Close
 


PUTING GOWN | NOEL | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 31:52
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadudut Stories, ikaw ay hindi nag-iisa
00:07.7
Dito sa Papadudut Stories, may nagmamahal sa'yo
00:21.1
Ang kasal ay isa sa mga pangarap na mangyari ng dalawang taong nagmamahalan
00:30.0
Pero sa panahon ngayon ay hindi lahat ay sineswerte na makasal sa taong mahal niya
00:34.7
Dahil maraming pagsubok ang pwedeng maging dahilan para bumitaw ang isa sa kanila
00:41.2
Ang buhay ay parang gulong na umiikot lamang
00:49.0
Minsan masaya at magaan ang takbo nito
00:53.0
Pero madalas na malubak at inuulan ang mga problema
00:58.7
Ganon din pag ating
01:00.0
Ang sabi nga nila ang mga pagsubok ang tunay na nagpapatatag sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan
01:08.7
Hello Papadudut, tawagin nyo na lamang po ako sa pangalang Noel
01:13.6
34 years old tubong Bicol pero ngayon ay nagtatrabaho dito sa Maynila bilang supervisor sa isang convenience store
01:22.8
Ilang taon na rin akong tagapakinig ng iyong YouTube channel Papadudut
01:30.0
At eto nga naisipan ko Papadudut na magpadala ng sulat sa inyo para makapagbahagin ang aking sariling kwento
01:37.7
Hindi ito masyadong madrama siguro pero sigurado ako
01:42.8
Na makapagiiwan ng malaking aral sa mga kaistorya na nakikinig ngayon
01:50.0
Second year high school nang maging girlfriend ko si Rose Papadudut
01:56.0
Siya rin talagang masasabi ko na first love
02:00.0
Lahat na kasi halos ng katangian na gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na
02:06.2
Mabait, matalino at mapagmahal sa mga magulang
02:13.0
Maswerte nga ako kasi kahit na hindi kami pareho ng estado sa buhay
02:18.5
Ay napansin pa rin niya ako
02:21.5
Marami siyang ibang manliligaw pero ako ang sinagot niya
02:26.7
Kaya lang
02:27.9
Nang makagraduate kami ng high school ay kinailangan kong lumawas ng Maynila para magtrabaho
02:34.6
Naging tagabantay ako sa malaking tindahan ng tiyahin ko
02:39.1
At kahit na magkalayo kami ni Rose
02:42.1
Ay nagpatuloy pa rin ang relasyon namin, Papadudut
02:46.5
Ay, nakakainis ka talaga
02:50.5
Alam mo ba na hintay ako ng hintay sa tawag mo kahapon
02:55.0
Pero hindi ka naman pala tatawag
02:57.0
Ni hindi ka man lang gumawa ng paraan para matext ako
03:00.3
Napuya't patuloy ako
03:02.4
Naiinis na wika ni Rose habang kausap ko siya sa cellphone
03:07.1
Sorry na talaga
03:09.4
Hindi na mauulit, promise
03:11.6
Next time, mahanap na talaga ako ng pwede kong utangan ng load
03:15.7
Gagawa ako ng paraan para maitext ka
03:19.9
Kahit mang hold up ako ng customer namin sa store, gagawin ko
03:24.8
Para lang makapagload ako para sa'yo
03:27.0
Pabirong, sagot ko
03:30.2
Uy, grabe ka naman
03:33.0
Yan ang huwag na huwag mong gagawin, darling
03:35.8
Mas mabuti na yung magutom ka
03:38.5
Na hindi mo ako matext o matawagan kesa gumawa ka ng masama sa ibang tao
03:43.2
Kapag talaga tinuloy mo yung nasa isipan mo, hihiwalaya na kita
03:47.6
Pagbabantapan niya
03:50.1
Joke lang naman, darling
03:53.8
Siyempre hindi ko gagawin yun
03:55.7
Takot ko lang na makulong, no
03:58.0
Saka
03:58.9
Alam mo naman ha, walang may dudulot na maganda ang
04:02.9
Paggawa ng masama sa kapwa natin
04:05.5
Ang wika ko pa
04:07.5
Ay naku
04:11.4
Akala ko naman seryoso ka talaga sa sinasabi mo kanina
04:15.0
Basta huwag mong gagawin yun, ha?
04:18.3
Ayaw ko magkaroon ng asawang kriminal
04:20.2
Wika pa niya
04:23.2
Kinilig ako sa huling sinabi niya
04:25.7
Asawa?
