ko ang kapatid ko at tinanong ko siya kung narinig niya ba ang mahinang kaluskusang narinig ko.
41:32.0
At mang magsasalita pa sana ako ng,
41:35.0
Makita kong sumenyas sa amin si papa.
41:39.0
At sa mahinang boses ay nagsabi itong,
41:42.0
Huwag kaming maingay ng kapatid ko.
41:46.0
Tapos ay dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakahiga.
41:51.0
Tapos ay marahang naglakad papunta sa bintana at sumilip sa maliit na butas ng kawayan.
41:59.0
Nakita ko pang sinipat-sipat ni papa kung may tao ba sa labas nun.
42:06.0
Pagkabalik niya ng tingin sa amin, ay nagsalita siyang baboy lang raw ang naroon sa gilid ng bahay.
42:15.0
Huwag na raw kaming mag-alala ng kapatid ko. Matulog na kami at huwag nang mag-isip ng kung ano-ano.
42:24.0
Magpahinga ka na. Baboy lang yung narinig mong kalusko sa labas.
42:30.0
Wika ni papa sa aking ina.
42:32.0
Kaya dyan, matulog na rin kayo.
42:35.0
Hanya.
42:38.0
Naisip kong wala namang alagang baboy si na Lola Rosignol.
42:42.0
Sa pagkakaalam ko ay wala rin namang mga alagang baboy ang malalapit naming kapitbahay.
42:48.0
Kaya pa paanong nagkaroon ng baboy malapit sa bahay namin, di ba?
42:53.0
Narinig kong nagtanong si mama kung sigurado daw ba si papa na baboy ang nakita niya.
42:58.0
Tumangoon naman si papa matapos makabalik sa higaan.
43:04.0
Baka baboy lang ng kapitbahay natin yun. Siguro hindi na naitali ng maayos kaya nakawala.
43:12.0
Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano.
43:15.0
Makikita mo't bukas na bukas, sigurado akong isa sa mga kapitbahay natin yung maghanap ng baboy nilang nakawala.
43:23.0
Kinabukasan.
43:25.0
Nagulantang na lamang kami nang marinig ko ang malakas na boses ni Lola.
43:31.0
Galit na galit ito habang nagsasalita sa labas ng bahay.
43:36.0
Kaya naman nagmandali na akong lumabas nun.
43:39.0
Lumapit sa kanya't nagtanong kung ano ang nangyayari.
43:43.0
Kung bakit siya nagihingay.
43:46.0
Nitsugas talaga. Mahuli ko lang talaga kung sino ang naglagay ng patay na manok dito sa bakura ng bahay natin.
43:53.0
Humanda siya.
43:56.0
Hinding hindi ako magdadalawang isip na yariin ang taong may kagagawan ng kabulistogan dito.
44:01.0
Galit na wika ni Lola.
44:04.0
Nang mabungaran ko siyang kasama ang aking ina.
44:07.0
Nakita ko pang may malalim na butas ang lupa papunta sa silong ng bahay.
44:13.0
Na para bang may kung sinong nagkutkot doon.
44:17.0
Hinay, sino naman ho kaya ang nagbutas dyan sa lupa?
44:21.0
Kayo po ba? Wala pa kasi yan kahapon nung nagwalis tayo dito, di ba?
44:27.0
Tanong ng aking ina kay Lola.
44:30.0
Yun na nga rin ang isa sa pinagtataka ko eh.
44:33.0
Hindi lang nag-iwan ang patay na haipang lecheng yan.
44:36.0
Nagbutas pa ng lupa papunta sa silong.
44:39.0
Tugon ng aking Lola.
44:42.0
Patuloy pa rin siya sa pagdadaldal habang tinatabunan ang lupang kinukutkot.
44:48.0
Kinahaponan.
44:49.0
Habang nagluluto ako ay may panauhing dumating si Lola.
44:54.0
Nang tingnan ko kung sino ang panauhin, nakita kong si Manang Esther pala iyon.
45:01.0
Kagad ko na siyang pinatuloy at tinawag ni Lola Rusing.
45:05.0
Pagkalabas ni Lola sa kanyang silid ay nakangiting inutosan niya kong ipaganda sila ng merienda.
45:11.0
Teka, nasaan na bang asawang buntis ng anak mo?
45:15.0
Pagkat tungtong ko pa lamang sa pintuan ng bahay niyo, nararamdaman ko na may mga bimuybisita sa kanya ah.
45:24.0
Parang sinusubaybayan ng aswang ang buntis mong manugang.
45:28.0
Rinig kong wika ni Manang Esther kay Lola.
45:32.0
Yun nga ang gusto kong ipakonsulta sayo.
