Close
 


BARYO NG SANTA FE | Aswang True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BARYO NG SANTA FE | Aswang True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #ThelmoHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 39:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga Kwentong Maririnig Nyo
00:30.0
Santa Fe, Tacloban
00:33.7
Mapagpalang araw po mga kagiliw, lalong-lalo na sa iyo Sir Seth.
00:42.2
Ako si Alora. Sa taong nabanggit, nasa edad labing-anim na ako nun.
00:49.2
Tubong sentro ng Tacloban talaga ako.
00:53.1
Ito mga katatakutan na inaakala ng karamihan ng mga likhang isip lang,
00:57.3
gaya na lang ng aswang, maligno at marami pang iba.
01:02.9
Di ba mula nang magkaroon tayo ng kamalayan, bukang bibig ito ng ating mga magulang.
01:09.5
Huwag niyong itanggi dahil, isa ito sa mga ginagamit nila para i-disciplina ang mga anak.
01:15.9
Nakesyo huwag daw gagala ng malayo, may mga wakwak o manonan na nanangay ng mga bata,
01:22.9
tapos ay sinasabit sa kawayanan.
01:24.4
Kesyo may mga nagpapakitang elemento sa isang lugar na nandudukot at dinadala sa kanilang kahariyan,
01:33.5
tapos hindi na makakabalik pa.
01:36.6
Ang maganda dyan, yung tulugar pa talaga kung saan ka namamalagi,
01:42.2
yun ang sinasabi ng mga magulang mo may mga elemento.
01:45.9
At kung nagpaalam ka naman na sa ibang lugar ka pupunta,
01:50.1
e sasabihin namang huwag daw gumala dahil tanghaling tapat.
01:52.7
At oras ito sa paglabas ng mga engkanto.
01:57.4
Basta, lahat ng oras atay may mga nila lang, o diliingon na ito in Bisaya.
02:06.0
Hindi naman maipagkakahila dahil naranasan din ang mga magulang natin ito sa naging magulang nila.
02:12.8
Kumbaga, naging kultura na at matibay na pamahiin.
02:18.8
Pero papano kung sabihin ko sa inyo,
02:21.0
na ang kwentong panakot na ito,
02:25.7
ay totoo pala.
02:28.7
Bueno, malalaman natin yan sa kabuan ng ibabahagi kong istorya.
02:36.6
Dalaga ako nun, at syempre may sarili na akong disisyon.
02:41.8
Medyo may katigasan ang ulo at kung saan sana lamang napapadpad.
02:46.9
Hindi naman sa malanding babae ako, pero
02:49.4
barka disney.
02:51.0
Basta talaga.
02:54.1
Nang lumipat kami sa May Santa Fe,
02:57.2
medyo lumungkot ang buhay ko.
02:59.8
Bukod sa wala pa akong kakilala doon sa lugar ay wala ka namang magandang mapapasyalan.
03:05.5
Puro na lamang kagubatan at malawak na sakahanon.
03:10.8
Ang dahilan kung bakit kami lumipat,
03:13.8
ay dahil sa napagdesisyonan ng tatay ko na bumukod na ng bahay.
03:18.9
Nakikisilong lang kasi kami noon sa bahay ng luna.
03:21.0
Ang lola at lolo.
03:22.9
Tapos nakakahiya naman dahil nga
03:24.6
kinaiinggitan kami noon na mga kapatid ng tatay.
03:29.5
Halos lahat kasi ng luho ay napupunta sa pamilya namin noon.
03:34.7
Aminado ako doon.
03:36.7
Gawa nang ang lolo at lola ay may negosyo ito.
03:40.6
Hindi ko na lamang babanggitin dito kung ano yun
03:43.0
dahil hindi naman patungkol doon ang kwento.
03:47.8
Lupain din ang angka ng pinagtayuan namin ng bahay sa Santa Fe.
03:51.0
Pero bago mangyari yun,
03:54.4
nang hinginang pahintulot ang tatay ko,
03:57.5
gawa nang baka magalit ang mga kapatid ko.
04:01.0
Mabuti naman at nagkasundo kung saan ititirik ang bahay.
04:06.1
Magiging parte ito ng lupain namin balang araw
04:08.6
kapag hinati ang ari-arian.
04:12.5
Yan ay kung wala na sina lola at lolo.
04:15.7
Malawak na sa kanyo na may mga halong kasisibol pa lamang na mga puno ng niyog.
04:21.0
May ilang mga bahay pero ang lalayo ng agwat.
04:26.8
Yung tirahan namin nakakatayo lang.
04:29.6
Isang palapag pero nakaangat ang sahig sa lupa.
04:33.2
Tipikal na bahay na makikita natin sa mga liblib na lugar.
04:37.9
May dalawang silid yun at sapat sa lapad na sala.
04:42.4
Tapos ay nakadugtong naman dito ang beranda na kung saan bubungad doon ang malapad na maisan.
04:49.6
Bale,
04:51.0
apat kami sa bahay.
04:53.6
Kapatid kong lalaki na si Erwin,
04:56.1
si Tatang Pedro at Nanay Aling.
04:59.2
Hindi naman kami nahirapan nung una.
