Close
 


MADILIM AT MALAMIG NA SILID
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 10:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Minsan mas nakakatakot pa ang katotohanan kaysa sa kwentong kathang isip lang.
00:07.5
Ikukwento ko po sa inyo ang madilim at malamig na silid.
00:16.9
Nagkamalay man siya, hindi maimulat nitong si Carlos ang kanyang mga mata.
00:22.2
Nasa malamig na silid siya, naririnig niya ang tinaba pag-andara ng lagari na demakina.
00:28.2
Mga taong naguusap-usap sa paligid niya, ngunit hindi pa rin niya maimulat ang kanyang mga mata.
00:35.1
Ano kaya ang kinahinatnan niya?
00:38.0
Nang magkaulirat itong si Carlos Camejo, ramdam na ramdam nito ang lamig na nanunoot sa kanyang kaibuturan.
00:46.2
Naramdaman din ito na wala rin siyang suot na kahit na ano nasa plot.
00:50.6
Ang tanging naaalala lamang nitong si Carlos ay ng ika-anim ng September ng taong 2007.
00:58.2
Mataas ang sikat ng araw, maganda ang panahon na sakay siya ng kanyang sariling motor.
01:04.5
Binabagtas niya ang daanan sa La Victoria sa kanyang syudad sa Venezuela.
01:10.7
Pero bakit tila ba putol-putol ang kanyang mga alaala?
01:15.3
Sinubukan itong igalaw ang kanyang katawan, ngunit hindi rin niya ito na magawa.
01:20.2
Sa pagkakataong ito, takot na ang bumalot sa kanya.
01:24.4
Pilit ni labanan ni Carlos ang kanyang sarili.
01:28.2
Kumbinsin niya ang kanyang sariling isipan na oo, hindi nga siya makagalaw, paralisado man siya.
01:34.7
Ngunit kahit papaano ay buhay na buhay ang diwa niya, nakakapag-isip siya.
01:40.8
Sinubukan itong iproseso ang mga naganap sa kanya.
01:44.3
Alam niyang may tamang eksplenasyon sa lahat ng kanyang ngayon ay nararanasan.
01:49.6
Muli paulit-ulit niyang binalikan sa kanyang isipan ang kanyang mga paputol-putol na mga alaala.
01:56.8
Sakay siya ng motor niya.
01:58.2
Ito ay dahil tinawagan siya ng kanyang kaibigan at sila ay nagkaayayaan.
02:04.1
Dati naman niya na ito na ginagawa. Mahilig siyang maglakbay kung saan-saan gamit ang kanyang motor.
02:10.8
Kahit saan siya mapadpad, kasama ang kanyang mga barkada.
02:15.5
Ngunit ngayong 33 taong gulang na siya, naging madalang na lamang ang kanyang paglabas-labas.
02:22.1
Ito ay dahil siya ay nag-asawa na at nagkapamilya.
02:26.1
Unti-unti bumalik sa kanyang alaala, ang panahon ay maganda.
02:30.9
Kaya naman niyaya ito ng kaibigan niya at hindi na siya nagdalawang isip pa at siya ay sumama.
02:38.3
Biglang bumulusok sa isip niya na habang binabaybay niya ang isang mahaba at diretsyong kalsada sa La Victoria,
02:46.0
ay pumaling siya ng mabilis sa kanyang pakaliwa.
02:49.8
Matapos nito ay tila ba wala na ulit siya na maalala.
02:53.4
Pinipilit niyang iproseso kung bakit ako nasa...
02:56.1
Sa malamig at madilim na isang silid.
02:59.4
Bakit nga ba ako paralisado?
03:01.6
Bakit tila ba putol-putol ang naaalala ko?
03:05.0
Ramdam din ito na tila ba may kung ano sa likuran niya.
03:08.3
Tila ba bagay o bato?
03:10.0
Kaya naman nakausli ng kaunti ang kanyang dibdib.
03:13.8
Maya-maya ba tila ba narinig nito na may mga boses na napapalapit ng papalapit sa kanya?
03:19.5
Sa isip nitong si Carlos na maaaring andito na ang mga tao na tutulong sa kanya.
03:26.1
Kaya naman sa wakas hindi man niya alam ang nangyari sa kanya,
03:30.2
may tutulong naman na at malapit na malapit na sila.
