Close
 


6 IPON TIPS: Paano Maging Consistent Sa Pag-iipon?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ngayon ay pag-uusapan natin ang anim na paraan kung paano maging consistent sa iyong pag-iipon. Panoorin ang ipon tips na ito para marami kang matutunan. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #IponTips #Howtosavemoney #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 15:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Pagdating sa pag-iipon, ang problema ng karamihan sa atin ay hindi kakulangan sa impormasyon, kundi kung paano maging consistent, kung paano tayo makakapagtabi ng pera tuwing sahod.
00:12.4
Madali lang sabihin na kung gusto mong makaipon ng 120,000 pesos sa loob ng isang taon, ay kailangan mo lang mag-ipon ng 10,000 pesos every month, o magtabi ka lang ng 5,000 pesos tuwing a 15 at a 30.
00:25.6
Pero alam na natin itong lahat, kahit ito ang intensyon natin at kaya naman natin itong gawin, hindi rin ganito kadali ang proseso dahil hindi natin maiiwasan ang mga uncertainty.
00:37.6
Merong mga problema at pagsubok na darating sa ating buhay na siyang magpapabago ng ating mga desisyon at siyang dahilan kung bakit minsan ay napanghihinaan tayo ng loob.
00:48.0
Meron ka na sanang naiipon, pero biglang may nagkasakit sa inyong pamilya at kailangang ipagamot.
00:54.7
Nasira ang inyong seksyo.
00:55.6
Nasira ang inyong sasakyan at kailangan ng ipaayos.
00:58.4
Nabutas ang bubong ng inyong bahay dahil sa kalawang at kailangan na itong palitan.
01:03.3
Nasira ang inyong cellphone o di naman kaya ay nawala at kailangan mo nang bumili ng bago.
01:09.0
At marami pang uncertainty na posibleng darating sa iyong buhay.
01:13.1
At isa ito sa mga dahilan kung bakit karamihan sa atin ay hirap maging consistent sa pag-iipon.
01:18.5
At isa pang dahilan kung bakit hindi tayo consistent sa pag-iipon,
01:23.4
yun ay dahil kulang tayo sa disiplina.
01:26.3
Aminin mo natin o hindi, ito ang madalas na dahilan kung bakit hirap nating abutin ang ating goal.
01:32.5
Alam natin kung paano gumawa ng budget.
01:35.2
At alam din natin ang iba't ibang budgeting method na pwedeng gamitin para mamanage natin ng maayos ang ating pera.
01:42.1
Pero hindi natin ito sinusunod.
01:44.5
Gumagastos ka pa rin ng mga bagay na hindi mo kailangan.
01:47.7
Palagi kang nabubudol tuwing may sale.
01:50.9
At madalas kang gumagastos nang wala sa plano.
01:54.1
Mahalaga na meron kang budget.
01:55.6
Para alam mo kung magkano ang napupunta sa iyong needs, wants at savings.
02:01.5
Pero hindi ka nito matutulungan kung hindi mo ito susundin.
02:05.8
Kaya ang resulta, kahit ikaw mismo ay nawawalan na ng tiwala sa iyong sarili.
02:11.1
At malamang iniisip mo na ngayon na wala ng paraan kung paano maging consistent sa pag-iipon.
02:17.3
Kung ito ang nararamdaman mo ngayon, gusto kong maunawaan mo na normal lang ang lahat.
02:21.8
Lahat tayo ay nakakaranas na ng mga matinding pagsubok sa ating buwan.
02:25.6
At ang tanging bagay na magagawa mo lang ay ang paghandaan ito.
02:30.6
Kung sa tingin mo naman ay kulang ka sa disiplina, meron ka ring magagawa kung paano baguhin ang ganyang pag-uugali.
02:38.1
Kung gusto mong malaman paano maging consistent sa iyong pag-iipon, panuorin mo ang video nito.
02:44.5
Dahil ibabahagi ko sa iyo ngayon ang 6 na paraan na makakatulong sa iyo na gawing masaya at exciting ang iyong pag-iipon.
