* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:12.2
At ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano pinagdiriwang ng mga Pilipino ang Valentine's Day.
00:21.1
So, sa totoo lang, yung Valentine's Day ay isa sa mga pinaka-pinagdiriwang na araw sa Pilipinas.
00:33.8
At hindi ito official na holiday sa Pilipinas.
00:38.4
Pero kung tumira ka sa Pilipinas, siguro mapapansin mo na maraming nangyayari sa araw na ito.
00:51.1
Ang importante ito sa ibang mga babae at sa mga lalaki din.
00:57.2
Pero medyo noong nasa Pilipinas ako, noong estudyante ako, kadalasan mas masaya yung babae sa Valentine's Day.
01:13.5
Kasi may sorpresa ang lalaki, may regalo ang lalaki,
01:21.4
plano ang lalaki para sa babae.
01:25.5
Pero syempre, depende yun sa tao, depende sa couple.
01:32.2
At sa Tagalog, yung Valentine's Day ay araw ng mga puso.
01:38.8
O literal na parang Heart's Day.
01:42.7
At pareho sa ibang bansa na February 14,
01:48.5
pinagdiriwang itong Valentine's Day.
01:51.1
At yun, maraming Pilipino ang, sa tingin ko, romantic at mahalaga ang pagmamahal sa diyowa,
02:04.2
pagmamahal sa asawa.
02:07.1
At minsan merong pressure para magkaroon ng plano sa araw ng mga puso.
02:14.7
O mag-date, o gumawa ng medyo...
02:21.1
O kakaibang bagay para sa araw ng mga puso.
02:29.2
At pag-uusapan natin yung iba't ibang ginagawa ng mga Pilipino tuwing araw ng mga puso.
02:38.7
So una, yung pagbibigay ng regalo.
02:43.5
So tuwing araw ng mga puso, nagbibigay ng mga regalo.
02:53.4
So yung nagbibigay yung lalaki sa babae, o yung babae sa lalaki,
03:00.3
o sa isa't isa, nagpapalitan ng regalo.
03:07.7
Pwedeng mga tsokolate, pwedeng mga bulaklak, o pwedeng sulat, o pwedeng mga kahit anong gamit.
03:21.1
Meron talagang ekspektasyon na may bagay, may pisikal na bagay na ibibigay sa araw ng mga puso.
03:32.5
Yung susunod yung bulaklak.
03:36.8
So bukod pa sa regalo, kailangan, o halos kailangan, merong bulaklak.
03:44.6
So sa araw ng mga puso, o kahit sa simula,
03:51.1
Sobrang madaming nagbibenta ng bulaklak.
03:58.6
At sa Maynila, merong sikat na tindahan ng mga bulaklak, yung Dangwa Market.
04:08.2
Yun ang pangalan ng tindahan ng mga bulaklak.
04:12.8
At makikita na sa Pebrero, dumadami ang customer.
04:21.1
Sobrang taas ng demand, syempre, para bumili ng bulaklak.
04:27.6
Kasi parte yun ng celebration ng araw ng mga puso.
04:37.1
So susunod naman yung renewal ng mga vows.
04:41.4
So may ibang Pilipino na nagre-renew ng vows sa araw ng mga puso.
04:50.2
Yung isang pareha, yung mag-asawa, gusto nilang mag-renew ng vows.
04:58.2
Parang mag-reassert ng commitment nila sa isa't isa.
05:04.7
So katalasan, ginagawa nila yun sa araw ng mga puso.
05:12.3
At bukod pa sa pagbibigyan ng regalo, o pag-renew ng vows,
05:19.0
Pagbibigyan ng bulaklak.
05:21.0
Ang isa rin nangyayari tuwing araw ng mga puso ay ang mga mass wedding.
05:29.0
So yung mga mass wedding, yung kasal, pero maraming kinakasal ng sabay-sabay.
05:39.0
So pwedeng may sampong pareha, o may mga isang daang pareha, di ko alam.
05:49.0
Pero yung mahalaga, yung gagawin nila yung kasal sa araw ng mga puso.
05:57.0
Kasi para sa kanila, mas romantic at mas merong kahulugan.
06:03.0
At yun, minsan merong programa yung mga gobyerno na libreng kasal tuwing araw ng mga puso.
06:17.0
Pero yun, may iba't ibang paraan ng pagdiriwang ang mga Pilipino.
06:24.0
At yung huli ay yung harana.
06:28.0
Yung harana, yung tradisyon ng mga lalaki na kumakanta sa babae.
06:37.0
So kadalasan may gitara at merong mga kaibigan.
06:44.0
At yung lalaki pupunta sa bahay ng babae na may dalang gitara o kasama ang mga kaibigan.
06:54.0
Siguro pwedeng may regalo o bulaklak.
06:57.0
At kakanta sila ng kanta para sa babae.
07:02.0
Siyempre, kantang romantiko para matuwa yung babae o para ma-in-love yung babae.
07:13.0
Sa mga bagay na romantiko na ginagawa ng mga lalaking Pilipino para sa mga babae.
07:21.0
At yun, maganda. Magandang tradisyon ang harana sa opinion ko.
07:26.0
So yun lang ang episode ngayon.
07:29.0
Salamat sa oras nyo.
07:32.0
Merong Patreon kung gusto nyo sumuporta sa proyekto.
07:37.0
At merong transcript libre lang sa description.
07:42.0
Salamat at paalam.