03:33.6
Dinig na dinig nito ang palakas na palakas ng mga boses
03:37.2
ng tila ba dalawang tao na naghuhuntahan.
03:40.9
At hanggang sa alam niya na malapit na malapit na ito sa kanya,
03:45.3
hindi man niya mainulat ang kanyang mga mata.
03:47.6
At dahil nga paralisado pa rin ang katawan niya,
03:51.2
ni hindi niya magawang kausapin ang mga tao at direktang humingi ng tulong
03:56.0
sa kanila.
03:57.2
Pagdaka ay nakaramdam siya tila ba malamig na metal na lumapat sa kanyang bandang pisngi at baba.
04:05.2
Maya-maya pa isang matinding sakit ang bumalot sa kanyang kaibuturan.
04:10.6
At dahil nga paralisado siya, naisin man niya na sumigaw ay hindi niya ito na magawa.
04:17.4
Maya-maya pa nakarinig ito ng tila ba isang demotor na lagari.
04:21.6
Sa pagkakataong ito, nagsimula na itong si Carlos na mataranta.
04:26.0
Na hindi niya alam kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya at sa mga tao na nakapaligid sa kanya.
04:32.0
Sa kabila na pagkakaparalisa, ramdam na ramdam nitong si Carlos ang bilis ng tibok ng puso niya.
04:39.3
Dahil sa kabaha ay tila ba lulundag ito palabas ng katawan niya.
04:44.1
Kasabay nito narinig niya ang isang tao na malapit na nagsasabi sa kanya,
04:48.8
O Diyos ko, imposible na mangyari ito.
04:52.6
Hindi pa man tapos na magsalita ang tao ang kanina.
04:56.0
Kung ito nga ay tila ba bakal sa pisngi niya, ay nararamdaman na naman niya na tumatagos sa baba niya.
05:03.2
Papunta ito sa kanyang mismong pisngi.
05:06.0
Kung ano man ang bagay na ito mula sa baba niya, tumagos ito muli sa may pisngi niya.
05:11.9
Sa matinding sakit na nararamdaman niya, pilit na ginigising ni Carlos ang sariling katawan niya.
05:17.8
Ito ay upang sabihin sa mga taong ito na itigil nila ang masakit na ginagawa nito sa kanya.
05:24.3
Ngunit kahit na anong pilit niya, ay hindi niya maaigalaw ang katawan niya.
05:28.5
Kaya naman muli isang malamig na bakal ang naramdaman niya na muli ay pumasok sa baba niya.
05:35.6
Papunta na naman palabas sa pisngi niya.
05:38.4
Sa tindi ng sakit ay tila ba natataranta na mismo ang katawan niya at sa wakas na idilat niya ang kanyang mga mata.
05:46.6
Nakabubulag na liwanag ang unang rumihistro sa utak niya.
05:51.0
Dahan-dahan luminaw ang kanyang paningin.
05:53.5
Nagkatingina na nga sila ng tao na nasa harapan niya.
05:57.3
Agad na napansin ito na sila ay nakasuot ng tila ba pang opera na damit.
06:02.6
At ang isa sa dalawang kalalakihan na nasa kanyang harapan ay may hawak ng nuknukan at laking karayom na may maitim at makapal pa na sinulid.
06:14.2
At ang sinulid na ito ay nakakabit pa sa baba niya.
06:17.7
Ito pala ay ang pinagmumula ng sakit na nararamdaman niya na siyang gumising sa kanya.
06:23.5
Mula sa pagkakaparalisa.
06:25.8
Sa isip-isip niya bakit hindi nila ako ginamitan ng anestesya.
06:29.8
Ilang beses na itong si Carlos ay kumurap-kurap.
06:33.4
Samantalang ang dalawang lalaki na nasa harapan niya ay hindi nagkagitlaan at halos napatakbo.
06:40.6
Samantalang ang isa naman sa gulat dahan-dahan na lamang na napaatras mula sa kanyang kinatatayuan.
06:46.8
Habang pinipilit nitong si Carlos na igalaw ang kanyang buong katawan,
06:50.7
sa wakas nakuha nito na unang igalaw.
06:53.5
Ang kanyang mga ulo.
06:55.8
Sa pagangat ng kanyang ulo, nakita niya ang dibdib niya.
07:00.1
Ito ay may guhit na tila ba letra na malaki na Y.
