Close
 


SAGOT SA PANALANGIN - Dear Love | March 21, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagtatrabaho bilang GRO si Elena sa isang bar. Ito ang kinuha niyang trabaho bilang elementarya ang natapos niya. Nakatikim naman siya ng kaginhawaan sa buhay. Isang araw, nalaman niyang buntis siya. Ang mga istoryang kukurot, kikiliti at magpapakilig sa natutulog mong PUSO. Dear Love with Conyo Bicolano at Robin Sienna 9:00 a.m. to 12 p.m. Listen or Watch Live: https://www.loveradio.com.ph Download our Mobile App: http://bit.ly/LoveRadioPH Facebook: https://www.facebook.com/loveradiomanila Twitter: https://twitter.com/loveradiomanila Instagram: https://www.instagram.com/loveradiomanila #LoveRadioManila
Love Radio Manila
  Mute  
Run time: 17:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nay, bakit nag-i-impact na naman kayo?
00:07.5
Nilipat na naman ba tayo?
00:08.9
Oo, Elena, at na-assign ang tatay mo sa Maynila.
00:12.4
Doon mo na tayo titira.
00:13.9
Eh, ang hirap-hirap daw ng buhay sa Maynila, Nay.
00:17.7
Dito, kapag wala tayong ulam,
00:20.3
pwede tayong bumitas ng gulay dyan sa bakuran.
00:23.3
Eh sa Maynila, wala namang lupang pagtataniman ng gulay doon, Nay.
00:27.9
Elena, huwag na nga maramdaman.
00:30.0
Maraming iniisip.
00:31.4
Mabuti pa ay pumunta ka doon sa tindahan ni Aling Binig.
00:34.6
Itanong mo kung may mga karton ng sigarilyong hindi na ginagamit.
00:38.4
Sige na, lakad na.
00:55.1
Nay, dito din ho ba ako sa Maynila magha-high school?
00:60.0
Hindi na, anak.
01:02.4
Natanggal sa trabaho ang tatay.
01:05.4
Hindi na natin kayang bayaran ng upa dito.
01:08.7
Babalik tayo ng probinsya.
01:11.0
Doon, hindi natin kailangan magrenta.
01:14.3
Nay, eh, kailan ho tayo babalik ng probinsya?
01:18.3
Pagkagraduate mo ng elementarya.
01:25.9
Elena? Ikaw ba yan?
01:28.9
Uy, Winnie.
01:30.0
Ako nga. Kamusta na?
01:32.0
Eto, wala namang masyadong nagbago.
01:35.0
Pero ikaw ha, ang laki ng ginanda mo.
01:38.0
Pumuti ka.
01:40.0
Ito naman, hindi kasi ako nasisikatan ng araw doon sa taas ng mga building.
01:46.0
Tsaka iba siguro ang tubig sa Maynila, no?
01:49.0
Nakakaputi siguro.
01:51.0
Di gaya dito sa atin, tubig posong.
01:54.0
Pareho lang naman siguro.
01:57.0
Uy, high school na ako sa pasukan. Ikaw?
01:59.5
High school na din.
02:01.5
Dah, biro lang. Pero parang hindi ako makakapag-aral, eh.
02:05.5
Hindi ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko.
02:10.5
Ako rin. Magtatrabaho na ako.
02:13.5
Ha? Saan? May bagong bukas na pabrika ba dito?
02:17.5
Saan may trabaho?
02:18.5
Hindi dito, Elena. Doon sa Pampanga.
02:22.5
Yung ate kasi ng kaibigan ko doon nagtatrabaho. May malakas daw ang kitaan.
02:27.5
Anong trabaho niya doon?
02:28.5
Singer. Tsaka dancer sa karaoke bar.
02:32.5
Uy, gusto mo sumama? Kailangan pa raw nila, eh.
02:35.5
Ha? Kakayanin ko ba yun?
02:37.5
Kayang-kaya natin yun.
02:38.5
Sabagay, Winnie. Sawang-sawa na ako sa hirap, eh.
02:42.5
Baka naman sakaling makalasap ako at ang pamilya ko ng konting ginhawa.
02:47.5
Sasama ako sa'yo, ha?
02:49.5
Ang tanong, papayagan ka kaya ng nanay mo? Eh.
02:54.5
Sasabihin ko, magtatrabaho ako sa pabrika doon.
02:58.5
Eh, ikaw bahala, Elena.
03:00.5
Sasabihin ko sa ate ng kaibigan ko na may kasama ako.
03:13.5
Sige na ho, Nay. Payagan niya na ako.
03:17.5
Pinayagan na nga ako ni Tatay, eh.
03:19.5
Elena, ang bata-bata mo pa. At ang layo-layo ng Pampanga.
03:25.5
Nay, kasama ko naman si Winnie.