05:02.4
Gawa ng binigyan talaga ang tatay ng pondo para magsimula sa bahay.
05:07.2
Ang lolo at lola ko ang nagbigay nito.
05:10.5
Kung magkakaroon ng problema ay lumapit lamang daw sa kanila.
05:15.0
Sa madaling salita,
05:17.1
may kaya talaga sa buhay ang angka namin pero
05:19.7
ang tatay ko lamang angka.
05:21.0
Nang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
05:24.6
Naging spoil kasi ang tatay dulot ng ito daw ang paboritong anak.
05:28.6
Si tatay lang kasing lalaki.
05:32.3
Mababae ang kapatid ng tatay pero
05:35.0
naging under siya nun.
05:37.7
Magpaganon pa man,
05:39.4
hindi naman abusadong tao itong tatay.
05:42.5
Mapagkumbabae ito at mabait.
05:46.6
Mga dalawang buwan siguro,
05:48.9
parati lamang akong nasa bahay.
05:51.0
Hindi pa ako noon pinag-aaral sa kolehyo.
05:55.0
Sa susunod na taon na lamang daw,
05:58.0
nabuburyong ako dahil kamilang dalawa ng kapatid ko ang nagkikita-kita araw-araw nun.
06:03.5
Yung mga magulang kasi namin lalo na si tatay,
06:06.5
sobrang abalan ito sa bukid.
06:10.0
Sinisimulan niyang gapasin noon ang mga niyog na sa kabilang parte na lupain.
06:15.0
Naroroon kasi ang mga matatandang niyog
06:18.0
at plano niyang magkopra nun.
06:21.0
Bukod pa dyan,
06:23.0
may mga inutusan din siyang maguling.
06:26.0
Yung mga galang puno na tumubo na lamang sa lupain ay pinapauling ng tatay.
06:32.0
Tapos yung kakasibol pa lamang ng niyog na nagsisimula ng mamunga,
06:36.0
pinapatuba niya
06:38.0
para magkaroon ng pagkakakitaan.
06:42.0
Magkakasama sila ni nanay noon.
06:46.0
Dahil sa pagkabagot,
06:48.0
naglakad-lakad ako noon sa may paligid.
06:51.0
Hanggang sa nakarating ako sa malayo.
06:55.0
Maganda naman ang panahon,
06:57.5
maulap,
06:59.0
at hindi gaano mainit.
07:03.0
Basta,
07:04.5
nasa mataas na antas na lupa yung lugar
07:07.5
at tanaw dito ang kabuan ng takloban.
07:11.0
May nakita pa akong mga ilang bahay doon na nakakugli sa mga liblib.
07:16.0
Ang mga tao ay halatang naninibago.
07:19.0
Kung makatitig kasi ay parang naaasiwa noon.
07:23.0
Tapos ay may bigla pang tumakbo na bata pabalik ng bahay.
07:27.5
Wari ba'y natakot ito sa akin nang masilayan ako.
07:33.0
Wala lang ako noon,
07:35.5
hanggang sa may nakasalubong akong isang matanda.
07:39.0
May bitbit itong sugong na,
07:41.5
Wari ba'y galing sa pagtuto ba?
07:44.5
Tumangu lamang ako sa kanya at ngumiti.
07:47.0
Pero bigla na lamang itong huminto at tinitigan ako na maigi.
07:52.5
Day, eh dayo ka ba?
07:55.5
Huwag kang gagala sa ganitong oras ha.
07:58.5
Dapit hapon na.
08:00.5
Po, ah,
08:02.5
anak po ako ni Tatay Pedro,
08:05.0
yung bagong nakatira dyan sa kabilang banda.
08:07.5
Eh bakit naman po?
08:09.5
May masama ba sa ganitong oras?
08:12.5
Dayo nga kayo.
08:14.5
Kinala ko ang Pedro pero noon pa yon.
08:17.5
Siguro'y bata pa siya.
08:20.0
May pamilya na pala.
08:22.0
Basta,
08:24.0
ang mga tao dito sa ganitong oras nasa bahay na.
08:27.5
Umuwi ka na't baka maaktuhan ka pa dito.
08:31.5
Uwi ka noon ng matanda at nagpakilala ito sa pangalang Mang Terio.
08:37.5
Dati daw siyang katiwala sa lupain ng abuelo ko.
08:41.5
Tapos noong hindi na dumadalaw sa lugar ang lolo at lola,
08:45.0
napabayaan na rin nila ang lupain pero,
08:48.0
sila daw ang nagtanim ng mga puno ng niyog doon.
08:52.0
Sa kabila ng mga pulong niya,
08:55.5
nagtanong ako kung ano ba talaga ang kinatatakutan nila sa lugar.
09:00.5
May aswang kasi, Day.
09:03.5
Mabangis na aswang.
09:05.5
Ilan sa mga kahiyupan dito,
09:08.5
napagkadiskitahan na.
09:10.5
May pinagaktangan na residente at mabuti na lamang at nakaligtas pa noon.
09:15.0
Matapos magsalita noong matanda ay umalis na ito.
09:20.0
Sinundan ko naman ng tingin.
09:23.0
Patungo ito doon sa may babaan.
09:26.0
May nakikita akong bubong ng bahay.