04:29.5
Ibig sabihin eh, magpapakasal ka na sa akin?
04:33.3
Napangiting tanong ko
04:34.6
Oo, pero matagal pa yun
04:38.1
Alam mo naman na kailangan ko pang makapagtapos ng college ko
04:41.8
Pagkatapos noon ay kailangan ko pang magtrabaho
04:44.9
Tapos kapag nakabawi na ako kina nanay at tatay
04:47.8
Doon lang tayo pwedeng magsimula ng totoong buhay na para sa ating dalawa
04:52.8
Kaya sana'y makapaghintay ka pa
04:57.2
Tugon niya
04:58.4
Oo naman
05:00.8
Alam mo naman na sanay akong maghintay
05:03.8
Saka basta para sa'yo, sigurado ako na sulit ang lahat ng paghihintay
05:08.2
Nagagawin ko, darling
05:10.0
Wika ko
05:11.5
Hindi madali ang long distance relationship, Papa Dudut
05:15.3
Kahit pangasabihin na pareho lang naman kaming nasa Pilipinas
05:20.0
Ang hirap pa rin na hindi kami nagkakasal
05:22.8
Masama ng personal
05:23.9
Hindi namin nahahawakan o nayayakap ni Rose ang isa't isa
05:28.4
Hindi pa rin uso ang video call noon
05:31.3
Kaya hindi rin talaga kami nagkakakitaan hanggang text at tawag lang ang magagawa namin
05:37.0
Kaya naman sinubok din talaga kami ng mga problema ng panahon na yon
05:41.5
Lalo na kapag hindi ko natatawagan si Rose
05:45.4
Dahil iniisip niya na baka may ibang babae na ako sa Maynila
05:50.0
Pero kaagad din naman kaming nagkaayos
05:53.7
Minsan din ay nagkakasakit siya pero wala akong ibang magawa kung hindi ang tawagan siya at sabihin na magpalakas siya.
06:03.4
May mga oras na halos gusto na naming sukuan ang isa't isa.
06:07.4
Pero mas matatagang pagmamahala namin kaya mas pinili namin ipagpatuloy ang relasyon na nasimula namin.
06:15.0
Hanggang sa makagraduate na rin si Rose at nag-decide siya na lumawas ng Maynila para dito magtrabaho papadudot.
06:24.9
Ang sweet naman ang darling ko, dapat ganyan ka pa rin kahit totoong mag-asawa na tayo, ha?
06:31.4
Nakangiting sabi ni Rose nang maglagay ako ng kanin at ulam sa plato niya.
06:37.5
Oo naman, araw-araw kitang ipaglalagay ng kanin at ulam sa plato mo kahit patumanda na tayo at...
06:45.0
at isa na lamang ang ngipin natin sa pagnguya ng mga pagkain na ito, nakangiting wika ko.
06:53.3
Parang ewan to, pero darling, ang sarap siguro ng feeling na yun, no?
07:00.6
Yung feeling na totoong mag-asawa na tayo.
07:04.7
Saka may mga anak na kasama tapos nagkukulitan dito sa tabi natin, wika niya.
07:11.5
Pwede namang mauna na yung paggawa ng baby kung gusto mong darling eh.
07:15.0
Tugon ko.
07:16.7
Ikaw pa na ihirit ka dyan, alam mo namang hindi po pwede natatawang hampas niya sa akin.
07:23.5
Pero darling, gusto ko kapag kinasal tayo, naka white wedding gown ako, ha?
07:29.8
Kahit mumurahin lang, basta yung puti ang kulay para malinis at elegante tingnan kahit papaano.
07:37.1
Wika pa niya.
07:39.2
Darling, kapag nakaipon ako, ibibili ko sa iyo ang pinakamagandang white...
07:45.0
wedding gown na makikita ko.
07:48.3
Promise ko yan sa iyo.
07:50.2
Ikaw ang magiging pinakamagandang babae sa araw ng kasal natin.
07:54.5
Ang wika ko naman.
07:57.5
Papadudut!
07:59.0
Hindi alam ng mga magulang ni Rose na nagsasama-sama na kami sa isang bahay.
08:04.8
Ang alam lang ng mga ito ay nagtatrabaho si Rose sa Maynila at nakatira sa bahay ng isa nitong dating kaklase.
08:11.7
Dahil malaki ang tiwala sa kanya ng mga magulang niya.
08:15.0
Hindi nag-isip ang mga ito ng ibang bagay na pwede niyang gawin.
08:19.8
Naniwala lamang ang mga ito sa kung ano ang pinagpaalam ni Rose sa kanila.
