Close
 


6 IPON TIPS: Paano Maging Consistent Sa Pag-iipon?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ngayon ay pag-uusapan natin ang anim na paraan kung paano maging consistent sa iyong pag-iipon. Panoorin ang ipon tips na ito para marami kang matutunan. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #IponTips #Howtosavemoney #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 15:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Pagdating sa pag-iipon, ang problema ng karamihan sa atin ay hindi kakulangan sa impormasyon, kundi kung paano maging consistent, kung paano tayo makakapagtabi ng pera tuwing sahod.
00:12.4
Madali lang sabihin na kung gusto mong makaipon ng 120,000 pesos sa loob ng isang taon, ay kailangan mo lang mag-ipon ng 10,000 pesos every month, o magtabi ka lang ng 5,000 pesos tuwing a 15 at a 30.
00:25.6
Pero alam na natin itong lahat, kahit ito ang intensyon natin at kaya naman natin itong gawin, hindi rin ganito kadali ang proseso dahil hindi natin maiiwasan ang mga uncertainty.
00:37.6
Merong mga problema at pagsubok na darating sa ating buhay na siyang magpapabago ng ating mga desisyon at siyang dahilan kung bakit minsan ay napanghihinaan tayo ng loob.
00:48.0
Meron ka na sanang naiipon, pero biglang may nagkasakit sa inyong pamilya at kailangang ipagamot.
00:54.7
Nasira ang inyong seksyo.
00:55.6
Nasira ang inyong sasakyan at kailangan ng ipaayos.
00:58.4
Nabutas ang bubong ng inyong bahay dahil sa kalawang at kailangan na itong palitan.
01:03.3
Nasira ang inyong cellphone o di naman kaya ay nawala at kailangan mo nang bumili ng bago.
Show More Subtitles »