01:21.1
Kaya't hanggat maaari ay pag-isipan mo ng maigi o mano ni Kuya Ruel ang lahat.
01:26.9
Parang kailan lang kayo nagkakilala ng kasintahan mo anak ha.
01:31.4
Tapos ngayon gusto mo nang mamanhikan ka agad.
01:34.5
Hindi ba't parang napakabilis naman yata?
01:37.7
Sigundang saan ni Papa nun.
01:41.1
Pabiru ko namang sinabi sa mga magulang kong tinamaan na ng matindi ang kapatid ko sa kasintahan nito.
01:47.7
Isa pa, sa ganda ba naman ang kasintahan ni Kuya Ruel ba eh?
01:52.6
Talagang hindi na ito papakawalan pa ng kapatid ko.
01:56.9
Hinirapan ako ni Mama at sinabihang magtigil-tigil sa mga pinagsasasabi ko dahil sa wala o mano akong alam tungkol sa buhay may esawa.
02:07.4
Maa pa, siguradong sigurado na po ako sa disisyon ko.
02:12.4
Mahal ko si Amie at ayokong mawalay sa kanya.
02:15.5
Pakiusap po, pumahayag na po kayo.
02:18.9
Pakiusap ng kapatid ko sa mga magulang namin nun.
02:23.4
Saglit na nagkatinginan ang mga magulang.
02:25.6
Bago muling tumingin sa kanya.
02:29.5
Ay, bueno, kung yan na talagang gusto mo at disidido ka na anak,
02:35.2
mapayag na kami ng Mama mo.
02:37.6
Hindi ka naman namin mapipigilan kung talagang dyan ka masaya.
02:43.3
Talaga po pa, masayang-masaya ang kapatid ko na yon.
02:48.8
Tumangusip pa pa sa kanya kaya't sobrang-sobra ang pasasalamat ni Kuya Ruel sa mga magulang namin.
02:55.6
Sinabihan siya ni Mama na nasa tamang edad na raw kasi siya.
02:59.6
Kung anuman ang disisyon niya ay hindi tututol ang mga magulang namin nun.
03:06.2
Matapos ngang mapag-usapan ang tungkol sa pamamanhikan,
03:10.8
dalawang linggo lamang ang lumipas ay nagbakasyon na kami sa Negros,
03:15.4
sa lugar ng kamag-anak ni Mama.
03:18.9
Nagulat pa nga si Tiro Dulfo noon na makita kami sa harapan ng bahay nila.
03:25.9
Biglaan na raw ang pagbabakasyon namin.
03:28.6
Hindi man lamang kami nagpasabi sa kanila.
03:31.6
Hindi sana'y sinalubong niya kami sa babaan ng sasakyan.
03:36.2
Nagpaliwanag ang aking ina at sinabi niyang biglaan kasi ang pagbabakasyon namin
03:39.7
dahil sa mamamanhikan ng kapatid ko.
03:43.2
Sanob yan itong naniniraan sa Negros noon.
03:46.8
Abay, mag-aasawan na pala itong si Ruel.
03:50.1
Teka, saan ba dito sa Negros naniniraan yung mapapangasawa mo ha?
03:55.6
Sinabi ni Kuya Ruel ang baryo kung saan nakatira ang pamilya ng kanyang kasintahan.
04:03.3
Sinabi niya rin na una nang umuwi ang kanyang kasintahan
04:06.3
dahil sasabihin ito sa mga magulang ang tungkol sa pinaplanan nila.
04:12.2
May sasalubong na lamang umano sa amin pagdating sa bungad ng kanilang baryo.
04:18.1
Matapos sabihin niyo ng kapatid ko ay
04:20.1
napansin kong saglit na natigilan ang mga kamag-anak ni Mama
04:24.4
at nagkatingin na noon.
04:29.0
Sigurado ka bang doon nakatira ang kasintahan mo, iho?
04:34.1
At para bang naninigurado ito kung talagang tagaroon ba
04:37.1
ang babaeng iyon?
04:42.2
Ang kwenta sa akin ni Amie, doon na siya lumaki.
04:45.9
Napadpad lang siya sa Cebu noong dalin siya ng kamag-anak niya para magtrabaho.
04:50.9
Tanging pagtangu lamang ang naging tugo ni Tio Rodulfo.
04:54.4
Sa sinabi ng kapatid ko.
04:57.7
Eh kung wala akong lakad, masasamahan ko sana kayo.
05:01.6
Kaya lang, eh may trabaho pa kasi ako eh at hindi ako pwedeng lumiban.
05:07.6
Ayos lang yun, Dulfo.
05:09.5
Kami-kami na lang yung pupunta para hindi na kayo maabala pa.
05:13.2
Naabala na nga namin kayo dito.
05:15.1
Abalahin pa namin kayo sa pupunta namin.
05:20.8
Nag-saysion naman si Tio Dulfo na kailangan may isa sa tagaro.
05:24.4
O sa kanila ang sasama sa amin sa bari yung pupuntahan.
05:28.6
Dahil ang alam niya,
05:30.6
liblib ang lugar na yon.
05:32.5
Kaya't kinailangang may sasama sa amin.