08:26.4
Pero kahit nagsasama kami ni Rose sa isang bahay na parang halos mag-asawa na,
08:33.4
hindi naman kami lumalampas sa limitasyon namin.
08:37.4
Oo, naglalambingan kami kagaya ng kiss at yakapan.
08:41.7
Pero hanggang doon lamang yun.
08:43.4
Hindi kami dumarating sa point noon na may nangyayari na sa aming dalawa.
08:49.6
Alam kasi namin na pareho pa kaming hindi handa kung sakali na mabunti si Rose.
08:55.5
Takot kami sa responsibility na pwedeng dumating sa amin sa oras na gawin namin ang mga bagay na yun, Papa Dudot.
09:03.7
Papa Dudot yung mga araw na wala kaming pasok sa trabaho ni Rose, ang pinakamasayang araw para sa aming dalawa.
09:11.7
Kasi yun ang araw na wala kami.
09:13.4
Kasi yun ang araw na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magkulong lamang sa bahay.
09:18.0
Maglambingan at bumuo ng mga pangarap na para sa aming dalawa.
09:24.2
Pangarap din kasi talaga namin ang makasal sa isang simbahan.
09:28.9
Kahit na hindi magkarabong kasalan ay ayos lang basta matawag ko lamang si Rose na legal na misis.
09:36.9
Gusto ko rin ito pa rin ang pangarap niya na makapagsuot siya ng puting wedding gown.
09:43.4
Yung pangarap namin na magkaroon ng mga anak at buhay na simple lang pero masaya.
09:51.2
Naniniwala kasi ako na hindi naman talaga pera makapagbibigay ng kasiyahan sa isang tao
09:56.4
kung hindi yung tunay na pagmamahal na pwede nating maibigay sa kanya.
10:03.8
At yung tiwala, Papa Dudot, na kahit kailan ay hindi natin sisirain.
10:09.5
Siguro pwedeng makadagdag ng kasiyahan ng pera.
10:13.4
Pero wala pa rin makakapantay kung alam mo sa sarili mo na tapat at tunay kang nagmamahal Papa Dudot.
10:22.8
Alam mo darling, napansin ko, parang napapadalas na yung pananakit ng puso mo kahit na wala kang dalaw.
10:33.5
Wika ko, Papa Dudot.
10:36.7
Nagulat kasi ako nang makauwi ako sa bahay at madatlan ko siya doon.
10:41.0
Maaga pala siyang nag-out sa trabaho dahil sa biglang pagsakit ng puso niya.
10:47.2
Oo nga eh, dati nararamdaman ko lang ito kapag nagkakaroon ako ng period.
10:52.9
Pero ngayon, kahit na wala akong menstruation period ay kumikirot na itong puso ko.
10:57.9
Wika niya.
10:59.9
Darling, sa tingin ko ay kailangan mo nang magpa-check up.
11:04.2
Sugestyon ko.
11:06.0
Ha, ayoko.
11:07.5
Alam ko naman na hindi seryosong bagay ito kaya hindi ko nagpapasakit.
11:11.0
Hindi ko na kailangan pang magpatingin sa doktor.
11:13.4
Ang sabi naman niya.
11:15.4
Hindi naman sa tinatakot kita pero paano kung iba na pala ang dahilan ng pananakit ng puso mo.
11:23.0
Mas mabuti na yung malaman natin kung ano paman yan para maagapan natin.
11:27.5
Wika ko pa.
11:29.5
Basta ayoko.
11:31.2
Hindi ko kailangan magpa-check up kasi wala naman akong sakit.
11:34.8
Normal lang sa babae ang sumakit ang puso niya.
11:37.8
Kaya normal lang din tong nararamdaman ko paminsan-minsan.
11:41.0
Saka sinabi ko naman na kanina na wala na nga akong kahit na anong kakaibang nararamdaman ngayon.
11:47.8
Kaya walang dahilan para pumunta pa ako sa doktor, okay?
11:51.5
Muling pagtanggi niya.
11:54.4
Papadudot ang kwento ni Rose noon mula nang magkaroon siya ng menstruation period.
12:00.6
Noong grade 5 siya ay naging irregular na yon sa kanya.
12:05.8
Noong una kada tatlong buwan siya akong magkaroon ng dalaw.
12:08.9
Hanggang sa may mga oras na nagkakaroon na lamang siya ng tatlong beses sa isang taon.
