Close
 


It's Zoey's 2nd transplant birthday!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Parang kelan lang nang sumailalim sa bone marrow transplant ang aming panganay na anak na si Zoey dahil sa kanyang sakit na leukemia. Hinding hindi kami magsasawa na ikuwento kung paanong mula sa agaw-buhay na sitwasyon, si Zoey ay matapang na lumaban at humarap sa pinakamatinding pagsubok na dinaanan. Sa tulong at awa ng Panginoong Diyos, napakasigla na muli ng aming anak at ninanamnam ang Himala ng kanyang pangalawang buhay. Marami pang bata na may ganitong karamdaman o kaparehong kalagayan kagaya ng aming pinuntahan sa Baguio City. Nakakalakas sila ng loob lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa. Kaya anuman ang inyong pinagdadaanan, wag na wag sana kayong bibitiw dahil miracles happen kung may buo at walang pag-aalinlangan ng tiwala sa Panginoong Lumalang sa atin. #anthonytaberna #katunying #tuneinkaytunying #zoeys2ndtransplantbday #miracleshappen #helpinghandshealinghearts
Tune In Kay Tunying
  Mute  
Run time: 06:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Madalas po nating marinig ang kasabihang ang ating mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan.
00:06.3
Subalit, meron pong mga kabataan na hindi naging kasingpalad ng iba dahil sanat sila sa ilang mga pangangailangan.
00:14.9
Narito po ang pagbisita ng ating team sa Helping Hands Healing Hearts Ministries sa nunsod ng Baguio.
00:24.0
Bawat tao, iba-iba ang sukatan ng tagumpay.
00:27.5
Pero para sa isang magulang, marahil ang pinakatagumpay para sa amin ay ang makita ang aming mga anak na masaya, malusog at nag-i-enjoy sa kanilang buhay.
00:41.4
Kaya naman, araw-araw ang aming pasasalamat sa Panginoon Diyos dahil sa panibagong buhay na Kanyang ibinigay sa aming panganay na anak na si Zoe.
00:52.5
Si Zoe po ay nagsa-celebrate ngayon ang kanyang second transplant day.
00:57.5
Dalawang taon na rin mula nang siya ay sumailalim sa bone marrow transplant mula sa isa pa naming anak na si Helga at ito ay dahil sa kanyang naging sakit na leukemia.
01:14.4
Simula po noong dugtungan ng ama ang buhay ni Zoe, ay ipinagdiriwang namin ang kanyang transplant birthday kung tawagin.
01:27.5
Sa kanyang unang transplant birthday noong 2023, nagtungo tayo sa Childhouse sa Maynila upang magbigay ng konting kasiyahan.
01:38.3
Ang Childhouse po ay isang pansamantalang tirahan para sa mga batang may sakit na cancer.
01:45.2
At ngayon naman, sa kanyang second transplant birthday, binisita naman natin ang Helping Hands Healing Hearts Ministry sa Baguio.
01:53.9
Dito sa Helping Hands, matatagpuan ang mga batang nasa masayalang sitwasyon at nangangailangan ng tirahan at tulong, mapamedikal, psychological o trauma intervention.
02:11.9
Nakakapanlambot po ng puso na makita ang mga batang ito dahil sa kabila ng kanilang mga sakit, kakulangan o mga problema,
02:21.1
ay wala ni katiting nabakas ng pagdaramdam sa kanilang mga mukha.
02:28.5
Sa halip, punong-puno pa rin ang pagmamahal ang kanilang puso at damang-dama po ninyo ito sa kanilang mga pagyakap.
02:42.4
Sa pangunguna ng kanilang founder na si Claire Gaudy Henderson,
02:47.5
nagbibigay ng iba't ibang programa ang Helping Hands,
02:50.3
kabilang na diyan ang Children's Recovery Unit at Children's Home.
02:56.1
Nasa Recovery Unit ang mga batang na discharged sa ospital pero mahina pa at nangangailangan ng mga gamot at pag-aalaga,
03:04.9
bagay na hindi kayang ibigay ng kanilang mga pamilya.
03:10.5
Marami sa mga bata rito ang tumagal hindi lang ng araw o linggo, kundi maging buwan at taon.
03:17.8
Sa kaso ng mga batang,
03:20.3
may cancer treatments.
03:24.0
Sa aming pagdalaw, nagdala kami ng ilang munting regalo para sa mga bata.
03:29.6
Gusto kasi namin na maramdaman nila na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga pinagdadaanan.
03:36.1
At bukod sa kanilang mga pamilya at ang Helping Hands,
03:39.7
may ibang tao pang nagmamalasakit sa kanilang kalagayan.
03:46.1
Thank you so much po again for welcoming us in your presence.
03:50.3
We're also happy to be here today on the exact transplant for Dave Zoe.
03:54.3
And we hope that yung mga patients po din yun na also going through the same challenge na pinagdaanan niya po,
04:03.3
will also get to recover with that.
04:07.3
We hope po that we get to enjoy a bit later.
04:10.3
Also may mga pinre-pair din po kami para sa mga bata and para dun sa isa rin muna.
04:17.3
Hindi naman kami nabigo.
04:19.3
Dahil tago sa aming puso ang kanilang mga pagngiti.
04:24.3
Bawat regalo po na kanilang natatanggap, talaga namang lubos nilang ipinagpapasalamat.
04:31.3
Ayon sa pamunuan ng Helping Hands, hindi sila magsasawa sa pagtulong sa mga batang nangangailangan.
04:42.3
Maraming maraming salamat po. Kami po ay talagang gusto magpapasalamat po sa pagtalo ninyo.
04:48.3
Thank you for coming.
04:52.3
Sa tarating na April 13, alas 6 ng gabi,
04:55.3
isasagawa ng Helping Hands ang kanilang tao ng benefit dinner sa Cup Building sa Camp John Hay sa Baguio.
05:03.3
Para sa mga gustong kumuha ng tiket o di kaya magbigay ng donasyon sa Helping Hands,
05:09.3
maaari po kayong pumunta sa kanilang website na www.helpinghandsministries.com.
05:18.3
Ang lahat po ng malilikom na pondo ay ilalaan para sa pagtatayo ng isang children's village
05:24.3
at sa patuloy na operational expenses para sa kanilang mga inaalagaang bata.
05:32.3
Although ang dami po talagang nagsisip ng help, kaya lang po hindi namin kaya.
05:37.3
Bukod sa yung space namin kulang, ayaw namin ibigay yung mapunta lang sila, maalaga lang.
05:43.3
But we want the quality care na kailangan talaga.
05:46.3
Thank you.
05:48.3
Kilang isang nakatanggap ng milagro at pagpapala ng Panginoong Diyos kay Zoe,
05:53.3
kaisa po kami ng Helping Hands sa kanilang adikain.
05:57.3
Naniniwala po kami na matik ang pagmamahal at pagkalinga sa ating kapwa,
06:02.3
dahil ito ay isa lamang pagsusukli sa pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay at patuloy na ibinibigay sa atin ng ating Panginoong Diyos.