05:36.5
Nag-aalala akong baka maligaw kayo sa pupunta nyo.
05:40.4
O kaya naman ay may mangyaring hindi maganda.
05:43.7
Huwag naman sana.
05:46.9
Nagpasalamat si Papa sa suwisyon ng kaanak ni Mama.
05:50.9
Noong dumating na ang takdang araw ng usapan,
05:53.1
ay kaagad na kaming umalis kasamang anak ni Tio Dulfo na si Randolph.
05:59.1
Kaidaran ko lamang si Randolph kaya't habang binabagtas namin ang daan,
06:03.3
ay masaya kaming nagkikwentuhan.
06:07.5
Makalipas lamang ang ilang oras,
06:09.9
ay tuluyan na nga kaming nakarating sa lugar ng kasintahan ni Kuya Ruel.
06:15.1
Sinalubong naman kami ni Ati Ami at ng amat dalawang kalalakihan sa kalsada.
06:21.7
Masayang isa-isang ipinakalimutan.
06:23.1
Kailala kami ni Kuya Ruel sa ama ng kasintahan niya.
06:27.5
Sa unang tingin ko pa lamang sa ama ni Ati Ami ay
06:32.3
sa palagay ko ay medyo mahihain ito.
06:37.2
Tahimik lamang kasi siya nang maglakad na kami papasok sa baryo.
06:42.1
Hindi ito nagsasalita kung hindi magtatanong ang mga magulang ko.
06:47.4
Ang buong akala ko noon ay malapit lang ang tirahan ng mga magulang ni Ati Ami.
06:53.1
O mali palang akala ko.
06:56.8
Sa kadahilan ng ilang minuto na kaming naglalakad,
07:01.0
ay napapansin kong paisa-isa na lamang ang mga bahay na nakatirik sa gilid ng daan.
07:07.0
Pero hindi pa rin kami nakakarating.
07:12.7
idagdag ang nakikinikinita kung tila ba patungo na kami sa bundok.
07:18.1
Dahil sa hindi na namin naririnig ang mga ugong ng sasakyan,
07:21.3
na habang tinitingnan ko ang mga nadadaanan naming naglalaki ang mga punong kahoy,
07:28.5
ay medyo nakaramdam ako ng kaba.
07:33.1
Kuya Ruel, malay pa ba tayo?
07:36.6
Hindi ko na napigilan na magtanong sa kapatid ko.
07:40.8
Medyo? Bakit? Napapagod ka na ba?
07:44.5
Ay hindi naman kuya, nagdatanong lang ako.
07:48.3
Bumulong naman si Randolph at sinabihan akong magpatuloy.
07:51.3
Nagpuloy na kami sa paglalakad at huwag nang magtanong pa.
07:55.8
Dahil pa sa saan ba't darating din naman raw kami sa pupuntahan?
08:01.9
Hindi mo ba napapansin yung isa sa mga taong sumundo sa atin?
08:06.5
Pansinin mo, kakaiba yung kinikilis niya.
08:13.1
Bagya akong nagulat at nilingon si Randolph
08:15.4
at sinabihan niya akong pasimpleng tingnan ko mano ang kasamahan namin pero
08:21.3
huwag kumano akong magpalata dahil baka kung ano pang isipin ito.
08:28.1
Sinunod ko na nga ang sinabi ng pinsan ko.
08:31.5
Pasimpleng tingnan ko ang kamay ni Ati Ami.
08:35.4
Tahimik lamang ito at mabilis nang naglalakad.
08:39.3
Samantalang yung isa sa mga kasama nila Ati Ami na sumalubong sa amin ay
08:43.4
panay ang pagsinghot noon na parang asong may inaamoy-amoy na pagkain.
08:51.3
Na para bang hindi mapakali.
08:55.7
Magsasalita na sana ako pero mabilis akong sinabihan ng pinsan kong huwag mainay
08:59.9
at baka mahalata na kami na napapansin namin ang kakaibang kinikilos nito.
09:07.3
Magkunwari ka na lang na walang nakikita.
09:10.4
Basta magpatuloy na lang tayo sa paglalakad.
09:17.0
Hindi ko maintindihan kung anong ibig tukuyin ang pinsan ko.
09:21.3
Dahil para sa akin, normal na yata doon sa lalaki ang mga kinikilos nito.
09:27.9
Kanina kasi, napansin ko rin yun.
09:32.0
Noong papalapit pa lamang sa amin.
09:34.6
Pero hindi ko lang ito pinagtunan ng pansin.
09:38.8
Maya-maya pa ay kinuha ng pinsan ko ang malaking bag na bitbit ko.
09:43.6
Tutulungan niya na raw ako.
09:45.8
Dahil nakikita niya mukhang hirap na hirap na umano akong maglakad pa.
09:49.0
Teka, sigurado kang ikaw na yung magbibitbit?
09:55.4
Ayos lang ba sa'yo?
09:56.8
Tanong ko sa kanya.
09:59.4
O naman tol, ayos na ayos lang sa'kin.
10:02.5
Sanay na sanay ako magbitbit ng mga mabibigat na bagay.
10:06.4
Tsaka napapansin ko kasing patarik na ng patarik yung daang binabagtas natin eh.