12:15.7
Hindi niya yon ginagawang big deal kasi alam niya
12:18.5
na may mga babae naman talaga na irregular ang menstruation period.
12:24.4
Kaya lang siyempre habang tumatagal ay lumalala naman ang pagsakit ng puso ni Rose.
12:29.6
Kahit pa wala siyang dalaw.
12:32.3
May mga oras pa nga noon na namimilipit siya sa sakit habang nakahiga siya sa kama namin.
12:38.2
Naiiyak na siya noon.
12:38.9
Habang nakahawak sa puso niya.
12:41.8
Hanggang sa kinahaponan ay naging okay na ang mga pakiramdam niya.
12:48.0
Madalas na ganoon ang nangyayari sa bahay kaya naman kinukumbinsi ko na talaga siya
12:52.5
na magpa-check up noon.
12:55.6
At nang maisipan niyang gawin ang suhesyon ko.
12:59.4
Sinamahan ko na siya na magpa-check up sa isang OB-GYN.
13:03.4
At halos maaluhas siya nang sabihin ng doktor
13:06.4
na may nakitang siya.
13:08.9
Sa ovaryo niya.
13:12.5
Cyst?
13:14.2
Bukol?
13:16.0
Hindi po ba cancer yun?
13:18.3
Ibig sabihin may cancer po ba ako?
13:20.7
Tanong ni Rose.
13:22.6
Thank God hindi pa naman ito cancerous.
13:25.6
Kaya lang ay masyado na nga itong malaki kaya iba talaga ang kirot na nararamdaman ang puso mo.
13:30.9
Tugon pa ni doktora.
13:33.4
Ano pong dapat gawin ni Rose?
13:35.5
Tanong ko.
13:36.9
Kailangan niya nang sumailalim sa isang sakit.
13:38.9
Ang surgery para matanggal ang malaking bukol na nasa ovary niya.
13:43.4
At kailangan gawin yon sa lalong madaling panahon.
13:46.7
Ang wika pa ni doktora.
13:49.2
Mamamatay na po ba ako?
13:51.3
Naiiyak na tanong pa ni Rose.
13:53.9
Ano ba naman yung tanong mo darling?
13:55.9
Saway ko naman sa kanya.
13:59.0
Gusto ko lang malaman ang totoo.
14:01.0
Kasi hindi naman lahat
14:02.0
nang nagsisurgery nabubuhay.
14:05.4
Hindi ba?
14:06.8
Kaya doktora sabihin niyo na po sa akin ang totoo.
14:08.9
Pwede po ba akong mamatay sa surgery na gagawin sa akin?
14:13.3
Muling baling niya kay doktora.
14:16.2
95% ng pasyente namin na may case na gagaya ng sayo,
14:20.6
ay nakakasurvive at nagiging successful ang surgery.
14:23.5
Ang wika pa ni doktora.
14:26.6
Pero yung 5% po, namamatay po ba sila?
14:29.9
Tanong pa ni Rose.
14:31.8
To be honest, hindi sila nakakasurvive dahil nagkaroon ng komplikasyon sa ovary nila
14:35.6
pagkatapos ng surgery.
14:37.9
Tugon pa ni Rose.
14:38.7
Pagkakulhul pa ni doktora.
14:40.4
Sabi na eh.
14:42.2
Mamamatay ako.
14:44.0
Mamamatay ako Noel.
14:45.9
Pagkakulhul pa ni Rose.
14:48.4
Shhh!
14:49.6
Hindi mangyayari yan Rose.
14:51.8
Magpakatatag ka lang.
14:53.8
Magiging maayos ang lahat.
14:55.9
Magtiwala lang tayo kina doktora at sa Diyos.
14:59.3
Sigurado ako na hindi ka nila pababayaan.
15:03.3
Kaya huwag kang panghinaan ng loob.
15:06.2
Naniniwala ako na magiging successful ang gagawin niya.
15:08.1
Magiging successful ang gagawin niya.
15:08.1
Magiging successful ang gagawin niya.
15:08.2
Magiging successful ang gagawin niya.
15:08.5
Magiging successful ang gagawin niya.
15:08.7
Magiging successful ang gagawin nilang surgery sa iyo.
15:10.7
Pagyakap ko naman sa kanya.
15:14.4
Papadudod pagkatapos ng pagpapacheck up na ginawa ni Rose sa ospital
15:18.8
ay naging tahimik siya sa pagbiyahin namin pa uwi sa bahay.
15:24.0
Kinausap ko siya pero wala siyang imik sa buong biyahin namin.