45:36.0
Kasi kanina lang nakita kong may butas ng lupa papunta sa silong.
45:40.0
At alam kong hindi pang karaniwan ang may gawa nun.
45:43.0
Tugon naman ni Lola.
45:45.0
Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap,
45:50.0
ay napagalaman kong hindi lang pala bastang simpleng manggagamot si Manang Esther.
45:55.0
Dahil isa siya sa bantog na albularya, sa dating lugar na tinitira niya noon.
46:02.0
Inutosan ako ni Lola Rusing na tawagin si Mama.
46:07.0
Palapitin ko umano sa kanila para matingnan ni Manang Esther.
46:12.0
Pinuntahan ko na nga sa kwarto ang aking inang nagpatuloy.
46:16.0
At sinabi sa kanyang hinahanap siya ni Lola.
46:19.0
Mara namang bumangon si Mama at lumabas na ng silid.
46:24.0
Nang makalapit na kami sa abuela ko, ay nakiki-osyoso na rin ako kung ano ang ginagawa ng albularya.
46:32.0
Nakita kong may inilabas na lang isang matanda.
46:36.0
Binigay kay Mama. May pulseras rin siyang binigay na gawa sa kahoy na kulay itim.
46:42.0
Isaot mo lang lagi ang pulseras na iyan. Dahil mailalayo ka niyan sa kapahamakan.
46:50.0
Lalong-lalo na yung sanggol na dinadala mo.
46:53.0
Huwi ka ng albularya.
46:56.0
Kinuha na ni Mama ang pulseras at isinuot iyon.
47:00.0
Nakita kong may mga inusal na orasyon si Manang Esther at inihip sa bunbuna ni Mama.
47:07.0
Matapos iyon, sinabihan niya itong inalis niya na ang marka ng aswang.
47:11.0
Pero kahit wala na ang marka sa katawan ni Mama, huwag siyang magpakampante.
47:19.0
Dahil napakatuso umanon ang nilalang.
47:23.0
Kahit na alam na nitong may proteksyon siya sa katawan, ay gagawa ng gagawa pa rin ang paraan ng nilalang na iyon.
47:31.0
Makuha lamang ang sanggol sa kanyang tiyan.
47:35.0
Naramdaman niya raw kasing may matinding binabalak ang aswang sa aking ina.
47:41.0
Hindi lamang sa sanggol iyon nagka-interes.
47:44.0
Dahil interesado rin ang nilalang na iyon.
47:47.0
Sa mismong nanay ko.
47:50.0
Ayan, Rusing. Hindi na makakapasok pa ang aswang dito sa loob ng bahay niyo.
47:56.0
Kahit na magkot-kot na magkot-kot pa iyon.
48:00.0
Magsasayang lang ito ng oras dahil puno ng proteksyon itong bahay mo.
48:04.0
Anya ng albularya.
48:07.0
Matapos gawin ng albularya ang mga pangproteksyon sa loob ng bahay,
48:11.0
pinayuan si Mama na huwag itong magtali ng buhok.
48:15.0
Kapag sumasapit ng hapon, ugaliin umano ni Mama na magsuot ng kulay-itim na damit.
48:23.0
Nang sa ganon ay hindi makita ng nilalang ang batang nasa kanyang sinapupunan.
48:30.0
Mag-iingat kayo lagi.
48:33.0
Lalong-lalo ka na.
48:35.0
Uwi ka ng albularya sa aking ina bago tuluyang lumabas ng bahay.
48:41.0
Kinagabihan, kasalukuyang nakahiga kami nang biglang makaramdam ng pananakit at paninigas ng tiyan si Mama.
48:53.0
Tumayo si Papa at kinuha ang langis na ibinigay ng albularya at ipinahid sa tiyan.
49:00.0
Matapos lagyan ni Papa ang langis ng tiyan ni Mama, humuupa ang pananakit nito.
49:07.0
Inutusan ako ng aking amang ibalik sa altarang langis.
49:11.0
Kinuha ko na ang bote at nagbadali nang ibinalik sa altar ang bote na iyon.
49:17.0
At mangbabalik na sana ako ng higaan, nang biglang may narinig akong hingal sa labas ng kwarto namin.
49:26.0
At parabang may gumagalaw sa taas ng bubungan.
49:30.0
Pinakiramdaman ko pa kung tama ba yung naririnig ko.
49:35.0
Hanggang sa maya-maya pa, naggulat na lamang ako at nangilabot.
49:41.0
Nang makita kong may dahan-dahang lumusot na kamay mula sa siwang ng bintana.
49:50.0
Na parabang nagpupumilit yung makapasok.
49:54.0
Puno ng balahibo ang braso ng kamay na nakikita ko.
