Close
 


Mga Kayamanang Natagpuan Nang Di Sinasadya - Part 2
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #treasure #history #discovery
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naglalakad ka sa kagubatan. Ito ang paborito mong exercise tuwing umaga.
00:04.4
Maya-maya pa, may napansin kang kuminang mula sa malayo.
00:08.3
Pinuntahan mo ito at nagulat ka sa iyong nakita.
00:11.7
Isang malaking treasure chest.
00:13.9
Agad kang tumingin sa paligid at tinignan kung may ibang tao bang nakakita dito.
00:18.9
Nang buksan mo ito, bigla ka nalang nagising.
00:22.2
Panaginip lang pala.
00:23.7
Ilang beses mo lang naranasang managinip na nakahanap ka ng treasure.
00:27.7
Minsan parang totoo diba?
00:28.9
Pero para sa mga tao sa video, hindi na nila kailangang managinip dahil totoong nakahanap sila ng yaman nang hindi sinasadya.
00:38.1
Ang kakaibang sculpture
00:39.5
Ang Venus de Milo ay isa sa pinakasikat na sculpture sa buong mundo.
00:44.6
Ayon sa mga eksperto, gawa ito ng sinaunang Greeks at ang babae ay ang Greek goddess of beauty na si Aphrodite.
00:51.4
Pero lingid sa kaalaman ng marami, ang sculpture na ito ay nawala ng ilang taon at narecover lamang noong 1820.
00:58.9
Habang naghahanap ng marble building blocks mula sa isang ancient ruins,
01:03.2
natagpuan ng isang peasant na si Yorgos Kentrotas ang ulo ng sculpture na nakabaon.
01:09.0
Nang makita ito ni Olivier Voutier, isang French naval officer na naghahanap din ang mga antiquities sa lugar,
01:16.4
agad itong naging interesado sa sculpture.
01:19.1
Binayara niya si Kentrotas upang tulungan siyang hukay ng sculpture mula sa ruins.
01:24.8
Doon nila napansin na nag-iba na ang braso ng sculpture.
01:28.9
Dinala ito ni Voutier sa French ambassador ng Ottoman Empire at binili nito ang sculpture.
01:35.3
Matapos ang isang taon, dinala ang sculpture kay King Louis XVIII at iniutos nito na idonate ang sculpture sa Louvre Museum kung saan nakadisplay pa rin ito hanggang ngayon.
01:47.4
Ang Lumang Violin
01:48.8
Noong 2006, isang lalaki sa England ang nagpunta sa kanyang attic dahil may kukunin siyang gamit.
01:55.4
Habang nandoon, may nakita siyang lumang violin.
01:58.0
Hindi naman siya nagulat dito dahil dating musician ang kanyang ama.
02:02.3
Gayunpaman, nabighani siya sa kakaibang ganda ng violin na may silver fish plate.
02:08.1
Ang hindi niya alam sa mga oras na iyon, ang nakita pala niya ay ang violin ni Wallace Hartley,
02:13.7
ang bandleader ng bandang tumugtog sa lumubog na barko na Titanic.
02:18.2
Nakilala ang banda ni Hartley nang malaman ng mga tao na ipinagpatuloy nila ang kanilang pagtugtog habang lumulubog ang barko.
02:25.7
Kumanaw si Hartley kasama ng maraming pasahero ng Titanic.
02:30.0
Noong 2013, nabenta ang lumang violin sa halagang $1.7 million o mahigit sa 95 million pesos sa isang auction house na nagkokolekta ng mga Titanic artifacts.
02:44.0
Ang Lumang Dokumento
02:45.5
Noong 1989, isang lalaki mula sa Pennsylvania ang nagpunta sa isang flea market sa Adamstown.
02:52.0
Nagustuhan niya ang isang painting na nakaframe na binibenta doon.
02:55.6
At binili niya ito sa halagang $4.
02:58.4
Nang binuksan niya ang frame, may nakita siyang dokumento na nakatiklop sa likod ng painting.
03:04.6
Di nagtagal, nalaman ng lalaki na ang nakita niya ay isa sa pinakaunang printed copies ng Declaration of Independence ng US.
03:12.9
Matapos maratify ang Declaration of Independence, nagprint ang printer na si John Dunlap ng 200 copies nito.