09:29.0
At kung hindi ako nagkakamali ay doon siya nakatira.
09:34.0
Ako naman noon, hindi ako natakot.
09:39.0
Siyempre, nakagisnan ko nga na ginagawang panakot ito sa akin ni tatay noong maliit pa ako.
09:45.0
Pero wala namang katotohanan.
09:48.0
Iniisip ko noon na baka tinatakot lamang din ako noong mama.
09:53.0
Dahil doon, hindi pa ako umuwi.
09:58.0
Talagang pinagsawaan ko ang napakagandang tanawin.
10:02.0
Umabot pa ako sa pinakadulo talaga.
10:05.0
Pangpang nito at ang baba, matatanaw doon ang isang sapa at maliit na talon.
10:11.5
Doon muna ako nanatili at hanggang sa nagtakip silim na.
10:17.5
Noon ko palang napiling umuwi.
10:20.5
Medyo madilim na nang bagtasin ko ang daan pabalik at may kalayuan ito.
10:27.5
Siguro, mga isang kilometro ang layo noon.
10:32.5
Hindi naman masukal.
10:34.5
Mababang antas ng damo lang kasi yon na may maliit na daanan ng mga tao.
10:39.0
Tumaypang ilan nilang mga puno na wari ko pa.
10:43.0
Mga madre de cacauyon at tugas.
10:47.0
Nung malapit na ako sa amin, sinipat ko yung bahay kung saan ko nakita yung mga taong parang takot sa akin.
10:56.0
Madilim doon at ang tanging natatanaw ko lang ay ang konting liwanag mula sa gasera.
11:03.0
Ang tahimik na ng lugar, medyo malamig din.
11:07.5
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may napansin akong isang imahe ng tao na nakasandal sa puno ng niyog.
11:17.5
Sa gilid lamang ito ng daan.
11:20.5
Wala lang ako noon sa inaakalang taga roon lamang na pumuslit sa lugar na yon.
11:27.5
Hanggang sa noong nasa tapat na ako, siyempre binati ko ng magandang gabi.
11:34.5
Tumugon naman ito.
11:36.0
Lalaki yon.
11:38.0
At sa tunog ng boses niya ay parang binatapa.
11:42.0
Dumiretsyo ako ng lakad at noong sipatin ko yung tao.
11:47.0
Hindi ko na nakita pa yon.
11:51.0
Huminto ako sandali.
11:54.0
Ginala ko ang paningin ko sa buong lugar.
11:58.0
Aaninag ko pa naman dahil nga kakagabi lamang noon.
12:02.0
Pero wala na siya.
12:03.5
Para bang bula itong bigla na lamang naglaho.
12:08.5
Sa kabila ng pagtataka ay hindi ko na pinagtunan ng pansin yon.
12:14.5
Hanggang sa pagtingin ko sa landas pa uwi.
12:18.5
Nagulat ako dahil nasa harapan na yung tao.
12:22.5
Nakatayo siya ng diretsyo at nakatitig sa akin noon.
12:27.5
Kinabahan ako noon.
12:30.0
Para kasing may hindi na maganda.
12:33.5
Sabi ko naman, bakit siya humaharang pero hindi nagsasalita.
12:39.5
Kaya yon, mabilis akong kumabig at nang makalugar na, tumakbo ako ng mabilis.
12:47.5
Hindi na magkawarit kung saan saang direksyon na lamang ako noon.
12:52.5
Hanggang sa ilang saglit lang.
12:55.5
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang may humarang ulit na tao noon.
13:02.0
Pero sa mga sandaling yon, hindi na nakatayo.
13:09.0
Nakadapa na ito na parabang isang palaka.
13:15.0
Sumigaw na ako noon at habang nangyayari yon, umiiwas ako sa kanya pero hinaharangan talaga ako.
13:25.0
Napaka pangit niya.
13:27.5
Ilang saglit lang ay narinig ko na ang tatay na wariba'y paparating.
13:32.0
Ilang distansya na lamang kasi bahay na namin noon.
13:36.0
Saka palang naglaho ang humaharang na yon.
13:41.0
Kagad akong tumakbo at nang makita ko na ang tatay ay umakap ako sa kanya at tumiyak.
13:47.0
Nagtanong naman si Tatay Pedro kung anong nangyari.
13:51.0
May tao po, hinarangan na lang ako.
13:55.0
Basta, ang bilis niya po utay.
13:58.0
Kahit anong gawin ko naroon siya lagi.
14:02.0
Walang hiya, buhay pa ba yung alamat ng aswang dito?
14:07.0
Sige na, dalit mauna ka na.
14:10.0
Mungkahi ng tatay.
14:13.0
Hindi na ako nagsalita noon pa.
14:16.0
Umuwi ako at nagpaiwan si tatay sa lugar.
14:20.0
Pagkabungad ko sa bahay, naroon ang kapatid kong bunso na si Erwin at si Nanay Aling.
14:28.0
Nasa biranda sila noon.
14:30.5
Ang sabi pa ng nanay, kung ano ba ang nangyayari sakin at bakit ako nagsisisigaw.
14:37.5
Pinaliwanag ko din ang kaparehang salaysay na sinabi ko sa aking ama.
