Close
 


It's Zoey's 2nd transplant birthday!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Parang kelan lang nang sumailalim sa bone marrow transplant ang aming panganay na anak na si Zoey dahil sa kanyang sakit na leukemia. Hinding hindi kami magsasawa na ikuwento kung paanong mula sa agaw-buhay na sitwasyon, si Zoey ay matapang na lumaban at humarap sa pinakamatinding pagsubok na dinaanan. Sa tulong at awa ng Panginoong Diyos, napakasigla na muli ng aming anak at ninanamnam ang Himala ng kanyang pangalawang buhay. Marami pang bata na may ganitong karamdaman o kaparehong kalagayan kagaya ng aming pinuntahan sa Baguio City. Nakakalakas sila ng loob lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa. Kaya anuman ang inyong pinagdadaanan, wag na wag sana kayong bibitiw dahil miracles happen kung may buo at walang pag-aalinlangan ng tiwala sa Panginoong Lumalang sa atin. #anthonytaberna #katunying #tuneinkaytunying #zoeys2ndtransplantbday #miracleshappen #helpinghandshealinghearts
Tune In Kay Tunying
  Mute  
Run time: 06:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Madalas po nating marinig ang kasabihang ang ating mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan.
00:06.3
Subalit, meron pong mga kabataan na hindi naging kasingpalad ng iba dahil sanat sila sa ilang mga pangangailangan.
00:14.9
Narito po ang pagbisita ng ating team sa Helping Hands Healing Hearts Ministries sa nunsod ng Baguio.
00:24.0
Bawat tao, iba-iba ang sukatan ng tagumpay.
00:27.5
Pero para sa isang magulang, marahil ang pinakatagumpay para sa amin ay ang makita ang aming mga anak na masaya, malusog at nag-i-enjoy sa kanilang buhay.
00:41.4
Kaya naman, araw-araw ang aming pasasalamat sa Panginoon Diyos dahil sa panibagong buhay na Kanyang ibinigay sa aming panganay na anak na si Zoe.
00:52.5
Si Zoe po ay nagsa-celebrate ngayon ang kanyang second transplant day.
00:57.5
Dalawang taon na rin mula nang siya ay sumailalim sa bone marrow transplant mula sa isa pa naming anak na si Helga at ito ay dahil sa kanyang naging sakit na leukemia.
01:14.4
Simula po noong dugtungan ng ama ang buhay ni Zoe, ay ipinagdiriwang namin ang kanyang transplant birthday kung tawagin.
Show More Subtitles »