15:28.1
At nang makauwi na kami niyakap ko siya ng mahigpit.
15:31.7
At sinabi ko sa kanya na magiging maayos ang lahat sa kanya.
15:36.3
Kaya hindi niya kailangan na matakot.
15:38.7
Doon na naiyak ang girlfriend ko at sinabi niya na natatakot daw talaga siya sa pwedeng masamang mangyari sa kanya.
15:47.1
Natatakot daw siya na mamatay kung sakaling hindi naging maganda ang resulta ng surgery niya.
15:53.1
Paano raw ang mga pangarap namin na magpakasal at bumuo ng pamilya kung sakali na mamatay siya.
16:00.4
At kung maging maayos naman ang surgery niya pero tuluyan na siyang mawala ng kakayahan,
16:06.2
na mabigyan ako ng anak.
16:08.7
Tinanong niya kung iiwanan ko na raw ba siya.
16:12.3
Nang dahil doon.
16:14.5
Siyempre sinabi ko na kahit kailan ay hindi mangyayari yun.
16:18.3
Hindi siya mamamatay at kahit na anong mangyari ay hindi ko siya iiwanan.
16:23.9
Dahil hindi darating ang araw na mawawala ang pagmamahal ko para sa kanya papadudot.
16:34.4
Papadudot pinaalam na namin sa mga magulang ni Rose ang tungkol sa kondisyon niya.
16:38.7
Sinabi na rin namin na kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon.
16:44.7
Kaagad namang lumawas ang mga magulang ni Rose at nang makarating ang mga ito sa Maynila ay doon namin pinagtapat sa kanila na nagsasama na kami sa isang bahay.
16:55.1
Pero sinabi ko sa kanila sa mahigit dalawang taon na nagsasama kami ni Rose ay binigay ko ang lahat ng pagmamahal at respeto sa kanya.
17:03.9
At kahit kailan ay hindi kami lumampas sa limitasyon namin bilang mag-boyfriend at girlfriend.
17:11.8
Akala ko talaga noong una ay magagalit sa akin ang mga magulang ni Rose.
17:16.9
Pero sa huli papadudot, nagpasalamat pa rin sila kasi inalagaan ko ang anak nila at nerespeto.
17:25.3
Nagpasalamat din ako sa kanila kasi tinanggap nila ako bilang boyfriend ni Rose.
17:30.2
Pagkatapos ng pag-uusap namin na yon ay kaagad na in-schedule.
17:33.9
At isinagawa ang surgery na kailangan ni Rose papadudot.
17:39.1
Alam mo na well, sa totoo lang ay hindi na namin alam ng asawa ko kung paano ka namin pasasalamatan.
17:46.5
Wika ng nanay ni Rose.
17:50.0
Hindi nyo naman po kailangan gawin yon tita, ang wika ko naman.
17:55.0
Pero napakalaki ng naging tulong mo sa amin.
17:58.8
Lalo na sa anak kong si Rose.
18:01.3
Tinulungan mo kami sa mga gastusin tapos,
18:03.8
halos dito ka na sa ospital tumira para lamang mabantayan at maalagaan siya.
18:08.8
Dito ka dumidiretso mula sa trabaho mo tapos uuwi ka lang saglit sa apartment para magpalit ng damit mo.
18:15.8
Ang laki ng sakripisyon na ibinibigay mo para sa anak namin Noel, ang sabi niya.
18:21.8
Ginawa ko lang po ang responsibilidad ko bilang boyfriend ni Rose, ang sabi ko naman.
18:27.8
Ayun na nga eh, kung hindi ka kasama ng anak ko, malamang hanggang ngayon,
18:33.0
pinoproblema pa rin namin ng asawa ko ang mga gastusin at pagbabantay kay Rose.
18:38.0
Sa kasalamat din kasi ikaw palang naging kasama niya sa lahat ng naging check up at test na ginawa sa kanya bago ang surgery, sabi pa ng nanay ni Rose.
18:50.0
Opo, hindi ko po talaga siya hinayaan na mag-isa.
18:53.0
Alam ko po kasi naiyakin at medyo mahina ang loob ni Rose.
18:57.0
Kaya hanggat pwede ay sasamahan ko po talaga siya sa lahat ng oras.
19:03.0
Uhm, tita?
19:05.0
Gusto ko nga rin po palang humingi ulit ng sorry tungkol dun sa ginawa naming pagtatago ni Rose na nagsasama na kami sa iisang bahay.
19:14.0
Pero promise po, nirespeto ko po talaga ang anak ninyo kahit na kailan hindi po kami lumampas sa limitations bilang magkasintahan.
