Close
 


GABI NG LAGIM: RED FLIGHT 666 | Hilakbot Aswang Stories
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Thank you for listening to GABI NG LAGIM: RED FLIGHT 666 | Hilakbot Aswang Stories 🔴 ILI-ILI MUSIC BY ► Flor Ristagno (Cover Version Slowed) | Norimichi Teves (Musicbox / Piano Version) © Draven Black x HILAKBOT TV Aswang Anthology | 2024
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 20:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hi-ti-hi-li-to na ka-tay, wala't ti-ti-hi-mo'y na-tay
00:12.4
Napalingon si Michael sa katabing babae na hindi napigilan ang pagsuka habang lumilipad ang eroplanong sinasakyan nila.
00:22.6
Inilabas nito ang galing sa kanyang bibig sa hawak na paper bag at pagkatapos ay dumukot ng tisyo sa bulsa.
00:34.5
Muli niyang ibinaling ang atensyon sa bintana.
00:38.5
Habang naglalakbay sa himpapawid ng eroplano, ay lumilipad din ang isip niya sa nakaraan na naging daylan kaya siya napilitang umalis ngayon.
00:50.7
Masama pa rin ang loob niya.
00:52.6
Masama pa rin ang loob niya sa mga magulang na kung ituring siya ay salot.
00:57.5
Nagmula siya sa pamilya ng mga aswang at kahapon ginanap ang ikadalawamput dalawang kaarawan niya.
01:06.3
Ang nakatakdang araw na inihintay na mga magulang niya para maipasa sa kanya ang malaging na pagkatao.
01:19.3
Noon pa man ay matagal na siyang tutol na maging aswang.
01:22.6
At ilang beses na rin niyang binalak lumaya sa kanila dahil sa pagmamaltrato rin sa kanya ng sariling pamilya.
01:32.1
Inaabuso siya ng mga ito dahil ayaw niyang mapabilang at maging katulad nila.
01:40.8
Dahil sa eskwelahang pinasukan, nadala ni Michael sa kanyang paglaki ang paniniwala na ang mga aswang ay masasama at hindi katanggap-tanggap sa Diyos.
01:53.1
Sila ay mga alagad daw ng demonyo at tiyak na salot sa lipunan.
02:01.9
Nasanay na rin siya sa mga kaibigan niyang makadyos at religyoso na nagturo sa kanya para maging mabuting tao.
02:09.9
Dahil doon ay hindi na siya pinatapos ng pamilya sa kolehyo.
02:15.8
Wala na rin balak ang mga ito na paaralin siya sa kahit na anong unibersidad.
02:21.5
Dahil naniniwala siya sa mga ito na paralin siya sa kahit na anong unibersidad.
02:21.9
Dahil naniniwala siya sa mga ito na paralin siya sa kahit na anong unibersidad.
02:22.6
Wala ang mga magulang niya na pare-pareho lang na may bahid ng relihiyo ng lahat sa paaralan ng Pilipinas.
02:31.6
Hindi maintindihan na mga ito kung bakit madali siyang maimpluwensyahan ng mga religyosong tao na kabaligtara ng paniniwala sa pamilya nila.
02:43.4
Kung si Michael ang tatanungin, wala naman siyang pinagsisisihan sa landas na kanyang pinili sa buhay.
02:50.7
Kahit nagmula siya sa angkan na mga aswang, pinipilit pa rin niyang makibagay sa mga normal na tao.
02:59.9
Subalit mula nang sumapit ang kaarawan niya ay hindi na niya ito nagawa.
03:05.9
Dahil tuwing gabi ay hindi niya mapigilan ng sarili sa pagpapalit ng anyo.
03:11.5
At tuwing magbabago ang kanyang anyo ay hindi niya mapigilang kumain ng tao o ng ligaw na hayop.
03:18.7
Kaya ngayong nakahanap ng pagkakataon para makatakas ay hindi na pinalagpas ni Michael.
03:27.4
Ito na yun, ang matagal-tagal na rin niyang hinihintay, ang magpakalayo-layo na nga sa pamilya.
03:48.7
Naisipan niyang bumiyahe patungong Maynila upang tuluyan siyang makalayo sa mga magulang
03:56.7
dahil batid niyang masusundan pa rin siya ng mga ito kapag sa Cebu lamang siya nagtago.
04:04.3
Kahit alam niyang wala siyang uuwian na mga kamag-anak o kakilala man lang sa Maynila
04:09.4
ay hindi siya nag-atubiling lumuwas roon para lang makalayo ng tuluyan sa pamilyang itinuturin niyang salot.
04:18.7
Naputol ang pagbabaliktanaw ni Michael nang siya nga ay tuluyang makatulog sa kinasasandalan.
