Close
 


ANG ANIHAN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 10:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa paghalat ng dilim, isang maikling sigaw ang narinig sa kanilang lugar.
00:04.9
Nang silipin ito ng isang taga-baryo, ano kaya ang kanya na nakita?
00:09.6
Ikukwento ko sa inyo ang kinahinatnan ng anihan.
00:17.9
Gabi ng ikadalawampu at lima ng Pebrero ng taong 2017,
00:22.6
isang dalawampu at limang taong gulang na magsasaka na si Akbar Salubiro
00:27.9
na mula naman sa maliit na nayon sa Indonesia.
00:31.5
Siya ay nagpunta sa tanima niya ng halaman na mga anahaw.
00:35.6
Daladala ang kanyang karit na ikinabit sa isang mahabang patpat.
00:40.0
Kinakalawit nito ang pulang bunga ng anahaw, saka pagbagsak nito sa lupa.
00:44.8
Isa-isa kanya itong pupulutin at titipunin, saka isasakay sa kanyang kariton
00:50.9
at iuwi sa kanyang tahanan upang kalaunan ay maiproseso at maibenta
00:56.8
bilang produsyon.
00:57.9
Bukto na mantika.
00:59.5
Kaya naman itong si Akbar tulad ng dati ay masipag na nanunungkit
01:04.0
ng nanunungkit ng bunga ng anahaw.
01:07.5
Katulad ng araw-araw niya naman na ginagawa.
01:10.7
Ngunit ang kakaiba sa araw na ito ay wala ang kanyang buong pamilya.
01:15.5
Siya lamang ang naiwan sa tahanan nila.
01:18.0
Daladala ng kanyang may bahay ang kanyang mga supling.
01:20.8
Binisita nila ang kanyang biyanan sa kabilang bayan.
01:24.0
Kaya naman napagpasyahanan itong si Akbar na ayos lang
01:27.5
kung gagabihin siya.
01:29.1
Wala namang naghihintay sa kanya.
01:31.7
Kaya kung noon ay hapon pa lamang ay nagmamadali na siya na umuwi.
01:36.7
Takip silim na ay nanunungkit pa siya ng mga bunga.
01:40.5
Malamang malaki-laki ang kikitain niya ayon sa isip-isip niya.
01:45.3
Tila ba napasarap ang pag-aani nitong si Akbar?
01:48.1
Nakalimutan niya na magtatakip silim na.
01:51.4
Nang mapansin ito na tila ba dumidilim na,
01:54.2
bumalik sa kanyang ala-ala na ang lugar na ito,
01:57.5
ay hindi ligtas para sa mga tao.
02:00.1
Kaya naman dali-dali nitong tinipon ang mga bunga na kanyang nakuha
02:04.1
at isinakay sa kanyang kariton.
02:06.8
Nang matapos na ang madalian nito na pagliligpit,
02:10.1
agad itong umalis upang siya na ay makauwi.
02:13.0
Nang gabing iyon, isa sa mga taga na iyon ay nakarinig
02:16.4
ng tila ba maikli ngunit malakas na palahaw.
02:20.1
At dahil nga nakaidlip ito,
02:22.2
hindi nito masyadong maiproseso ang tunog na sa kanya ay gumising.
02:26.9
Kaya naman,
02:27.5
kaya naman lumabas ito ng bahay,
02:29.6
lumingali nga ito sa paligid.
02:31.5
Tila ba nagmula ang sigaw sa parte ng taniman ng anahaw?
02:36.5
Ito ay malapit-lapit sa gitna ng kagubatan.
02:40.2
Ngunit hindi malaman ng tagabayan kung ito ba ay palahaw
02:43.5
ng dalawang hayop na nag-aaway,
02:45.8
pusa ba o baka naman naipit na unggoy.
02:49.1
Ito ay dahil malakas man,
02:52.0
maikli namang masyado ang narinig niya na pagsigaw.
02:55.5
Kaya naman dahil sa kadilisan,
02:57.5
ay wala na rin ito na makita pa.
03:00.9
Nagpa siyang taganayo na muli pumasok na lamang sa kanyang bahay
03:05.0
at ituloy ang kanyang masarap na naudlot na pagtulog.
03:10.1
Kinabukasan pagsapit ng hapon,
03:12.4
nagayak na ang isa sa mga tagabaryo.