14:42.5
Hindi nagsalita ang nanay noon.
14:45.5
Matapos lang marinig ang mga sinabi ko ay kita sa mukha nito ang pagkatakot.
14:50.5
Samantalang ang kapatid ko naman ay mabilis na kumuha ng tubig para ipainom sakin.
14:56.5
Ikaw kasi, may nunalaga sa paa.
15:00.0
Sobrang likot mo at galang tao.
15:03.0
Yentuloy binagat ka.
15:05.0
May aswang daw dito ate.
15:07.5
Narinig ko yun sa inutusan ng tatay na magtuba sa mga niyog.
15:12.0
Natakot ako kasi mga dayo daw kadalasan yung puntiri eh.
15:17.0
Eh baguhan pa naman tayo dito diba?
15:20.0
Wala akong nasabi.
15:22.5
Basta't pumasok ako sa silid at doon nagmukmuk.
15:26.0
Matapos sabihin ng kapatid ko sakin yun.
15:29.0
Sobrang takot ko talaga noon.
15:32.0
Lalo na nang masilayan ko ang mukha ng nilalang.
15:36.0
Para bang nigrito na balbasin.
15:40.0
Ilang araw ang nakalipas ay hindi na ako gumala pa.
15:44.0
Maging ang kapatid ko hanggang sa bulwagan lamang ng bahay.
15:49.0
Kaya palang tahimik ng lugar.
15:52.0
Na halos wala kang makitang tao na naglalakad.
15:55.0
At kung meron man ay may kasama ito at hindi pa isa-isa.
15:59.0
Lalo na kapag bata.
16:02.0
Hanggang sa napabisita na lamang bigla itong si Mang Terio.
16:07.5
Kinamusta ako?
16:09.5
Nakarating kasi sa kanya ang pangbabagat sakin.
16:12.5
Dahil na rin ito kay tatay na sinuyod ang lugar at nagtanong-tanong kung may nakakakilala ba sa aswang na nangbabagat na iyon.
16:21.0
Ang sabi ko naman kay Mang Terio.
16:23.5
Ayos lang.
16:25.5
Mabuti at tumating kaagad ang tatay.
16:27.5
Siguro kung hindi lang nangyari iyon.
16:31.0
Patay na ako.
16:33.5
Sabi ko naman sa iyo huwag kang gagala sa ganong oras.
16:37.5
Ayos lamang sa umaga basta pagdating ng hapon na ba eh.
16:41.0
Nasa bahay ka na lang.
16:43.5
Mahirap mag-isa dito dah eh.
16:46.0
Tiyak mapagkakadiskitahan talaga ng aswang.
16:49.5
Huwi ka ni Mang Terio nun.
16:52.5
Dagdag pa niya.
16:54.5
Sinubukan na umanong tugisin ang aswang.
16:57.5
Pagkatapos noong may nangyari ding pagbabagat.
17:01.5
Inisa-isa nila ang bahay sa lugar.
17:05.0
Nakatitiha kasi ang mga residente na isa lang ito sa mga kapitbahay.
17:10.0
Sobrang ilap at talino.
17:13.0
Napakagaling umanong magtago.
17:16.5
Noon umano, sinubukan pa nilang lagyan ng pain.
17:21.0
Kaso hindi naman kumagat.
17:24.0
Kaya iyon.
17:25.0
Hinala nila ay kakilala lamang talaga.
17:28.5
Dahil kung hindi pa, kakagat yan sa pain eh.
17:33.0
Biro mo, buntis umano yung nilagay sa may liblib pero walang samipot na aswang.
17:40.0
Isa lang ang ibig sabihin nun.
17:43.0
Kapitbahay lang iyon.
17:46.0
Hindi naman nagtagal si Mang Terio.
17:49.0
Umuwi ka agad dahil pupuslit pa ito sa mga pinagtutubuhang niyog.
17:55.0
Maraming araw pa ang lumipas.
17:58.0
Hanggang sa nabalik na ang klase.
18:01.0
Yung kapatid ko lang naman ang papasok noon.
18:04.0
Second year high school siya.
18:06.0
Atidsundo siya ng tatay ko.
18:08.5
Naging abala pa dahil kumakain talaga ng oras iyon.
18:12.0
Ang layo ng eskwela na't wala pang masasakyan.
18:15.5
Siyempre, ano namang sasakyan doon e bukid iyon.
18:18.5
Maliban na lamang sa baka o hindi naman kabayo.
18:22.0
Hanggang sa naglaon, si Erwin na lamang mag-isa ang patungo at pauwi.
18:29.0
Wala naman kasing nambabagat lalo't hindi inaabot ng dilimang kapatid ko.
18:34.0
Pero ayon, parang lampang tuta ang kapatid ko.
18:38.0
Tumatakbo kasi ito pauwi.
18:41.0
Ito na rin ay para hindi naabuti ng gabi.
18:46.0
Nakapagtataka.
18:48.5
Eh, iyon talagang lugar lang namin ang may gumagalang aswang.
18:52.5
Sa iba naman, walang napapabalita.
18:55.5
Ito na rin ay batay sa salaysay ng kapatid ko.
18:59.5
Sikat umano ang lugar namin at pinamumugaran ito ng aswang.