03:27.5
Saka uuwi-uwi naman ako kapag wala akong pasok.
03:32.5
Nay, mag-iipon lang ako para sa pag-aaral ko.
03:36.5
Para na din po matulungan ko kayo.
03:39.5
Mapilit kang bata ka. Ikaw na ang bahala.
03:43.5
Basta mag-iingat ka, ha?
03:45.5
Kapag hindi maganda ang lagay mo doon, umuwi ka kagad.
03:49.5
Oo, Nay. Salamat po.
03:57.5
O, diba? Buti na lang lalakarin lang natin yung bar mula dito sa tinitirahan natin.
04:11.5
Winnie, ganito ba dapat talaga kaiksi ang mga palda natin?
04:16.5
Kasi kapag umupo pa tayo, naku, sobrang iksina nito.
04:21.5
Saka itong blouse, napaka-baba naman ng neckline.
04:25.5
Kita na yung kaluluwa natin dito, eh.
04:27.5
Eh, ano ka ba? Ganyan daw talaga dapat, Elena.
04:31.5
Tsaka sabi pa ni Mother, dapat makapalang make-up para hindi agad mabura sa haba ng gabi.
04:37.5
Ha? Hindi ko na nga makilala ang sarili ko.
04:40.5
Naku, halika na nga, Elena. Unang araw natin, dapat maaga tayo.
04:55.5
Ay, grabe, Winnie. Ang sakit ng paako. Ang taas-taas naman kasi ng heels nito.
05:03.5
Buti nga, nagdala ka ng tsinela sa pamalit, eh.
05:06.5
Napagod ako, Winnie. Nakakasilaw yung liwanag ng ilaw sa bar. Ang init pa sa balat. Tapos ang lakas-lakas ng tugtog nakakabingi.
05:16.5
Ano ka ba? Unang araw pa lang naman natin. Masasanay din tayo, girl.
05:21.5
Eh, hindi mo naman sinabing GRO pa lang ang trabaho natin.
05:24.5
Akala ko, singer at dancer.
05:26.5
Pareho lang din yun. Kapag niyaya ka ng ka-table mo na kumanta, kakanta ka. Kapag isinayaw ka, sasayaw kayo.
05:35.5
O, madali lang naman, di ba?
05:37.5
Eh, sa bagay, oo. Mabilis pang kumita ng pera.
05:41.5
O, di ba? Kwento-kwento lang. Maya-maya, pera na.
05:45.5
O, lalo ka na. Hindi ka na-bakante kanina, ha?
05:49.5
Oo nga. Ay, matulog na tayo para may lakas ulit tayo mamayang gabi.
05:53.5
Oo nga. Ay, matulog na tayo para may lakas ulit tayo mamayang gabi.
05:54.5
Oo nga. Ay, matulog na tayo para may lakas ulit tayo mamayang gabi.
06:02.5
Huy! Winnie! Mami-miss mo ako.
06:06.5
Bakit? San ka pupunta?
06:09.5
Naalala mo yung businessman na customer ko kagabi. Gusto akong ibahay.
06:15.5
Tumayag ka?
06:17.5
Eh, syempre naman. Sa Exclusive Subdivision ako sa Maynila ititira.
06:22.5
May katulong! May driver! Sustentado ako!
06:24.5
Eh bakit pa ako aayaw?!
06:26.5
Sa bagay!
06:28.5
Oh, mag-iingat ka ha. Tawag ka lang kapag may problema.
06:34.5
Oh, Elena! Nakabalik ka na agad.
06:49.5
Oh, Elena! Nakabalik ka na agad!
06:50.5
Elena, nakabalik ka na agad? Kailan ka ba dumating?
06:55.0
Kani-kanina lang.
06:56.9
Ah, dala mo ulit lahat ng gamit mo ah. Wala na kayo nung business, ma'am?
07:02.5
Eh, may cancer kasi yung asawa. Pinapagamot sa US.
07:07.0
Ah, uy tama lang na bumalik ko.
07:10.3
Tsahalam mo, dalawang linggo lang ako dun ha, pero nag-enjoy ako ng sobra.
07:16.5
Pagising ko sa umaga, nakahain na ang agahan.
07:21.0
Tapos eto pa ha, may naglalaba at namamalansa ng mga damit ko.
07:26.8
Kapag gusto kong mag-shopping o maglibot, nakastandby ang driver.
07:32.4
Ilang araw lang ako ha, pero ang laki ng ipon ko. Nakapagpadala pa ako sa pamilya ko ha.
07:38.6
O di paano yan? Papasok ko na uli mamaya sa bar.
07:42.3
Oo naman. Diyos ko, kailangan tuloy-tuloy ang kita no.
07:46.6
Ayoko namang maubos itong naipon ko.
