Close
 


9 NA YUGTO NG IMPYERNO (DANTES INFERNO)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
oSOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 10:31
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ayon kay Dante na ang impyerno, bukod sa lugar ng pagdurusa at walang katapusang kaparusahan at kahirapan,
00:08.2
ay mayroon pang iba't ibang yugto na pagdaraanan.
00:11.3
Ikukwento ko po sa inyo, mga katinagalog ko, ang Dante's Inferno.
00:21.0
Ayon kay Dante na ang kanyang paglalakbay papunta sa impyerno
00:25.3
ay nagsimula nang siya ay salubungin ng mga mababangis at hindi mawaring mga hayo.
00:32.1
Sa kanyang pagpasok sa isang napakadilim at nakakatakot na kagubatan,
00:37.2
unti-unti iba't ibang uri ng mga nilalang ang kanya na naaaninagan.
00:43.3
Sa kalagitnaan ng madilim na kagubatan, sinalubong siya ng kaluluwa ng isa sa mga Romano na Makata.
00:52.2
Ang Makatang ito ay ang siya niyang magsisilbinggan.
00:55.3
Gabay, sa kanyang mas nakakatakot pa na paglalakbay, ito ay tungo sa siyam na yugto ng impyerno.
01:03.3
Ang tarangkahan papasok sa impyerno ayon kay Dante ay napakaluwag.
01:09.6
Wala rin mababanaag na kahit na anong harang o pintuan.
01:13.9
Sa tarangkahan may malaking kasulatan.
01:16.8
Ito ay nagsasabi na abandonahin na ang lahat ng pag-asa.
01:21.9
Ikaw na papasok dito.
01:24.1
Ang impyerno ay tigil.
01:25.3
Tila ba kakaiba ang hugis?
01:27.4
Tila ba ito isang embudo?
01:29.4
Sa kalagitnaan ito ay mas malalim pa na butas kaysa sa nauna.
01:34.3
Sinasabi na ang butas na ito ay nabuo nang ibagsak si Lucifer sa kalupaan mula sa kalangitan.
01:41.1
Upang marating ang pinakakailaliman ay kinakailangan na ang lahat ng yugto o libel ay daanan.
01:48.9
Mas makasalanan ang kaluluwa.
01:51.3
Mas malalim ang kanilang libel na kahantungan.
01:54.4
At mas matindi ang nag-aabang sa kanila na kaparusahan.
01:58.5
Bago pa makapunta sa unang yugto ng impyerno,
02:01.8
ayon kay Dante na dinaanan muna nila ang tinatawag na kalagitnaan.
02:07.0
Sa lugar na ito, ang mga kaluluwang walang paninindigan ang siyang kinahantungan.
02:13.7
Sila ay ang mga taong mas nanaig ang karuwagan.
02:16.9
Sila ay ang mga kaluluwa na walang pinanindigan.
02:20.6
Sila ay nananatili sa gitna.
02:22.5
Hindi sila makapunta sa langit man o sa kadiliman.
02:26.7
Sa kalagitnaan, sila ay paulit-ulit na kinakain ng langaw.
02:31.4
Ang kanilang mga laman ay paulit-ulit na pinagpipiestahan.
02:35.6
Ang kanilang mga paa ay uuurin.
02:38.8
Sa kanilang patuloy na paglalakbay, napansin ni Dante ang sanglaksang mga nilalang.
02:44.5
Sila ay nagtitipon-tipon sa ilog na tinatawag na Acheron.
02:48.3
Sa baybayin, sama-sama nilang hinihintay.
02:51.6
Ang bangkero na si Karen.
02:54.1
Ito ay upang sila ay maihatid sa kabilang pampang.
02:58.2
Sa pagdating ng bangkero, maririnig ang sinisigaw nito.
03:03.1
Ang mga kaluluwang wasak, nandito na ako upang kayo ay ihatid sa inyong walang katapusan na kaparusahan.
03:11.6
Matapos na maihatid ang mga kaluluwa sa kabilang pampang, doon ay haharapin naman nila si Minos.
03:18.1
Ang nilalang na ito ay ang kanilang magsisilbi.