04:27.9
Hindi na niya napansin ang paglabas ng mabahong hininga sa kanyang bibig na nagmumula sa kapangyarihan ng itim na sisiw sa loob ng katawan niya.
04:40.6
Ang itim na sisiw na ito ang ipinasok sa kanyang katawan noong magdiwang siya ng kaarawan
04:47.3
para maging ganapin.
04:48.7
At tuwing maglalabas ito ng mabahong amoy sa kanyang bibig,
04:55.7
nagbabadyana ang hindi magandang pangyayari.
05:03.8
Ang amoy na iyon ay otomatikong kumalat sa buong aircraft.
05:10.6
Napatakip tuloy ng ilong ang halos lahat ng pasahero at halos iisa ang tanong,
05:16.7
San galing ilong?
05:18.7
Yun.
05:20.7
Sagot ng katabi nung isang pasahero,
05:24.0
baka daw may umotot.
05:27.0
Sabi naman ang nasa likuran na nakaupo,
05:31.3
Grabe namang otot yun!
05:33.1
May ganun bang klaseng otot?
05:35.1
Amoy nabubulok na bangkay eh!
05:38.7
Ang tatlong iyon ay patungo rin sa Maynila para bumisita sa gaganaping reunion nila na mga kaklase noong high school.
05:48.7
Agad din namang nawala ang amoy, kaya nakahinga na rin ng maluwagang tatlo.
05:54.6
Ay, buti naman nawala na.
05:58.3
Wika ni Azzy na tinanggal pa ang panyo sa ilong.
06:04.2
Kainis, matagal pa ba tong flight na to? Parang gusto ko nang i-upload tong mga pictures ko sa IG.
06:12.4
Napalingon si Azzy kay Diwata.
06:15.6
Hoy, bahawal na gumamit ng cellphone dito sa loob.
06:18.7
Kung hindi ka makatiis, i-flight mode mo na lang.
06:24.7
Ayun na nga eh!
06:26.3
Eh di hindi ko rin magagamit yung internet ko kung ganun.
06:30.3
Eh di matuto ko ang maghintay, girl.
06:33.0
Alam mo namang bawal dito ang internet.
06:35.5
Hindi ka pa makakapag-cellphone na walang internet?
06:38.6
Ay malamang hindi!
06:40.5
Natural!
06:41.9
Ano ba bang silbi ng phone kung walang internet, diba?
06:45.8
Eh, ewan ko sayo.
06:47.6
Puro ka reklamo.
06:48.7
Matulog ka nalang dyan para pagising muna sa Maynila na tayo.
06:54.1
At doon nagwakas ang usapan nila.
06:58.3
Pinilit na lang na matulog ni Diwata sa kinauupuan habang si Azzy naman ay nagpapatugtog sa offline music player ng cellphone niya.
07:08.9
Si Lay na nasa likuran ay hindi pa rin mapakali at pabalik-balik ang tingin niya sa kanyang salamin at panayang retouch sa makeup.
07:18.7
Umagaw sa pansin niya ang isang lalaki sa kabilang seksyon ng seats.
07:24.6
Nanginginig ang buong katawan nito habang tumitirik ang mga mata na halos namumuti na.
07:32.6
Sa palagay niya ay para itong sinasapian.
07:37.0
Napahinto sa pananalamin si Lay at pinagmasdan ang lalaki.
07:42.5
Kitang-kita niya ang tila pagbula ng balat nito na para bang may nais kumawala sa lalaki.
07:48.7
Ilang sandali pa, bigla itong tumayo sa kinauupuan at nagtungo sa CR sa bandang dulo.
08:00.7
Doon ibinalik ni Lay ang atensyon sa salamin at muli nang nagpaganda.
08:07.5
Ano kayo nangyari doon?
08:10.4
Bulong niya sa kanyang sarili habang naglalagay pa ng foundation sa muka.
08:16.7
Hindi na nakapagpipigot.
08:18.7
Sigil si Michael na magtago sa banyo dahil kumakawala na naman sa pagkatao niya ang pagiging aswang.
08:27.7
Inabutan siya ng gabi sa flight kaya hindi niya mapigilan ang paglabas ng sumpa sa kanyang katawan.
08:36.1
Ilang oras siyang nakaupo sa loob ng banyo habang pilit pinipigilan ang dugong aswang na ngayon ay kumakawala na sa kanyang pagkatao.
08:47.9
Halos pa.
08:48.7
Pagpawisa na siya roon.
08:51.3
Napilitan na rin siyang tawagin ang pangalan ng mga santo pero wala pa rin pagbabago.
08:57.8
Hanggang sa makita na lang niya ang paghaba ng kanyang makuko.