03:19.7
At ang nakita ng lalaki ay isa sa 200 copies.
03:22.8
Noong 2000,
03:25.6
TV producer na si Norman Lear ang declaration sa halagang $8.14 million o 450 million pesos.
03:33.8
Ang Panakip Butas
03:35.1
Noong 1990s, bumili ng painting ang isang factory worker mula sa Indiana upang takpan ang butas ng padero ng kanyang bahay.
03:42.9
Ang pinili niya ay isang painting ng bulaklak at nabili niya ito sa halagang $30 o 1,600 pesos.
03:50.5
Isang araw, habang naglalaro siya ng card game na Masterpiece,
03:54.4
nakita niya ang painting sa isa sa mga cards.
03:57.7
Di nagtagal ay nalaman rin niya na ang painting palang ginamit niya bilang Panakip Butas ay gawa ng sikat na American landscape painter na si Martin Johnson Head.
04:08.0
Nabenta ang painting sa halagang $1.25 million o mahigit sa 80 million pesos.
04:14.5
Secret Passage
04:15.6
Noong 1963, kiniba ng isang dikilalang lalaki ang padero ng kanyang bahay dahil balak niyang i-renovate ito.
04:22.6
Tila isang ordinaryong araw.
04:24.4
Ang ito para sa kanya, pero matapos magiba ang malaking pader, may nakita siyang passageway pababa sa lupa.
04:31.6
Pinasok ito ng lalaki at nagulat siya sa kanyang nakita.
04:35.6
Hindi siya nakahanap ng ginto o isang mahalagang bagay.
04:39.1
Ang natagpuan niya ay isang buong syudad.
04:42.3
Aksidente niyang nahanap ang Derinkuyu Underground City.
04:46.1
Ang underground city na ito ay parte ng underground city sa Cappadocia region.
04:50.5
Ginawa ito ng mga sinaunang tao.
04:52.7
Gamit lamang ang kanilang mga kamay.
04:55.1
May 18 stories ito at kayang tirhan ng halos 20,000 na tao.
05:00.1
Hindi pa sigurado ang mga eksperto kung sino at anong klase ng mga tao ang nakagawa ng underground city.
05:06.4
Pero sa kanilang pag-research, napagalaman nila na ang syudad ay may meeting halls, shops, stables para sa mga kabayo at iba pa.
05:15.0
May natagpuan ding mga napakabigat na pintuan sa syudad na posibleng ginamit ng mga sinaunang tao upang maprotektahan.
05:22.7
Ang poster.
05:26.1
Isang araw, nagpunta si Steve Wilkin sa Long Island Theater kung saan nagtrabaho siya noong binata pa siya noong early 1970s.
05:35.1
Nang naghalungkat siya sa projection booth ng theater, may nakita siyang isang mataas na poster.
05:40.9
Ang nakita ni Wilkin ay isang original 6-foot poster ng sikat na pelikulang Frankenstein noong 1931.
05:47.6
Ang pelikula ay mula sa libro ni Mary Shelley at ito ang nagpasikat sa artista.
05:52.7
Si Boris Karloff.
05:54.8
Siyempre, dahil nagustuhan nito ng mga tao, nagkaroon pa ng maraming pelikula tungkol sa monster ni Frankenstein.
06:02.1
Noong 2015, nabenta ang poster sa halagang $358,000 o mahigit sa 20 million pesos sa isang auction house sa Dallas, Texas.
06:12.6
Ang mamahaling itlog.
06:14.4
Noong 2004, isang scrap metal dealer ang nagpunta sa isang flea market sa US Midwest.
06:19.8
Doon ay may nakita siyang jewel-crusted egg.
06:22.7
Na pag binuksan mo, ay may lumalabas na relo.
06:26.0
Binili niya ito sa halagang $13,000 o mahigit sa 700,000 pesos sa pagkaakalang pwede niya itong tunawin at ibenta sa mas malaking halaga.
06:36.2
Subalit, noong nag-research siya, napagalaman niya na ang nabili niya pala ay posibleng isang authentic Faber-J egg mula sa dating Russian royal family.
06:46.3
Ang mga itlog na ito ay simbolo ng kakaibang galing sa design at craftsmanship.
