Close
 


Anong Mangyayari Kung Patayin Natin Lahat Ng Lamok Sa Mundo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #mosquito #whatif #ecosystem
Moobly TV
  Mute  
Run time: 07:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.1
Paano kung mauubos ang lahat ng lamok sa mundo?
00:04.1
Naranasan mo na ba ito?
00:05.4
Yung kumakain ka pero hindi ka makapag-concentrate kasi ang daming lamok na kumakagat sa'yo.
00:11.5
O yung hindi ka makatulog dahil sa mga lamok.
00:14.4
O kung makatulog man, yung pagising mo ang dami mo ng pula sa katawan dahil sa kagat ng lamok.
00:20.7
May iba pa ngang nakaranas na ng dengue dyan dahil sa lamok.
00:24.3
Minsan mapapaisip ka na lang na sana maubos na lang tong mga lamok na to para hindi ka na ma-bad trip o magkasakit.
00:32.6
Hmm. Kaya ang tanong, ano nga ba ang mangyayari kung mauubos ang lahat ng lamok sa mundo?
00:39.4
Pag-usapan natin.
00:41.1
Ayon sa mga datos, sa kabuuwan tinatayang may 110 trillion na lamok sa mundo.
00:48.0
Sa Alaska lamang ay may estimated na 7 trillion na lamok.
00:51.3
Ang ibig sabihin, bawat tao sa mundo,
00:54.3
may katumbas ito na 16,000 na lamok.
00:57.4
Nabubuhay lamang sila sa loob ng 2 weeks hanggang 6 months.
01:01.6
Marami sa atin ang nag-aakala na ang lahat ng lamok ay nagdadala ng sakit.
01:06.4
Pero alam mo ba na mula sa 3,500 na iba't ibang klase ng lamok,
01:11.2
tatlong species lamang ang nagkakalat ng sakit.
01:14.8
At ito ay ang mga babaeng lamok dahil hindi nangangagat ang mga lalaki.
01:19.9
Kailangang makuha ng mga babaeng lamok ang tamang sustansya
01:23.4
upang panatilihing malusog ang egg nito sa loob.
01:27.3
At ito ang rason kung bakit kailangan nila ng maraming dugo.
01:31.4
Ano nga ba ang epekto kung mauubos sila?
01:34.8
Ang pinakamalaking epekto nito ay kung wala nang lamok sa mundo,
01:38.9
libo-libong buhay ang maliligtas mula sa mga dalang sakit nito bawat taon.
01:44.4
Lalo na ang mga batang may edad na 5 years old and below dahil sila ang karaniwang biktima.
01:50.4
Ayon sa Pfizer.com,
01:52.5
Mahigit sa 700,000 na tao ang namamatay taon-taon dahil sa sakit na dala ng mga lamok.
01:58.7
Sa katunayan, tinatawag ito ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention bilang
02:03.8
World's Deadliest Animal.
02:06.5
Gayunpaman, kailangan mong malaman na hindi naman talaga sa mga lamok nang gagaling ang sakit na dala nila.
02:12.4
Ang problema lang ay nagsisilbi silang sasakyan nito na walang alam na naikakalat na pala nila ang sakit.
02:18.6
Hindi rin na lahat ng germs na mayroon ng mga babaeng lamok ay delikado.
02:22.5
Maswerte pa rin tayo dahil mga babaeng lamok lang ang nagkakalat ng sakit.
02:29.2
Paano na kaya kung kasama pa pati ang mga lalaking lamok?
02:33.6
Kadalasan ang sakit na dala ng lamok ay mula rin sa atin o sa mga hayop.
02:38.5
Tuwing kumakagat sila para sa dugo, nakukuha din nila ang ilang harmful bacteria, parasites o virus mula sa host.
02:45.9
Kaya kung nakakagat sila ng may dengue bago sila nakakagat sa iyo,
02:50.6
malaki rin ang posibilidad mong magkadengge.
02:53.6
Kapag naman ang mga lamok ay kumakagat at kumukuha ng dugo mula sa isang tao na mayroong parasites,
02:59.6
tulad ng plasmodium na sanhinang malaria, maaari nilang makuha ang mga ito.
03:04.6
Ang mga parasites ay dumadaan sa isang developmental cycle sa loob ng lamok bago sila maging sapat na mature upang maipasa.
03:12.6
At kapag muli silang kumagat, maaaring maipasa ng lamok ang mga mature na parasites sa ibang tao sa pamamagitan ng karamdaman.
03:20.4
Ito ang proseso kung paano tayo nagkakasakit mula sa kagat ng lamok na may dalang sakit.
03:29.4
May epekto din ito sa mga pananim, tulad ng ibang mga hayop.
03:33.4
May papel din sa ecosystem ang mga lamok.
03:36.4
Kung mawawala ang mga lamok, posibleng may mga panibagong species na papalit sa ecological niche na iiwan nila.