10:11.4
Anya, at nagpatiuna na maglakad.
10:15.4
Sa totoo lang, nang makuha ni Randolph ang bitbit ko,
10:19.0
ay nakaramdam na ako ng kaginhawaan.
10:22.2
Kanina pa kasi sumasakit ang balikat ko.
10:25.2
Kaya nagtanong na ako sa kapatid ko kung malayo pa ba kami.
10:29.5
Gusto ko na rin kasing ibaba ang mga dalahin ko at makapagpahinga na.
10:35.4
Sa paglipas nga ng ilang minutong lakaran,
10:37.9
ay narating na namin ang bahay ng kasintahan ni Kuya Ruel.
10:42.4
Maganda ang kanilang bahay at kahit na
10:44.5
payak lamang ang kanilang pamumuhay,
10:47.9
ay masasabi kong hindi rin ako.
10:48.8
Hindi rin naman sila hikaw sa buhay nila.
10:52.7
Nakita ko kasing malawak ang lupain ng pamilya nito.
10:57.3
Pasensya na kayo at maliit lang itong bahay namin.
11:00.5
Halika yot tumuloy rito.
11:02.9
Paghingi ng paumanin ng ina ni ate Amie.
11:06.7
Naku, wala po yun.
11:08.3
Ayos lang po sa amin.
11:10.3
Masayang tugod naman ni Kuya.
11:12.5
Matapos magmaano dito.
11:16.0
Nagmakapasok na kami sa loob ng bahay.
11:18.8
Ibinigay na namin ang mga pasalubong sa mga magulang ni ate Amie.
11:24.1
Pinagpahinga muna kami sandali bago pag-usapan ang mga dapat pag-usapan noon.
11:30.2
Dito na muna kayo at magkakatay lang kami ng manok
11:32.4
para may mauulam tayo.
11:35.7
Alam namin pagod kayo.
11:37.8
Malayo kasi itong bahay namin eh.
11:40.3
Magpahinga muna kayo.
11:42.2
Babalik na lamang ako kapag nakaluto na kami.
11:45.7
Huwi ka ng ina ni ate Amie.
11:47.5
At inutosan siyang istimahin kami't bigyan ng merienda.
11:53.4
Sinabi ng aking inang huwag nang mag-abala pa dahil ayos lang naman kami kahit simpleng pagkain lang.
12:00.7
Iginit naman ang mga magulang ng kasintahan ni Kuya Ruel na mga bisita kami kaya't
12:04.7
tama lang na istimahin kami ng maayos at bigyan ng maayos na pagkain.
12:12.2
Hayaan niyo na po si nanay tita.
12:14.5
Ganyan po talaga siya kapag may mga bisitang pumupunta dito.
12:17.5
Ang gusto niya maistimahin ang mga ito na mabuti.
12:22.4
Huwi ka ni ate Amie pagkalapag ng merienda sa lameseta.
12:27.9
Nang araw ngayon ay maayos naman ang naging usapan ng lahat.
12:32.7
Napagkasunduan na rin nila kung kailan ang araw ng kasal.
12:37.6
Kinagabihan nga noon ay nag-ayang mag-inuman ng ama ni ate Amie.
12:42.1
Hindi naman kami makatanggi.
12:44.1
Nalkabastos-bastos naman kung tatanggihan namin ang alok nito.
12:47.5
Nung nang nag-iinuman na kami ay napansin kong kakaiba ang tingin
12:52.4
ang ipinukol ng kababata ni ate Amie na si Andres sa aming dalawan ni Ruel.
12:59.4
Matalim ang mga titig na ipinukol niya at parabang may nagawa kaming malaking pagkakamali.
13:07.0
Nga pala, ama niya ang isa sa mga lalaking kasamang sumundo sa amin doon sa bungad ng baryo.
13:14.1
Imbang lalaking panay ang pagsinghot sa hangin.
13:16.5
At paglunok at pagpunas ng laway sa kamiseta nitong damit.
13:22.1
Na parabang hindi nito napipigilan ang pagtulo sa bibignon.
13:27.9
Nung una, binaliwala ako lamang si Andres.
13:32.8
Sa pag-aakalang kinikilatis lamang nito ang kapatid ko.
13:37.0
Siyempre, kahit sino naman sigurong kababata,
13:41.5
kapag nalaman na nitong may namamanhika na at pinag-uusapan na ang kasal ng kababata nito,
13:46.5
talagang kikilatisin muna nito ang natitipuhan ng kababata.
13:52.7
Kung karapat dapat bang ipagkatiwala ang kababata nito.
13:57.8
Baka kasi mamaya, saktan-saktan lang at gawing punching bag ang kababata nito, di ba?
14:03.5
Kaya mas mainam ng kilalanin at kilatisin muna mabuti ang taong natipuhan ng kanyang kababata.
14:09.8
Ganun ang naiisip ko ng mga oras na yun.
14:13.1
Pero habang tumatagal,
14:15.1
ay kakaiba na ang nararamdaman ko.
14:19.8
Yun bang tila sa paraan ng pagtitig ni Andres sa kapatid ko ay
14:23.6
parang may iniisip siyang hindi magandang gawin.