09:03.0
Doon kumabog ng malakas ang dibdib ni Michael.
09:07.0
Mukhang matitsyempuhan pa yata siya sa loob ng eroplanong iyon na nasa kalagitnaan pa ng biyahe.
09:16.7
Parang awa mo na.
09:18.7
Huwag.
09:23.6
Huwag.
09:29.8
Lahat ay ginawa na niya para pigilan ng sarili subalit wala rin siyang nagawa sa huli.
09:38.3
Hindi na niya napigilan ang sunod-sunod na pagbabago ng anyo.
09:42.9
Tinubuan na siya ng makakapal na balahibo sa katawan.
09:46.1
Napaawang ang bibig sa paglabas ng matatalim na pangil at naging pula ang kulay ng mga mata nito at naging parang hayop ang hulma ng katawan.
09:59.1
Makailang segundo pa.
10:01.4
Ganap nang naging aswang si Michael.
10:05.9
Hindi na niya alam kung anong susunod na mangyayari.
10:16.1
Sa kalagitnaan ng pagpapaganda ay bigla namang naramdaman ni Leigh ang tawag ng kalikasan.
10:29.0
Agad siyang dumukot ng tisyo sa bag at tumakbo sa banyo.
10:33.9
Pagbukas niya sa pinto ng CR.
10:36.9
Bumungad sa kanya ang isang nilalang na nagpalundag sa puso niya.
10:44.1
Bago pa siya makalikha ng inyong puso, siya ay magpapalundag sa puso niya.
10:46.1
Sa puso niya ay hinila na siya nito patungo sa loob at doon tuluyang nagwala.
10:53.4
Mahigit kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ng banyo si Leigh.
11:03.1
Naisipan ni Azzy na sundan na ito sa banyo.
11:07.6
Bago pa man siya makatayo ay may sumigaw na sa kanyang likuran.
11:13.2
Lahat tuloy na mga pasahero ay napaligaw.
11:16.1
Nagingun sa gawin na iyon at laking gulat nila nang makita ang isang lalaki sa pinakadulo ng cabin.
11:25.9
Puno ng kalmot ang katawan nito at wala nang buhay.
11:30.9
Butas din ang likod at wala na ang puso nito.
11:35.8
Nagkumpulan na mga tao para makita ang lalaki.
11:39.3
Ayon sa asawa nito, nagising na lang daw itong nakaramdam ng tila hayop na dumaan sa paanan nila.
11:46.1
At paglingon niya sa asawa niya ay wala na itong buhay at tad-tad na ng kalmot ang katawan.
11:54.4
Pinilit ginising ni Azzy si Diwata para ipakita ang lalaking walang buhay sa bandang dulo ng eroplano.
12:02.4
Pati ito ay nagulat at halos masuka-suka.
12:06.4
Sa labis na pagkukumpulan ng mga tao ay hindi na nila napansin ang pagdaan ng isang pusang itim sa paanan nila.
12:15.1
Napilitang magkukumpulan.
12:16.1
Magtungo si Azzy sa banyo para tawagin ang kaibigang naroon pa rin hanggang ngayon.
12:22.7
Kinatok niya ito at tinawag.
12:25.2
Uy, Lei, hindi ka pa ba tapos dyan? May nangyayari na nga dito, hindi ka pa tapos?
12:31.9
Paulit-ulit niyang tinawag ang babae pero nagtaka siya ng walang tumutugon sa loob.
12:39.0
Napilitan na lamang siyang buksan ang pinto at gayon na lang ang lakas na kanyang sigaw
12:45.3
nang makita na wala nang buhay ang kanyang kaibigan.
12:53.5
Bumulaga sa kanya ang wala nang buhay na katawan ni Lei na naliligo sa pulang likido habang nakaupo pa rin sa inidoro.
13:03.3
Tulad ng lalaki, ay punong-puno din ng kalmut sa katawan ang kanyang kaibigan ngunit ang pinagkaiba.
13:11.3
Ulo naman nito ang butas at wala na ang otak doon.
13:15.3
Lumapit na rin ng ilang mga tao sa kanya dahil sa lakas ng sigaw.
13:20.3
Maging ang mga ito ay napasigaw rin nang makita ang bangkay ng babae sa loob ng banyo.
13:27.3
Doon nagkagulo ang lahat ng mga pasahero.
13:32.3
Wika ng isang matandang pasahero.
13:35.3
May nakapasok yatang killer dito! May kasama tayong killer!
13:41.3
Samantala, ang pusang itim naman ay nakapasok.
13:45.3
Nagtungo sa cockpit kung saan makikita ang dalawang piloto na siyang nagpapalipad sa eroplano.