02:52.7
Abangan mo ang ikatlong tip dahil isa ito sa pinagkakataon.
02:55.6
Mga mabilis na paraan kung paano abutin ang iyong goal.
02:59.4
Siguraduhin mo lang na meron kang papel at ball pen para malista mo ang mga mahahalagang aral.
03:04.6
Kung handa ka na, simulan na nating talakayin ang unang paraan.
03:09.5
Number 1. Gawin mong meaningful ang iyong pag-iipon.
03:13.4
Karamihan sa atin ay madalas na nagtatanong kung paano makaipon ang pera.
03:17.7
Anong effective strategy sa pag-iipon ang pwedeng sundin?
03:21.7
Lahat ng impormasyon tungkol sa topic ng pag-iipon,
03:24.6
ay madali mo nalang mahanap sa mga social media platforms.
03:28.8
Isang search mo lang sa YouTube kung paano mag-iipon,
03:31.9
at pagkatapos ng isang tap ay libo-libong videos na ang iyong matatagpuan
03:36.2
na magbibigay sa iyo ng tips and tricks kung paano ka makakaipon ang pera.
03:41.6
Pero isang tanong lang ang hindi mo mahahanapan ng sagot sa internet.
03:45.9
Ang tanong na ano ang purpose ng iyong pag-iipon.
03:49.4
Magkaiba tayo ng dahilan kung bakit natin goal ang isang bagay.
03:53.3
Pusibling goal mo na makakaipon ang pera.
03:54.5
O di naman kaya ay goal mong makaipon para makapagsimula ka ng sarili mong negosyo.
04:06.8
Dahil na-realize mo na hindi ka habang buhay magtatrabaho at aasa na lang palagi sa isang kumpanya.
04:13.6
Gusto mong magretiro na hindi lang pensyonado kundi meron ding negosyo.
04:18.6
At ito ang madalas na na-miss out ng karamihan.
04:21.8
Hinahanap agad nila mga impormasyon at strategy sa pag-iipon.
04:24.5
Pero wala silang malinaw na sagot kung bakit kailangan nilang mag-iipon.
04:30.1
Kaya ang resulta, hirap silang maging consistent sa kanilang ginagawa.
04:35.1
Pero hindi lang sapat na mabigyan mo ng sagot ang iyong ginagawa.
04:38.9
Nag-iipon ka ngayon para makabili ka ng sasakyan.
04:42.3
Kailangan mo rin tanungin ang iyong sarili kung bakit gusto mong bumili ng sasakyan.
04:46.9
Gusto mong bumili ng sasakyan dahil meron ka ng mga anak at madalas kayong bumabiyahe ng iyong pamilya.
04:52.6
Gusto mong bumili ng sasakyan.
04:54.5
Gusto mong bumili ng sasakyan dahil mainit ang ating bansa at gusto mong convenient at private palagi ang bawat biyahe.
05:01.3
The more natatanungin mo ang iyong sarili, magkakaroon ka rin ng maraming dahilan na siyang magpapatibay ng iyong goal.
05:08.7
Minsan, hindi mo na kailangan ng strategy at method sa pag-iipon kung ikaw mismo ang disidido na mag-iipon.
05:16.0
May mga taong consistent na nakakapag-ipon ang pera, hindi dahil marami silang alam na method.
05:21.8
Kundi alam lang nila kung bakit kailangan nilang mag-iipon.
05:24.5
Kaya first step kung gusto mong maging consistent sa iyong pag-iipon ay alamin mo ang malalim na hugot ng iyong goal.
05:38.6
Kung muna pananaw ng mga tao sa pag-iipon ay boring at hindi natin sila masisisi dito dahil ang mga utak natin ay nakondisyon na mag-respond sa mga immediate rewards.