19:04.5
Si Mangterio, nalaman kong may anak pala itong wala sa saktong pag-iisip noon.
19:11.5
Paano ba naman kasi ay nakita ko itong kasama ng matanda?
19:15.5
Halata sa kinikilos na baliw.
19:18.5
Pero hindi naman yung tipong pasaway.
19:21.5
Nakatulala lamang siya lagi.
19:24.5
Naawa nga ako dahil alam kong mabigat iyon para kay Mangterio.
19:28.5
Lumisan kasi ang kanyang asawa na ito sana ang tagabantay.
19:33.5
Hindi naman pinaalam kong anong dahilan kung kaya kung nasaan man si Mangterio ay nakasunod lamang ang anak niya.
19:41.5
Lalaki ito, na sa pagkakatansya ko ay mga 30 ng edad noon.
19:47.0
May ikapatid daw iyon pero bumukod na dahil may sariling pamilya.
19:53.0
Kapag umaga ay napapadaan sa bahay.
19:56.0
Pumupuslit pa nga sandali at nakikipagkwentuhan sa tatay ko si Mangterio.
20:01.0
Yung anak niya naman ay itago na lamang natin sa pangalang Dudong.
20:06.0
Junior ito ni Mangterio kaya Dudong ang tawag dito.
20:11.0
Malakas makatitig si Dudong.
20:14.0
Parabang galit ito.
20:15.5
Tapos ay makikita sa mga mata na parang hindi baliw.
20:20.5
Sa kinikilos lamang ang baliw sa kanya.
20:23.5
Hindi nagsasalita iyon.
20:26.5
Hindi naman marumi.
20:28.5
Katunayan ay araw-araw pa nga itong iba-iba ang suot at talagang naliligo noon.
20:34.5
Hanggang sa isang araw, paglabas ko noon sa bahay, nakita ko si Dudong na nasa silong banda ito.
20:43.0
Nakaupo sa tumpok na kahoy.
20:47.0
Hindi ko naman sinita.
20:49.0
Hinayaan ko lang.
20:51.0
Yung kapatid ko ay kinausap siya noon pero sa akin nakatingin si Dudong.
20:56.0
Hanggang sa ilang saglit lang, biglang nagsalita itong si Dudong.
21:03.0
Nanlaki ang mga mata ko mga kagiliw.
21:07.0
Paano ba naman kasi?
21:09.5
Alora! Alora!
21:13.5
Mag-iingat ka! Mag-iingat ka!
21:17.5
Uwi ka ni Dudong noon.
21:20.5
Yung pagkakasabi pa niya nito, yung tipong ayos, hindi mo aakala ay may sakit sa isip.
21:29.5
Hanggang sa mga segundo siguro ang namagitan, tumakbo ito ng mabilis paalis sa amin.
21:38.0
Nagkatitigan kami ng kapatid ko noon.
21:43.0
Alata kay Erwin ang pagtataka.
21:46.0
Ang sabi ng kapatid ko.
21:49.0
Para daw hindi baliw yung tao kung magsalita.
21:53.0
Akala niyang ay hindi sasabat noon.
21:57.0
Ako naman noon, bagamat may agam-agam pero inisip ko na lamang na baka likha-likha lamang yan ni Dudong.
22:05.5
Lumipas na maraming araw, si Erwin noon ay nagkaroon ng sakit.
22:12.5
Dengge ito kaya napaliban ito sa eskwela.
22:16.5
Sinugod ito sa ospital sa sentro ng Tacloban.
22:20.5
Ako ang nagbabantay sa kanya noon.
22:23.5
Pero pumapalit din ang nanay ko.
22:27.5
Sa ikaapat na araw ata yun, dumating ang nanay.
22:32.0
Siya daw ang magbabantay para na rin makapagpahinga ako.
22:36.0
Hanggang bukas makalawa siya doon dahil lalabas na rin naman ang kapatid ko noon.
22:42.0
Pinauwi ako ng nanay. Pumayag naman ako. Kalimutan kong gagabihin pala akong sa pauwi.
22:51.0
Apon na kasi yun. Kailangan ko pang bumiyahi tapos maglalakad pa patungo sa mismong lugar namin.
22:59.0
Doon ko nalang naalala
23:01.5
Maggagabi na pala sa amin noong dumating na ako.
23:05.5
Sa may Santa Fe.
23:08.5
Alam mo Sir Seth, gusto kong bumalik noon sa Tacloban.
23:12.5
Ang problema, wala nang masasakyan.
23:16.5
Siguro ay nasa alas 6 na yun ng gabi.
23:20.5
Nagantay ako ng tao at baka may makasabayin ako pauwi.
23:24.5
Kaso inabot na lamang ako doon ng alas 8. Wala naman.
23:29.0
Wala akong nagawa noon kung hindi ang suungin ng lugar at labanan ng takot.
23:35.0
Yung tsinelas ko pa ay nakasuksok na noon sa siko ko.
23:40.0
Yung tipong anumang mangyari, talagang tatakbo kong nang mabilis hanggat kaya ko.
23:46.0
Bawat paghakbang ko noon ay siya namang mas lalong nagpapalala ng tensyon.
23:52.0
Basta noon malapit na ako sa amin. Gumaan na ang pakiramdam ko.