03:21.6
Kung si Minos ay ang magtatakda ng kanilang paglalagyan, kung saan yugto sila habang panahon na parurusahan.
03:30.0
Gamit ang tila ba ang malaahas na bonto, papaluputan nito ang kaluluwa na kanyang hahatulan.
03:37.1
Ang bilang ng palupot ay ang siyang yugto na kanilang kahihinatnan.
03:41.3
Ang unang yugto ay ang tinatawag na limbo.
03:44.7
Ang lugar na ito ay para sa mga pagano.
03:47.1
Mga taong walang pinaniniwala ang Diyos na makapangyarihan.
03:51.1
Sarili lamang nila para sa kanila ang may kapangyarihan.
03:55.2
Dito matatagpuan si Plato, si Caesar, maging si Horus at marami pang iba.
04:00.9
Ayon kay Dante, walang iyakan o kahirapan na dito ay matatagpuan.
04:05.7
Tanging kawalan lamang ng pag-asa, ang doon ay mararamdaman.
04:10.3
Ang ikalawang yugto, ang lambak ng hangin.
04:13.6
Ang lugar na ito ay para sa mga kaluluwa na hayok sa laman.
04:17.5
Ayon kay Dante na doon, kanyang nakasalamuha.
04:20.6
Ang mga imahe ni Cleopatra, ang prinsipe na si Paris, maging itong si Mark Antony.
04:27.3
At dahil nga nang sila ay nabubuhay pa, ay nagpadala sila sa tawag ng kanilang pagnanasa.
04:33.7
Sa yugto ng impyernong ito ay walang habas na binabayo sila ng napakalakas na hangin.
04:40.8
Walang tigil, walang habas na hinahampa sila kung saan-saan ng tilaba malaipo-ipo na malaking buhawi.
04:48.8
Sila ay ang mga kaluluwa na walang halos.
04:50.6
Walang tama kung di ang kanilang sariling kaligayahan at pagnanasa.
04:55.6
Ang ikatlong yugto, ang dagat ng katakawan.
04:59.8
Sa yugtong ito, malayelo, ngunit napakarumi ng ulan.
05:04.7
Di ito humihinto, tilaba ito'y walang katapusan.
05:07.5
Sa kalagitnaan ay mayroong higanting halimaw na nakatayo.
05:11.6
At di ito natitinag.
05:13.6
Ang higanting nilalang na ito ay tinatawag na si Severus.
05:17.4
Isang higanting halimaw na aso na may tatlong.
05:20.6
Ang mga ulo, walang hinto itong umaalulong ng napakalakas sa tatlo nito na mga lalamunan.
05:27.8
Ang yugtong ito ay para naman sa mga kaluluwa na nabuhay noon sa kasalanan ng katakawan.
05:35.5
Ang mga kaluluwang ito ay nakalubog sa mismong kanilang idinuwal habang walang katapusan sila na kinakagat, kinakalmot at nginangasaba ng halimaw na si Severus.
05:47.5
Ang ikaapat na yugto, ang bundok.
05:50.6
Ang yugtong ito ay nakareserba naman para sa mga kaluluwa na noon ay namuhay bilang mga suwail at mga ganida sa salapi at sa lahat ng materyal na mga bagay.
06:03.3
Ang mga mapagaksaya at mga ganida ay iba't iba ang nagiging kinasasadlakan.
06:09.4
Sa lugar na ito, walang katapusan silang nagpapala ng bloke ng ginto.
06:14.7
Walang katapusan ang kanilang paghukay.
06:17.0
Itinatabon nila sa isa't isa ang nahuhukay na mga ginto nila.
06:23.3
Walang hanggang iniinsulto rin ang bawat isa.
06:26.7
Hindi mapatid-patid ang sigawan.
06:29.8
Bakit mo ba ito sinasamba na siya namang sasaguti ng isa pa?
06:33.9
Bakit mo ito inaaksaya?
06:36.2
Ang ikalimang yugto, ang talon ng kasamaan.
06:41.1
Kumukulong pulang likido ang siyang umaagos sa isang napakatayog nanay.
06:47.0
Sa iba ba, ang lawa ay punong-puno na mga galit na galit at nag-aamok na mga kaluluwa.