14:32.0
paano mo nga ulit nakilala si Ami?
14:34.6
Tanong ni Andres kay Ruel.
14:37.5
Sinabi naman ni Kuya Ruel na nakilala niya si Ati Ami sa trabaho.
14:42.3
Unang tingin niya palang ay tinamaan na ito.
14:45.1
Kaya't hindi na siya nag-alangan pang ligawan nito at hindi na siya nagsisi sa ginawa niya dahil maging masaya sa piling ng dalaga.
14:55.1
Matapos sabihin niyo ng kapatid ko ay nasipat kong dumilim ang pagmumuka ni Andres.
15:02.1
Hindi ko alam kung ako lamang ba ang nakapansin noon o napapansin rin ni Randolph ang panandaliang pagdilim na mukha nito.
15:12.1
Makaraan ng ilang minuto ay nagpaalam si Andres.
15:15.1
Pagdilim si Andres na magbabanyo na muna.
15:18.1
Naiihi raw kasi siya.
15:21.1
Mga ilang minuto nang nakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik sa inuman.
15:26.1
Nakaramdam na rin ako ng pag-ihi kaya't nagpaalam na muna akong iihi na muna noon.
15:33.1
Sinabi naman sa akin ng ama ni Ati Ami na sa likuran ng bahay raw ako pumunta dahil naroroon ang banyo nila.
15:41.1
Agara na nga akong tumayo at pumunta na sa likuran ng bahay.
15:46.1
Dahil sa may buwan naman ng mga gabing iyon, hindi ako nahirapang maglakad at hindi ako nangangapa sa dilim.
15:54.1
Noong makaikot na ako sa likuran ng bahay, sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin.
16:03.1
Napasingha pa ako ng panandalian at nag-uwi kang,
16:08.1
Grabe, may lamig naman dito.
16:11.1
Matapos kong umihi ay dali-dali na akong lumabas ng banyo.
16:17.1
Pero bago pa man ako makalabas ay nakarinig ako ng mahinang tunog ng isang pato.
16:24.1
Sunod-sunod iyon at parang nasa likuran lamang ng banyo.
16:29.1
Sa hindi may paliwanag na dahilan ay biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan na para bang may kinatatakutan ako.
16:41.1
Saglit na ipinilig ko pa ang ulo at nagpatuloy ng naglakad palabas.
16:47.1
Inisip kong baka may alagang pato lamang ang mga magulang ni Ate Amie at iyon ang paulit-ulit na naririnig ko noon.
16:56.1
Tinatakot ko lang sarili ko. Sad ko.
17:01.1
Nakailang hakbang na ako mula sa banyo ay ganun na lamang ang takot na nararamdaman ko.
17:07.1
Nang sa walang ano-ano eh, bigla na lamang akong nakarinig ng sunod-sunod na pag-angil at sinabayan pa ng pagsitsit na para bang tinatawag ako.
17:21.1
Noong nilingon ko ang pinanggagalingan ng sitsit na iyon ay may nakita akong bulto ng taong nagbabaga ang mga matang namumula.
17:34.1
Saglit ko lamang yung nakita dahil ako.
17:37.1
Nagkarang nagkubli sa malaking punong nasa hindi kalayuan ang bulto ng taong nasipat ko na iyon.
17:44.1
Hinding-hindi ako maaaring magkamali.
17:48.1
Talagang bulto ng tao ang nakita ko at namumula ang mga mata nito.
17:55.1
Hindi ko nga lang mawari kung sino iyon dahil mabilis itong kumilos para magkubli sa malaking puno.
18:03.1
Napamura na ako sa aking isipan.
18:07.1
At buong tapang nalalapitan na sana ang puno kung saan nagkubli ang taong nasipat ko nun.
18:14.1
Pero may kamay ang mabilis na humatak sa akin pabalik sa bahay.
18:19.1
Nang tingnan ko iyon ay nakita kong si Ate Ame iyon.
18:23.1
Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko sa likuran ng kanilang bahay.
18:28.1
Sinabi ko naman sa kanyang nagbanyo lamang ako kaya ako narorohan.
18:32.1
Ate Ame, nakita mo rin ba yung taong mabilis na nagkubli dun sa malaking puno?
18:40.1
Dun sa likuran ng bahay niyo?
18:43.1
Tanong ko sa kanya.
18:45.1
Saglit na natigilan ito at tila ba natatarantang nag-uwi kang wala naman siyang napapansin o mano.
18:52.1
Baka guni-guni ko lamang ang nakita ko nun.
18:56.1
Hindi ate, totoo talaga yung nakita ko.
18:59.1
Giit kong wika sa kanya.
19:03.1
At sinabihan pa siyang nakita ko pa ang mga matang nagbabaga bago yung nagkubli sa puno.
19:10.1
Eh teka, may alaga ba kayong pato o kaya naman bibe?
19:19.1
Pato tsaka bibe? Wala kaming alaga, bakit?
19:24.1
Ah kasi ano, may naririnig rin kasi ako kanina nung nasa banyo ako eh.
19:29.1
Sinabi niyang huwag ko na lamang pansinin ang mga narinig at nakita ko.