03:15.1
Pupunta na ito sa taniman niya ng anahaw
03:17.6
at dahil nga panahon ng anihan,
03:20.4
ay magagapas na ito.
03:22.6
Ito ay ang kanyang itinuturing nakabuhayan.
03:24.9
Ngunit bago pa ito ay makarating sa taniman,
03:27.7
dumaan muna ito sa tahanan nitong si Akbar.
03:30.5
Kadalasan sumasabay ito sa kanya
03:32.3
at dalawa sila na nagpupunta sa taniman
03:34.9
upang may kakwintuhan naman siya sa daan.
03:38.3
Ngunit nang makarating ito sa tahanan ng kaibigan,
03:41.3
ay nagtaka ito na tila ba,
03:43.0
hindi pa nakahanda ang kaibigan niya.
03:45.7
Gayon sa parehong oras,
03:47.6
madalas ay nasa labas na ito
03:49.5
at inihahanda ang kanyang kagamitan.
03:51.9
Sa paglingon nito sa mismo na tahanan,
03:55.2
ay mas lalo pa ito na nagulumihanan.
03:57.8
Nakasarado ito ng maigi,
03:59.9
maging ang mga kortina ay nakapinid din.
04:02.9
Tila ba walang katao-tao sa tahanan ng kanyang kaibigan?
04:07.0
Sa isip niya, hindi ito normal.
04:09.1
Bakit wala si Akbar?
04:10.7
Mas lalo pang nagulumihanan ang kaibigan
04:12.9
na maging ang karito nito ay wala rin sa kanyang bakuran.
04:17.1
Kaya naman pilit nitong inalala,
04:18.7
kailan nga ba niya huling nakita ang kaibigan niya?
04:22.2
Sabay sagot din sa sariling tanong niya,
04:24.4
kahapon ng hapon, huli ko siya na nakita.
04:27.8
Nagpaiwan ito sa taniman.
04:29.8
Kaya naman sa pag-aalala ay kinatok nito ang bahay ni Akbar.
04:33.7
Tama ang hinala niya, wala doon ang kaibigan niya.
04:37.4
Agad na nagpa siya ito, natanungin ang tiyuhin nitong si Akbar.
04:41.3
Nang makaharap nito ang tiyuhin ng kaibigan,
04:43.7
ikinuwento niya sa kanya ang kanyang pag-aalala.
04:46.3
Kaya naman sabay na bumalik sila sa tahanan nitong si Akbar,
04:50.1
kinatok muli nila ang kanyang pintuan at saka pinilit na ito ay buksan.
04:55.8
Ngunit tila ba wala talaga doon?
04:57.5
Doon ang hinahanap nila at dahil wala doon ang kariton,
05:01.6
alam nila na wala rin doon ang pamangkin niya.
05:04.8
Ayon sa kanyang tiyo na hindi nito iiwan ang basta-basta ang gamit niya sa kabuhayan.
05:10.9
Dito kinutuban sila na may maling nangyari na sa pamangkin niya.
05:14.9
Kaya naman agad na tinawag ng tiyuhin nito ang mga taga-nayon
05:18.2
at saka sa kanila ay humingi ng tulong.
05:21.7
Daladala nila ang kanilang matatalas na mga sandata.
05:24.7
Nagsimula na nilang suyurin ang buong kagubatan papunta sa taniman.
05:30.3
At dahil inabot na nga sila ng dilim,
05:32.6
ang tanging-tanglaw lamang nila ay ang kanilang mga daladala na lampara.
05:37.0
Hataw dito, hataw doon.
05:39.1
Hanap dito, hanap doon.
05:41.0
Tawag dito, tawag doon.
05:43.3
Ngunit tila ba walang Akbar na sa kanila ay sumasagot?
05:47.2
Hanggang sa ang isa sa kanila ay nakarating sa isang direksyon
05:50.1
kung saan natagpuan nito ang mga pulang bunga ng anahaw.
05:54.8
Tila ba ito ay kapipitas lamang?
05:57.3
Ngunit ito naman ay nakakalata sa mga damuhan.
06:01.4
Agad nitong tinawag ang kanyang mga kasamahan
06:03.5
at sa parte ng kagubatang ito,
06:06.2
masinuyod pa nila ang daan na tinatahak.
06:09.4
Sa isip-isip nila na malamang malapit lamang dito
06:12.4
ang kinaruroonan nitong si Akbar.
06:15.4
Baka ito ay naaksidente at nawalan ng malay.