19:26.0
Paninigurado ko sa kanya.
19:28.0
Huwag mo nang isipin nyo Noel.
19:30.0
Oo, aaminin ko na nagulat talaga kami.
19:32.0
Nagulat talaga kami ng asawa ko nang malaman namin ang tungkol sa pagsasama ninyo sa iisang bahay ni Rose.
19:39.0
Pero nasa tamang edad naman kayo pareho.
19:42.0
At may tiwala ako sa anak ko na hindi niya sisirain ang buhay niya.
19:46.0
Kaya sigurado ako na tamang lalaki ang pinili niya ang mahalin.
19:51.0
Kasi kahit kami ng asawa ko ay nakuha mo na rin ang tiwala namin.
19:55.0
Malumanay na wika niya.
19:57.0
Ibig sabihin po ay tanggap niyo na ako para kay Rose?
20:00.0
Hindi makapaniwala?
20:01.0
Hindi makapaniwala ang tanong ko.
20:03.0
Pagkatapos ng lahat ng sinakripisyo mo para sa anak namin.
20:07.0
Oo naman.
20:09.0
Tanggap na tanggap ka namin ang asawa ko bilang parte ng pamilya namin.
20:13.0
Tugon niya.
20:15.0
Maraming salamat po tita.
20:17.0
Promise po at hindi ko sisirain ang tiwala na ibinigay ninyo sa akin.
20:22.0
Iingatan ko po yun kagaya ng pag-iingat na ginawa ko sa tiwala at pagmamahal ni Rose.
20:28.0
Salamat po talaga.
20:29.0
Naluluhang pasasalamat ko.
20:31.0
Papadudot pinagtulungan namin ang gastos para sa operasyon ni Rose.
20:36.0
Sa tulong ng naipon naming pera at ng pera ng mga magulang ni Rose ay hindi na kami masyadong nahirapan sa mga gastusin.
20:44.0
At kahit pa nasa Maynila lang din ang mga magulang niya, ako rin talagang nakiusap na payagan nila akong mag-alaga at mag-asikaso kay Rose.
20:53.0
Umayag naman ang mga magulang ni Rose.
20:56.0
Lalo na at kailangan din nilang umuwi minsan para asikasuhin ang ibang anak nila sa probinsya.
21:03.0
Kaya ako na rin ang nagpapalit ng diaper at damit ni Rose pagkatapos naituro sa akin ng nurse kung paano gawin yon.
21:11.0
Sa awa ng Diyos, Papadudot ay naging successful ang surgery na ginawa sa girlfriend ko.
21:18.0
Natanggal po ang malaking cyst na nasa ovaryo niya at naging stable na ang lagay niya.
21:24.0
Kaya lang ang sabi ng doktor ay maliit na ang chance ni Rose na mabuntis.
21:29.0
Sobrang nalungkot ang girlfriend ko pero sinabi ko naman sa kanya na may chance pa rin na magkaanak kami.
21:36.0
Yung maliit na chance na yon ang pinanghahawakan namin at pagkalipas ng isang taon, sumubok na kami na gumawa ng baby Papadudot.
21:44.0
Kahit na hindi kaagad yon ibinigay sa amin, hindi kami kaagad na sunguko.
21:50.0
Hanggang sa bigla na lang akong tinawagan ni Rose at sinabi,
21:53.0
na nasa ospital siya.
21:55.0
Kinakabahan ako noon dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng doktor.
22:00.0
Pero halos maluha ako sa sinabi ng doktor.
22:05.0
Ano pong sabi ninyo?
22:07.0
Tama po ba ang narinig ko?
22:10.0
O nagkakamali lang yung tinga ko?
22:13.0
Hindi makapaniwalang tanong ko.
22:15.0
Hindi ka nagkakamali kung ano man niyang narinig mo.
22:18.0
Totoong nagdadalang tao si Rose.
22:21.0
Nakangiting tugon ni doktor.
22:23.0
Pero di po ba?
22:26.0
Kayo na nagsabi dati na baka mahirapan na kami ni Rose na makabuo ng baby.
22:30.0
Paano po nangyari yon? Paano siya nabuntis?
22:33.0
Sunod-sunod na tanong ko.
22:35.0
Oo sinabi ko na maliit na ang chance na mabuntis si Rose.
22:41.0
Pero hindi ko naman sinabi na wala nang chance.
22:44.0
Kaya congratulations kasi sa wakas magkakaanak na kayo.