19:36.1
Guni-guni ko lamang o mano yun.
19:39.1
Nakaramdam ako ng pagdududa.
19:42.1
Matapos niyang sabihin yun dahil imposible talaga.
19:47.1
Pati ba naman yun, magkakamali ako.
19:51.1
Isa pa, kung pagbabasayan ko ang mga kinikilos ni ate Amie,
19:57.1
ay parang alam nito kung ano ang mga tinutukoy ko.
20:02.1
Para kasi itong natataranta at pautal-utal pa akong sumagot.
20:07.1
Lasing ka lang kaya kung ano ang nang naririnig at napapansin mo.
20:12.1
Sige na pumasok ka na sa loob at baka hinihintay ka na nila.
20:19.1
Kahit na may pagtataka at pagdududa akong nararamdaman,
20:24.1
sumunod na lamang ako sa sinabi niya.
20:28.1
Natapos na lamang ang gabing yung hindi na namin nakita si Andres.
20:34.1
Hindi na ito bumalik pa sa umpukan matapos magpaalam na umihinon.
20:39.1
Kinabukasan, habang inililibot kami sa malawak na lupain ng pamilya ni ate Amie,
20:47.1
napansin ko na naman si Andres.
20:50.1
Panakanakang tumititig ito na parabang may sinasabi.
20:54.1
Natangin siya lamang ang nakakarinig.
20:57.1
Pero sa tuwing napapansin niyang nakatingin ako sa kanya,
21:01.1
ay agarang niyang iniiwas ang tingin sa kapatid ko.
21:07.1
May hindi na talaga tama sa taong to.
21:10.1
Kahapon ko pa napapansin masama yung timpla niya sa kapatid ko.
21:15.1
Hindi kaya pinagsisilosan niya si Kuya?
21:21.1
Dahil nahuhuli ko siyang madilim ang kanyang pagmumuka.
21:26.1
At tiimbagang naikinuyom ang kamao sa tuwing malambing sa isa't isa
21:30.1
sina Kuya Ruel at ate Amie.
21:33.1
Parang, parang gusto niya nang lapitan yung dalawa at sapakin yung kapatid ko eh.
21:39.1
Hindi kaya magusto siya kay ate Amie.
21:43.1
Hoy tol, sino na naman ba yung tinitingnan mo dyan ha?
21:47.1
Puntag na tanong ng pinsan ko at inakbayan pa ako sa balikat.
21:56.1
Wala. Eh sa paraan ng mga tinginan mo parang may hindi magandang nangyari eh.
22:02.1
Pangungulit niyang saan noon.
22:05.1
Napabuntong hininga ako at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa mga napapansin ko.
22:11.1
Nagulat naman ako nang ilabas niya.
22:14.1
At ipanakita sa akin ang bote ng langis.
22:19.1
Takang tanong ko.
22:23.1
Bigay sa akin ni tatay bago tayo pumunta dito.
22:26.1
Alam kong langis yan.
22:29.1
Ang ibig kong sabihin para saan yung langis na yan at baka parang, parang natapon yata ah.
22:36.1
Pangontra sa aswang yung langis na to.
22:39.1
Pangontra sa aswang?
22:42.1
Huwag kang tumawa dyan tol.
22:45.1
Kung hindi dahil sa langis na to.
22:47.1
Hindi ko pa malalaman na kahapon pa tayo may kasamang aswang.
22:51.1
Anya na halatang nairita sa ginawa kong pagtawa.
22:58.1
Kahapon pa umano kumukulo ang langis sa bulsa niya.
23:02.1
Hindi niya lang masabi-sabi yun sa akin dahil nasa harapan kami ng mga kaanak at kaibigan ni ate Amie.
23:10.1
Ayaw niyang maalarma kung sino man ang nilalang na nakakasalamuhan naming kahapon.
23:15.1
Pero ngayon ay kumpermado na siya kung sino ang aswang.
23:20.1
Sa kadahilan ng iilan na lamang kaming magkasama ng mga sandaling iyon.
23:26.1
Sige nga, sige nga.
23:28.1
Kung talagang totoo yung sinasabing mong pangontra sa aswang yung langis na yan.
23:32.1
Sabihin mo sa akin sino yung aswang na nakakasalamuhan natin.
23:38.1
Kung sino yung taong hindi mapakali.
23:41.1
Yung panayong kamot sa katawan kapag lumalapit ako.
23:48.1
Mamaya magmasig ka tol.
23:50.1
Tingnan mo mabuti para malaman mo kung sino yung tinutukoy ko.
23:56.1
Napangiti na tumangon na lamang ako.
23:59.1
Kahit na hindi naman talaga ako kumbinsido sa sinabi niya.
24:04.1
Nung sumapit na ang kinagabihan.
24:07.1
Pasado alas otso na ng gabi.
24:10.1
Kasalukuyan na kaming lahat na nagpapahangin sa bakuran ng bahay
24:13.1
habang kumakain ng panghimagas.
24:17.1
Kakatapos lang kasi naming maghaponan at umuwi na si Andres nun.
24:22.1
Kalapit bahay lamang nila ito kaya kahit gabihin pa ito sa bahay ni ate Amie.