06:18.0
Baka naman ito ay nahulog kung saan.
06:20.8
Kailangan na siya ay agad nila namasakluluhan.
06:23.8
Hataw dito, hataw doon.
06:26.3
Hanggang sa isa sa kanila ay malakas na sumigaw
06:29.4
at saka ito ay may hinataw ng hinataw.
06:32.8
Kalaunan, lumabas na ang tunay na naging kaganapan.
06:37.2
Nang gabing iyon, itong si Akbar ay nagmamadali na upang makauwi sa kanila
06:41.5
matapos na maalala na hindi ligas ang kagubatan para sa tao na katulad niya.
06:46.4
Pulot dito, pulot doon.
06:47.9
Sa parte kung saan nakikita ng mga taga nayon
06:51.3
ang kalat-kalat na bunga ng anak.
06:53.8
Nagsimula nang itulak nitong si Akbar ang kanyang punong-punong kariton.
06:57.8
Inakala ng magsasaka na mag-isa lamang siya sa pag-aani niya.
07:02.8
Ngunit hindi nito napansin na sa kanya ay may dalawang mga mata
07:07.8
na nakamasid at nag-aabang sa bawat kilos niya.
07:11.8
Dahan-dahan ito ay papalapit na papalapit sa kanya hanggang sa wakas.
07:16.8
Mula sa kadiliman, ang isang dalawampu at tatlong talampakang sawa ay umataki na.
07:23.8
Sa kanyang biktima.
07:25.8
Sinagpang ng sawa ang likurang bahagi ng leeg ng kanyang biktima.
07:29.8
Sa tindi ng lakas ng sawa ay hindi na nakita nitong si Akbar kung ano ang bumaon sa kanya.
07:36.8
Ang tanging nagawa lamang niya ay magpakawala ng malakas ngunit maikli na palahaw.
07:43.8
Na siya namang gumising sa taga baryo ngunit hindi na nasundan pa ang sigaw nayon.
07:48.8
Dahil huhugot pa lamang siya muli ng lakas at hininga.
07:52.8
Agad na pumulupot na ang malahiganting ahas sa kanya.
07:56.8
Pahigpit ng pahigpit ang lingkis hanggang sa nangabali na ang buto sa buong katawan niya.
08:03.8
Ang estilo po mga katinagalog ko ng mga sawa dahil wala po silang kamandag o venom ay lakas ng kanilang kalamnan sa kanilang katawan ang kanilang pinaiiral.
08:14.8
Hindi na rin nila ang hinunguyapa ang kanilang mga nasisila sa halip nginangasab nila ito ng buo.
08:21.8
Gamit papasok ang pangil nito na itinutulak ang kanyang pagkain.
08:26.8
Papasok naman sa nadidistrong kanya na bunganga.
08:30.8
Saka ang muscle o ang kalamnan ng katawan nito ay sabay-sabay na gumagalaw upang makapasok sa tiyan ng buo ang kinakain nito.
08:39.8
Saka ito ay dahan-dahan at matagal natutunawin.
08:43.8
Kaya naman dito nakuha ang kasabihan na hindi nakagagalaw ang sawa kapag ito ay busog na busog.
08:50.8
Sa pagtabas ng taganayon ng damo, napasigaw ito.
08:54.8
Tumambad sa kanyang harapan ng isang sawa na busog na busog.
08:58.8
Nagulantang ang taganayon dahil sa hugis ng tiyan ng sawa.
09:03.8
Kaya agad nitong kinuha ang kanyang matalas na tabak at saka ang sawa ay kanyang initak ng initak.
09:10.8
Doon natantun nila na kaya pala hindi nakauwi itong si Akbar ay dahil naging hapunan na siya ng kanilang natagpuan na sawa.
09:18.8
Nang kanilang buksan ng tiyan ng sawa, doon natantun nila na nahuli na sila upang iligtas ang kapwa kabaryo nila.
09:26.8
Sa tiyan ng sawa ang naging kasawian niya.
09:29.8
Nang dumating ang mga otoridad, positibong kinilala ng pamilya nitong si Akbar ang kanyang mga labi.
09:35.8
Mga katinagalog ko, nakarinig na po ba kayo ng kaparehong ganitong kwento dito sa Pilipinas?
09:42.8
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim.
09:46.8
Upang sama-sama naman po.
09:47.8
Na ito ay ating basahin.
09:49.8
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa isa na namang segment natin sa araw na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.