06:51.4
Nang ipakita niya ito sa mga eksperto, totoo nga ang hinala ng metal dealer.
06:56.5
Ang nakita niya ay ang third imperial Faber-J egg ng Russian Tsar na si Alexander na binigay niya sa kanyang asawa noong 1887.
07:06.2
Ang halaga ng itlog ay nasa $9-16 million o 500-700 million pesos.
07:13.5
Nabenta ang jeweled egg sa isang private auction pero hindi pinaalam sa publiko kung magkano ito nabili ng nanalong bidder.
07:20.3
Ang lumang ito ay isang metal dealer.
07:21.3
Ang lumang ito ay isang metal dealer.
07:21.4
Nung 1965, habang nangingisda sa Arney River sa Northern Ireland, may napansin si Ambrose Owens sa tubig.
07:29.9
Nang lapitan niya ito, nakita niya na isa itong lumang espada.
07:34.1
Kinuha ni Ambrose ang espada at nilagay sa lumang barn ng kanyang family farm sa County Fermana.
07:40.7
Matapos ng 50 years, nakita ito ng kapatid ni Ambrose na si Maurice at agad siyang nabighani dito.
07:47.3
Binigay niya ang espada sa mga archaeological experts.
07:50.7
At doon lang niya nalaman na ang espada pala ay isang tunay na bronze age sword na ginawa pa makalipas ang 2,600 years.
08:00.2
Ang discovery na ito ay mahalaga dahil ito ang patunay sa kalidad ng craftsmanship ng mga blacksmith noong sinaunang panahon.
08:08.1
Sa ngayon ay nasa Enesculan Castle Museum na ito, ang mamahaling umbrella stand.
08:13.4
Sa loob ng maraming taon, ginamit ng mag-asawa mula sa Dorset, England ang kakaibang vase na ito na lalagyan ng kapatid.
08:20.7
Noong 2010, matapos nilang magretiro sa kanilang mga trabaho.
08:26.5
Naisip nilang ibenta ang lumang vase pero hindi nila alam kung ano ang presyo nito.
08:31.4
Kaya naman, nagpunta sila sa Duke Auction House para sa valuation ng vase at nagulat sila sa kanilang narinig.
08:38.3
Ang lumang vase na ginamit nilang umbrella stand sa loob ng maraming taon ay isa palang authentic 18th century vase mula sa Ming Dynasty.
08:47.4
Mas nagulat pa sila sa halaga nito na nasa 1.1M.
08:50.7
o mahigit sa 60M pesos, ang nakabaon na mga lata.
08:55.7
Noong 2013, ipinapasyal na mag-asawa ang kanilang aso sa kanilang property.
09:00.7
Tila isang ordinaryong araw lang ito para sa mag-asawa dahil palagi naman nila itong ginagawa.
09:06.7
Maya-maya pa, may napansin silang malaking metal can na tila nakabaon sa lupa.
09:11.7
Agad nila itong hinukay gamit ang isang stick at dinala ang mabigat na lata sa kanilang bahay.
09:16.7
Nang buksan nila ito, nagulat sila sa kanilang nakikita.
09:20.7
Ang laman ng lata ay 20 dollar gold coins na mula sa 1890.
09:26.7
Agad silang bumalik sa spot at naghukay pa hanggang sa makakita sila ng 8 metal cans na may lamang 1,427 gold coins mula sa 1847 hanggang 1894.
09:38.7
Ayon sa mga eksperto, ang nahanap ng mag-asawa ay nagkakahalaga ng 10M dollars o 560M pesos.
09:46.7
Ang discovery na ito ay pinaniniwala ang pinakamalaking gold coin.
09:50.7
Ito ay isang cash find na nalagpasan ang dating record ng construction workers na nakahanap ng 1M dollars na halaga ng gold cash sa Jackson, Tennessee noong 1985.
10:01.7
Ang mga yaman na ito ay natagpuan ng hindi sinasadya.
10:05.7
Pwede mong sabihin na swerte o talagang nakatadhana ang mga taong ito na mahanap ang mga yaman sa video.
10:12.7
Kung alin man dyan, iisa lang ang sigurado.
10:15.7
Hindi lang ito ang yamang nakatago sa mundo.
10:18.7
At may ilan pang naghihintay na mahanap ng hindi sinasadya.