24:31.1
Naniniwala ka na ba sa sinasabi ko?
24:34.1
Kumbinsido ka na bang aswang nga ang taong nirapitan ko?
24:38.1
Kumikindat-kindat pang tanong ni Randolph sa akin nun.
24:41.1
Ipinaalala niya pa sa akin ang tungkol sa nangyari kanina kay Andres.
24:46.1
Nung lapitan niya ito at kunyaring nakikipagkwentuhan na tinalamang ginagawa.
24:52.1
Hindi mapakalihang lalaki.
24:55.1
Panay ang pagkamot nito sa braso na aakalain mong
25:00.1
ginapangan ng higad nun.
25:03.1
Panay rin ang pagpapatunog nito ng bibig na para bang nangigigil ito.
25:08.1
Tapos ay walang tigil sa paglunok ng laway at panakanak ang tinitingnan ng masama si Randolph.
25:17.1
Ngayon alam na ng aswang na'y na may hawak akong pangontra.
25:22.1
Kaya hindi na magpapakampante pa yung hinayupak na iyon.
25:28.1
Hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinasabi niya.
25:33.1
Dahil ang buong akala ko ay nagyabang lamang ang pinsan ko ito
25:36.1
at nagpapasikat lang.
25:39.1
Pero makalipas lamang ang ilang sandali.
25:43.1
Bigla na lamang kaming nakarinig
25:46.1
ng tunog ng isang huni.
25:49.1
Napamura ang aking ama at nagwikang.
25:53.1
Lah, may aswang dito?
25:57.1
Bumaling naman ito kay ate Amie at kay Kuya Ruel pagkatapos ay nagtanong muli nang
26:03.1
Huwag niyong sabihing may laman na iyang tiyanang kasintanan.
26:06.1
Hindi mo anak ah?
26:08.1
Aba, hindi pa kayo kasal?
26:11.1
Nako, nako pa. Wala pa ho.
26:14.1
Alam naman namin ni Amie ang limitasyon at bawal siyang magbuntisan at hindi pa nakakasal.
26:19.1
Nakangiting tugon ng kapatid ko.
26:22.1
Nahihiya pa siya nang banggitin ni Papa iyon.
26:25.1
Mabuti naman kung ganon.
26:28.1
Pero sino'y ninaaswang sa atin dito?
26:31.1
Sinabi naman ang ama ni ate Amie na marahil
26:34.1
napadaan lamang umanoang nila lang at naamoy na may bagong dayo sa kanila.
26:41.1
Kadalasan raw kasi ay mabango sa mga ganong nila lang ang mga dayuhan sa baryo.
26:46.1
Yun marahil ang dahilan kaya kami inaaswang.
26:51.1
Huwag niyo nalang pansinin yung mga naririnig natin. Napadaan lang iyon.
26:57.1
Nang gabing iyon ay agad na kaming pinapasok lahat at doon na lamang kami nagpatuloy sa pagkikwentuhan.
27:05.1
Isang araw na lamang ang ilalaan namin sa bahay ng mga magulang ni ate Amie.
27:10.1
At aalis na kami at babalik ng Cebu.
27:13.1
Kung kaya't sinulit nilang pagkikwentuhan at pagpaplano kung ano ang mga susunod na gawing hakbang sa kasal na gaganapin.
27:22.1
Kinabukasan, napagplanuhan ng lahat na magaroon ng konting salusalo at kasiyahan.
27:29.1
Dahil iyon na ang huling araw namin sa lugar nila ate.
27:34.1
Habang tumutulong ako sa pagluluto ay napansin kong parang nangangalumata ang kapatid ko.
27:41.1
Matamlay ang mga akinikilos niya.
27:44.1
Nilapitan ko siya at tinanong kung masama ba ang pakiramdam niya.
27:49.1
Ayos lang ako, tol. Huwag mo akong alalaanin. Napagod lang siguro ako.
27:56.1
Tugon niya sa akin at pasalampak na umupo at ipinikit ang mga mata at bahaglang hinilot ang sentido.
28:02.1
Sige kuya, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. Tutulungan ko na si Namangtonio sa pagkakatay ng baboy.
28:11.1
Tumangu lamang ito pero nanatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
28:17.1
Sa paglipas ng mga oras, noong nasa kasiyahan na kami, ay napansin kong may kasamang dalawang kalalakihan si Andres na sa palagay ko ay kaidaran niya lang ang mga iyon.
28:30.1
Kakaiba ang presensya ng dalawa dahil parang napakahambog na mga kinikilos ng dalawa.
28:38.1
Maya-maya pa, nang sa walang ano-ano ay bigla na lamang lumapit sa kapatid ko ang isa sa mga ito at tinapik ng tatlong beses sa balikat si Kuya Ruel.
28:52.1
Medyo nabastusan ako sa ginawang iyon ng lalaki.
28:56.1
Tagli-dagli kong nilapitan ang kapatid ko at taas noong tinanong ko siya kung may problema ba.
29:03.1
Matalim na tinitigan ako ng lalaking iyon.
29:06.1
Magingat-ingat ka sa mga ipinapakita mo ugali bata ha. Hindi mo kilala yung mga nasa paligid mo.
