Close
 


Hindi Makatulog Dahil sa mga Sakit na Nararamdaman. -By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hindi Makatulog Dahil sa mga Sakit na Nararamdaman. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) #Insomnia #TulogTips #Arthritis #HeartDisease #SakitngKatawan Panoorin ang Video: https://youtu.be/fFjp3y1SxCs
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 17:21
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.5
Topic po natin, I'm sure marami makaka-relate, marami matutulungan kasi ito rin nararamdaman ko ngayon.
00:08.9
Yung mga hindi makatulog o hirap makatulog kasi maraming sakit na nararamdaman sa gabi.
00:17.2
Bakit yung mga nararamdaman natin, kirot sa katawan, likod, leeg, sikmura, puso, lahat mas malala ang sintoma sa gabi.
00:28.4
Kung kailan ka na matutulog, doon aatake ng sobra sakit yung katawan, hindi ka tuloy makatulog.
00:36.2
At dahil hindi ka makatulog, kailangan natin yung tulog. Kasi yung tulog, doon naghihilom yung katawan natin.
00:44.6
Tapos hindi ka makakatulog. So pagising mo, mas masakit pa ulit yung katawan mo.
00:49.8
Kaya yung ibang mga tao, ang tawag nila dito, pain somnia.
00:56.5
Pinagsama nila ang word na pain.
00:58.4
Pain sa insomnia. Hindi siya medical term. Kinombine lang ng mga nagsasuffer ng pain somnia.
01:06.5
Actually, maraming tao sa buong mundo may ganitong kondisyon.
01:10.4
Mag-comment lang po kayo.
01:13.2
Around 21% ng tao ay may ganitong problema.
01:18.3
Na umiiksi ang tulog, hindi makatulog, hindi dahil maandari yung utak nila, kundi talagang masakit.
01:24.5
May sakit silang nararamdaman na lumalala sa gabi.
01:28.4
Actually, may isang pag-aaral pa nga, 90% ng tao may mga chronic pain at paminsan-misan hindi sila makatulog.
01:36.7
Anong klaseng mga sakit ang lumalala?
01:39.3
Usually, mga aching pain, burning pain, tingling pain, yung mga nerve pain.
01:46.5
Mga pain sa nerve, mga carpal tunnel, pain sa buto, mas masakit.
01:51.8
Pain sa joints, kahit yung mga heartburn, mas malala.
01:56.9
Lalo na yung kabog sa dibdib, kung kailangan matutulog, doon pa kakabog.
02:01.6
Doon ka pa, maraming nararamdaman.
02:04.9
Hindi ka makarelax, hindi makaheal ang body.
02:08.4
Anong mga sintomas nito?
02:11.4
Yung sakit, darating, mawawala.
02:14.4
Para siyang waves, parang alon.
02:17.4
Minsan, darating yung sakit sa katawan, tapos mawawala.
02:21.4
Tapos sasakit, tapos mawawala.
02:23.4
Yung iba, buong gabi hindi makatulog.
02:26.9
Kawawa naman, may trabaho pa next day.
02:29.9
So, they suffer all night with pain and sleeplessness.
02:32.9
E lalong hindi sila makakatulog.
02:35.9
Ano ang limang dahilan?
02:37.9
Bakit lumalala ang mga sakit natin sa gabi?
02:41.9
Ito yung limang reasons.
02:43.9
Number one, posible dahil sa stress hormone.
02:47.9
Ang stress hormone, actually may tulong yan sa katawan.
02:51.9
Itong cortisol.
02:52.9
Kaya lang sa gabi, bumababa na yung stress hormone.
02:56.9
So, possible na nararamdaman na natin yung kerot.
03:01.9
Number two, sa gabi, siyempre nakahiga tayo.
03:04.9
Ibang position eh.
03:06.9
Naka-steady tayo.
03:07.9
Either nakahiga, masakit sa likod.
03:10.9
Nakatabingi, masakit sa leeg.
03:13.9
Lahat ng position, nakatihaya, nag-gird tayo.
03:18.9
Nararamdaman natin.
03:20.9
So, yung sleep position, minsan nakakalala.
03:23.9
At minsan yung iba, natutulog.
03:25.9
Nakadapa yung tiyan nila.
03:27.9
Nakadapa sila.
03:28.9
Yung nakadapa, actually minsan dumadapa din ako eh.
03:32.9
Kung talagang makulo yung tiyan ko.