22:48.0
Tugon naman ni doktora.
22:50.0
Diyos ko maraming salamat po.
22:52.0
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
22:55.0
Darling, magkakaanak na tayo.
22:59.0
Magiging magulang na tayo at magiging isang totoong pamilya.
23:03.0
Baleng ko pa kay Rose.
23:05.0
O totoo na to darling.
23:07.0
Totoong magkakaanak na tayo.
23:09.0
Naiiyak na sabi rin niya.
23:11.0
At matutupad na rin natin yung mga pangarap natin.
23:15.0
Napakabait talaga ng Diyos.
23:18.0
Napakabait niya sa atin.
23:20.0
Maraming maraming salamat po talaga Diyos ko.
23:23.0
Salamat po.
23:24.0
Naluluhang sabi ko.
23:26.0
Papadudot ang balitang magkakaanak na kami ni Rose.
23:30.0
Ang pinakamagandang balitang narinig ko sa tanang buhay ko.
23:35.0
Bago ang araw na iyon ay maraming gumugulo sa isipan ko.
23:38.0
Mga bayarin sa bahay.
23:40.0
Problema sa trabaho.
23:42.0
Traffic sa Pilipinas.
23:44.0
Pagtaas ng presyo ng mga bilihen at kung ano ano pa.
23:48.0
Pero lahat ng iyon ay biglang nawala sa isipan ko.
23:51.0
Nang marinig kong sinabi ni Doktora na magkakaanak na kami ni Rose sa wakas.
23:56.0
At pakaramdam ko ay pwede na akong mamatay sa sobrang saya ko ng araw na iyon.
24:01.0
Pero siyempre hindi pa pwedeng mangyari iyon dahil iyon pa lang ang simula ng pagtupad namin ng mga pangarap ni Rose.
24:09.0
Iyon ang totoong unang bagong yugto sa buhay naming dalawa.
24:14.0
Papadudot pinaghandaan namin ni Rose ang lahat.
24:16.0
ng para sa gastusin sa kanyang pagbubuntis.
24:21.0
Ang mga vitamins niya, pagpapat-check up at kung ano ano pa.
24:25.0
Hindi kami nagkulang at sinunod namin ang lahat ng bili ng Doktor sa amin.
24:30.0
Natuwa kami kasi sinabi ng Doktor nang mag-ultrasound si Rose na malasog daw ang magiging anak namin.
24:37.0
Sobrang excited na talaga kaming dalawa noon dahil sa wakas.
24:41.0
Ay matutupad na ang isa sa mga pangarap namin.
24:44.0
Nagpa-play it.
24:45.0
Nagpa-plano na nga rin kami natuparin ang iba pa naming mga pangarap.
24:49.0
Ang magpakasal, magkaroon ng sariling bahay at magkaroon pa ng pangalawa at pangatlong anak.
24:56.0
Grabe, sobrang sarap talagang mangarap.
25:00.0
Ito yung libring bagay na masarap at hindi nakakasawang gawin.
25:04.0
Papadudot nang dumating na ang mga araw na pinakahihintay naming panganganak ni Rose.
25:10.0
Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko.
25:14.0
Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi ako makapaniwalang magiging ganap na kaming mga magulang ni Rose.
25:20.0
At habang naghihintay ako sa labas ng delivery room kasama ang nanay ni Rose ay panayang dasal ko na sana ay maging maayos ang panganganak ng pinakamamahal kong babae.
25:32.0
Hanggang sa lumabas na ng kwarto ang doktora nalang isang mabuti at napakalungkot na balita.
25:40.0
Malusog daw ang anak namin ni Rose.
25:42.0
Kaya lang ay nagkaroon ni Rose.
25:43.0
Kaya lang ay nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang panganganak.
25:46.0
Nagkaroon siya ng excessive bleeding na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
25:51.0
Munti ko nang masaktan ang doktor sa sinabi niya kung hindi pa ako napigilan ng nanay ni Rose.
25:59.0
Sinabi ko na hindi ako naniniwala sa sinabi niya.
26:02.0
Nagwala ako sa galit hanggang sa mapaluhod na lamang na umiiyak.
26:06.0
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko na iyon, Papadudot.
26:11.0
Magsisimula pa lamang ang totoong kwento namin ni Rose.
26:15.0
Kaya bakit kailangan ka agad siyang kunin sa akin ng Diyos?
26:19.0
Aaminin ko na namuhi talaga ako sa nasa itaas ng mga oras na iyon.