05:50.6
Halimbawa, kung sakaling nakaupo ka ngayon sa harap ng mesa at mag-iipon,
05:54.5
at nakita mo na merong chocolate na nakalagay, paniguradong kakainin mo ito agad at hindi mo na iisipin kung ilang calories at asukal ang meron dito.
06:04.3
At ayon sa mga scientist, ito ang tinatawag na immediate return environment.
06:09.6
Kung bibili ka ngayon ng mga gamit at kung kakain ka ng mga matatamis, instant kang makakaramdam ng saya sa iyong mga desisyon.
06:17.9
Pero ang problema lang sa ganitong pag-uugali ay hindi ito maganda sa long term.
06:22.6
Posibleng masaya ka ngayon.
06:24.5
Pero meron itong kapalit mamaya.
06:26.8
Katulad ng kakain ka ng mga matatamis na pagkain ngayon, pero pagkatapos ay sasama naman ang iyong pakiramdam.
06:33.7
Gagastos ka sa iyong mga luho, pero mamaya ay kulang na ang iyong pera.
06:38.6
Masaya lang siya gawin sa umpisa, pero hindi ka nito mabibigyan ng long term na kasiyahan.
06:44.4
At ang kasalungat naman ng immediate return environment ay delayed return environment.
06:49.3
Kung mag-iipon ka ngayon, hindi kayayaman agad.
06:53.1
Kung nag-iexercise ka ngayon,
06:54.5
at kumakain ng mga masustansyang pagkain,
06:57.0
hindi ka agad papayat.
06:58.7
Kung nagsisipilyo ka ngayon,
07:00.7
parang wala naman itong impact sa ating kalusugan.
07:03.7
Pinapakita dito sa delayed return environment
07:06.7
na lahat ng mga bagay na kapakipakinabang sa long term
07:10.1
ay hindi ganun kasayang gawin sa short term.
07:12.8
Dahil ang kanyang reward ay hindi mo agad makukuha ngayon.
07:16.5
Kaya dito ako napaisip na paano kaya gawing exciting ang proseso ng isang meaningful na goal,
07:22.0
katulad ng pag-iipon.
07:23.7
Alam nating lahat na mahalaga ang mag-iipon.
07:26.7
Para meron tayong perang magagamit sa panahon ng emergency,
07:30.2
makakapagsimula tayo ng sarili nating negosyo,
07:33.7
makakapag-invest din tayo,
07:35.7
at makakapagretiro na merong naipundar.
07:38.2
Pero dahil matagal pang mangyari ang mga ito,
07:41.2
ang nangyayari ay ina-underestimate natin ang pag-iipon
07:44.7
at hindi natin ito ginagawang priority.
07:47.7
Kaya ang magandang gawin mo para maging exciting ang iyong pag-iipon
07:51.7
ay gumawa ka ng reward system.
07:53.7
Alamin mo ang mga bagay na masaya kang gawin
07:56.7
at i-reward mo yun sa iyong sarili
07:58.7
every time na nakakapag-ipon ka ng pera.
08:01.7
Pero maging mindful ka pa rin sa mga reward na ibibigay mo sa iyong sarili,
08:05.7
dahil baka mas malaki pa ang halaga nito kumpara sa iyong ipon.
08:09.7
Kailangan mo lang simplihan at unahin palagi ang pag-iipon.
08:13.7
Pwede kang pumunta sa salon,
08:15.7
manood ng sine,
08:16.7
bumili ng libro,
08:18.7
kakain sa restaurant,
08:19.7
at uminom ng kape sa Starbucks.
08:21.7
Marami pang paraan kong pumunta.
08:22.7
Marami pang paraan kung paano i-reward ang iyong sarili sa mga simpleng bagay.
08:26.7
At ikaw bilang isang mature at responsabling tao,
08:29.7
mahalagang gawan mo ng paraan kung paano gawing exciting ang iyong pag-iipon.
08:39.7
Bago natin simulan ang discussion,
08:41.7
kailangan muna nating alamin kung ano ba ang kahulugan ng accountability partner
08:45.7
at bakit ito mahalaga.