23:57.5
Mabilis akong tumakbo at sa kabutihang palad ay nakarating naman ako sa bahay.
24:04.5
Hingal na hingal pa ako noon.
24:08.5
Tumingin-tingin ako kung nasa bahay na si tatay. Wala pala.
24:15.5
Hindi ko alam kung nasaan siya kaya inisip ko noon na baka may pinuntahan lang.
24:20.5
Kaya naman minabuti kong isara ang pintuan at bintana.
24:24.5
Sinindihan ko ang dalawang gasera.
24:27.5
Isa sa sala at isa naman sa silid noon.
24:31.5
Bagamat nakarating na ako sa bahay pero naroon pa rin ang pangangamba.
24:36.5
Paano ba naman kasi? Ako lang mag-isa doon.
24:41.5
At unang desis yun nangyari.
24:44.5
Hindi na nga ako naghapuna noon kahit may nakahanda pang pagkain.
24:49.5
Paksiw na isda yun na tinabi ng nanay sa aparador doon sa may kusina.
24:54.5
Kasama na ang kanin na nasa plato.
24:57.5
Mga alas 10 ng gabi, nakarinig ako ng mahinang sitsit.
25:05.5
Yan bang parang may tao sa labas noon?
25:09.5
Sinubukan kong silipin sa bintana doon sa may silid.
25:14.5
Nang wala akong makita ay lumipat naman ako sa sala para doon naman sa buluwagan ng bahay.
25:21.5
Yung bintana kasi ng silid ay nakaharap yun sa may likuran.
25:26.0
Hanggang sa may nasilayan akong nakatayong tao doon malapit sa may daanan.
25:33.0
Kala ko pa nga si tatay yun.
25:36.0
Nilakihan ko ang pagbukas ng bintana.
25:39.0
Inilawan ko ng gasera.
25:43.0
Biglang naglaho yun.
25:46.0
Doon ay kinabahan na ako.
25:49.0
Kagad kong naalala ang nangyari sakin.
25:52.0
Baka aswang yun na umaaligid sa bahay
25:54.5
dahil nga mag-isa lamang ako doon.
25:57.5
Isinara ko ang bintana at muling pumasok sa silid.
26:02.5
Hindi na ako mapanatag noon.
26:05.5
Aminado akong ako na ang punteriyan ng nilalang.
26:10.5
Ilang sandali lang may kung anong kumakalos ko sa silong.
26:16.5
Kasabay naman noon ang tunog baboy na parang humihilik.
26:20.5
Tapos kumakalampag ang mga kahoy sa ilalim.
26:24.5
Dito, kahit natatakot na ako,
26:29.5
tinili ko paring silipin yun.
26:32.5
At doon mga kagiliw,
26:35.5
kitang kita ko na nakatingala ang isang napakapangit na nilalang.
26:41.5
Ito na yung aswang na bumagat sakin.
26:44.5
At sa puntong yun ay mas naging malinaw sakin ang mukha niya.
26:49.5
Natatamaan kasi ito ng liwanag mula sa may sala.
26:54.5
May siwang doon.
26:56.5
Napakaitim na mga mata niya.
26:59.5
Kasing itim ng dilima.
27:02.5
Yung balat, kulubot ito ng may pagkaitim din.
27:07.5
Habang yung mukha naman ay parang nakasimangot na aso.
27:11.5
Basta, nakakakilabot talaga.
27:16.5
Hindi na ako noon gumalaw.
27:19.5
Nasa ibang direksyon siya nakatingin pero bahagi pa rin yun ang silong namin.
27:24.5
Umiiyak na ako.
27:28.5
Lalo na ng kaskasin ng nilalang na yun ang sahig.
27:32.5
Wari ba'y gustong baklasin ang mga tabla?
27:36.5
Sa tinde ng takot ko noon ay napasigaw ako ng tulong.
27:41.5
Tumakbo ako sa sala.
27:43.5
At doon ay muli kong sinara ang bintana at sumisigaw.
27:48.5
Pero parang walang nakakarinig noon.
27:52.0
Habang nangyayari naman ang pagsisisigaw ko,
27:56.0
mas lumala naman yung pagkakaskas.
28:00.0
Tapos ay nakarating na ito sa bandang beranda.
28:04.0
Narinig kong tila umakyat pa ito ng bahay.
28:08.0
Tapos umalog yung pintuan noon.
28:11.0
Wala na.
28:13.0
Nagtatatalo na talaga ako.
28:16.0
Panaitawag ko sa pangalan ng aking ama pero wala talaga.
28:20.5
Nagtungo ako sa kusina.
28:23.5
Yung pagkatakot ko ay napalitan na ng pagkadesperado.
28:28.5
Kumuha ako ng itak.
28:31.5
Mabilis na tumakbo pa tungo sa beranda.
28:35.5
Binuksan ko ang pinto mga kagiliw.
28:39.5
Pero ang nakita ko sa pintuan,
28:42.5
sa mismong harapan ko,
28:45.5
si Dudong.
28:47.5
Tila ba nagulat ito?
28:50.0
Tapos ay mabilis na bumaba.
28:53.0
Hindi kaya si Dudong ang aswang?