03:34.9
Meron ako irritable bowel.
03:35.9
Kung talagang malala yung irritable bowel, dinadapa ako na eh.
03:38.9
Para maipit yung tiyan.
03:40.9
Para huminto lang yung kulo.
03:42.9
Pero basically, yung pagtulog na nakadapa, hindi maganda sa leeg.
03:46.9
Nakaganon yung leeg mo, nakadapa eh.
03:48.9
Ipit yung mukha mo eh.
03:50.9
Tsaka sa back, hindi rin maganda.
03:52.9
So, depende sa position.
03:55.9
Number three, yung body temperature.
03:58.9
Sa gabi, mas malamig.
04:00.9
Possible kung mas malamig yung panahon.
04:02.9
O naka-aircon ka, mas sumasakit din yung katawan.
04:05.9
Number four, yung arthritis.
04:08.9
Usually, yung mga joints natin.
04:10.9
Pag hindi ginagalaw, mas masakit yan sa gabi.
04:13.9
Kung kailan paggabi, doon siya kikirot.
04:16.9
And number five reason, paggabi, tahimik ang lahat eh.
04:21.9
So, mas tahimik.
04:23.9
Tsaka paggabi.
04:24.9
Usually, mas malungkot tayo.
04:27.9
Marami nga eh.
04:29.9
Sa mga may depression, alam nyo yan.
04:31.9
Yung mga may depression, may anxiety.
04:34.9
Pag dumidilim na, nalulungkot na sila.
04:36.9
Siguro sentimental, madilim.
04:39.9
Yung wala ng araw.
04:42.9
Yung buwan na lang nakikita, mas nalulungkot sila.
04:46.9
Sadness in the afternoon at night. May ganun.
04:49.9
So, yung utak natin, mas pagod na.
04:52.9
Mas susceptible.
04:53.9
Mas awa sa sarili.
04:55.9
Self-pity.
04:56.9
Kaya yung mga sakit-sakit sa katawan, feeling natin times ten na mas masakit.
05:01.9
Pero kung masaya kayo, happy kayo.
05:05.9
Nakakalimutan mo yung sakit sa katawan eh.
05:08.9
Yung iba nga, masakit ng tuhod eh.
05:10.9
Pag may nakita na happy siya, biglang makakalakad na lang.
05:15.9
So, yung mind natin tsaka yung mood natin, mas mahina sa gabi.
05:21.9
Anong klaseng mga body aches at yung mga sakit na lumalala sa gabi?
05:27.9
Number one, mga nerve pain.
05:29.9
Mga nerve pain, mga carpal tunnel, naipit ang mga nerve, ipit ang mga nerve sa leg.
05:35.9
Parang umaapoy ang pakiramdam, parang tumutusok, parang nangingimay o talagang humihilab.
05:44.9
Number two, tulad sinabi ko, pag mas malamig ang temperature,
05:49.9
minsan kasi pag malamig sa gabi, isip ng mga nerves natin yung temperature parang kirot eh.
05:57.9
Akala ng nerves natin kumikirot, yung pala lumalamig lang.
06:00.9
So, yung muscle pain, mas steady, deep ache or sharp pain sa gabi.
06:06.9
Number three, sa gabi madalas din mag-cramps, mag-pulikat.
06:10.9
So, yung mga may back problem, yung may herniated disc, yung mga scoliosis sa likod.
06:17.9
Pag higa, dyan din umaatake. Iyak ka na lang talaga sa gabi.
06:21.9
Talagang iyak sa gabi, parang self-pity.
06:25.9
Number four, bone pain. Yung mga sakit sa buto, mas malala din sa gabi.
06:30.9
Number five, klase ng body ache, minsan yung mga may hormonal changes.
06:35.9
Yung mga babae, for some reason, pag menopause na ang babae, yung lalaki din, may menopause, may andropause ang lalaki.
06:42.9
Pag menopause, mas maraming sakit sa katawan ng mga babae.
06:47.9
Mas nagpo-frozen shoulder, siguro wala ng estrogen.
06:51.9
So, mas maraming sakit na naglalabasan pag menopause kasama ang body pain.
06:57.9
Number six, mga joints. Yung mga joints natin kasukasuan.
07:01.9
Siyempre, pag gabi na, hindi na gumagalaw, tumitigas na yan.
07:06.9
Tumitigas na, mas manas na yan, mas matigas.