08:47.7
Ang accountability partner ay taong tutulong sayo
08:50.7
para maging focus ka sa iyong goals at mga commitment mo sa iyong sarili.
08:55.7
Sila ang magpapaalala sayo na kailangan mo nang bumalik sa pag-execute ng iyong goal
09:00.7
kung sakaling naging distracted ka sa isang bagay.
09:03.7
Pwede mo gawing accountability ang isa mong kaibigan.
09:06.7
Kung meron ka na mga asawa at hindi kayo masyadong open at naguusap sa inyong financial situation,
09:12.7
ito na ang pinakamagandang time para gawan nyo ng improvement ang inyong finances.
09:18.7
Ang pwede nyong gawin ng iyong accountability partner ay gumawa kayo ng kondisyon sa isa't isa.
09:23.7
Halimbawa, kung hindi mo na-hit ang iyong monthly goal,
09:26.7
ililibre mo siya ng pagkain at bibigyan mo siya ng ekstra 500 pesos.
09:31.7
Pwede nyong isulat sa papel ang inyong kasunduan at pirmahan nyo itong dalawa.
09:36.7
Sa ganitong paraan, mas mataas ang chance na siseryosohin mo na ang pag-iipon.
09:41.7
Mahalagang meron kang accountability partner dahil minsan,
09:45.7
mas ganado tayong gawin ng isang bagay,
09:47.7
kapag nangako tayo sa isang tao.
09:50.7
Gusto nating patunayan hindi lang para sa ating sarili,
09:53.7
kundi para rin sa ibang tao na kaya natin itong gawin.
10:01.7
Isa sa magandang paraan kung paano maging consistent sa pag-iipon ay kapag ginawa mo itong priority.
10:07.7
Dapat gawin mong number one expense ang pag-iipon.
10:10.7
Isipin mo na ito ang pinakamahalagang bagay na paggagastusan mo ng pera every month.
10:15.7
Ang ginagawa ng iba para sa isa't isa,
10:17.7
na una nilang mabayaran ang kanilang sarili,
10:19.7
ay every time na matatanggap nila ang kanilang sahod,
10:22.7
ay merong specific percentage ang automatic na malilipat sa kanilang savings account.
10:28.7
Kung gusto mo itong subukan,
10:30.7
pwede kang tumawag sa iyong bangko at tanungin kung meron ba sila ng ganitong option.
10:34.7
At kung meron ay pwede mo itong ipaset up sa kanila.
10:38.7
Maganda na kumikita ka ng sapat na halaga,
10:40.7
pero mas maganda na meron kang naiipon,
10:43.7
para mabilis kang makabuo ng asset.
10:45.7
At ito ang common statement.
10:46.7
At ito ang common strategy ng mga mayayaman.
10:49.7
Ayon sa sinabi ng stock investor na si Warren Buffett,
10:52.7
Don't save what is left after spending,
10:55.7
but spend what is left after saving.
10:58.7
Ang principle ng mga mayayaman ay asset muna bago liability.
11:02.7
Kapag natanggap nila ang kanilang income,
11:05.7
inuunan nila palagi ang pag-iipon.
11:07.7
At ang gagawin naman nila sa kanilang ipon,
11:10.7
ay ilalagay nila ito sa isang investment na kayang magproduce ng income.
11:15.7
At ang kinita nilang pera sa kanilang investment ay binalik nila ito.
11:19.7
At patuloy nila itong ginagawa hanggang sa lumaki ng lumaki ang kanilang asset.
11:24.7
At pagkatapos nilang palakihin ang kanilang asset,
11:27.7
doon na sila nag-iisip na mag-acquire ng liability.
11:31.7
Kaya kung ramdam mo ngayon na palagi mong inuuna ang iyong mga luho at hindi ang pag-iipon,
11:36.7
kailangan mo nang baguhin ang ganyang habit at kailangan mo rin mag-isip long term.