28:56.0
Tanong ko sa sarili ko noon.
28:59.0
Naglaho siya sa may maisan.
29:02.0
Panayhamon ako sa kanya at bitaw ng mabibigat na salita.
29:07.0
Pero ilang saglit lamang noon,
29:10.0
may sumilip sa gilid ng hagdan.
29:13.0
Ito yung nila lang na nakita ko sa may silong.
29:17.5
Halong takot at pagtataka ang nararamdaman ko.
29:21.5
Naguguluhan ako.
29:24.5
Nakita ko kasi si Dudong na tumatakbo pero bakit may lumitaw na aswang?
29:30.5
Ibig bang sabihin nun,
29:32.5
hindi lang nag-iisang aswang sa lugar.
29:36.5
Maliban kay Dudong,
29:38.5
may kasama pa ito.
29:41.5
Magpaganon pa man,
29:44.0
kahit sumilip pa yun ay hindi ako umatras.
29:47.5
Pinagtataga ako yung kahoy,
29:50.5
tapos taboy ako ng taboy sa nila lang na yun.
29:54.5
Pero hindi umalis yun.
29:57.5
Salip ay parang nagalit pa.
30:00.5
Inamban ako ng pagsunggab.
30:03.5
Napakalakas niya.
30:05.5
Alog na alog ang bahay namin.
30:08.5
Kahit pa man naging disperado na ako pero umatras pa rin ako noon.
30:15.0
Hanggang sa bigla na lamang lumitaw itong si Dudong.
30:20.0
Sobrang bilis ng pangyayari, Sir Seth.
30:24.0
Lumapit si Dudong doon sa nila lang at sa maniwala man kayo o sa hindi.
30:30.0
Sinapak iyon ni Dudong.
30:33.0
Yung sapak na tirang bahala ba?
30:36.5
Tinamahan yung aswang.
30:39.0
Pero hindi man lamang ito nasaktan ng nayanignon.
30:42.5
Sinakal niya si Dudong.
30:45.5
Ako noon mga kagiliw ay parang mababaliw na.
30:49.5
Bukod sa natatakot ay nagugulo na ako sa sitwasyon.
30:53.5
Lahat ng hinala ko ay tumaliwas partikular na sa pananaw ko kay Dudong.
31:00.5
Para kasing nililigtas niya ako.
31:04.5
Nakawala naman si Dudong hanggang sa nagsalita siya mga kagiliw.
31:09.5
Ang sabi, lubayan daw ang babae.
31:12.5
Ganun na lamang ang pagkagulat ko nang sangbitin ni Dudong ang nila lang sa tawag na Kuya Ambo.
31:24.5
Pagkatapos na pagkatapos natawagin siya ni Dudong, tila ba nalito na yung nila lang?
31:31.5
Naggulat sa biglang pagsalita ni Dudong at walang ano-ano'y bigla na lamang itong umalis.
31:39.5
Para bang natakot kay Dudong?
31:41.0
Si Dudong noon ay naroon pa sa baba ng bahay.
31:47.0
Nakatingin ito sa akin at kita sa mukha ang pag-aalala.
31:52.0
Sabi ko naman sayo Aloray, mag-iingat ka!
31:56.0
Wika nito. Sabay laro sa daliri niya na parang bata nun.
32:02.0
Ano? Hindi kita maintindihan Dudong? Kilala mo yung aswang?
32:09.0
Tanong ko.
32:11.0
Hindi kumibuho si Dudong. May napansin naman akong paparating.
32:17.0
Akala ko si Tatay na. Pero nang tamaan ito ng liwanag, walang iba kundi si Mangterio.
32:25.0
Tinatawag nito si Dudong at pinapauwi ng bahay.
32:29.0
Umalis naman si Dudong. Si Mangterio noon ay hindi ako pinansin. Tumalikod ito at sumunod kay Dudong.
32:38.5
Dahil sa pagkabagabag ay tinawag ko si Mangterio at…
32:42.5
Mangterio! Sandali lang po Mangterio. Inaswang po ako dito. Niligtas ako ni Dudong. Kilala niya po yung aswang.
32:54.5
Huminto ang matanda. Humarap ito sa akin. Makikitang parang natatakot at malalim ang iniisip noon.
33:05.0
Hanggang sa lumapit siya, umupo sa agdan.
33:10.0
Doon, Sir Seth, may sinabi si Mangterio.
33:16.0
Ayon dito, kaya umano na baliw si Dudong dahil kay Ambo at sa kanyang asawa.
33:25.0
Panganay na anak ni Mangterio si Ambo at hindi nito makontrol ang pagiging aswang na namanan nito sa kanyang ina.
33:35.0
Dalawa umano ang aswang sa lugar. Ang asawa ni Mangterio at ang panganay na anak nito na may asawa na at bumukod ng bahay.
33:47.0
Pero doon umano sa lugar namin na nanalasa kapag sinusumpong sa pagiging aswang.
33:54.0
Walang hiya. Kaya pala hindi matugis-tugis ang nilalang. Dahil kapamilya lamang din naman pala ni Mangterio iyon.
34:03.5
Nagpatuloy ito sa pagsasalaysay. Alam ng karamihan sa lugar ang sitwasyon ng kanilang pamilya.