07:09.9
So, mas matigas, mas masakit. Diba?
07:14.9
Kaya meron tayong tips mamaya na dapat maaga mag-exercise.
07:17.9
Para at least ikokontra yung stiffness sa gabi.
07:21.9
And number seven, merong mga headache daw.
07:24.9
May mga tinatawag na hypnic headaches. Ito, H-Y-P-N-I-C na may oras sumasakit sa gabi.
07:32.9
Parang doon umaatake yung migraine.
07:35.9
Meron din daw ganung pain. Okay?
07:38.9
Bukod sa sakit sa katawan, marami pa ako personal knowledge yung mga sakit na mas malala sa gabi.
07:45.9
Tulad ng mga heartburn, GERD. Diba?
07:48.9
Yung mga GERD, heartburn ulcer sa umaga, okay lang. Natatrabaho ka eh.
07:53.9
Pero pag gabi na, hihiga ka na, dyan mo na mararamdaman.
07:58.9
Umakit yung kinain mo, maasim dito.
08:02.9
Like kagabi, humiga ako. Paghiga ako sa side, nag-GERD naman ako. Diba?
08:09.9
Paghihiga naman ako ng medyo mataas. Meron din ako lazy boy na silya.
08:13.9
Yung medyo mataas naman.
08:15.9
Pag mataas kasi yung upuan, diba sabi ko magandang mataas. Diba?
08:20.9
Magandang mataas sa GERD para hindi umakyat yung acid.
08:24.9
Pero pag mataas naman ang higa mo, ay masakit naman sa liig. Diba?
08:29.9
Masakit sa likod. Masakit sa liig pa nakataas.
08:33.9
Pag nakadapa ka naman, okay sa likod, okay sa liig, eh sakit naman sa GERD. Diba?
08:40.9
So, anong gagawin natin? Anong pipiliin mo?
08:43.9
Pipili ka ng sakit. Ano na lang ang pwede. Diba?
08:48.9
Kaya marami na di-depress kasi iba't ibang sakit.
08:51.9
Halo-halo sakit, bawal dito. Pwede dito.
08:54.9
So, sa akin kung ano lang mas malala.
08:57.9
Kung mas malala ang GERD mo, di kailangan medyo mataas.
09:01.9
Kung mas malala yung body pains mo, eh depende sa position. Diba?
09:07.9
So, ano pa magagawa natin? Sa GERD ang magagawa natin, maaga kakakain.
09:13.9
6 o'clock, 7 o'clock. Para meron kang 3 to 4 hours na matunaw yung pagkain. Diba?
09:21.9
Kung yung iba, lagi nag-GERD pag-gutom. Diba?
09:25.9
Kaya gagawin ng iba, alas 8, kakain pa. 8 ng gabi. Tapos matutulog siya ng 10 para hindi kumuluan siya.
09:32.9
Mag-GERD ka naman.
09:34.9
Tsaka ang problema, pagkain ka ng kain, dahil nag-GERD ka, tataba ka naman.
09:40.9
Pag tumaba tayo, lalaki ang tiyan natin. Malaki ang tiyan.
09:42.9
May pressure, eh lalo tayong mag-GERD. Lalo mangangasin.
09:47.9
So, ang hirap talagang mabuhay sa mundo.
09:50.9
Lalo na pag tumatanda po kayo, lahat yan maglalabasa na.
09:54.9
Pagdating ng edad 40, wala pa naman siguro. Edad 50, 60, eh lahat talaga ng sakit mo.
10:02.9
Pagdating ng ganyang edad 50, 60, 70, lahat na ng back pain. Lahat na ng neck pain by 60 years old.
10:10.9
Lumuluwag na itong mga buto natin sa leeg. Lahat na ng muscle pain. Mararamdaman.
10:16.9
At pati ang mga GERD. Lumuluwag na itong lower esophageal sphincter natin. Kaya naasim na.
10:24.9
Tapos, yung balance natin. May vertigo pa tayo pag tumatanda. May neck pain pa.
10:30.9
So, sari-saring sakit. Napakahirap makatulog. So, ano gagawin natin?
10:36.9
Diba? O, diba?
10:38.9
Number one.
10:39.9
Number one, dapat siyempre mas relax pa rin. Diba?
10:43.9
So, pag hapon na gabi na medyo ready ka na dapat matulog.
10:48.9
Number two, yung tulog mo dapat pilit mo pa rin may schedule ka.