07:50.5
Ilina, ang lagit ng tingin sa'yo niya ang kotable mo ha.
08:03.2
Oo nga, hindi kumukurap ang lolo ha.
08:06.8
Ano ba ang ganap niyan sa buhay?
08:09.1
Biyudo, nasa abroad lahat ang anak. At to pa, pensyonado.
08:20.5
Ay, o Ilina, may pag-e-impake na naman.
08:28.0
Totoo ang eksena, Winnie. Kakarating ko lang, igagarahe na naman ako.
08:34.0
Sino? Yung biyudo ang ka-table mo kagabi?
08:36.8
Hindi. Yung sunod doon, yung politiko.
08:41.0
Ay, nako, girl. Di ka ba delikado?
08:44.4
Hindi naman siguro. Pwede naman akong umalis anytime. Ako pa ba?
08:49.0
Oy, Ilina ha.
08:50.5
Mag-iingat ka.
08:52.0
Ikaw din, Winnie ha.
09:06.4
Uy, Winnie!
09:08.1
Lena! Uy, grabe! Isang taon tayong hindi nagkita. Uy, fresh na fresh ka.
09:15.0
Oo naman, syempre. Ako pa.
09:17.3
Wala na kayo ng ano? Nung politiko?
09:20.5
Nung ano pa. Nung isang buwan pa.
09:23.4
Nang maghiwalay kami ng landas, umuwi muna ako sa atin.
09:27.7
Matagal-tagal ko na ding hindi nakikita sila tatay.
09:30.7
Malaking tulong yung pinapadalo ko buwan-buwan.
09:34.0
Nakapagpatayo si nanay ng maliit na tindahan, kaya may panggasto sila araw-araw.
09:39.4
Tapos si tatay, binilhan ko ng tricycle.
09:42.6
Para naman kapag walang trabaho sa construction, ayun, pwede siyang mamasada.
09:47.3
Uy, girl.
09:49.4
Akala ko nga.
09:50.3
Hindi ka nababalik, eh.
09:52.1
Pwede ba yun?
09:53.6
Huy, elementarya lang natapos ko, Winnie.
09:57.3
Wala naman akong ibang alam na trabaho, kundi ito.
10:00.2
So, balik-bar ka na ulit?
10:02.7
Mm-hmm. Agad-agad, my friend.
10:15.3
Winnie, anong oras na ba?
10:18.3
Umaga na, Elena.
10:20.3
Kararating ko lang.
10:22.4
Hindi ako nakapasok.
10:25.0
Kasi naman, ba't hindi mo ako ginising?
10:27.1
Eh, ang sarap ng tulog mo, girl.
10:29.1
Kaya hinayaan na lang kita.
10:30.7
Tsaka, di ba masama ang pakiramdam mo?
10:33.7
Oo nga, sa bagay.
10:35.7
Sige, matutulog na ulit ako, ha?
10:43.6
Elena, girl.
10:45.3
Magpatingin ka na kaya sa doktor.
10:47.6
Anong ka ba? Okay lang ako, Winnie.
10:49.4
Eh, ilang araw ka na kayang ganyan.
10:52.4
Kundi ka nahihilo.
10:53.9
Nagkakanda suka-suka ka.
10:56.0
Baka iba na yun, ha?
10:57.7
Kapag hindi pa bumuti ang pakiramdam ko ngayong maghapon,
11:01.5
magpapatingin na ako bukas.
11:03.4
Mabuti pa.
11:04.0
Ah.
11:17.4
Um, Winnie.
11:19.4
Nanggaling ako sa doktor kanina.
11:25.1
Buntis ako.
11:26.3
Ha? Sinong ama, Elena?
11:29.3
Hindi ko alam, Winnie.
11:31.9
Sa dami nila, hindi ko na alam.
11:35.1
Oo, anong plano mo ngayon?
11:37.4
Uwi muna ako sa atin hanggang may panganak ko tong bata.
11:41.3
Babalik ka pa rin sa ganitong uri ng trabaho kahit may anak ka na?
11:45.8
Eh, kailangan kong buhayin itong anak ko.
11:49.4
Na.
11:56.4
Nay, bahala na muna kayo dito kay Junjun, ha?
12:00.2
Aalis muna ho ako at magtatrabaho.
12:03.1
Ay, kailangan ko ba talagang umalis, anak?
12:06.3
Oo, nay.
12:07.9
Mag-iingat ka na lang.
12:10.0
At huwag kang mag-alala.
12:11.7
Kami ng tatay mo ang bahala dito kay Junjun.
12:18.2
Alam mo, Elena,
12:19.3
Elena, natatawa ko sa'yo. Ikaw lang ang kilala ko sa trabaho natin na nagnonovina at regular na nagsisimba.
12:27.6
Eh, sa klase ng trabaho natin to, tingin mo talaga, pakikinggan ka niya?