34:12.5
Sa totoo niyan, siya ang nag-abiso sa mga tao na huwag gagala sa takip silim.
34:18.5
Inamin niya din na ang aswang ay ang kanyang asawa at isang anak. Nagkaroon sila ng alitan ng kanyang asawa noon.
34:28.5
Sinabihan niya kasi itong sitahin si Ambo na huwag manggambala.
34:32.0
Lalo na sakat itira pa lamang sa lugar na residente. At kami iyon. Pero hindi daw iyon naging madali.
34:41.0
Dahil nga si Ambo ay kakayanggaw pa lamang. Ilang taon pa lang iyon at hindi pa alam ang ginagawa kapag sinusumpong.
34:50.0
Tapos sinabihan niya ang asawa na kapag may nangyari daw sa amin, papatay niya mismo ang asawa niya, maging ang panganay niyang anak.
35:00.5
Kaya ayon, umalis sumano ang kanyang asawa noon.
35:06.5
Sa atin lang to day ha. Ako na bahala sa anak kong panganay. Kung papatayin ko siya ay para lang sa ikabubuti. Gagawin ko iyon. Pero sana huwag nang umabot doon.
35:20.5
Matapos makapagsalita ni Mang Terio, umalis na ito. Ako naman noon ay hindi nakapagsalita.
35:29.0
Natulala ako. Siyempre, sino ba namang hindi? Eh, revelasyon iyon na siyang malaking twist ng lahat eh.
35:39.0
Ilang saglit lang, dumating ang tatay ko. Aba, sinundo pala ako nito doon sa babaan. Napakatagal niyang nagantay kaya bumalik na lamang siya noon.
35:53.0
Sa kabilang daan siya dumaan kaya sinabi kong hindi talaga kami makikita kung gano'n.
35:59.0
Pero matapos noong isiniwalat ko kay tatay ang nangyari. Galit na galit si tatay. Ani mo'y gusto pang suguri noon ang bahay nila Mang Terio?
36:11.0
Pero pinigilan ko ito. Mabuti na lamang at nadala sa pakiusap. Pero noong sumunod na araw, pinuntahan pa rin niya. Sumama ako noon.
36:24.5
Nang makarating kami sa bahay ni Mang Terio, bumungad ka agad sa amin si Dudong na nasa buluwagin ng bahay at nakayakap sa lupa.
36:34.5
Tapos ay naririnig namin na tila may pinapapagalitan si Mang Terio sa loob noon.
36:40.5
Pagsilip naman namin sa bintana, nakita ko ang isang lalaki na matipuno at nakayoko. Kung hindi ako nagkakamali noon, ito na si Ambo.
36:54.5
Kasi naman kami ni Mang Terio ay kagad itong humingi ng dispensa.
36:58.5
Yung anak niya o Mano ay pinagsasabihan niya. Umiiyak iyon at sinabing hindi niya talaga magawang makontrol ang sarili.
37:07.5
Mantakin niyo, ganoon pala ang aswang. Hindi niya lamang ginagawa.
37:14.5
Si tatay noon ay kumalma na lamang bigla at parabang naiintindihan ang sitwasyon.
37:21.5
Nag-usap sila at sinabi ni Ambo na lalayo na lamang sila.
37:24.5
Hindi naman pinigilan ni Mang Terio dahil iyon ang mas ikabubuti.
37:30.5
Ilang sandali lang, umalis na si Ambo. Patuloy sa paghingi ng dispensa si Mang Terio.
37:39.5
Kahit kailan umano, hindi niya napababalikin pa ang kanyang asawa sa lugar kasama ng kanyang anak na panganay.
37:50.5
Siyempre nagtiwala kami doon.
37:55.0
Ito yung pinupukol kong punto.
37:58.5
Totoo talagang umiira lang nila lang pero labag ito sa kanilang kalaoban.
38:04.5
Ganoon pala talaga kabangis ang mga nila lang na iyan.
38:09.5
Sa kabutiang palad, ilang araw, linggo at buwan at taon, wala nang pagagambala pa sa lugar namin.
38:20.0
Yung mga tao ay naging kampante na. Pero naroon pa rin ang takot.
38:26.0
Kahit pa pa rin nag-iwan pa rin ng phobia ang pananalasa ng aswang.
38:32.0
Namatay na lamang noon si Mang Terio. Pero wala nang gumagampala pa.
38:38.0
Si Dudong ay ipinagamot ni Tatay. Pero hindi naggumaling iyon.
38:44.0
Nagpagalagala na lamang iyon na parabang taong grasa.
38:47.5
Naaahawa man kami pero wala kaming magagawa.
38:51.5
Magiging pabigat lang kasi iyon sa buhay namin.
38:55.5
Sapat na yung pagpapagamot pero yung pag-aarogan ako hindi daw pwede iyon.
39:01.5
Malay daw ba namin baka pumatay na lamang iyon bigla.
39:05.5
Kahit hindi pa nahahawaan ng pagiging aswang.
39:17.5
Pag-aarogan ako ng pag-aarogan ako hindi daw pwede iyon.
39:22.5
Pag-aarogan ako ng pag-aarogan ako hindi daw pwede iyon.