10:52.9
At huwag kang magsisiesta. Bawal na magsisiesta.
10:55.9
Kasi kung natulog ka sa hapon ng isang oras, di sa gabi di ka na inaantok. Tapos masakit pa katawan mo.
11:02.9
Ipunin mo na gawin mo ng antok na antok ka sa gabi.
11:07.9
Number three, may mga pagkaing pampatulog. Katulad ng mga saging, chamomile tea, isda, okay din.
11:15.9
Yung iba, gatas, pampatulog. Kiwi din daw. Maganda daw kiwi. May ilang prutas, maganda rin pampatulog.
11:23.9
Iwas sa spicy foods at sobrang daming pagkain, lalo na kung malapit na matulog.
11:29.9
Number four, dapat maganda talaga yung kama mo, yung unan mo, saktong-sakto. Okay?
11:36.9
Pag yung unan nyo, luman-luman na. Diba? Nagtitipid tayo yung unan natin. Ang lambot-lambot na.
11:41.9
Kung sobrang na lambot yung unan, eh wala nang support sa leeg. Masyado na tayo nakataas. Diba?
11:48.9
Kung bago naman yung unan, sobrang tigas, nakaganon din naman. Dapat sakto lang na diretso yung leeg natin.
11:55.9
Yung iba, nagpa-pain reliever. Hindi ko pinapayo yung pain reliever tulad na sinabi ko sa inyo.
12:01.9
Pag pain reliever, pwedeng sumakitan tiyan nyo. Pwedeng makita.
12:04.9
Pwedeng sumakitan tiyan nyo. Pwedeng masira kidneys. Pero kung walang choice, sige, pwede naman uminom.
12:09.9
Pwede siguro pain ointment na lang. Yung mga pamahid. Pwede na yung pamahid.
12:14.9
Kung sa likod na masakit, lagyan nyo na lang ng pamahid. Mas okay pa yun.
12:20.9
And, siyempre, ito talaga ang pinaka-tip ko.
12:25.9
Una-una, kailangan naman tayo magpa-check up sa doktor. Diba?
12:29.9
Diba? Papacheck up ka sa doktor. Kung anong gamot, re-reseta nung specialist nyo.
12:33.9
Lagi ko sinasabi sa inyo. Ako, internist, cardiologist. Diba?
12:37.9
So, pwede kayo pa check up. Pag gamot, ayusin kung ano maaayos. Diba?
12:42.9
Pero pag naayos mo na yung check up mo, na inom mo na yung gamot mo,
12:46.9
makikita nyo, marami pa rin sakit na wala talagang perfect lunas.
12:52.9
Parang yung mga heartburn at GERD. Wala talagang lunas. Lagi nandyan na yan.
12:57.9
Yung mga palpitation, laging nandyan na yan.
13:01.9
Yung nervyos, yung depression, laging meron dyan. Pabalik-balik lang yan.
13:06.9
Sakit sa katawan, sakit sa likod, ay pabalik-balik talaga yan.
13:10.9
Diba? Minsan, mawawala. Sakit sa liig, pabalik-balik yan. Diba?
13:16.9
So, dahil pabalik-balik yung sakit, nagpa-check up na tayo. Try natin itong mga safe na home remedies.
13:22.9
Plus, hindi siya medical pero kailangan magdasal.
13:26.9
Minsan, sa gabi, wala ka na magagawa.
13:29.9
Eh.
13:30.9
Magdasal na lang kung hindi ka makatulog at masakit katawan.
13:34.9
Pagdasal mo na lang lahat ng kaibigan mo, kamag-anak mo, kapatid mo.
13:40.9
Pati kaaway mo, pagdasal mo na. Okay na lahat yun.
13:43.9
Para wala ka na iniisip. Kasi sobrang nasakit katawan mo.
13:47.9
Hindi mo na alam kung gigising ka pa bukas o hindi. Diba?
13:50.9
Minsan, ganun ang feeling. Hindi mo alam kung gigising ka pa bukas o hindi.
13:54.9
So, pagdasal mo na lang. And number seven, we just have to accept.
13:59.9
Mas maganda yung acceptance.
14:02.9
Ibig sabihin, huwag kang magalit sa sakit mo.
14:06.9
Okay, masakit ng likod mo, masakit ng likod mo.
14:09.9
Talagang umaaray ka.