06:53.7
Walang hinto na inaatake nila at ginagawa ng hindi maganda ang bawat isa.
07:00.3
Pinagbabalingan ang malapit sa kanila ng kanilang walang katapusan at galit at puot.
07:06.1
Habang sa kailalima naman ng lawa ay ang mga bayolente.
07:10.3
Sila'y walang tigil sa kasisigaw.
07:12.9
Ngunit tanging bula lamang ang lumalabas sa kanilang mga bibig.
07:16.6
Papunta sa ibabaw ng pulang, kumukulo na lawa.
07:21.2
Matapos nilang madaanan ito, natanaw nitong si Dante ang mga nilalang na tila ba binabantayan.
07:28.6
Sa kanya napagtanto na mga bantay pala ay ang mga anghel na itinapon sa lupa.
07:34.5
O sa madaling salita, sila ay ang mga fallen angels.
07:38.5
Kanilang ginagwardyahan ang tarangkahan ng impyerno.
07:41.5
Dito nakakulong ang mga kaluluwa na sadyang ang intensyon ay makapanakil.
07:46.6
At makapagpahamak ng kapwa.
07:48.9
Ang ikaanim na yugto, ang nag-aapoy na sementeryo.
07:53.2
Ang yugtong ito ay para sa mga erehes.
07:56.2
Mga taong walang pakialam sa kahit na sino.
07:59.0
Walang pananalig.
08:00.3
Walang kinilalang Diyos.
08:01.9
At pinasinungalingan ang kanyang aral at kapangyarihan.
08:06.2
Sa yugtong ito ay makikita ang mga bukas na nicho ng mga kaluluwa ng mga erehes.
08:11.5
Ang mga taong umakit pa ng mga kaluluwa upang mailigaw sila.
08:16.7
Mula sa tamang daan.
08:18.5
Ang mga peking propeta, mga nagpanggap na santo at santa.
08:22.9
Sila ay nasusunog ng walang katapusan sa mismong nicho na kanilang kinalalagyan.
08:28.7
Ang ikapitong yugto, ang lambak ng phlegeton.
08:33.1
Nahahati sa tatlo ang ikapitong yugto ng impyerno.
08:36.7
Ang unang yugto ay matatagpuan sa gumuhong parte ng Crete.
08:40.2
Doon matatagpuan ang mga nakakatakot na nilalang na tinatawag na ang minitor.
08:45.8
Isang halimaw na taong toro sa kalaliman na parte ng lambak ay matatagpuan ang mga kaluluwa na namuhay sa paggawa ng karimari-marim sa kanilang kapwa.
08:57.6
Ang mga kriminal na walang awa, sila ay nakalubog sa ilog ng pulang likido.
09:03.3
Sa pangpang naman matatagpuan ang mga tikbalang na siyang walang katapusan na pumapana sa mga kaluluwa ng mga kriminal na nakalubog sa lawa.
09:12.8
Hindi na mahalaga kung saan sila nila.
09:15.8
Mas matindi at bayulente ang kaluluwa. Mas malalim ang pagkakalubog nito sa lawa.
09:24.1
Samantalang kung hindi naman, masyadong matindi ang krimen.
09:28.4
Ang mga sentor o mga taong toro ay ang siyang magagawad sa kanila ng kaparusahan.
09:34.2
Ito ay sa pamamagitan ng walang hanggang pagpunit sa kanilang laman.
09:39.3
Paulit-ulit na ito ay kanilang mararamdaman.
09:41.8
Mararamdaman.
09:42.8
Walang katapusang sakit.
09:44.2
Ang katapat ng kanilang kasalanan.
09:47.3
Mga katinagalog ko, abangan po ninyo ang kasunod na yugto o ang part 2 ng segment natin ng Dante's Inferno.
09:56.3
Mga katinagalog ko, aling parte ng impyernong ito o aling yugto sa parting ito ang talaga namang nakakatakot sa inyong pandinig?
10:03.7
Isulat po ang inyong salo o bin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
10:10.4
Mga katinagalog ko, maraming salamat po.
10:14.2
Sa isa na namang segment natin sa araw na ito.