26:26.0
Para bang napakadamot niya para hindi kami ipagbigyan na maging masaya ni Rose.
26:33.0
Parang ayaw niya kami na totoong maging maligaya.
26:36.0
Pero nang makita ko kung gaano kalusog at kaganda ang anak namin ni Rose,
26:40.0
ay binawi ko ang lahat ng masasakit na salitang binitawan ko noon.
26:45.0
Humingi ako ng tawad sa pagkamuhi na nararamdaman ko.
26:50.0
At sa kabila ng kirot na nararamdaman ko sa dibdib ay nagawa kong tanggapin ang pagkamatay ng pinakamamahal kong si Rose.
26:59.0
Siguro ay sadyang mahirap na tanggapin lahat ng mabibigat na pangyayari sa buhay natin.
27:05.0
Pero palaging may dahilan.
27:08.0
Para patuloy tayong umusang.
27:10.0
At magpakatatag.
27:11.0
At iyon ay ang anak namin ni Rose.
27:14.0
Papadudot tinupad ko pa rin ang pangako ko kay Rose at ang pangarap niya.
27:20.0
Binili ko ang pinakamagandang white wedding gown para sa burol niya.
27:25.0
At sinagurado ko rin na siya ang pinakamagandang babae bago siya mailibing.
27:31.0
Mabigat para sa akin ang araw na iyon pero pinilit ko natanggapin at patuloy akong nagpakatatag.
27:38.0
Ngayon ay may siyam na taon na rin mula nang namayapa si Rose.
27:43.0
Ang anak ko ay nasa province at inaalagaan ng mga magulang ni Rose.
27:48.0
Buwan na naman akong umuwi doon para dalawin siya at alagaan.
27:52.0
Dahil alam ko na kapag magkasama kami ng anak ko ay nagiging masaya si Rose kung nasaan man siya ngayon.
27:58.0
Maraming salamat po sa pagbabasa nitong sulat ko at sana marami pa kayong kaistorya na mahikaya at na magpadala ng kanilang mga nakakainsan.
28:07.0
Pagkakainspire na kwento ng buhay.
28:11.0
Nakapagsubscribe na po ko sa lahat ng channel ninyo Papa Dudut.
28:15.0
Una siyempre ang Papa Dudut Youtube Channel, ang kaistorya at siyempre ang Papa Dudut Family.
28:22.0
Sana po ay mas madami pa kayong maupload sa Papa Dudut Family Youtube Channel.
28:30.0
Yours truly, Noel
28:33.0
Hindi lahat ng bagay na ipinagdarasal natin sa poong may kapal ay pinagkakaloob niya sa atin.
28:41.0
Pero hindi ibig sabihin na hindi niya tayo pinagbigyan.
28:46.0
Ayaw niya na tayong maging masaya.
28:50.0
May mga sariling paraan lang siya para ibigay sa atin ang alam niya na totoong kalingayahan.
28:58.0
Maraming salamat Noel sa pagsulat mo dito sa aking Youtube Channel.
29:03.0
Totoong mabigat itong pinagdaraanan mo dahil hindi madali ang mawalan ng minamahal sa buhay.
29:11.0
Pero humahanga ako sa pagpapakatatag na ginagawa mo magpahanggang ngayon para sa sarili mo at sa anak ninyo ni Rose.
29:22.0
Tama ka na kapag masaya ka kasama ang anak mo, magiging masaya na rin si Rose kung nasaan man siya ngayon.
29:32.0
Masaya siya na makitang nagiging matatag ka sa kabila ng malaking pagsubok na pagkawala niya sa buhay mo.
29:40.0
Gawin mong inspirasyon ng anak ninyo ni Rose at magpatuloy ka rin na maging inspirasyon sa buhay ng ibang tao.
29:48.0
Magandang gabi po sa inyong lahat.
30:02.0
Ang buhay ay mahihwaga.
30:15.0
Laging may lungkot at saya.
30:21.0
Sa papatudod stories.
30:25.0
Laging may karamay ka.
30:32.0
Mga problemang kaibigan.
30:39.0
Dito ay pakikinggan ka.
30:46.0
Sa papatudod stories.
30:50.0
Kami ay iyong kasama.
30:58.0
Dito sa papatudod stories.
31:01.0
Ikaw ay hindi nag-iisa.
31:11.0
Dito sa papatudod stories.
31:16.0
May nagmamahal sa'yo.
31:24.0
Papatudod stories.
31:28.0
Papatudod stories.
31:30.0
Papatudod stories.
31:36.0
Papatudod stories.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.