* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sa isang mainit na disyerto sa bansang Yemen ay matatagpuan ng isang misteryosong butas sa lupa.
00:12.4
Ito ay tinatawag na Balon ng Empyerno.
00:16.0
Tinatayang meron itong lawak na 30 meters at lalim na 112 meters.
00:22.4
Pinamumugaran daw ito ng mga masasamang nilalang o espiritu.
00:26.6
Sabi naman ang iba, ito daw ay kulungan ng mga demonyo.
00:31.8
Napakasangsang ng amoy na nagmumula sa butas na ito at sinasabing nakakalason ang tubig nito.
00:39.0
Dahil sa mga kwentong ito, kinatatakutan itong puntahan ng mga tao.
00:43.9
Ang iba nga ay iniwasang pag-usapan ito dahil sa pangambang magdadala ito ng kamalasan o kamatayan sa kanilang buhay.
00:52.4
Pero noong 2021, isang grupo ng siyentipiko,
00:56.6
ang naglakas ng loob na pasukin ang butas at sila ay nagulat sa kanilang natuklasan.
01:03.6
Ano kaya ang kanilang nadiskubre?
01:05.7
Nakaharap kaya nila ang mga masasamang nilalang o demonyong sinasabing nakatira sa Balon?
01:14.8
Sa disyerto ng Almara Province ay matatagpuan ang Well of Barut o mas kilala sa bansag na Well of Hell.
01:23.5
Sa loob ng milyon-milyong taon,
01:25.8
ang butas na ito ay nababalot ng misteryo at kung anong-anong istorya ng lagim.
01:32.1
Iba-iba man ang kwento, nagkakaisa naman sila sa paniniwalang ito ay puno ng kasamaan at dapat iwasan.
01:40.2
Para sa mga ilang nakalapit sa butas at nakalanghap sa mabahong amoy na nagmumula rito,
01:46.1
sinasabing ito daw ang bungangan ng impyerno at siyang daan patungo sa kulungan ng mga demonyo.
01:52.7
Yung iba naman ay naniniwalang isa itong sikretong,
01:55.8
bilangguan ng mga wish-granting genies o yung tinatawag nilang djinn.
02:00.8
Pinaniwalaan na ang nasa balon ng Barut ay yung masasamang klase ng djinn na kung tawagin ay efret.
02:07.8
Bukod dito, may mga hinala din na baka isa lamang itong natutulog na bulkan na kayang gunawin ang mundo sa oras na sumabog ito.
02:16.8
Hinala rin ang mga siyentipiko na baka isa raw itong pinggo, isang burol ng ice na nababalot ng lupa sa ibabaw.
02:23.8
Posible daw na ito ay isa lang itong pinggo, isang burol ng ice na nababalot ng lupa sa ibabaw.
02:24.8
Posible daw na nag-collapse ang pinggo nung matunaw yung ice formation sa ilalim at bumuo ng isang butas.
02:31.8
Pero ayon naman sa propesor ng Glaciology at Paleoclimatology sa Kiel University na si Chris Fagwill,
02:38.8
isa raw itong sinkhole na risulta ng pagguho ng limestone.
02:43.8
Pero ang lahat ng mga hakahakang ito ay walang patunay,
02:47.8
at ang balon ay mananatiling simbolo ng kadiliman at kasamaan hanggat walang naglalakas ng loob na pasunod.
02:54.8
Kaya naman ang burog ni si Chris Fagwill ang mag-iisa na magkasasok ng isang butas.
02:59.8
Pero noong September 2021,
03:01.8
isang grupo mula sa Oman, ang Oman Cave Exploration Team, ang buong tapang na pinasok ang butas sa ngalan ng siyentsya.
03:10.8
Sila ang kauna-unahang grupo na matagumpay na nakapasok sa ilalim nito.
03:16.8
Isa sa kanila ang geology professor ni si Mohammed Alkindi ng German University of Technology sa Oman.
03:22.8
Sa unti-unting pagbabasa lubid ng mga siyentipiko, hindi nagbabagang apoy ang kanilang natuklasan, kundi mga nagagandahang stalagmites at waterfalls.
03:33.8
Kamanghamangha din ang mga kulay-berding cave pearls o mga bilugang bato na nabuo sa build-up ng mga minerals.
03:40.7
Sa halip ng mga evil genies, iba't ibang hayop gaya ng palaka, ahas at mga salagubang ang sa kanila ay bumulaga.
03:48.9
At ang mabahong amoy na pinaghihinala ang alingasaw na nagmumula sa mga demonyo ay ang masangsang na amoy pala ng nabubulok na laman ng mga patay na ibon at iba pang hayop.
04:01.3
Pinaniniwala ang nahulog ang mga ito sa butas at namatay.
04:05.1
Ang tubig sa balo na sinasabing nakakalason ay buong tapang natinikman ng profesor na si Alkindi.
04:12.3
Bukod sa hindi naman siya nagkasakit o namatay, itinuturing niya itong pure fresh water.
04:17.9
Walang nakitang bahid ng kasamaan ang mga siyentipiko sa kanilang pag-explore sa loob ng balon.
04:24.5
Sa halip ay mga bagong tuklas na maaaring magbigay linaw kung paano nabuo ang butas at kung anong klaseng ekosistem meron ito.
04:33.3
Sa katunayan, di nga daw natatakot ang mga siyentipiko sa mga alamat at kwento.
04:38.5
Mas pinangangambahan nila na posibleng may mga di sumabog na bomba sa balon.
04:43.6
Dahil kasi sa nagaganap na civil war sa Yemen mula pa noong 2004,
04:48.7
binobomba ang mga kuweba na maaaring pinagtataguan ng mga tao.
04:53.4
Kaya naman kung malalaman mo ang world's worst humanitarian crisis na dinanas ng may libo-libong namatay
05:00.5
at milyon-milyong nawala ng tirahang mga Yemeni,
05:04.0
masasabi mong wala sa loob ng butas ang impyerno, kundi nasa labas nito.
05:09.3
Kung nagustuhan niyo po ang content natin ngayon, pakicomment ng big yes.
05:13.9
This is your Ate O from our Republic, hanggang sa muli and stay awesome!