49:59.0
May matatalas ng mga koko.
50:02.0
Sobrang nakakatakot iyon.
50:05.0
Sa labis na takot ay sumigaw ako ng ubod ng lakas
50:09.0
na siyang naging dahilan kaya napabalikwas ng bangon ng mga magulang ko.
50:14.0
At nagulat ang mga ito.
50:17.0
Narinig ko pang nagkukumahog na tumakbo ang mga ito palabas ng kwarto.
50:22.0
At tinanong ako kung ano ang nangyari.
50:25.0
Bakit sumigaw umano ako nun?
50:28.0
Pa! Pa, aswang! May aswang po sa bintana!
50:33.0
Mangiyak niya kong bulala sa aking ama.
50:36.0
Hindi na nagdalawang isip pa ang aking ama.
50:42.0
Mabilis na na itong kinuha ang itak at lumabas ng bahay.
50:46.0
Nakita ko namang mabilis nang sumunod ang lolo ko bitbit ang buntot ng pagi.
50:52.0
Narinig ko pang sinabi ni Lola Roseng na habulin umano ang nila lang.
50:57.0
At huwag na huwag nang hayaang makatakas pa.
51:01.0
Nang makita ko naman si mama.
51:03.0
Nakita kong napahawak ito sa tiyan niya sabay na pangiwisa mo ka.
51:08.0
Ma, ayos ka lang po ba?
51:12.0
Hindi na nagsalita pa si mama.
51:15.0
Sinabihan na ako ni Lola na tulungang akain si mama pabalik sa kwarto para makapagpahinga.
51:21.0
Agaran na nga naming inalalayan si mama papasok sa loob ng kwarto nun.
51:27.0
Muli namang nilagyan ni Lola Roseng ang tiyan ni mama.
51:30.0
Dahil sa sobrang naninigas iyon.
51:34.0
Ilang sandali pang nakalipas ay narinig ko na ang mga yabag ng paang patakbong bumalik ng bahay.
51:43.0
Pagkapasok ng mga ito ay nakita kong may bahid ng dugo ang itak na bitbit ng aking ama.
51:50.0
Anong nangyari? Nakita niya ba kung sino iyon?
51:54.0
Pag-aalala lang tanong ni Lola.
51:57.0
Ayon kay Papa.
51:59.0
Kamuntikan pa nilang mapatay ang nilalang kung hindi lamang ito nakatalon sa mataas na puno ng kahoy at pumasok sa may talahiban.
52:09.0
Hindi na rin sila naglakas pa ng loob na pasukin ng talahiban dahil gabi na at delikado kung susundan pa nila iyon.
52:19.0
Baka mamaya tambangan pa sila ng kalahi nito.
52:24.0
Malakas yung kutob ko.
52:27.0
Kilala ko yung aswang na iyon eh.
52:29.0
Dahil nung mataga ko yun, narinig kong humiyaw yun at boses ng babae yung narinig ko.
52:36.0
Iiling-iling na wika ni Papa.
52:39.0
Ayon naman kay Lola, marahil ay naramdaman na ng nilalang na protektado ang aking ina.
52:47.0
May proteksyon ng bahay, kaya nagkukumaw ito na mabiktima ang aking ina at ang sanggol sa kanyang tiyan.
52:56.0
Kinabukasan,
52:59.0
maaga pa lamang ay naglagay na ng karagdagang pang proteksyon sa bahay ang aking ama.
53:05.0
Naglagay na mga bagakay si Papa sa bawat gilid ng bahay at sanga ng suha sa taas ng bubungan.
53:13.0
Kinatanghalian noon ay narinig kong naguusap ang mga magulang ko at ang lolo at lola ko.
53:20.0
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa nangyari kagabi.
53:24.0
Sinabi ng aking amang pupunta niya ang bahay ng taong
53:28.0
pinaghihinalaan niya noon.
53:31.0
Nagwika naman ang lolo ko na sasama siya.
53:34.0
Dalawa silang pupunta sa bahay ng nilalang
53:37.0
at kung sakali mang magkamali o hindi nila magustuhan na maging tugon ng mga iyon,
53:43.0
sisiguraduhin naman na nilang hindi na makakalabas pa ng buhay ang mga ito.
53:49.0
Sasama pa sana ang kapatid kong lalaki pero hindi pumayag si Papa.
53:54.0
Manatili na lamang umano sa bahay si Kuya.
53:58.0
Dahil baka mapano pa ito.
54:01.0
Ora mismo nga ay umalis ang abuelo ko at si Papa.
54:06.0
Sa pagdaan ng ilang sandali ay bumalik na sila doon.