11:40.7
Isipin mo kung ano ang long term effect sa ugali mo na inuuna ang luho,
11:43.7
kisa pag-iipon.
11:46.7
At alam naman nating lahat na hindi ito magbubunga ng maganda.
11:50.7
Kaya kung ayaw mo ng problema sa hinaharap,
11:53.7
simulan mo nang baguhin ang iyong priority ngayon
11:56.7
at sundin ang advice ni Warren Buffett na unahin ang pag-iipon bago ka gumastos.
12:07.7
Isa ito sa pinakamagandang paraan kung paano man natiling motivated at consistent sa iyong pag-iipon.
12:13.7
Dahil napakagaan sa pakiramdam kung aware ka sa iyong mga small accomplishments.
12:18.7
Mas lalo mong naa-appreciate ang mga maliliit na bagay.
12:21.7
At dito mo rin ma-re-realize na ang paggamit ng isang malaking goal ay one step at a time.
12:27.7
At nakaka-motivate rin kapag alam mo na malapit mo ng ma-hit ang iyong target.
12:32.7
Ginagawan mo rin ba ng tracker ang iyong goal?
12:35.7
Nililista mo ba ang pera ang iyong naiipon?
12:38.7
Kung hindi pa, ito na ang tamang oras para simulan mo ng ilista ang iyong mga nakikita.
12:42.7
Pwede mo itong isulat sa isang papel.
12:46.7
Isulat mo ang iyong goal o pera na gusto mong maipon.
12:49.7
Isulat mo rin ang minimum amount na dapat mong maipon every month at ang timeline ng iyong goal.
12:56.7
Lagyan mo rin ng apat na kolong para sa halaga na iyong naiipon,
13:00.7
petya kung kailan ka nag-iipon, total monthly savings, at overall savings.
13:07.7
At ganun lang kasimple gumawa ng tracker sa iyong goal.
13:10.7
Sa simpleng parahan,
13:12.7
ay kaya mo nang i-visualize ang iyong progress.
13:15.7
At matutulungan ka rin ito na maging committed sa iyong savings goal.
13:22.7
Alisin mo ang iyong mga unnecessary expenses.
13:25.7
Kung totoo ang committed ka sa iyong goal na makaipon,
13:28.7
dapat ay willing ka rin na alisin sa iyong budget ang mga expenses na hindi mo masyadong kailangan.
13:34.7
Dahil kung goal mo na maging consistent sa pag-iipon,
13:38.7
dapat ay ito ang iyong gawing priority.
13:40.7
At mamaya ka na gumastos kapag meron ka ng ekstrang pera.
13:44.7
Ang ginagawa kasi ng karamihan sa atin ay luho muna bago ang pag-iipon.
13:49.7
Bumibili muna sila ng mga bagong gadget, mamahaling damit at sapatos,
13:54.7
nagpa-party, at mamaya ay wala na silang naiipon.
13:57.7
Walang masama kung gusto mong bumili ng mga gamit.
14:00.7
Pero dapat hindi nawawala sa iyong isipan na meron kang goal.
14:04.7
Ang iyong priority dapat ay mag-ipon, at susunod na ang iyong bills at mga luho.
14:10.7
Kaya ang mabuting gawin mo ay gumawa ka ng budget.
14:13.7
Nang sa ganun ay mabilis mong matukoy kung saan sa iyong expenses ang hindi masyadong mahalaga.
14:19.7
At dito ka gumawa ng desisyon na alisin ang mga ito.
14:24.7
At iyan ang 6 na paraan na pwede mong sundin para maging consistent ka sa iyong pag-iipon.
14:29.7
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
14:33.7
Huwag mong kalimutang magsubscribe para lagi kang updated sa mga bago naming upload.
14:38.7
Ilike kung nagustuhan mo ang video.
14:40.7
Mag-comment ng iyong mga natutunan.
14:42.7
At i-share mo na rin ito sa iyong mga kaibigan.
14:45.7
Maraming salamat sa panunood.
14:47.7
At sana ay magtagumpay ka!