14:11.9
Lalo kang magagalit sa mundo, magagalit ka sa Diyos, magagalit ka sa doktor mo, sa ibang tao.
14:18.9
Wala naman ano yan eh. Part of life yun eh.
14:21.9
Lalo kang magalit, lalong lalala yung sakit mo.
14:24.9
Lalo kang nagagalit, lalo kang maha-high blood.
14:27.9
Lalo tayong maistroke na maaga. Diba?
14:30.9
Lalo tayong magagalit, lalo tayong magkakakanser. Diba?
14:33.9
So, pinakamaganda, accept na lang.
14:36.9
Part of life at tiis, tiis, tiis.
14:39.9
Tiisin na lang. I-pray na lang, tiis na lang.
14:42.9
Nagawa mo na lahat eh. Sinunod mo na lahat ng home remedies ni Doc Willie.
14:46.9
Nagpa-check up ka na. Yan lang talaga ang gamutan sa ngayon.
14:50.9
So, tiis na lang. At pag tiniis mo, like kagabi, ang hirap ng tulog ko kagabi.
14:55.9
Kaya nga ito topic ko ngayon eh.
14:57.9
Relate na relate ako. Pero nung tiniis ko, at least mga 11, 11.30, nakatulog na ako.
15:02.9
Two hours ako. Higa, lipat, higa, lipat. Sakit dito, sakit dito.
15:08.9
Pag higa ako naman, nag-gird na naman ako. So, upo na naman.
15:12.9
So, pabalik-balik. Pero nung nakatulog ako, mahimbing.
15:17.9
Nagulat nga ako, mahimbing tulog ko eh.
15:19.9
Pag gising ko ngayon, malakas ako. So, every gising is a blessing.
15:23.9
So, gano'n lang yan. Accept ko na lang.
15:25.9
Pag buhay pa tayo, di go ulit.
15:27.9
Trabaho lang tayo.
15:29.9
Tsaka naman, itong mga sakit na ito, tandaan nyo ah.
15:32.9
Ito dapat tandaan. Walang permanent yan.
15:36.9
Paiba-iba lang yan. Baka last year ang masakit sa'yo, kaliwang likod.
15:41.9
Ngayon masakit naman sa'yo, kamay. Next time, tuhod naman.
15:45.9
Paikot-ikot lang yan. Okay lang yun.
15:48.9
Wala naman permanent. May panahon, 3 months, maghihirap ka sa sakit.
15:52.9
May panahon, 3 months, okay ka naman. Kalmado ka.
15:56.9
Diba? So, ayusin natin yung isip natin.
15:59.9
Huwag tayong makipag-away. Happy tayo. Tulong tayo. Gawin natin lahat na maayos.
16:04.9
And itong sakit eh, after the home remedies, dasal, tiis.
16:09.9
Para ma-minimize natin yung damage nitong mga sakit sa katawan.
16:14.9
Kasi part of life po talaga.
16:16.9
Sa pag nagkakaedad, hindi talaga maiiwasan ito.
16:20.9
Last na lang, naalala ko nung buhay pa yung tatay ko, lagi niya sinasabi,
16:24.9
mag-isa lang siya, nagsasalita siya mag-isa.
16:27.9
Nung isa nasa kwarto siya, nakasilip ako.
16:29.9
Nasabihin ng tatay ko dati, mahirap maging matanda.
16:33.9
Paulit-ulit siya. Mahirap maging matanda.
16:36.9
At that time, hindi ko naman naiintindihan. 30s lang ako noon.
16:40.9
Pero alam ko ang dami niyang nararamdaman sa katawan. Sakit dito, sakit dito.
16:44.9
So, tinitiis lang niya. So, lagi ko na rin naalala. Sinabi niya, mahirap maging matanda.
16:49.9
Pero kailangan pa rin natin gawin yung mission natin. So, ganito.
16:52.9
Happy ako gumawa ng content. Happy tayo tumulong.
16:55.9
At least kahit masakit ang katawan natin, may purpose naman ang buhay natin.
16:59.9
Yun lang. Yun lang po.
17:01.9
So, maraming salamat. Pakishare natin ito.
17:04.9
At hopefully, maibsan at least yung tamang mindset natin sa sakit.
17:09.9
Tiis lang. Huwag magpapatalo.
17:11.9
And one day, baka biglang mawala lahat yan. Hindi natin masasabi.
17:16.9
Salamat po. God bless po.