07:04.6
Ang guhit ay nagsimula sa kanyang balika at papunta sa kanyang dibdib.
07:08.8
Pagkatapos ay natapos sa ibabaw ng kanyang tiyan.
07:11.7
Dito na napagtanto niya na siya ay walang kahit na ano nasuot na saplot.
07:17.8
At nakahiga siya sa isang metal na tila ba malamig na lababo.
07:22.1
Naagaw ng isang tunog ng makina ang pansin nitong si Carlos.
07:26.9
At nang kanya ito nalingunin, doon malinaw niya na natanaw na isang lagaring bakal na dekoryente
07:34.7
na tinatawag nila na ang circular blade ang nakabukas at malapit na malapit sa kanya.
07:42.5
Dito biglang bumulusok pabalik sa kanya ang kumpleto niya na alala.
07:47.3
Habang binabagtas nito ang diretsyong daan sa La Victoria,
07:51.4
pumaling ito ng pakaliwa sa isang eskinita.
07:55.5
Doon may isang malaking truck na iligal pala na nakaparada.
07:59.9
Wala ng panahon para makaiwas pa siya, kaya naman direkta na sinalpok niya ang nakaparada na truck.
08:07.0
Sa pagtilapo ng kanyang katawan at pagbagsak nito sa lupa, matinding naapektuhan ang kanyang buo na katawan.
08:14.9
Nang dumating ang mga parametiko ay dinineklara siya nila na wala ng buhay,
08:20.3
kung saan mismo na siya ay bumagsak.
08:24.0
Kinuha ng otoridad ang kanyang katawan at saka inilagak sa morgue.
08:29.1
Dito inutos naman ang mga otoridad na suriin ang naging sanhi ng kanya na pagkasawi.
08:35.6
Doon inihahanda na ng maigi ang kanyang katawan para siya ay maiproseso at maotopsiya.
08:42.6
At ang dalawang lalaki na nasa harap niya ay ang mga doktor na gagawa ng proseso na ito sa katawan niya.
08:49.8
Nang marinig niya ang dalawa na naghuhuntahan, ay pinag-uusapan na pala nila kung paano siya nila ay bubuksan.
08:57.9
Ngunit bago pa man ito ay napansin ng mga isang doktor na walang habas na nagdurgo ang kanyang malaking tama sa baba.
09:06.2
Kaya nang imbis na suriin ay napagpasyahan na lamang nila na ito ay mabilis na tahiin.
09:11.8
Na siya namang gumising sa kanya sa pagkakaparalisa ng kanyang katawan kung aakalain na hay salaman.
09:19.8
At nakaligtas na siya at alam na nila na buhay siya.
09:23.6
Hindi po ito ang nangyari.
09:25.2
Sa halip nadalihin siya sa ospital, inilabas lamang nilang dalawa itong si Carlos sa silid ng purinarya.
09:31.9
Nilagyan ang sulat ang kamay niya na nagsasabi na buhay pa siya.
09:36.5
At saka iniwan na lamang siya doon ng basta-basta.
09:39.7
Hanggang sa ilang oras na makalipas ay dumating ang kanyang may bahay na siya naman mismo pa na nagdala sa kanya sa ospital.
09:47.7
Ayon sa mga nag-o-otopsiya sana ang mga doktor na sinunod lamang daw nila ang utos sa kanila at wala sila na pagkakasala.
09:58.5
Sa kabila ng matinding trauma at mga bali sa buong katawan niya at muntik pa na buhay na ma-otopsiya,
10:06.1
nakaligtas itong si Carlos at maiging nakabalik sa normal na buhay niya.
10:10.8
E dinimanda nito ang mga doktor at maging ang mga parametiko.
10:15.7
At napanalo naman niya ang kaso.
10:17.7
Ayon kay Carlos na hinding-hindi niya malilimutan ang muntik na sana niyang naging totoo na katapusan
10:25.9
at ang kanyang karanasan sa madilim at malamig na silid.
10:31.3
Mga katinagalog ko, ano po para sa inyo ang pinaka-nakakatakot na pwedeng mangyari sa inyo?
10:37.5
Isulat po ang inyong salubiin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
10:44.6
Mga katinagalog ko, maraming salamat po.
10:47.7
Napagsama ninyo sa isa na namang segment natin sa araw na ito.