12:33.4
Pinapakinggan ng Diyos ang bawat taong tumatawag sa kanya.
12:37.4
Alam mo, may dalawang panalangin akong hinihiling sa kanya.
12:41.8
O siya, magsisimba muna ako. First Friday ngayon eh.
12:45.7
Sige Elena ha, isama muna lang ako sa prayers mo.
12:59.3
Ah, Miss, ito yung panyo ko. Gamitin mo muna.
13:03.3
Hindi na, okay lang ako.
13:05.8
Malinis yan Miss, bagong laba. Sige na, punasan muna yung luha mo.
13:10.8
Salamat ha. Lagi ka din bang nagsisimba dito?
13:13.9
Lalo, ladabhan ko lang tong panyo mo. Tapos, isusauli ko rin sa susunod na magkikita tayo.
13:20.5
Ayos lang. Lagi akong nagnonovina dito. May sakit kasi yung nanay ko eh.
13:25.9
Kaya pinagdarasal ko sana na gumaling na siya. Ikaw pala, anong pinagdarasal mo rito?
13:34.0
Tsaka ako nasasabihin sa'yo kapag nagkatotoo. O siya, mauna na ako ha.
13:43.9
Salamat sa panyo mo. Malinis na yan. Elena. Elena nga pala ang pangalan ko.
13:56.6
JC, at sinuli mo pa talaga. Hindi naman kailangan.
14:01.5
Nagmamadali ka bang umuwi? Iyayaan sana kitang kumain ng paras dyan sa tabi.
14:05.8
Basta, libre mo eh.
14:07.6
Yun lang pala eh.
14:13.9
Eh, ilang buwan na akong naniligaw sa'yo. Seryoso naman ako.
14:19.7
JC, hindi mo ako kilala. Baka kapag nalaman mo ang tunay na pagkatao ko, nako, hindi ka na magpapakita.
14:29.1
Mahal kita, Elena. Kahit ano ka pa, kaya akong tanggapin yun.
14:33.9
GRO ako sa isang bar dito. Iba-ibang lalaki ang katable ko gabi-gabi. May anak ako at hindi ko alam kung sino ang ama.
14:42.8
O, sabihin mo sa akin, ako ba yung babaeng gusto mong pakasalan?
14:48.7
Kung sabihin kong oo, Elena. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa'yo. Pakakasalan kita. Ako ang tatay yung ama sa anak mo. Iwan mo lang yung trabaho mo.
14:58.7
JC, pag-isipan mo munang mabuti ang sinasabi mo.
15:03.0
Wala na akong kailangan pag-isipan pa. Mahal kita, Elena. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.
15:12.8
Elena, kumusta ka naman dito sa bahay natin?
15:19.4
Pasensya muna, ha? Hindi kalakihan. Lupa kasi muna unang akong binili noong nagsisimula pa akong magtrabaho.
15:26.9
Tapos, pinatayuan ko ng maliit na bahay para matirahan.
15:30.8
Tamang-tama lang naman itong bahay para sa atin. Buti nga, nakakapaglaro pa nga si Junjun sa bakuran. Alam mo, JC, salamat, ha?
15:39.6
Para saan?
15:40.4
Kasi, minahal mo ako ng buhay.
15:42.8
Buong-buo. Hindi lang ako. Pati ang anak ko.
15:47.6
Naaalala mo dati, tinanong mo ako kung ano ang pinagnonovina ko?
15:53.6
Oo. Pwede ko na bang malaman?
15:57.2
Dalawa yung pinagdarasal ko dati. Una, sana makaalis na ako sa klase ng trabaho meron ako.
16:05.3
Dahil gusto ko nang kumawala sa putik na kinasadlakan ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.
16:12.8
Ang pangalawang panalangin ko, sana makahanap ako ng lalaking mamahalin ako at ang anak ko nang walang pag-aalinlangan.
16:22.7
Yung lalaking buong puso kong mamahalin.
16:42.8
Ang pangalawang puso kong mamahalin.
16:43.8
Ang pangalawang puso kong mamahalin.
16:43.9
Ang pangalawang puso kong mamahalin.
16:44.0
Ang pangalawang puso kong mamahalin.
16:45.4
Dear Love, napakabait ng Diyos at binigay niya ang kasagutan sa aking mga panalangin.
16:54.1
Tunay nga ang wala tayong kasalanan na hindi niya kayang patawarin.
16:58.9
Kung bukal sa loob ang pagsisisi at mananalangin tayo ng taimtim, ibibigay niya ang hiling ng mga puso natin.
17:06.5
Kaya huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Lagi lang tayong magtiwala sa Kanya.
17:12.8
Lagi lang tayong magtiwala sa Kanya.
17:42.8
Lagi lang tayong magtiwala sa Kanya.