54:10.0
Doon ay ibinalita nilang wala na umano si Marie.
54:16.0
Maaga umano itong umalis kasama ang ina niya.
54:20.0
At ang sabi noong napagtanungan nila ay bumiyahin na umano ito papuntang Capiz.
54:28.0
May nakakita umano na kapitbahay na may sugat sa braso ang babae
54:34.0
at parang aligagapa nga noong maglakad palabas ng baryo.
54:39.0
Matapos nilang marinig iyon ay mas tumibay pa ang hinala ng aking amang.
54:46.0
Ang babaeng iyon ang umaswang at nagnanais bumiktima sa aking ina at sa kapatid kong nasa tiyan ito.
54:54.0
Bago sila umalis sa bahay ng babae, pinagbantaan nila ang natitira sa pamilya nitong sa oras na makita nila si Marie at mapatunayang ito talagang umaswang.
55:09.0
Magpasensyahan na lamang umano dahil baka bang kainang uuwi sa kanilang babae.
55:16.0
Nalaman ko rin dating kareleksyon pala ni Papa ang babae.
55:21.0
Ayon pa sa lolo ko, ito raw sana ang papapangasawa ni Papa kung hindi nila pinilit na lumuwas na Maynila ang aking ama.
55:33.0
Ang babaeng iyon rin pala umano ang dahilan kung bakit matagal na panahong hindi nakauwi si Papa sa probinsya
55:42.0
dahil sa pinapaiwas ni Lola Rusing ang aking ama sa babaeng si Marie
55:48.0
dahil nalaman nila ang pinakatagutagong lihim ng pamilya nito.
55:55.0
Ang sabi pa ni Lola Rusing, nalaman nilang angkan na mga aswang ang pamilya ni Marie
56:02.0
at mukhang gustong gusto ni Marie na maging kaisa nila ang aking ama.
56:07.0
Kaya naman noong nakipaghiwalay si Papa sa babae, nagbanta itong hindi nito titigilan ang aking ama hanggat hindi nito nakukuha ang gusto.
56:18.0
Ang buong akala nila ay magiging maayos ng lahat. Gawa ng napakatagal ng panahon na yung lumipas eh.
56:27.0
Isa pa, simula nang umalis si Papa sa kanilang baryo ay hindi na rin naman ganun nagpakita yung babae.
56:35.0
Pero nagkamali pala sila. Dahil noong umuwi si Papa, nagulat na lamang sila nang muling nagpakita yung babaeng iyon.
56:44.0
At ang mas malala ay nagahanap lamang ito ng tsyempo para magawa ang nais niya.
56:52.0
Isa na sa makakapagpatunay na si Marie talaga ang umaaswang sa aking ina ay ang kalapit bahay naming si Magda.
57:01.0
Palagi raw kasi niyang nakikitang nakatanaw sa bahay namin si Marie.
57:06.0
At kung minsan pa nga ay nahuhuli niyang matalim yung nakatitig sa aking ina.
57:12.0
At para bang anumang sandali.
57:14.0
Ay gustong gusto na nitong sugurin si Mama.
57:19.0
Inaabangan niya nga raw kung susugurin ba ni Marie ang aking ina pero hindi naman.
57:25.0
Hanggang titig lamang umano ang ginagawa nito.
57:29.0
Habang nagpapatunog ng ngipin niya.
57:34.0
Magmula nga noon ay nagdobling ingat na kami.
57:37.0
Lalong lalo na si Mama.
57:40.0
Dahil baka mamaya ay bigla na namang bumalik si Marie.
57:42.0
At may gagawing hindi maganda sa aking ina at sa sanggol.
57:49.0
Pero sa awa ng nasa taas mga kagiliw.
57:53.0
Lumipas sa mga araw ay naging maayos naman ang lahat.
57:57.0
Wala nang kababalagan pa kaming nararamdaman.
58:00.0
At hindi na bumalik si Marie sa baryo.
58:03.0
Iwas na iwas na rin ang mga kaanak ni Marie sa tuwing makakasalubong ang aking ama.
58:08.0
Dahil sa kahihiyang ginawa ni Marie.
58:12.0
Ayon pa nga kay Lola.
58:15.0
Kahit nabantog na aswang ang angkan ni Marie.
58:18.0
Niminsan ay wala pa silang nababalitaang may biniktima o sinaktan ang kaanak nito.
58:25.0
Kaya hindi nila mapaalis-alis ito sa baryo.
58:29.0
Dahil wala namang ginagawang masama o sinaktan.
58:33.0
Maliban lang sa babaeng si Marie.
58:38.0
Hanggang dito na lamang po ang aking kwento.
58:41.0
Maraming salamat po.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.