29:14.1
Wika nito, tiimbag ang akong tinitigan.
29:19.1
Sa hindi mawaring dahilan ay nakaramdam ako ng kaba at takot.
29:24.1
Matapos akong titigan ng lalaki,
29:27.1
pero hindi ko iyon ipinapalata sa lalaking iyon.
29:31.1
Nasar talaga ako gawa ng ginawa niya talagang pagtapik sa kapatid ko hindi talagang magandang tingnan.
29:39.1
Natigil lamang ang pagkakatitig nito na masama sa akin nang marinig kong magsalita ang ama ni ate Amie.
29:47.1
Teka lang, huwag mo naman ganyanin yung bisita namin. Nakakabastos yung ginagawa mo eh.
29:56.1
Napansin kong tumingin lamang ang lalaki sa ama ni ate Amie at walang sabi-sabing naglakad ng palayo.
30:04.1
Tinanong ko si kuya kung ayos lamang ba ito.
30:08.1
Pero pagbaling ko sa kanya ay nakita kong butil-butil na ang pawis na pumapatak sa kanyang noo at kulay lila na ang kanyang labi nun.
30:19.1
Maya-maya pa ay bigla na lamang bumagsak sa kinatatayuan si kuya Ruel.
30:25.1
Agaran naman naming sinaklalohan ito at dinala sa malapit na silid.
30:32.1
Nang malaman naman ang ibang mga bisitang nangyari ay nagkagulo na ang mga ito at sandaling itinigil ang kasiyahan.
30:40.1
Natigil lamang ang lahat nang pumasok si Randolph sa silid at agarang pinainom niya ng langis si kuya Ruel.
30:48.1
Nagsasalita siya na tanging siya lamang ang nakakaintindi sa mga binabanggit niyang kataga.
30:53.1
Pagkatapos ay nag-ihip sa palad at nilagyan ng langis nun.
30:59.1
Ipinuna sa sikmura ng kapatid ko.
31:02.1
Halos paliguan niya na ng langis si kuya Ruel habang may mga binabanggit na katagang hindi maintindihan.
31:10.1
Makalipas lamang ang ilang sandali.
31:14.1
Sumuka na ng sumuka ng malapot at kulay-berding laway ang kapatid ko.
31:20.1
Sa maniwala man kayo at sa hindi.
31:23.1
Tanging laway lamang ang inilalabas mula sa sikmura ng kapatid ko kahit na marami kaming kinakaing nakahaing pagkain kanina.
31:33.1
Kaya lubos na ipinagtataka ko talaga iyon.
31:37.1
Dahil napaka imposible namang ni isa sa mga kinain namin ay wala man lamang siyang naisuka.
31:44.1
Pinagbala ka ng masama si kuya Ruel.
31:48.1
Panimulang wika ni Randolph.
31:50.1
At sinabihan ang mga magulang ni Ate Amie na magpatawag na ng manggagamot.
31:56.1
Dahil sa simpleng panggagamot lamang umano ang alam niya.
32:00.1
Yun pa lamang kasi ang itinuro sa kanya ng kanyang ama.
32:04.1
Nang mga oras ngayon ay agaran ng nagpatawag ng magkagamot ang mga magulang ni Ate Amie.
32:12.1
Halos inabot rin ang kalahating oras bago nakahanap ang mga ito.
32:17.1
Tulad ng sinabi ni Randolph.
32:20.1
Ay yun rin ang sinabi ng manggagamot na nahanap ng mga magulang ni Ate Amie.
32:26.1
Ipinaliwanag pa ng manggagamot kung paanong nalason ang kapatid ko.
32:34.1
Idinaan sa pagtapik sa balikat ang panlalason ng aswang na iyon.
32:39.1
Sa tingin niya ay may galit ang nilalang sa kapatid ko.
32:43.1
O kaya naman ay napag-utusan lamang ito.
32:49.1
Malakas ang pakiramdam kong babalik mamayang gabi ang aswang na iyon.
32:54.1
Dahil naudlot ang ginawa niyang panlalason sa taong ito.
32:58.1
Wika ng manggagamot.
33:01.1
Noon niyang sumapit ang kinagabihan.
33:04.1
Pasado alas 7 pa lamang.
33:07.1
Ay may malakas na lumagabog na sa labas ng bahay.
33:11.1
Bukod doon ay pahina na ng pahina ang huninang nilalang na naririnig namin noon.
33:17.1
Mabilis na nag-uusal ng dasa ng manggagamot.
33:22.1
Pagkatapos ay agarad na itong lumabas ng bahay.
33:26.1
Kahit matanda na ang manggagamot na iyon.
33:29.1
Ay nakita ko kung gaano itong kabilis at kaliksing kumilos.
33:35.1
Sinabihan niya pa kaming huwag lumabas ng bahay.
33:39.1
Dahil magiging sagabal lamang kami sa gagawin niyang pakikipagbuno sa mga aswang.
33:45.1
Ang ibig sabihin hindi lang iisa yung aswang na nasa labas ng bahay?
33:51.1
Rinig kong tanong ng aking ina.