03:43.4
Ito ay dahil sa konsepto ng ecological succession at niche replacement,
03:48.4
kung saan ang isang ecological niche na nabakante ay maaaring mapunan ng ibang mga organismo na may kakayahang gampanan ang parehong papel sa ecosystem.
03:57.4
Lingid sa kaalaman ng marami, pollinators din ang mga lamok.
04:01.4
Sa katunayan, ang pangunahing pagkain nila ay ang nectar ng mga bulaklak at hindi dugo.
04:06.4
Katulad ng mga bubuyog at paru-paro, nililipat din ang mga lamok ang mga pollen mula sa isang bulaklak papunta sa isa pa.
04:14.4
Tumutulong sila sa pag-fertilize ng mga pananim at sa pagbuuan ng mga pananim.
04:17.4
At sa pagbuuan ng mga seeds at sa pagdami nito.
04:20.4
Kung ang mga lamok ay mawawala bilang pollinators,
04:23.4
ibang mga insekto tulad ng mga bubuyog, butterflies at iba pang uri ng mga lumilipad na insekto ay maaaring dumami at pumalit sa papel na ginagampanan ng mga lamok sa pollination.
04:34.4
Ito ay maaaring magresulta sa pagbabago ng komposisyon ng mga pollinator species sa iba't ibang ecosystems.
04:42.4
Kayunpaman, maraming scientists pa rin ang naniniwala
04:45.4
na kahit mag-iba ang komposisyon ng pollinator species, hindi naman ito makakaapekto ng masama sa mga tao.
04:52.4
Ang bigla ang pagkawala ng mga lamok ay maaaring ring magbigay daan sa pagdami ng ibang mga insekto na maaaring hindi kasing beneficial sa tao o sa ecosystem.
05:02.4
Halimbawa, kung ang mga lamok ay hindi na magagampanan ng kanilang papel bilang isang limiting factor sa populasyon ng ibang mga insekto,
05:10.4
maaaring magkaroon ng pagdami ng ibang mga insekto na maaaring magdala ng ibang mga sakit.
05:15.4
Maapektuhan din ang mga hayop kapag naubos ang mga lamok.
05:19.4
May mga hayop na umaasa sa kanila para sa nutrisyon.
05:22.4
Isa na dito ang mosquito fish, isang kakaibang predator na pumapatay ng mosquito larva.
05:28.4
Ayon sa ilang entomologists, mahihirapan ng maraming klase ng mga isda kung mawawala ang mga lamok at posible pa nga na may ilan sa kanila na maging extinct.
05:38.4
Marami pang mga hayop ang kumakain ng lamok. Ilan sa mga ito ay ang mga ibon, paniki, gagamba,
05:45.4
salamanders, mga palaka at iba pang insekto na kumakain ng lamok.
05:50.4
Kung mauubos ang mga lamok, maaaring maghanap ng ibang mga pagkain o kaya naman ay maaaring magbago ang kanilang populasyon depende sa availability ng alternatibong pagkain.
06:02.4
Maaaring magdulot ito ng chain reaction sa food web kung saan ang pagbabago sa populasyon ng isang species ay maaaring makaapekto sa populasyon ng iba pang mga species.
06:13.4
Gayunpaman,
06:15.4
hindi naman lamok lang ang kinakain ng mga hayop na ito upang mabuhay.
06:19.4
Kaya kung maaapektuhan man sila, hindi sila magiging extinct kasi may iba pa silang nakakain.
06:25.4
Sa madaling salita, karamihan sa mga species ng hayop ay hindi magugutom kung mauubos man ang mga lamok.
06:32.4
Sa katunayan, posible pa nga may ilan na mas gaganda ang buhay kung wala na sila.
06:37.4
Kung maraming magandang epekto nga ang pagubos ng mga lamok, hindi ito masyadong nakakasama.
06:43.4
Paano naman natin gagawin iyon?
06:45.4
May mga scientists na mula sa Oxford University ang sumubok na imodify ang mga male mosquitoes para sa mga species na may dala ng Zika virus at dengue.
06:55.4
Ang Aedes aegypti.
06:57.4
Sa pamamagitan nito, hindi na lalaki ng maayos sa mga larva ng mga lamok at hindi rin sila pwedeng makareproduce.
07:04.4
Kaya hindi na sila dadami pang muli at mauubos pag namatay na ang mga buhay na lamok ngayon.
07:10.4
Ginawa nila ito sa Cayman Islands at halos 96% sa kanila ang nauubos.
07:13.4
Gayunpaman, ayon sa isang entymologist na si Phil Lowe Nibus, kailangan pa rin nating magingat pagdating sa pagubos sa mga lamok.
07:25.4
Sa kabuuan, oo, kung mauubos ang mga lamok, mababawasan ang mahahawa ng ilang mga sakit na kinakalat nila.
07:32.4
Pero paano kung magkaroon naman tayo ng ibang problema tulad ng pagkasira ng natural balance ng ating ecosystem o ang pagdami ng ibang mga insekto na mas delikado pa?
07:42.4
Kaysa sa mga lamok.