13:52.3
Habang abala ang mga ito ay dumaan siya sa paa ng dalawang piloto.
13:58.3
Ilang sandali pa, bigla na lang naglulundag ang dalawa sa kanilang kinauupuan nang maramdaman ang malakas na kalmot sa kanilang mga paa.
14:09.3
Paglingon nila roon, isang pusang may mabalasik na anyo ang bumungad.
14:16.3
Nagngiyaw pa ito at umatake sa mukha ng pilotong nagpapalipad ng eroplano.
14:23.3
Napilitang umawat ang co-pilot kaya pati ito ay nadamay na rin.
14:29.3
Isang maliit na pusa lang ang kalaban nila pero halos wala silang kalaban-laban dito.
14:36.3
Taglay nito ang lakas na parang katulad sa sampung halimaw.
14:44.3
Pati ang mga cabin crew sa loob ng eroplano ay walang nagawa para iligtas ang dalawa kaya nilapitan na lang nila ang lahat ng pasahero at pinakalma ang mga ito.
14:56.3
Habang nagkakagulo naman ang mga tao ay biglang sumugod sa kanila ang isang pusang itim.
15:03.3
Lahat ng madaanan nito ay nagkakaroon ng malalaki at makakapal na kalmot sa kanilang mga balat.
15:11.3
Nagsigawan na ang lahat at kanya-kanya na ng tago.
15:15.3
Ang iba ay sinubukang labanan ng pusa subalit sunod-sunod na kalmot sa mukha ang natatamo nila.
15:22.3
Sobrang lakas ng pusang ito.
15:26.3
Nagagawa nitong butasin ang dibdib ng isang individual na manlalaban.
15:33.3
Dahil doon, nagtilian ang mga tao at ang iba ay nagsisampahan na si kinauupuan.
15:41.3
Hindi na nila alam kung saan tatakbo dahil napakaliit lamang ng eroplano.
15:47.3
Ang mga crew ay mangyak-nyak na lang sa tabi habang hindi na lalaman kung ano ang gagawin lalo na't patay na ang dalawang piloto.
15:58.3
Naliligo sa pulang likido ang mga ito
16:01.3
habang punong-puno ng kalmot sa buong katawan at parehong putol ang mga paa.
16:10.3
Di nagtagal.
16:13.3
Ang pusa ay unti-unting lumaki hanggang sa magbago ang hulma ng katawan.
16:19.3
Naging isang mabangis naman itong lobo na mas doble ang laki sa isang tao.
16:26.3
Kung maglakad at kumilos ito ay katulad din ng isang tao
16:29.3
at lalong naging madali para rito na paslangin isa-isa ang bawat taong makasalubungan sa loob ng aircraft.
16:40.3
Sa labas ng eroplano, makikita ang pagdanak ng pulang likido habang nagsisigawa ng mga taong nagmamakaawa para sa kanilang mga buhay.
16:53.3
Nagawa pa nga dumungaw ni na Azzy at Diwata sa bintana
16:57.3
at pilit nilang binubuksan iyon.
17:00.3
Subalit ilang sandali pa, hinugot ng dambuhalang nila lang ang kanilang mga leeg at binali na parang manika.
17:11.3
Bumuluwak din sa bintana ang kanilang sariwang dugo.
17:27.3
Pagkalipas na mahigit isang oras ay dahan-dahang bumaba ang eroplano sa destinasyon nito.
17:38.3
Agad itong nilapitan ng mga staff at otoridad at pagbukas nila ng eroplano.
17:45.3
Nagulat silang lahat sa biglang paglabas ng isang pusang itim.
17:57.3
Kumaripas ito ng takbo papalayo hanggang sa tuluyang maglaho sa paningin nila.
18:04.3
Nang pasukin nila ang eroplano, halos bumaligtad ang mga sikmura nila sa nasaksihan.
18:12.3
Napalitan ng pulang likido ang kulay ng loob ng eroplanong iyon.
18:20.3
Patay na ang lahat ng lula nito.
18:23.3
Kabilang ang dalawang piloto
18:25.3
at ang mga kasama nilang crew.
18:29.3
Lahat sila ay puno ng malalaking kalmot sa katawan habang ang iba,
18:35.3
kung hindi butas ang dibdib,
18:38.3
ay wakwak ang tiyan.
18:55.3
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media.
19:04.3
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media. Check the links sa description section.
19:11.3
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
19:19.3
Suportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horror stories.
19:25.3
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
19:31.3
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
19:39.3
Mga Solid HTV Positive! Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na suportahan ng ating bunsong channel ang pulang likido animated horror stories.
19:51.3
Subscribe na!
19:52.3
Or else...
19:55.3
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio!
20:04.3
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!