33:54.1
Hindi naman siya sinagot ng matanda.
33:57.1
Sa halip ay tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad palabas ng bahay.
34:03.1
Makalipas ang ilang sandali.
34:06.1
Kahit nasa loob kami ng bahay ay ramdam na ramdam ko ang malakas na presensya ng mga nilalang.
34:12.1
Halos nagsasalpukan na rin ang mga sanga ng puno.
34:17.1
Dahil sa malakas na hangin na aakalain mong may paparating na bagyo.
34:23.1
Umalingasaw na rin ang napakabahong amoy at maalinsangan na ang paligid.
34:29.1
Ilang saglit pa ay narinig ko ang malakas na sigaw ng matanda.
34:34.1
Hinahamon ang mga nilalang na iyon.
34:38.1
Rinig na rinig ko pa ang malakas na pag-angil ng kung sino sa mga ito.
34:42.1
At masasabi kong talagang nakakapangilabot ng tunog na iyon.
34:48.1
Nanonoot sa kalamnan ko ang bawat pag-angil ng mga nilalang.
34:54.1
Dahil sa kurisidad ko, naglakas loob na akong sumilip sa siwang.
35:00.1
Maging si Randolph ganun din ang ginawa.
35:04.1
Sa pagsilip ko nga ay nakita ko ang nakakapanghilakbot na nilalang.
35:09.1
Pinagtutulungan ng mga itong nilalang.
35:12.1
Dumugi ng matandang manggagamot pero sa hindi maipaliwanag na dahilan.
35:19.1
Kahit anong gawin ng mga ito ay hindi nila magapikapi ang matandang manggagamot.
35:29.1
Kilala ko kayo kung taga saan kayo.
35:31.1
Lubayan niyo na ang mga bisita sa bahay na ito.
35:34.1
Kung hindi, susugurin ko kayo sa bahay niyo at susunugin ko iyon.
35:38.1
Isasama ko kayo sa loob.
35:39.1
Pagbabanta ng manggagamot nang makawala siya sa nilalang.
35:44.1
Sinabi niya pang kilalang kilala niya ang isa sa mga ito.
35:49.1
Dahil nararamdaman niya ang presensya nito ng paninibog ko sa kapatid ko.
35:55.1
Nang banggitin niyo ng matanda ay napaatras ang isa sa mga nilalang.
36:01.1
Walang sabi-sabing kumaripas ito ng takbo palayo.
36:05.1
At manghahambalusin na ng matanda ang dalawa pa.
36:09.1
Ang mga nilalang gamit ang latigong bibit niya pero...
36:12.1
Mabilis nang sumunod ang mga ito sa naunang tumakbong aswang.
36:18.1
Duwag naman pala kayo eh. Ang nakala ko ba'y napakatapang niyo?
36:23.1
Sigaw ng manggagamot.
36:26.1
Mga ilang minuto muna ang pinalipas ng katahimikan bago pumasok sa loob ng bahay ang manggagamot na iyon.
36:34.1
Pagkapasok nito ay kinausap nito ng sarilinan ang mga magulang ni Ate Amie.
36:39.1
Na para bang may sinasabi itong ayaw naming marinig.
36:44.1
Pagkatapos mag-usap-usap ng mga iyon, ay nakailang beses pang humingi ng pasensya si Mangtonio sa amin.
36:53.1
Kinabukasan naman, bago kami hinatid palabas ng baryo, nadaanan namin si Andres.
37:01.1
May lata ito sa mukha, na animoy na katikim ng latigo.
37:05.1
Hindi rin ito makatingin sa amin at noong kakausapin na sana siya ni Kuya.
37:11.1
Mabilis itong pinigilan ni Mangtonio.
37:14.1
At narinig ko pang pinagbantaan niya si Andres nun.
37:18.1
Na kung uulitin pang muli ang ginawa nito ay hindi na magdadalawang isip ang isisiwalat ni Mangtonio sa kanilang baryo.
37:27.1
Kung ano talaga ang sekreto ng pamilya niya.
37:30.1
Pinagkatiwalaan kita pati ng pamilya mo, Andres.
37:34.1
Aba, sinira mo lang ha?
37:39.1
Timbag ang nawika ni Mangtonio, bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
37:45.1
Kahit na nakaranas kami ng hindi maganda sa baryong tinitira ni Ati Amie,
37:51.1
bumalik pa rin kami dahil sa doon itadaos ang kasal ng kapatid ko.
37:56.1
At hindi rin itadaos.
37:57.1
Dahil sa doon itadaos ang kasal ng kapatid ko.
38:01.1
Pero sa ikalawang pagkakataon, wala na ang pamilya ni Andres.
38:07.1
Ayon kay Ati Amie ay biglaan umano ang pagalis ng mga iyon, dahil nagkasakit ang kanyang ina.
38:15.1
Marahil ay lumipat ang mga iyon sa karatig lugar kung saan naroroon ang angka ni Andres.
38:22.1
Doon ko rin nalaman na bantog na aswang pala ang angka nito.
38:26.1
At sila ang umaswang at gustong lumason sa kapatid ko.
38:30.1
Dahil matagal na palang may lihim na pagtingin si Andres.